webnovel

The Hermit

Redakteur: LiberReverieGroup

Malaki-laki na ang nakuha ni Marvin sa pagpapunta niyang ito sa Rotten Mushroom Swamp, kaya naman hindi nasayan ang pakikipaglaban niya sa Snake Witch.

Noong lumabas na si Marvin sa bahay at umalis na sa swamp, sumasakit pa rin ang katawan niya. Napabuntong-hininga na lang si Marvin sa tindi ng kagustuhang maghiganti ng Snake Witch pati na ang lakas ng God Restraining Seal.

Pero kahit na hindi na tiningnan ni Marvin ang lahat ng libro sa aklatan, napansin pa rin niya ang ilang libro sa aklatan ng Snake Witch na tungkol sa mga God Restraining Seal.

Mahalaga ang mga bagay na ito, at kahit na walang tao sa White River Valley na akma sa paggamit nito, nakakaramdam pa rin si Marvin na kalaunan ay babalik rin ang taong *iyon*

Nakakaramdam si Marvin na kapag nakabalik na si Wayne mula sa Wilds, bilang isang makapangyarihan Seer, magagawa na nitong gumawa ng mga bagay sa larangan ng Magic na hindi kailan man kinaya o naisip ng mga nauna sa kanya.

Naihanda na ni Marvin ang lahat para sa kay Wayne sa White River Valley. Hinihintay na lang niya ang pagbabalik nito.

At lumalakas na ang kanyang kutob na malapit na itong mangyari.

Sa oras na muli silang magkita ng kanyang kapatid, magiging mas magaan pa ang pinapasan na responsibilidad ni Marvin.

Si Madeline at ang isang pang Legend Wizard ay mga alipin lang ng Book of Nalu, kaya naman hindi niya maipagkakatiwala sa mga ito ang mga mahahalagang bagay.

Habang iniisip ito, hinsi mapigilang mapabuntong hininga ni Marvin. Nakakatakot ang kapangyarihan ng Book of Nalu, kaya nitong kunin ang pag-iisip ng isang Legend powerhouse. Kung hindi hawak ni Marvin ang Wisdom Chapter, baka hindi na siya naglakas na gamitin ang Book of Nalu.

Nagawa n ani Marvin ang layunin niya sa pagpunta sa bahaging ito ng Underdark.

Ang Sodom's Blades ay nasa kamay na niya at nahanap na niya ang mga Ghost Barrier scroll, kaya kahit hindi na nila magawang patayin ang Final Ghost Mother, magagawa na nilang ligtas na makatakas.

Ang isang Boss na gaya ng Final Ghost Mother ay pambihira. Mahihirapan silang dispatyahin ito lalo pa sa kasalukuyang kalagayan ng mga pwersa ng Underdark.

Kahit na tinutulungan na nina Marvin at Jessica ang mga mamamayan ng Underdark, mahihirpan pa rin silang gawin ito. Pero kailangan itong subukan ni Marvin, dahil ang paglusob ng mga Dark Specter ay hindi lang nakakaapekto sa Underdark, nakakaapekto rin ito sa Rocky Mountain at pati na sa buong Feinan. Kung hahayaan lang nila ang mga Dark Specters, magiging mas malaking banta pa ang mga ito kesa sa mga Evil Spirit!

Mayroon pang isa pang destinasyon si Marvin sa paglalakbay niyang ito sa pinakatimog na bahagi ng Underdark.

Hindi kalayuan sa Courtyar ay isang tahimik na ravine.

Sa loob ng ravine ay mayroong isang makapangyarihang ermitanyo na bibihirang makita ng sino man.

Pero alam ni Marvin kung saan ito nagmula.

Mayroon itong hawak na Oddity na tinatawag na [Demon Subduing Sword]. Ang pangalan na ito ay direktang isinalin mula sa lenggwageng Ancient Common, kaya ibigi-sabihin, napakatanda na ng kasaysayan nag sandata na ito.

Sa katunayan, mayroong malapit na koneksyon ang ermitanyong ito sa mga Dark Specters.

Nagpunta ang mga ito sa Feinan mula sa magkaparehong mundo.

Ang mga Dark Specter ay tila isang lupon ng mga balang na naglilibot sa Universe. Matapos makahanap ng isang hindi pa nila nagagalaw na plane, sisimulan na nila itong pasukin at sisimulang walang pakundangan na hahawaan ang kalupaa, lulusubin nito ito, at wawasakin, hanggang sa lamunin na nila nang buo ang plane na ito.

At ang naunang plane na nilamon ng mga ito ay ang mundo ng ermitanyo

Nabaon na sa limot ang pangalan ng plane na iyon, pero bilang nag-iisang powerhouse na buhay mula sa mundong iyon, pinangunahan niya ang kanyang mga kapwa para labanan nang paulit-utli ang mga Dark Specter.

Kabisadong-kabisado na niya ang lahat ng tungko sa mga Dark Specte, isa pa, sinasabi na mano-mano niyang nalabanan dati an Final Ghost Mother.

Matapos ang pagbagsak ng mundong pinanggalingan ng ermitanyo, ang Feinan naman ang pinunterya ng mga Dark Specter.

