webnovel

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

Dahil sa isang pagkakamali ay kailangan magpanggap na Fiancé ng isang sikat na artista na si Juancho ang writer wanna be na si Darcy,pero paano kung ang magiging Fiancé niya ay si ex-crush pala? Bibigay ba siya o pipigilan niya ang nararamdaman dahil alam niyang pagpapanggap lang ang lahat? Ngunit dahil sa isang sumpang napapasa sa unang anak ng unang anak ay tila mapapalapit muli ang loob ni Darcy sa ex-crush niyang si Juancho na tila siyang may kakayahan na tanggalin ang sumpa.I-crush back kaya siya at mag lead pa sa marriage o di kaya mamamatay siya dahil sa epekto ng sumpa at sa paglaban sa sumpa nang sabay .Sapat na ba ang panliligaw ni crush upang ma-fall muli siya? Malalabanan ba ang sumpa gamit ang love o titigil na nang tuluyan ang tibok ng puso ni Darcy? Paano magtatapos ang fairy tale ni Darcy?

MariaNaMapalad · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
10 Chs

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

CHAPTER EIGHT

INT. FAME TOWERS-DAY

Nasa harap lamang ng building ng Fame towers si Darcy, hindi ito makapasok sa loob, panay ang buntong hininga nito habang nakatingin sa malaking pintuan ng pinagtatarabahuhan.

MADAM HEART

Anong tinititigan mo diyan Darcy? Lagi mo ba 'tong ginagawa?

*pagsulpot ni Madam Heart sa likuran ni Darcy.

DARCY

Papasok na po...

*kaagad na takbo nito papasok sa building na pinapasukan at bago ito makapasok ay nabunggo nito ang isang lalaking papasok rin sanhi upang mayakap siya nito.

Pasensya na, nagmamadali lang po.

*paghingi nito ng paumanhin.

JUANCHO

Nag-mamadali o may iniiwasan?

*napatingin ito sa nabangga dahil sa tanong nito at napasimangot nang malaman kung sino ito.

DARCY

Si...si...sino naman ang iiwasan ko?

*nagkautal-utal na pagsisinungaling nito na may kasamang pagkunot ng noo.

JUANCHO

Ewan ko sa'yo, pwedeng siya?

*turo sa paparating na tao...

Pwede din siya.

*turo ulit sa isa pang paparating na tao.

O baka ako?

*inilapit nito ang mukha kay Darcy sanhi upang magsugpong ang patingin ng dalawa.

Tumitibok na ba talaga yan dahil sa'kin?

*duro nito sa dibdib ni Darcy.

DARCY

Ehh??!!

*nagulat ito sa tanong ni Juancho.

JUANCHO

Ano? Tumitibok na ba yan?

DARCY

Ka...ka...kasi ahmm ah... oo.

*nauutal na sabi nito at nagmamadaling naglakad na iniwan si Juancho na napangiti naman.

MADAM HEART

Mukhang good mood ang isa diyan.

*sambit nito ng sumulpot ito mula sa likuran ni Juancho at pumasok sa loob ng pinagtatrabahuhan.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. AMORE CAFÉ-DAY

Ang masayang aura ng café ni Butterfly ay biglang napalitan ng awkwardness dahil sa muling pagkikita nila Horhe at Kinchay.

BUTTERFLY

Wala akong kinalaman dito.

*bulong ni Butterfly kay Horhe na hindi naman nito pinansin.

HORHE

Anong order mo?

*tanong nito at diretso tungo sa cashier upang maayos na pagsilbihan ang customer na si Kinchay.

KINCHAY

Winter melon tea.

*napatingin si Horhe kay Kinchay ng marinig ang order nito.

BUTTERFLY

Ako na ang gagawa.

*ako nito sa trabaho dapat ni Horhe.

Bakit ka nandito?

*bulong nitong tanong.

KINCHAY

Oorder, malay ko ba na nandito siya.

*nakasimangot na ginagawa ni Butterfly ang order ni Kinchay habang busy sa pag-pupunas si Horhe.

BUTTERFLY

Oh, yung order mo.

*bigay nito sa order.

Ba't ka pumunta dito? yung totoo ah.

KINCHAY

Sige na nga, nakokonsensya ako.

HORHE

Hindi dapat.

*napalingon si Kinchay nang marinig ang boses ni Horhe na nasa likuran na pala niya kaya nagka-lapit ang kanilang mga mukha.

KINCHAY

A...a...ano?

*tanong nito na may kaba.

HORHE

Hindi ka dapat makonsensya,nirerespeto ko ang desisyon mo at saka pasensya na kung natagalan na tanggapin ko na ayaw mo sa'kin.

*at saka ito umalis at nagsimula uling mag-linis.

