webnovel

Biting Book

Redakteur: LiberReverieGroup

Ano man ang relasyon ng babaeng ito at ni Butterfly, malinaw na nakakatakot ang punagmulan nito.

May koneksyon pala siya sa Night Monarch.

At sa mga sumunod na mga mural, nakita ni Marvin ang battle repost na nagmula sa malayong lugar sa Universe.

Pagkatapos, napakaraming tao sa mural, mukhang malungkot dahil sa nilalaman ng balita.

Sa tingin ni Marvin, ito ang balita tungkol sa pagkamatay ng Night Monarch sa laban.

Dahil sa susunod na mural, lahat na sila ay nagatatayo ng isang tomb.

Ang tomb na ito ay matatagpuan sa dakong timog ng Thounsand Leaves Forest ng mga Hig Elf. Mukhang ito rin ang lokasyon ng kasalukuyang Night Monarch Tomb.

Ang babae sa mural ay ipinapakitang walang kapagurang binabantayan ang tomb, makikita ang kalungkutan sa mukha nito.

Hindi ito umalis sa tomb hanggang sa huling mural.

Hindi na nalaman ni Marvin ang nangyari sa kwento dahil wala nang mural na kasunod ito.

'Malinaw na may koneksyon si Butterfly sa babae na 'yon. Baka siya 'yon.'

'Bali-balita na walang hanngan ang buhay ang Royal Family ng High Elves dahil sila ang mga inapo ng Ancient Elven God. Kung si Butterfly ay isang tunay na High Elf, hindi na nakakagulat na buhay pa siya hanggang ngayon.

'Nang matapos ang ikalawang Era, hindi lahat ng High Elf ay pumasok sa Sanctuary. May ilan na piniling manatili kahit na hindi mismo sa Thousand Leaves Forest.'

Mahinahon na nag-iisip si Marvin.

Kung ganoon nga, maipapaliwanag nito ang inaasal ni Butterfly kanina.

Marahil may ginamit siya para iselyo ang kanyang mga alaala. Marahil ang pagiging masaya at walang kaalam-alam na Wood Elf na walang lakas ay ang mas makakabuti para sa kanya.

Pero naibalik ng mga nilalaman ng mga mural ang kanyang mga alaala.

Kaya naman iyon ang pinagsisisihan niya

Hindi na dapat niya ito tiningnan, pero may mga bagay talaga na hindi mo maaaring takbuhan.

Kaya pinili na lang nitong umalis.

Naalala ni Marvin na sa kabilang panig ng Teleportation Door ay mayroong masukal at mayabong na kagubatan.

Naramdaman ni Marvin na pamilyar ito, dahil ito ang lugar kung saan siya nag-advance bilang Night Walker!

Bumalik siya para makita ito.

'Mukhang alam ni Professor.'

Naalala ni Marvin na noong pipigilan na ng lahat si Butterfly sa pagsama sa underground temple, si Professor ang nagbigay ng huling desisyon.

Malinaw na alam ng ng madunong at matalinong Copper Dragon ang tungkol dito.

Gusto ba niyang mabawi ni Butterfly ang kanyang mga alaala?

Kahit na ang desisyon na iyon ay hindi paggalang sa kagustuhan ni Butterfly, naunawaan pa rin ni Marvin ang motibo ni Professor.

Ang kasalukuyang Feinan ay may kakulangan sa mga Peak Powerhouse.

Namatay na ang Great Elven King. Hindi pa kumakalat ang balitang ito, pero karamihan ng mga powerhouse ay alam na ito.

Dalawang Plane Guardian na lang ang natitira, umaasa na alng sila sa Universe Magic Pool para pahabain ang laban, pero hindi nila alam kung gaano ito tatagal.

Isa ito sa pinakamalaking rason.

Sa oras na hindi na kayanin ng Plane Guardian ang pagpasok ng mga God, magiging mas magulo sa Feinan. Hindi mabibilang ang mga taong maraming mamatay.

Kung si Marvin iyon, pipiliin din niya na buhayin ang mga alaalang nakatago sa isang makapangyarihang powerhouse sa mga panahong ganito.

