webnovel

Conspiracy

Redakteur: LiberReverieGroup

Malamig at tahimik ang desyerto.

Natanggal na ang Eternal Night at nakatayo si Marvin sa taas ng bangkay ng Black Dragon habang hawak ang spear. Arogante siya kung titingnan.

Pero alam niya na kahit epektibo ang Weeping Sky sa mga Black Dragon, hindi magigign pareho ang epekto nito sa iba pang mga Dragon.

At tulad ng inaasahan, yumanig ang kalangitan at isang Dreen Dragon ang dahan-dahang bumaba.

"Mahusay ka."

"Marvin, tama ba? Nabalitaan ko na ang pangalan mo. Nasayo ang atensyon ng Feinan noong mga nakaraan."

"Ayoko kay Ikarina, kaya naman tinulungan kita. At bilang kapalit, pwede bang wag mon ang kunin ang mga Dragon Treasure naming?"

Hindi gaanong lumapit si Modana kay Marvin. Tuso at maingat ang mga Green Dragon at hindi sila basta-basta kumikilos laban sa mga powerhouse.

Ngumiti si Marvin, "Ikaw na rin ang nagsabi, ayaw mo kay Ikarina. Sa pagharang sa kanya, sarili mo lang ang tinulungan mo."

"Siguro sa isip mo, mas mapanganib si Ikarina kesa sa tulad kong isa Human lang. Mali baa ko?"

Inilabas ng Green Dragon ang kanyang ngipin. "Kung ganoon ka pala talaga katalino, dapat tumakbo ka na."

"Hindi ako basura gaya ng Black Dragon. Madali kitang mapipira-piraso gamit ang mga spell ko."

Sumimangot si Marvin.

Talagang mapanganib ang mga Green Dragon.

Nakakalason ang kanyang Dragon Breath. Kahit sa resistance ni Marvin ngayon, baka hindi niya ito makayanan.

Lalo pa kung isasama ang kanyang Dragon Magic. Baka hindi manalo si Marvin kung harapan niya itong kakalabanin.

Tiningnan niya ang Ancient Well.

Mabilis ang naging reaksyon ng Green Dragon.

Umatungal ito at bahagyang pinagaspas ang kanyang mga pakpak, kaya naman umihip ang hangin..

Sa isang iglap, dalawang grupo ng Kobold ang lumitaw sa kanina'y walang laman na desyerto!

Bukod pa rito, dalawang nilalang na mukhang mga palaka ang tahimik na lumitaw at mabilis ring nawala.

Marahil nagtatago ang mga ito sa ilalim ng lupa.

Ang mga Kobold ay bumuo ng matinding pormasyon sa pagitan ni Marvin at ng balon.

Nanginig si Marvin.

 '

'Mga Wyrmwarped Kobold… at mga Hobbler Decoy…'

'[White Slaads]...'

Hindi ito mga pangkaraniwang halimaw!

Alam ng lahat na ang mga Kobold ay mayroong kaunting Dragon bloodline, pero kaunting Dragon lang ang kakausap sa mga Kobold, pero kabilang ang mga Green Dragon sa mga ito.

Ang [Dominate] ng mga Ancient Green Dragon ay sapat na para manipulahin ang isang grupo ng mga elit na Kobold!

Ang mga Wyrmwapred Kobold at mga Hobbler Decoy na tinawag ni Modana ay mga level 10 Half-Legend!

Ang isang pagnkaraniwang Legend ay mahihirapang harapin ang sang dosena ng mga halimaw na ito.

Ay mayroong pang mga Legend Monster, mga White Slaad.

Kahit na hindi sila naging Black Slaad, ang kanilang huling ebolusyon, mapanganib pa rin ang mga ito.

Magtatago ang mga ito sa ilalim ng lipa, at handang sugatan nang malubha ang kanilang kalaban ano mang oras.

Sinusubukang takutin ng Green Dragon si Marvin!

Ganito talaga ang mga Green Dragon. Kapag mahina ang kanilang kalaban, direkta nilang gagamitin nag kanilang Dragon Breath o aatakihin ang kanilang kalaban gamit ang kanilang buntot.

Subalit, kapag may kaharap silang powerhouse, ayaw nilang sila ang magsimula ng laban. Gagamit muna sila ng mga panakot at ibang mga pamamaraan para takutin ang kanilang kalaban at hindi na lumaban.

Tiningnan ni Marvin ang kanyang interface.

At gaya ng inaasahan, gumamit si Modana ng mga intimidation skill habang nag-uusap sila.

Ang mga skill na ito ay dapat mayroong malakas na epekto sa tulong ng Dragon Might bonus.

