webnovel

Territory Situation

Redakteur: LiberReverieGroup

Kakaibang balita ito!

Ang napakalakas na Ashes Tower na kilala sa buong katimugan ay nakipag-alyansa sa isang maliit na lugar gaya ng White River Valley. Hindi ito kapani-paniwala.

Kung hindi dahil sa paghahanap ni Marvin ng Book of Nalu para kay Hathaway, at sa pag-aakala nitong isang Seer si Marvin, hindi ito posibleng mangayari.

Para sa madla, pambihira ang ganitong mga kaganapan.

At mas kakaiba ang sitwasyon, mas marami ang nakakapansin nito. Kaya naman ang simpleng pagdedeklara ng isang alyansa ay makatawag-pansin.

Kasabay nito, marami na ring nakaka-alam ng mga nagawa ni Marvin.

Dahil sa kapusukan ni Marvin at mga ginawa niya sa Three Ring Tower, natural lang na bumuo ng kuro-kuro ang mga tao hinggil sa nangyayari.

Iniisip ng karamihan sa mga ito na mayroong espesyal na relasyon si Marvin at Hathaway. Kaya hindi na nakakapagtaka ang kagaspangan ng pakikitungo kay Marvin ng wizard na nakasuot ng kulay ubeng damit na may pagtingin kay Hathaway.

'Sadyang kapansin-pansin ang isang malaking puno.'

Makikita ang pait sa ngiti ni Marvin.

Kilala na siya ngayon, pero hindi ito gaanong kapaki-pakinabang.

Ilanga raw na rin ang lumipas kaya paniguradong umabot na ang balita sa River Shore City.

Sino mang pinagmamasdang mabuti ang mga nangyayari ay siguradong makikita ang koneksyon ni Marvin at ni Masked Twin Blades. At kung tunay na matatalino ang mga ito, maari nilang mapagtanto na iisang tao lang silang dalawa.

Maaaring mabuking na siya nga si Masked Twin Blades.

Pero hindi naman nababahala si Marvin. Maliit na bagay lang ito para sa kanya.

Lalo pa't napakaraming tao sa mundo ang gumagamit ng dalawang dagger. Madali lang sabihin na nagkataon lang ito.

Sumulat siya ng liham para utusan ang dalawang phantom assassin na magsuot ng maskara at pumunta sa River Shore City para gumawa ng ilang bagay.

Basta hindi siya umamin, walang magagawa ang ibang tao kundi maghinala.

Matapos ang Rise to Fame, masasabing sikat na si Marvin sa katimugan.Malaking tulong ito para masunod ang mga plano niya.

Mabilis ring tumaas ang Region Myth status niya. At may isang bagay pa sa bandang dulo:

[Your name has been widely discussed, Region Myth +2]

[Region Myth (Young Night Walker) (Thousand Leaves Forest)]: Tinulungan mong makapaghiganti ang mga elf sa pamamagitan ng pagpatay sa dalawang Outlaw of the Crimson Road. Tumaas din ang reputasyon mo sa mga Wood Elf.

Ito ang Fame na nakamit ng ikatlong pagkakakilanlan ni Marvin. Maaari niya itong magamit kapag kinailangan niya.

...

"Gaano ka kampante para sa Battle of the Holy Grail tatlong araw mula ngayon?" Biglang tanong ni Hathaway.

Tinigil muna ni Marvin ang pagtingin sa kanyang log window at sinabing, 100%.

"Yabang," pangmamaliit na sinabi ni Hathaway. "Hindi dahil isa kang Seer, wala nang makakatalo sayo. Hindi mo pa nga alam kung sino ang mga kalaban mo pero sigurado ka na agad?"

"Alam mo bang pinaghandaan ka ng mabuti ng Thunder Tower at Craftsman Tower?"

Umiling lang si Marvin at kampanteng sinabing, "Walang sino man ang sapat ang paghahanda para sa akin."

"Sigurado akong mas handa ako kesa sa kanila."

"Ibang-iba ang snow mountain field sa forest field." Nakasimangot na sabi ni Hathaway. " Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ganyang klase ng kumpiyansa sa sarili. Wizard ang pinakamalakas na class…"

Sumabat si Marvin, "Sa ngayon…"

Galit na tiningnan ni Hathaway si Marvin. "Oo, sa ngayon."

Nakita niya rin kung gaano kalala ang pagkasira matapos ang calamity. Bukod pa rito, nabalitaan niya rin mula sa Legend Wizard Assembly na hindi na mapipigilan ang Calamity na ito. Kahit na si Sir Anthony ay wala na.

Talagang hihina ang mga Wizard pagkatapos ng Calamity.