Lalo pa at kinailangan niya rin ang tulong ni Eric.

Gagamitin ni Marvin ang lahat ng pwersang maaari niyang makuha para lang labanan ang mga nais manakop.

Malinaw na pareho sila ng iniisip ng Copper Dragon.

Matapos niyang basahin ang mga mural, bumigat ang pakiramdam ni Marvin.

Hindi niya alam kung anong pagkilos ang gagawin ni Butterfly, pero dahil nagising ni Professor ang kanyang alaala, siguradong may planong nakahanda ang Copper Dragon para sa kanya.

Gayunpaman, ang ancient High Elven Queen na ito ay isang Peak Powerhouse na kasama ng Night Monarch sa kanyang mga ekspedisyon.

Nagawa pa nga nitong direktang gumamit ng Teleportation Door sa loob ng underground temple, siguradong mas malakas pa ito kay Dark Phoenix.

Ang pagkakaroon ng isa pang powerhouse ng Feinan, na kasing lakas ng mga Plane Guardian, ay isang magandang bagay.

Pero hindi pa nila isinaalang-alang na maaaring tanggalin uli ni Butterfly ang kanyang mga alaala para makalimot uli at magpatuloy na mamuhay na walang pakialam.

Pero mababa lang ang posibilidad na ito.

Inayos ni Marvin ang kanyang pakiramdam bago siya nagpatuloy.

Sa ilalim ng liwanag ng siga, hindi gaanong mapanglaw ang ikalawang palapag ng underground temple, pero mayroon pa ring mga bagay na nakakatakot para sa mga tao.

Halimbawa na lang, noong limuko siya, maaaring mayroong mga [Biting Book] na maaaring umatake nang walang dahilan.

Ang ganitong uri ng Biting Book ay walang pinagkaiba ang itsura sa ordinaryong libro, pero lumulutang ito sa ere, at sa oras na mabuklat ito, ipapakita nito ang mabangis nitong ngipin.

Ang mga Biting Book ay produkto ng mga ancient book na kontaminado ng magic.

Nabigla si Marvin sa ilang mga Biting Book at muntik nang mabiktima ng mga ngipin nito.

Halos kapareho ng Darkness Worm ang ma Biting Books, mga nilalang sila na mayroong taglay na Divinity.

Pero hindi tulad ng Darkness Worms, pero matapos niyang wasakin ang mga Biting Book, maaari siyang kumuha ng pahina mula rito.

Ang mga pahina na ito ay mula sa mga orihinal na libro. Ang isang pahina lang ay walang kwenta, pero kapag nakakuha siya ng sapat na bilang ng pahina, maaari na siyang makabuo ng isang libro, o isang kabanata at muling bumuo ng isa sa mga ancient book.

Kung mayroon lang siyang sapat na oras, uubusin ni Marvin ang mga Biting Book sa lugar na ito.

Siguradong makakakuha siya ng mga ancient book.

Maraming ancient book ang maraming pakinabang. Isinulat ang mga ito bago mabuo ang Universe Magic Pool, noong naroon pa ang mga Ancient Wizard.

Umasa lang sila sa saili nila para bumuo ng koneksyon at makipagpalitan gamit ang Chaos Power. Imbis na umasa sa isang Magic Pool, ang mga Ancient Wizard ay umaasa lang sa sarili nilang Magic Pool pati na sa kanilang mga spell rune at mga spell matrixes.

Ang mga binansagang New Wizard sa Post-Calamity era, sa katunayan ay ang muling pagsilang ng mga Ancient Wizard.

Sadyang ang katalinuhang kinakailangan para sa mga taong ninanais na maging New Wizard ay mas mataas, mas mahirap pa ito kumpara sa pagiging Wizard sa Wizard Era.

Tanging ang mga taong may matatag na willpower lang ang maaaring sundan ang yapak ng mga Ancient Wizard.

Pero ang daan na ito ay puno ng paghihirap.

Kung wala ang tulong ng Universe Magic Pool, hindi sila makakapag-aral ng mga panibagong spell.

Sa puntong ito, ang mga libro ng mga Ancient Wizard ay magiging kapaki-pakinabang.