Pero walang naramdamang kahit ano si Marvin.

Masyadong mataas ang willpower ni Marvin sa kasalukuyan, at isama pa ang immunity ng Weeping Sky sa Dragon Might, kaya nagawa niyang manatiling mahinahon sa ganitong sitwasyon.

"Huling babala."

Pinagaspas ni Modana ang kanyang mga pakpak, tila naiinip.

Umalulong nang malakas ang mga Kobold, handang kuyugin si Marvin ano mang oras.

Maaaring mahirapan si Marvin sa mga level 20 na Kobold na ito.

"Umalis ka na. Kung hindi, gagawin kitang lawa ng asido!"

[Major Intimidate]!

Ang sinabi ni Modana ay tila isang mababang pag-atungal!

Pero ang kinagulo ng isip ni Modana ay tila hindi umeepekto ang kanyang Intimidate.

Kalmadong-kalmado si Marvin.

Bibihira lang mangyari ito.

Karamihan ng mga Human Legend, na mas malalakas pa kesa kay Marvin, ay hindi kinakaya ang kanyang Intimidate.

Isa itong natural na reaksyon mula sa isang mahinang race sa isang nilalang na napakalakas. Hindi ito mababago.

'Kailangan ko ba talagang umatake?'

Tiningnan ni Modana ang Dragon Slaying Spear sa kamay ni Marvin at nakaramdam ng kaunting kaba.

Malinaw niyang nakita ang eksena kung paano pinatay ni Marvin si Ikarina. Direkta ito at walang takas.

Kahit na ang kanyang Dragon Magic ay isang bagay na lamang niya kay Ikarina, at bibigyan siya ng kakayahang gumamit ng iba't ibang pamamaraan, masyadong mapanganib ito kapag kaharap ang ganitong klase ng kalaban.

Habang nagdadalawang-isip si Modana, nakapagdesisyon na si Marvin.

Gamit ang [Earth Perception], naramdaman niyang wala na ang liwanag na nasa taas ng Ancient Well.

Bigla namang nawala si Marvin at agad na nagtungo sa balon na kasing bilis ng kidlat!

Umatungal nag Green Dragon at dinambahan si Marvin.

Kasabay nito, umalulong ang mga Kobold at inilabas ang kanilang mga sandata, sinusubukan nilang haranagan ang daan ni Marvin!

Pero sa kasamaang palad, kahit na ang mga makapangyarihan ang mga nilalang na ito at malapit na sa Legend Realm, hindi nila matatatapatan ang bilis ni Marvin!

Hindi lang pagpapakitang gilas ang Godly Dexterity!

"Woosh!"

Nilagpasan ni Marvin ang mga Kobold na parang hangin at mabilis na nakaabot sa dulo ng balon.

Kasabay nito, isang anino ang biglang lumabas mula sa buhangin at inatake ang dibdib ni Marvin.

'Hinihintay talaga kita!' Panunuya ni Marvin sa kanyang isip.

Ginamit niya ang Shadow Step at mahusay na nailagan ang dila ng White Slaad.

Eksperto ang mga White Slaad sa ganitong uri ng lihim na pag-atake. Ang malakas ang matalim ang kanilang mga dila, kaya ang mga walang kamalay-malay na adventurer ay madali lang mapatay ng mga ito!

Sa laro, matapos mag-ascend ni Marvin sa Godhood, mayroong siyang Nakita isang ancient vestige.

Ang Vestige na ito ay puno ng mga Slaad na iba't iba ang kulay, mula sa pinaka simpleng Slaad hanggang sa makapangyarihang mga White Slaad, mayroon din mga malalakas na Black Slaad. Naranasan na niya ang lakas ng mga ito.

Kaya naman alam na niya ang istilo ng mga ito sa pag-atake, kaya madali na lang sa kanya ang pag-atake.

Ayaw niya munang patayin ang mga halimaw na ito sa ngayon, ang mahalaga ay makapunta siya sa balon bago ang Green Dragon!

Dehado si Marvin kapag lumalaban siya sa desyerto.

Kayang lumipad ng Green Dragon at kaya rin nitong gumamit ng iba't ibang mga spell, mayroon pa itong ibang mga kasama habang si Marvin ay mag-isa at walang magagawa kundi dumepensa.

Kesa kalabanin niya ito sa labas, mas mabuting pumasok na lang siya sa balon.

Kahit na ang Ancient Well na ito ay isang malaking butas para kay Marvin, isa pa rin itong makipot na balon para sa Green Dragon.

Kung gustong pumasok ni Modana, kakailanganin niyang gumamit ng Shapechange.