Pero mayroon silang nakaharap na problema nang sinubukan nilang sakupin ang Feinan. Ang Night Monarch, na nasa kanyang pinakamalakas na estado noong mga panahon na iyon, ay pinangunahan ang pagselyo sa Final Ghost Mother. Sinasabi kasabay na dumating ng mga Dark Specter ang ermitanyong iyon sa mundong ito noon. Pinayuhan at tinulungan nito ang Night Monarch.

At sa huli laban nila para maiselyo ang mga ito, inatake niya ang Final Ghost Mother gamit ang Demon Subduing Sword at nakapagdulot ng malubhang pinsala dito. Dahil dito, nagkaroon ang pagkakataon ang Night Monarch at ang iba pang talentadong mga tao para iselyo ito.

Kaya naman, matapos ang ilang paglalaro ng [Eternal Frozen Spring] instance, mayroong manlalarong nakaisip na posibleng ang ermitanyo ang susi para matapos ito.

Nakuha nila ang tulong ng ermitanyo dahil sa ilang impormasyon at sa wakas ay nalutas nila ang misteryo ng Eternal Frozen Spring instance at napatay nila ang Final Ghost Mother.

Pero nagawa lang ito ng gupo na mayroong 25 na Legend Powerhouse, kasama ng espesyal na Demon Subduing Sword.

Ito rin ang dahilan kung bakit hindi naniniwala si Marvin na kakayanin ng grupo ng mga Legend ng Rosen Strongholds na patayin ang Final Ghost Mother.

Sa kanyang pananaw, kahit na ang mga Legend ng Underdark ay bahagyang mas malalakas kesa sa mga nasa ibabaw ng lupa, malayong-malayo ang mga ito sa mga manlalaro ng laro.

Gayunpaman, kailangan niya pa rin subukan.

Matapos makadaan sa madilim na lagusan, nakarating na si Marvin sa tahimik na ravine.

Ilang kilometro lang ang layo nito sa katabi nitong Courtyard Area. Isang beses na pinasok ng Snake Witch ang lugar na ito at magmula noon ay wala nang nakapasok pa muli dito.

Sandaling tumayo si Marvin sa daan papasok ng ravine, bahagya siyang nagdadalawang-isip, pero kalaunan ay dumeretso na siya papasok.

Hindi pa siya nakakarinig ng kakaibang balita tungkol sa ermitanyo. Kahit na ayaw nitong nakakakita ng iba, hindi naman siguro problema ang pagpunta sa kanya, hindi ba?

Pero pag-apak na pag-apak ni Marvin sa loob, isang malaking palaka ang biglang lumitaw sa kanyang harapan at sinabi gamit ang Common, "Tumigil ka."

Ngumiti si Marvin, "Naparito ako para hanapin si Mister Hermit."

Tiningnan siyang Mabuti nito na parang isa itong tao. "Hindi siya tumatanggap ng bisita."

"May kailangan akong hiramin," paliwanag ni Marvin, hindi niya pinansin ang malamig na pagtanggap sa kanya habang palihim na tinitingnan ang loob ng ravine.

Sa kasamaang palad, mayroong kakaiba sa ravine. Walang hamog ditto, pero maraming maliliit na butil ng isang bagay na parang gawa sa lupa na lumulutang sa hangin. Kaya naman hindi niya gaanong makita ang ravine.

"Hindi ka niya kilala," mariing sabi ng palaka. "Pribadong lugar ito. Wag mo nang subukang sumulip sa loob at hindi maganda ang kalalabasan nito para sayo."

"Hindi ako naghahanap ng gulo," seryosong sabi ni Marvin. "Kung hindi ako nagkakamali, lagging binabantayan ni Mister Hermit ang kalagayan ng Eternal Frozen Spring. Sa ngayon ba? Ano ang nakikita niya?"

Agad na natahimik ang palaka.

Matapos ang ilang sandalai, isang tila pagod na boses ang nagmula sa loob ng ravine:

"Pagkawasak ang nakita ko."

Sa kaibuturan ng ravine, sa tabi ng isang simpleng bahay na gawa sa kahoy, ang maalamat na emitanyong laging nakatago ay nasa harapan na ni Marvin.

Nakaramdam siya ng kaunting pagkagulat.

Pero kalaunan, naunawaan na niya kung bakit pumayag ang ermitanyo na kausapin siya.

Hindi nito hinarap ang mga manlalaro, dahil para sa ermitanyo, mga pangkaraniwang nilalang lang ang mga ito.

Pero naiiba si Marvin.

"Parang ikaw, ako, hindi galing sa mundong ito," mapagmasid na sabi ng ermitanyo.

Natigilan si Marvin.

Hindi niya alam paano nalaman ng ermitanyong ito, na nakasaklay, kung sino siya, pero naisip niya na marahil dahil din ito sa hindi nagmula sa Feinan ang matandang ito.

"Hindi na mahalaga iyon," seryosong sabi ni Marvin. "Mister Hermit, matindi na ang sitwasyon sa Eternal Frozen Spring…"

"Oo, dahil pinili ng mga God niyo na sirain ang pinaghirapan na ilatag na Order."

Malagim ang reaksyon ng ermitanyo kasabay ng panunuya nitong pagsabi," Nakita ko na ang mangyayari delubyo."

"Ang trahedyang nangyari sa mundo ko ay mauulit dito."