Maraming ancient book ang mayroong mga runic spell na nakasulat dito, at kahit na hindi ito magiging kapaki-pakinabang kay Marvin, kakailanganin naman ni Wayne ang mga ito.

Sa kabilang banda, kahit na mayroong Magic Power, kung wala namang spell na magagamit, wala rin itong kwenta.

Kung naroon lang ang dating Hathaway, mas magiging maayos ang lahat, dahil maaari nitong gawing basehan ang mga Legend spell nito.

Pero ang kasalukuyang Hathaway ay nabali na ang kanyang sumpa at muling naisilang. Naging isa na siyang Anzed Witch.

Kahit na nagtungo na si Wayne sa kasukalan, iniisip pa rin ni Marvin ang mga bagay na iyon.

'Kapag natapos na 'to, hihingi ako ng oras sa Professor para harapin ang mga ancient book na iyon' Ito ang iniisip ni Marvin habang nagpapatuloy.

Patuloy na naipon ang mga pahina sa kanyang mga kamay, pero iba't ibang pinagmula ang pinagmulan ng mga ito.

Ang isa sa mga ito ay index. Sa tantya ni Marvin nasa 30 pahina ang librong ito. Sa kasalukuyang antas ng kanyang pangongolekta, kakailanganin niyang tumalo ng 100 na Biting Book.

Isang nakakapagod na gawain.

Ang mga Biting Book ay may malakas na resistance sa mga [Azure Leaf], at mabibilis rin ang mga ito. Kahit na mayroong Godly Dexterity si Marvin, maaari siyang mapahamak kapag hindi siya nag-ingat.

Kesa umasa siya sa swerte at magsayang ng oras sa pag-farm ng mga librong ito, mas mabuting unahin niya ang paghanap agad sa aklatan.

Marahil mayroong talaan ng ancient spell sa aklatan ng mga Chromatic Dragon.

 .

Pero kahit na sinabi ng Dragon Soul sa kanya kung paano hanapin ang aklatan, hindi ito madali o mabilis.

Sinabi ng Dragon Soul na habang mas papalapit siya sa aklatan, mas padami nang padami ang mga Biting Book na lilitaw.

Ikinainis naman ni Marvin ito.

Maaari lang siyang umasa sa kanyang instinct at tumungo sa mga lugar na puno ng mga Biting Book.

Habang patuloy siya sa paghahanap, nakapatay siya ng dalawampung Biting Book at nakakuha ng higit sa dalawampung pahina. Pero hindi pa siya gaanong maganda ang swerte niya, dahil hindi man lang siya nakakuha kahit isang puntos ng Divinity.

Isang madilim na pasilyo ang nasa harapan niya.

Maingat na lumapit si Marvin, pinagtutuunan niya ng atensyon ang magkabilang gilid ng daan papasok. Mahilig magtago ang mga Biting Book sa mga sulok-sulok at biglang umatake.

Pagkatapos makagat ng ilang beses, kahit paano ay natuklasan na ni Marvin kung paano gumalaw ang mga ito.

Pero nasurpresa siya na wala nang palihim na umaatake sa kanya pagpasok sa pasilyo.

'Mali ba ang dinaanan ko? Sinundan ko naman ang mga lugar na madami ang mga Biting Book

Sumimangot si Marvin.

Biglang naramdaman niyang mayroong mali.

Ang ikalawang palapag ay naiiba mula sa unang palapag, halos lahat ng lugar ay may siga at may sulo!

Pero ang pasilyong ito ay madilim na madilim.

Saka tiningnan ni Marvin ang mga sulo sa magkabilang gilid.

Sinadyang patayin ang mga ito.

'Mayroong nauna sa akin!' Agad na napagtanto ni Marvin.

Nagmadali siyang umusad, at tulad ng inaasahan, isang babaeng naka-itim ang lumitaw sa kanyang harapan.

Hinaharap nito ang walang tigil na atake ng dose-dosenang mga Biting Book.

Tila bakal ang balat ng babaeng ito at hindi bumabaon dito ang ngipin ng mga Biting Book!

'Black Dragon?'

'Interesante…'

Ngumiti si Marvin at inilabas ang Weeping Sky.