webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Zu wenig Bewertungen
213 Chs

Chapter Eighty-Four

*Miracle Samantha Perez*

AAAAAAHH!! Galit nga sya! Galit sya! Galit sya! Ano'ng gagawin ko?! Lagot ako!

"S-Sige Sam una na ako," paalam sa akin ni kuya Mark.

"H-Huh?!!" Hwag mo akong iwaaaaann!

Tatawagin ko sana si Kuya Mark pero hinarangan ni Red yung view ko. HAAAAA!!

"Ano. Ba. Yan. Samantha?" sabi nya habang naka-ngiting demonyo. "Ang. Gulo. Gulo. Ng. Buhok. Mo." Inayos nya yung buhok ko.

Katapusan ko na yata... WAAAAAAAAAAHHH!! MOMMY!!

"R-Red, hwag ka nang magalit!!" sabi ko habang nakadikit ang dalawang palad sa isa't-isa.

"Ahh..." Pinisil nya yung dalawang pisngi ko. "Mabuti alam mo na may kasalanan ka."

WAAAAAAAAAAHHH!! Alam na nga nya yung ginawa ko kagabi sa kanya!!! GALIT SYA DAHIL PINAGNANASAHAN KO SYA KAGABI!!!!! .

"H-Hindi ko naman k-kasalanan eh! Hindi ko naman sinasadya eh!"

"Hindi mo kasalanan?" Mas pinisil pa nya ang pisngi ko. "Alam mo bang isip ako ng isip kung ano ang ginagawa—"

"OUCH! MASAKIT 'YAN! HINDI MO AKO MASISISI PATI NO! HINDI MAIIWASAN NA MA-ATTRACT SA GWAPO ANG ISANG BABAE!!"

May pakiramdam ako na mali ang mga sinabi ko. Nagdilim ang paligid, lumamig at parang naging kulay pula ang mga mata ni Red.

"Ulitin. Mo. Nga. Ang. Sinabi. Mo. Samantha."

WAAAAAAAAAAHHH!! Ngayon ko lang sya nakita na ganito ang hitsura! Nakakatakot din pala sya minsan.

"KASI ANG GWAPO M—!!"

"GWAPO?!! TAKTE!! SINO'NG GWAPO HA?!!"

Nabingi ako sa lakas ng boses nya! Hindi na namin napansin na kanina pa pala kami pinagtitinginan ng mga tao sa hallway.

"Tumingin ka sa'kin Samantha! Sabihin mo sa'kin kung sino ang GWAPO!" hinawakan nya yung baba ko at inilapit sa mukha nya.

KYAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!! Itinulak ko sya! Napa-atras sya nang kaunti. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko!

"O ano? Alam mo na kung sino ang GWAPO?! Patingin nga natin yang mata mo, baka nagkaron ng damage!"

"HOY! 20/20 'to ah!" depensa ko.

Baliw to si Red.

"Kung ganon pa-check natin yang utak mo! Baka may namuong tumor dyan! Halika!" hinigit nya ako sa braso.

Nang nahawakan nya ang braso ko agad akong nakaramdam ng kuryente.

"ANO BA?!!" hinigit ko ang braso ko pabalik.

Ano ba yun? Yung pakiramdam na 'yon...naramdaman ko na rin 'yon dati ah.

"Ampupu. Tara na nga." Hinawakan nya yung stand ng dextrose ko. "bumalik na tayo sa kwarto mo."

"Kaya ko'ng bumalik mag-isa," pagtataray ko. Bakit ko nga ba sya tinatarayan?

"Tss! Kaya pala kanina nagpapatulong ka don sa lokong 'yon? Bakla kaya 'yon!"

"Grabe ka! Hindi bading si kuya Mark no!"

"Hindi ba? Mukhang bakla eh, kapal ng foundation!"

"Ang sama mo!"

Naglakad na ako. Sya ang nagtutulak ng stand.

"Ikaw naman, halata kang may gusto don! GWAPO daw? Ang laking 'TSS'!! May kuya Lucien ka na may kuya Mark ka pa? Dami mo naman gusto," bumulong sya. "Bakit ako hindi mo makita? May deperensya nga talaga yang mata mo."

Ano raw? Hindi ko na sya maintindihan. Sabi nang walang mali sa akin eh!

"Ano ba pinagsasabi mo? Kailan ko sya sinabihan na gwapo?"

"Tignan mo? May damage nga yang utak mo! Kakasabi mo lang kanina. Papa-schedule kita ng check-up!"

"WALANG DEPERENSYA UTAK KO JARED!!"

"Yeah. Yeah, ganyan ang sinasabi ng lahat ng baliw. Hindi raw baliw pero baliw naman, parang ikaw, wala raw deperensya, halata naman na meron."

"Ano ba ang problema mo Jared?! He's just being nice 'to me! Ang mean mo ah! Kahapon ka pa!"

