Summer. Ang sarap ng simoy ng hangin na nagmumula sa direksyon ng dagat! Kulay asul ang malawak na langit. Ang ganda ng panahon. Ano kaya ang magandang gawin ngayong araw? Magbabad sa beach? Gumawa ng sand castle? O mahiga sa duyan katabi ang taong mahal mo katulad ng ginagawa namin ngayon? Ano pa nga ba? Ang obvious naman ng pipiliin ko.
Ako si Miracle Samantha Perez. Ang mapapangasawa ng lalaking natutulog ngayon sa tabi ko, si Timothy Odelle Pendleton.
Two years ang nakakaraan nang magkahiwalay kami. Hindi ko inaasahan na magkakabalikan pa kaming dalawa. Hindi ko inaasahan na tatanggapin nya akong muli kahit na kinailangan nya akong hintayin ng napakatagal na panahon. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking 'to.
"Sir Timothy! Sir Timothy!"
Anak ka ng pusa! Mula sa beach house narinig ko ang pagtawag ni Ami. Gumalaw si Timothy sa tabi ko. Humigpit ang yakap nya sa'kin.
Gising na sya. Simula nang bumalik ako, hindi na kami mapaghiwalay. Palagi kaming magkasama. Magkatabi. Magkahawak ng kamay. Magkayakap. Basta hindi kami pwedeng paghiwalayin.
"Miracle..." bulong nya.
"Hubby, I'm here," sagot ko nang nakangiti.
Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib nya. Siguro nagkaron na naman sya ng hindi magandang panaginip. Palagi nya akong hinahanap kapag nagigising sya. Palagi rin nya akong niyayakap pagkatapos. Sa tingin ko nagkaron ng malaking epekto ang pag-alis ko hindi lang emotionally. Hanggang ngayon natatakot parin syang maiwan. Siguro iniisip nya na mawawala ulit ako. Na iiwan ko sya. Kahit na sinabi ko na sa kanya na wala akong planong umalis sa tabi nya, natatakot parin sya.
"Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong ko sa kanya. Inangat ko nang kaunti ang ulo ko para tignan sya.
"Yes, thanks to you," sagot nya bago dumampi ang labi nya sa noo ko.
"Hinahanap ka na ng nurse mo."
"Medicine again," bulong nya na halatang pagod na.
Private Nurse nya si Ami. Si Ami ang nag-alaga kay Timothy simula nang mapasok sya sa hospital hanggang sa makalabas. Hindi naiwan na mag-isa si Timothy sa beach house.
"SIR TIMOTHY!!" palapit nang palapit ang boses ni Ami.
Sumilip ako sa direksyon ng bahay. Humahangos sya ng takbo palapit sa direksyon namin. Nakatali sa dalawang puno ng nyog ang net na duyan na kinahihigaan namin ni Timothy. Nakaharap kami sa direksyon ng dagat. Kailangan na namin bumalik ulit sa loob ng bahay. Gustuhin man namin manatili sa pwesto namin, hindi pwede. Makulit ang nurse ni Timothy. Kahit na naiintindihan ko sya dahil trabaho nya na alagaan ang boyfriend ko, kung minsan hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na mainis...at mag-selos.
"Sir! Oras na po para uminom kayo ng gamot," saad nya nang makalapit na sya sa amin. Tumingin sya sa akin saglit at hindi ko nagustuhan ang tingin na 'yon.
Tinignan kami ni Ami nang may hindi maipaliwanag na emosyon sa mukha. Nasa duyan parin kami ni Timothy at nakahiga. Nakasayad sa buhangin ang mga paa namin.
"Dont want to," tinago ni Timothy ang mukha nya sa bandang leeg ko. Nakiliti ako bigla sa ginawa nya. Pinigilan ko matawa pero hindi ko napigilan ngumiti. Bigla naman tumalim ang tingin sa akin ni Ami. Siguro akala nya pinagtatawanan ko sya at natutuwa ako dahil ayaw inumin ni Timothy ang gamot nya.
"Pero Sir—"
"Ako na ang magpapainom sa kanya Ami."
"Maam, with all due respect hindi nyo po kailangan gawin 'yon. Ako po ang nurse nya kaya naman trabaho ko ang magpainom sa kanya ng mga gamot. Gusto ko lang po na siguraduhin na maayos ang kondisyon nya."
Sabi ko nga eh trabaho mo yun. Pero ano ba ang akala nya na gagawin ko sa mga gamot na 'yon? Itatapon ko at hindi ibibigay kay Timothy?
"Sir Timothy pumasok na po tayo sa loob kailangan nyo na pong magpahinga."
"I'm fine Ami, quit acting like my Mom"
"Then quit acting like a child Sir."
Huminga nang malalim si Timothy. Umupo sya. Napaupo din ako.
"Let me stay here with my Wife for a while Ami."
"Inumin nyo muna ang gamot nyo Sir."
Hindi na talaga matatapos 'to.
"Tayo na Hubby, pumasok na lang tayo sa loob."
Tumayo na ako at hinila ang kamay nya para tumayo rin sya. Inayos ko ang buhok nya na napunta at humarang sa mukha nya. Hanggang balikat na nya ang buhok nya. Nakatali ito gamit ang isang rubber band pero dahil nakahiga kami kanina, nagulo ito at nawala sa pagkakatali ang ibang strands ng buhok nya.
Katulad ni Timothy ang buhok nya, ayaw nang nakatali.
"Bumalik na lang tayo mamaya dito pagkatapos mong uminom ng gamot," sabi ko.
"Okay," umakbay sya sa'kin.
Inalalayan ko sya sa paglalakad nya. Hindi nakakakita ang lalaking mahal ko. Nabulag sya sa isang aksidente. Car Accident. Nalagyan ng bubog ang mga mata nya kaya naman nawalan sya ng paningin. Hindi pa sya nagpapasurgery dahil natatakot sya noon na baka bigla akong dumating pero wala sya roon para salubungin ako. Natatakot sya na umalis ulit ako dahil hindi ko sya nakita.