Kahit ano mang ang piliin niyang anyo, hindi ito kasing lakas ng kanyang pangunahing katawan.

Kaya naman magiging mas maganda ang siwasyon ni Marvin.

Isa pa, nararamdaman ni Marvin na ang lugar sa ilalim ng balon ay komplikado, maari niyang atakihin ito nang palihim.

Dahil sa kanyang pambihirang bilis, hindi napigilan ng mga halimaw si Marvin.

Mabilis siyang nakarating sa harap ng malaking butas.

Sa isang tingin, nakita niya na ang butas ay hindi ganoon kalalim at puno ng mga daan papasok. Mukha itong isang malaking maze.

Nang marinig niya ang hangin sa kanyang likuran, hindi na nag-alinlangan si Marvin at tumalin papasok sa butas!

Hindi siya nakakalipad gaya ng Dragon, pero maari niyang gamitin ang kanyag Low Flight ability na nakuha niya mula sa Dense Blood Nucleus.

Kahit na ang hindi malayang makakalipad si Marvin gamit ang ability na ito, may pagkakapareho ito sa Feather Fall skill, hindi siya babagsak sa lupa, sa halip ay malumanay siyang baba ditto.

Komportable si Marvin sa dilim ng balon, sa isang iglap, umabot na siya sa pinaka-ilalim ng balon.

Isang malakas na ingay ang nanggaling sa itaas.

Ang sahig ng balon ay gawa sa isang malambot na buhangin at mayroong limang lagusan. Bawat lagusan ay may iba't ibang disenyo.

Pulang apoy, mayabong na halaman, walang lamang buhanging, walang hanggang bulubundukin, at swamp.

Mukhang kinakatawan nito ang iba't ibang lupain na gusto ng mga Chromatic Dragon.

Wala nang iba pang bagay bukod ditto.

Tanging ang limang lagusan na ito.

Tumingala si Marvin, at Nakita niyang pababa na ang mga Kobold para patayin siya sa loob ng balon.

Hindi na siya nagdalawang-isip at agad na pumasok sa lagusan ng desyerto!

Sa labas ng balon, hindi maipinta ang mukha ng Green Dragon.

Nagdalawang-isip ito sandal hanggang sa nag-Shapechange ito sa anyong tao, at sumugod na kasama ang kanyang hukbo.

Habang ang bangkay naman ng Black Dragon ay naroon pa rin.

Walang nakapansin na ang dugo niya ay lumulubog na sa desyerto, tila hinihigop ito kaya walang bakas ng dugo ang makikita.

Walang nakapansin sa mga matang nakatingin sa mundong ito.

"Black Dragon Blood…."

"Mas maaga kang kumilos?" Bulong ng makapangyarihang nilalang sa kanyang sarili.

Nakatayo ito sa labas ng plane, at tinitingnan ang buong Nightmare Boundary, isang ngisi ang makikita sa kanyang mukha.

"Mga Chromatic Dragon… Mga anak ko… Kay tagal ko kayong hinintay."

"Ay! Mayroong Metallic Dragon na makikisaya…Ano? Awra ng isang Human? Teka… Ang taong iyon… Interesante 'to."

"Mukhang sa pagkakataon na ito ang mga bago at lumang galit ay matatapos na."

Sa labas ng Nightmare Boundary, humagikgik ang taong ito bago naging isang bulalakaw at dahan-dahang bumagsak patungo sa Nightmare Bundary.

Sa dakong hilaga ng Nightmare Boundary.

Sa bulubundukin, tatlong anino ang naghaharap-harap.

"Ell, kahit na makapangyarihan ka, dalawa kami. Kaya ka naming." Seryosong sabi ng Blue Dragon, "Ang Rainbow Spring ay ang kayamanan ng Chromatic Dragon Race, hindi mo pwedeng angkinin 'yon."

"Tama." Pagsang-ayon ng White Dragon.

Nakatayo sa kanilang harapan ang Ancient Red Dragon na si Ell.

Tila natagpuan na ng tatlong Dragon na ito ang lokason ng Rainbow Spring sa bulubundukin at ngayon ay nagkaroon ng paghaharap.

Dahil sa makapangyarihan si Ell, walang nagawa ang Blue at White Dragon kundi pansamantalang magtulungan.

"Mga tanga. Ang lugar na 'to ay isa lang sa mga posibleng lokasyon." Panunuya ni Ell.

"Sinasabi na ang paglitaw ng Rainbow Spring ay susundan ng pagbagsak ng bulalakaw. Umaga ngayon, panong…"

Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi.

Isang maliwanag na bulalakaw ang bumagsak sa kalangitan!