"'He's just being nice to me Jared, you're so mean' tss!" ginaya nya boses ko.

SERIOUSLY?! Ano ba ang problema nya?! Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.

"What the heck is your problem?!" nakalagay sa magkabilang bewang ang mga kamay na singhal ko sa kanya. Naiinis na ako.

"Patay nag-english na," nakahawak sa batok na sabi nya. "Babae, hindi ako si TOP hwag mo akong dalihan ng ingles."

"GRRR!!" Nagpapadyak ako sa sahig dala ng matinding frustration. "STRESS KA!"

Tinalikuran ko sya at lumakad na ulit ako papunta sa kwarto ko.

"Hindi ako stress, GWAPO ako." Bumalik na naman ang confidence nya sa sarili nya. "Aminin mo na Samantha, GWAPO ako. Mas gwapo ako kaysa don sa pipitsuging payatot na nurse na 'yon."

"Hindi sya payat!" pagtatanggol ko kay kuya Mark.

"Kumpara mo sa katawan ko? Meron ba sya nito?" pinakita nya sa'kin yung biceps nya.

"Che! Hindi tayo bati!" Kakasabi ko lang na gwapo sya kanina tapos inaway pa ako.

"Tss, naman oh!"

Nakarating na rin kami sa room ko. Badtrip talaga si Jared! Kainis! Inamin ko na nga na gwapo sya eh! Napatigil naman ako nang makita ko si Kuya Lee sa tapat ng bukas na pintuan. Parang syang estatwa na nakatingin lang sa loob ng kwarto. Nakita nya siguro si Michie sa loob.

"KUYAAAA!!" tawag ko sa kanya.

Nagulat sya at napatingin sa akin. Nakita ko ang relief sa mukha nya.

"Samantha!" Agad nya akong nilapitan at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Thank God you're alright!" niyakap nya ako.

Alalang alala sya sa akin. Ang saya saya ko naman dahil nakita ko ulit sya. Grabe nandito pala sya, kailan pa kaya sya nakauwi dito sa Pilipinas?

"Okay lang ako kuya." Niyakap ko din sya nang mahigpit. "Namiss kita kuya."

"Me too princess." Humiwalay na sya ng yakap at tinignan si Red.

Nakatingin rin si Red sa kanya.

"You and I are going to have a long talk," sabi ni kuya kay Red.

May nase-sense akong hindi magandang aura mula sa dalawang 'to.

"K-Kuya! Walang kasalanan si Red, ako yung nagpumilit na sumakay sa kabayo kaya ako naaksidente."

"Hindi lang yan ang ipinunta ko rito princess. Gusto ko rin malaman kung ano ang ginagawa mo sa lugar na 'to?!"

Hayan na naman ang pagiging OVER PROTECTIVE nya sakin.

"Kuyaaaa nagbabakasyon lang ako dito at isa pa, AKO ang nagdecide na pumunta dito. Red has NOTHING to do with it. Can't I decide for myself?" sabi ko.

"Still." Binigyan ni Kuya si Red ng stern look. "As your fiance, trabaho nya na protektahan ka and now look at you!"

"Lintek Lee umiral na naman 'yang pagiging OA mo," reklamo ni Red.

"Kasalanan mo 'to!" akusa ni kuya.

Humakbang sya palapit kay Red. Agad akong kinabahan sa tinginan nila.

"Gusto ko ba ang nangyari sa FIANCE ko?!" humakbang din palapit si Red kay kuya.

"Bakit hindi ba? C'mon Red we all know na mas gusto mong mamatay kaysa matali."

"GAGO KA AH!!" kinwelyuhan ni Red si kuya.

"Ano? Sa labas tayo?" hamon ni kuya.

"Akala mo uurungan kita?!" sagot ni Red.

"Mabuti, nangangati na rin ang kamao ko sa'yo," sabi ni Kuya Lee.

Sumingit ako sa gitna at pilit silang pinaghihiwalay.

"Tumigil nga kayo! Para kayong mga bata! OKAY lang ako, hwag na kayong mag-away ano ba?" sabi ko pinagtitinginan na kasi kami ng mga tao sa hallway.

Ito ang mahirap eh, kahit naging fiance ko si Red hindi naman natuldukan don ang nakaraan nilang dalawa.

"Hindi ka okay princess! Tignan mo ang sarili mo, hindi ka okay!" sabi ni kuya sa akin na medyo tumaas na ang boses. Nagulat ako at napaatras nang kaunti.

"POTEK LEE! Hwag mong masigaw sigawan si Samantha!!"

"Hwag kang makisabat sa usapan namin labas ka rito!"

"TAKTE! Fiancee ko yan! May karapatan akong makialam!"

"Fiance ka lang, PINSAN NYA AKO!"