"Pero kahit na, ang pinakamalalakas na miyembro ng dalawang Academy ang makakaharap mo. Mas malalakas ang kanilang mga casting ability kesa sa kapatid mo. Kahit na ayaw ko man isipin at aminin, ang Magore Academy ang pinakamahina sa tatlong Academy. Siguro dahil na rin ito sa kapabayaan ko."

Bahagyang hinilot ni Hathaway ang kanyang sintido. "Isa pa, base sa nabalitaan ko, pinalitan bigla ng Thunder Academy ang follower nila."

Napangisi si Marvin, "Miyembro ng Unicorn clan?"

"Siguro. At malamang ikaw ang punterya nila. Isa lang naman ang pakay nila, ang maghiganti!" paalala ni Hathaway kay Marvin, "Pinatay mo si White, at hinding-hindi ito palalampasin ng Unicorn Clan. At kahit na nasa patakaran na hindi pwedeng humigit sa lagpas dalawang level ang level ng follower sa wizard, mahirap pa ring kalabanin ang isang napakalakas na 2nd rank."

"Pinalitan rin ng isang Guradian ang follower ng wizard ng Craftsman Tower. Siguradong gagamit sila ng mga kagamitang matataas ang kalidad. Kaya baka mawalan na ng epekto ang mga dagger mo."

Tumango si Marvin.

Inasahan na ni Marvin ang lahat ng ito.

Pambihirang lakas ang ipinamalas niya sa forest terrain at siguradong napansin ito ng kanyang mga kalaban. Hindi mangmang ang mga Wizard na nakakalahok sa Battle of the Holy Grail.

"Salamat sa mga paalala mo. Tatandaan ko lahat 'to."

Pinasalamatan lang ni Marvin si Hathaway.

Marami siyang nakuha sa kanyang paglalakbay sa Thousand Leaves Forest. Oras na para ipakita kung gaano siya kalakas!

Siguradong makukuha ng Battle of the Holy Grail ang atensyon ng maraming tao. Malaki ang maitutulong ng pagpapakita niya ng lakas sa pagpapa-unlad ng White River Valley.

Patungkol naman sa Unicorn Clan, malapit na ang araw ng muling pagbangon ng ancient red dragon dahil sa pagsabog ng bulkan.

At mukhang ito ay sa araw mismo ng Battle of the Holy Grail.

Kailangan niya lang harapin ang mga ipapadalang tao para patayin siya.

Nakapatay na siya ng isang 3rd rank, kaya bakit siya matatakot na kumalaban ng isang 2nd rank na killer? Kahit na noong napatay niya ito ay hindi na ito makagalaw dahil kay Ivan, malaki pa ring nadagdag nito sa kumpyansa ni Marvin.

Saglit pang nakipag-usap si Marvin kay Hathaway. Gusto pa nitong pag-usapan ang mga kaalaman ng isang Seer pero sa kasamaang-palad, kailan man hindi naging isang Seer si Marvin. Nagsabi lang ito ng ilang bagay para utuin si Hathaway bago tuluyang umalis.

Pagkatapos ng pag-uusap na ito, babalik na muli si Hathaway sa seklusyon at hindi babalik hanggang sa maging isang Legend ito.

Sa pagkaka-alala ni Marvin sa laro, humigit kumulang sa isang linggo bago ang Calamity naabot ni Hathaway ang pagiging isang Legend.

Mas mabilis na siguro ito ngayon dahil nasa kanya na ang Book of Nalu.

Isang magandang bagay ang pagkakaroon ng kaalyansang Legend Wizard.

...

Bumalik na siya sa dormitoryo ni Wayne pero wala ito pagdating niya. Ayon sa matandang butler, kausap nito si Hanzel para bumuo ng istratehiya.

"Master Marvin, ito nga pala ang isang liham mula sa White River Valley."

"Ipinadala ito ni Anna at dumating ito dalawang araw na ang nakakalipas. Nakalagay ang personal mong selyo. Hindi naming 'yan binuksan ni Master Wayne."

Inilabas ng butler ang liham.

Tumango si Marvin at binuksan ang sobre, hindi ito nagdalawang isip at agad na binasa.

Tulad ni Anna, dedikado ang matandang butler sa White River Valley at tapat ito sa kanila. Kahit na hindi na ito masyadong makagawa ng trabaho dahil sa katandaan, sigurado sila sa katapatan nito.

Maraming bagay ang nakasulat sa liham ni Anna. Kinukwento nito ang mga pangyayari sa White River Valley:

Ginawa ng ani Gru ang kanyang sinabi at dinala ang Bramble Team para sumapi sa White River Valley. Lumakas ang depensa ng White River Valley dahil sa pagsali ng grupo ng mga adventurer na ito.