"Pinsan ka lang! Hindi ikaw ang makakasama nya habang buhay! Ako!"

"Hindi ikaw ang nakasama ni Samantha buong buhay nya, ako!"

"LECHE TAPUSIN NA NATIN TO SA LABAS!"

"Mabuti pa nga!"

Mag-uumpisa na naman sila.

"Tama na yan Lee."

Napatingin kaming lahat kay Michie.

"Ako dapat ang sisihin mo, kung hindi sumunod sa akin si Sammy pauwi." Tumingin sa akin si Michie tapos kay kuya. "Hindi mangyayari ang lahat ng 'to sa kanya..."

"Michie..." Nilapitan ko sya. "Ano ka ba? Iniisip mo ba yan? Ako nga ang may kasalanan eh."

"Sammy," naiiyak na sabi nya. "Sorry ngayon ko lang naisip na kasalanan ko pala. Pati yung kay Angelo kasalanan ko rin."

"ANO KA BA? Hindi mo sabi kasalanan," nagpapanic na sabi ko.

Mabilis kasi syang maiyak eh. Mas iyakin sya kaysa kay Angelo sa totoo lang. Ang hirap nya patahanin.

"Hindi, kasalanan ko kasi—huk!" May tumulo nang luha sa mga mata nya. "Kasi sinamahan mo ako umuwi dito kaya—kaya—WAAAAAAHH!! Sammy!!" Tuluyan na syang humagulgol ng iyak.

"Hindi mo sabi kasalanan eh! Kasalanan ko kasi matigas ang ulo ko! Hwag ka nang umiyak," hinagod ko ang likod nya.

"KASALANAN KO WAAAAAAAAAHHH!!!" Michie

Sinamaan ko ng tingin sina Red at kuya Lee. "Now look what you did!"

Agad naman silang naglabas ng defeated puppy look. Eeesh! Mga lalaki! Laggggooooootttt! Ang hirap pa naman patahanin ni Michie!!

"Michelle hwag ka nang umiyak," sambit ni kuya Lucien.

Nakatayo pala sya sa may pinto at nilapitan si Michie. Nandito pala sya.

"Lulu!! WAAAAAAHHH!" yumakap si Michie kay Lucien.

Lu—lu? Lulu? Hindi ba parang... pangalan ng babae 'yon?

"PFFFTTT!!" Nakita ko si Red na nagpipigil ng tawa. "Lulu? PFFFTT!! PUAHAHA!!"

Problema nun? Nanginginig sya sa sobrang pagpigil ng tawa. Nakita ko naman si Kuya Lee na nakatingin kina Michie at Lucien. Yon ba ang tinitignan nya kanina sa loob ng kwarto? Sina Michie at kuya Lucien?

Nilapitan ko si Kuya at tinapik ang likod nya. Tumingin sya sakin at ngumiti nang malungkot. Wala na kuya... Late ka na ng dating eh.

"Aba! Aba! May dinala ang masamang hangin dito Chinz," boses ni Maggie.

"Oo nga eh Magz, ang laki ng dinala ng masamang hangin dito," sagot ni China.

Patay. Dumating na ang Crazy Duo.

May galit nga pala sila kay Kuya Lee dahil sa nangyari sa kanila ni Michie. Naging MU kasi sila pero iniwan ni kuya Lee si Michie sa ere. Na-engaged kasi si kuya eh. Fixed din. Ikakasal na yata sya this year don sa babae.

"Ano kaya ang ginagawa nyan dito?" tanong ni Maggie habang pinapalagatok ang kamao nya.

"Gusto yatang makipagbalikan sa pinsan natin, kapal no?" parinig ni China habang pinapaulanan ng masamang tingin si Kuya.

Hindi naman sila pinapansin ni kuya. Nanatiling nakatitig sya kay Michie.

"Eh pano yan Chinz? Sabi nga ni Swiper sa Dora The Explorer," tumitig si Maggie kay kuya. "You're too late, you'll never gonna get it now!"

"TAMAAAA~~ Korak ka dyan sister!" nag-apir silang dalawa.

Ano ba kayo? Ako dinadalaw ni Kuya dito. Natatakot ako sa mga gagawin nila sa pinsan ko. Pero naiintindihan ko sila. Nagalit din naman ako kay Kuya Lee noon. Nagulat nalang ako nang lumapit si Kuya kay Michie.

"Mich," tawag ni kuya. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Tumingin si Michie sa kanya. Gulat na gulat ang mukha nya.

"Nang tayong dalawa lang?" tumingin si kuya kay Lucien.

Natahimik kaming lahat. Lahat kami nakapako ang mata sa magiging reaksyon ni Michie. Humiwalay si Michie sa yakap nya kay Lucien at hinarap si Kuya Lee.

"Oo..." sagot nya na mahina. "Okay lang."

On second thought kuya... mukhang may pag-asa ka pa pala.