Karamihan sa mga naninirahan dito ay nakabalik na at maayos na ang kalagayan.

Papalapit na ang taglagas at mas lalong lumalala ang sitwasyon ng kanilang pagkain. Maraming sinunog ang mga gnoll noon kaya halos wala nang nang natirang butil.

Malaki pa rin ang kakulangan ng mga smith at craftsmen sa castle town. At wala naman silang magagawa dito dahil probinsya pa ring maituturing ang White River Valley. Kaya walang ano mang nakakahikayat sa mga craftsman para magtrabaho doon. Kahit na nagpalabas ng kautusan si Marvin at nag-alok ng mataas na sahod, kakaunti lang ang pumunta.

May pamilyang kailangan pakainin ang laramihan sa mga craftsmen kaya walang gaanong gustong umalis. Karamihan ng lumipat ay mga taong walang pamilya.

Mayroon ring tsismis na kumalat sa paligid ng White River Valley: [Ang Overlord ng White River Valley na si Sir Marvin ay ang Masked Twin Blades.] Kahit na ipinagbawal ni Anna ang pagkakalat ng balita ito, marami pa ring tao ang palihim na pinag-uusapan ang bagay na ito. Wala nang magawa si Anna tungkol dito, lalo pa't isa lang siyang butler at hindi ang mismong Overlord.

Mabuti na lang at ayos lang ito sa mga residente ng White River Valley. Alam nilang si Masked Twin Blades mismo ang nanguna sa pagbawi ng kanilang teritoryo. Siguro'y sa tingin nila,kung ang Overlord nga si Masked Twin Blades, mabuting bagay ito, dahil mapoproteksyonan ng malakas na Overlord na 'to ang teritoryong ito.

Maraming taong binanggit si Anna sa dulo ng kanyang liham:

Ang manggagantsong si Lola ay bumalik muli sa White River Valley. Sa pagkakataong ito, sinasabi niyang mayroon na siyang kasunduan at ang chamber of commerce ng Jewel Bay. Bababaan nila ng 30% ang kanilang mga bilihin basta sumang-ayon si Marvin sa ilang kondisyon ng chamber of commerce.

At dahil si Marvin lang ang maaaring magdesisyon tungkol dito, hinayaang manatili ni Anna si Lola panandalian habang naghihintay ng desisyon.

Wala pa ring batang nagngangalang Isabelle na binanggit ni Marvin, ang dumadating.

Panghuli, isang kakaibang lalaking tinatawag na "The Greatest Alchemist in all History" ang lumapit kay Anna at umaasang payagan siyang manirahan sa White River Valley. Pinatuloy ni Anna ang lalaki sa labas ng castle town panandalian.

Napakaraming bagay ang dapat pagdesisyonan sa kanyang teritoryo at kakauntin bagay lang ang maaaring pagdeisyonan ni Anna. Matagal-tagal na ring nawala si Marvin kaya naman may ilang problema na ang naglitawan.

Nag-isip sa sandal at nagsimulang magsulat ng sagot para kay Anna. Ang mga dapat gawin sa bawat bagay na binanggit nito.

Nag-aalala naman siya kay Isablle. Lalo pa't tumatak ang batang ito sa kanya dahil sa ipinakita nitong tapang.

Mayroon ding kaunting kulay pula ito sa kanyang mga mata, maaaring galing sa isang misteryosong race.

'Bahala na. Kapag nakabalik na ko ng River Shore City ko 'to poproblemahin.'

Mabilis na sinagot ni Marvin si Anna.

Wala pang kalahating oras, nagawan na ni Marvin ng solusyon ang lahat ng bagay, maliit man o malaki.

Mayroong mga espesyal na carrier pigeon ang mga Magore Academy. Maingat na sinelyohan ni Marvin ang liham at inutusan ang matandang butler na ipadala ito.

Di nagtagal, nakabalik na si Wayne.

"Kuya, may ilang bagay na ibinigay sa akin si sir Hanzel. Baka magamit mo." Agad na nilibas ni Wayne ang ilang spell scroll nang makita si Marvin.

Ibinigay ito sa kanya ni Hanzel, balak sana nitong ibigay ang mga ito kay Marvin.

Hindi kumibo si Marvin. Sa halip, tiningnan nito si Wayne.

"May gusto kang pag-usapan, hindi ba?"

Natigilan si Wayne at nagdalawang isip.

Bahagyang namutla ang mukha nito at hirap magdesisyon kung dapat ba niyang sabihin ang kanyang sasabihin kay Marvin.

Mahinahong naghintay si Marvin.