BUTTERFLY

Bakit ganyan mukha mo?

*tanong nito ng makita ang nakakunot na noo ni Kinchay habang tinititigan ang busy na si Horhe.

Ganyan kayo, kapag ayaw na sa inyo ng may gusto sa inyo nagagalit kayo at nung dati na lapit sila ng lapit galit din kayo, ang mga crush nga naman mukhang pinaglihi lahat sa galit.

KINCHAY

This is just hormonal imbalance.

*sagot nito at saka inom ng inorder na winter melon tea.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. FAME TOWERS'COMFORT ROOM-DAY

Lumabas mula sa cubicle ng C.R. si Darcy at ang una niyang nakita pag-labas niya ay ang nakangiti at nakatingin sa kanya na si Juancho.

DARCY

Sinusundan mo ba ako?

*tanong nito na naka harap sa repleksyon ni Juancho mula sa salamin.

JUANCHO

Hindi no.

*pagtatanggol nito sa sarili mula sa paratang.

Mahal kita pero hindi naman ako ganoon kapatay na patay sa'yo para sundan ka hanggang sa pag C.R. mo.

*sabay wisik nito ng natitirang tubig sa kamay na kanina ay hinuhugasan at saka lakad nito palabas at maya-maya ay sumilip.

Psssst!!

*sutsot nito sanhi upang mapalingon ang kasalukuyang naghuhugas ng kamay na si Darcy.

Nalaman mo lang na crush ka ng crush mo naging assuming ka na.

*asar nito kay Darcy na ikinakunot noo nito at tuluyan na ngang pag-alis nito.

DARCY

Anak ng butiki ka talaga!!! Kumukulo talaga ang dugo ko sa buni na yun.

*inis na daing nito.

Ba't di ko napansin dati na nakaka-irita pala siya?

*kausap nito sa sarili.

Ikaw kasi, magkaka-crush ka na nga lang sa nakaka-irita pa.

*pagalit nito sa puso na dinuro-diro pa.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

*napatingin sa gilid ng kisame ng C.R. si Darcy kung nasaan ang butiking gumawa ng ingay at uminom bago nagsalita.

Anak ng butiki naman eh, Akala ko ba isa lang ba't ngayon legit mo nang isinali si Juancho sa magtatanggal ng sumpa sa'kin? Mamamatay ako sa kabaliwan dito hindi naman sa sumpa na'to.

*reklamo nito at padabog na lumabas sa C.R.

--------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. AMORE CAFÉ-DAY

Nag-serve ng naka-simangot si Butterfly at nakapa-mewang pa ito habang nakatingin kay Kinchay.

BUTTERFLY

Pang sampung winter melon tea mo na yan.

KINCHAY

Alam ko.

BUTTERFLY

Pumirma ka dito.

*labas nito ng papel at turo nito sa isang parte nito na pipirmahan.

Mahirap na baka ma-overdose ka sa tsaa at mamatay.

*sabi nito habang tinutupi nito ang papel na pinirmahan ni Kinchay.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. JUANCHO's OFFICE-DAY

Hindi mapakali si Manager Park habang tinititigan niya si Juancho.

MANAGER PARK

Seryoso ka ba talaga rito?

JUANCHO

Oo,seryosong seryoso ako rito.

MANAGER PARK

Paano si Darcy?

JUANCHO

Ayaw niya akong maging Fiancé kaya ititigil ko na'tong pag papanggap na ito.

MANAGER PARK

May tiwala naman ako sa'yo pero bago ko gawin yung gusto mong mangyari gusto kong malaman kung sino ba yung tinatawag mong pambansang swerte ng Pilipinas na gustong-gus...

*hindi na nito natapos ang pagsasalita at napanganga na lamang sa narinig nito mula kay Juancho.

JUANCHO

Si Darcy.

MANAGER PARK

Ano??!! Si Darcy, yung fake fiancé mo? A...a...anong kabaliwan ba 'to?

*napangisi si Juancho sa reaksyon ng Manager niya.

JUANCHO

Simple lang, Crush siya ng Crush niya---ay mali, Crush ako ng Crush ko.

*pigil ang kilig nitong sinambit.

MANAGER PARK

Kaya kumuha ka ng fake Fiancé para kay Darcy.

JUANCHO

Oo, ayokong magpakasal sa taong 'di ko mahal kaya kinuha ko si Victoria na magpanggap kaso...

*naputol ang pagsasalita nito ng sumabat si Manager Park.

MANAGER PARK

Hindi naka sipot si Victoria noon sa airport kaya si Darcy ang naging fake Fiancé mo na gusto mo talagang makatuluyan.

*dugtong nito sa sasabihin ni Juancho na tila nababasa niya ang nasa isip ni Jauncho.

SEVERAL MONTHS AGO

INT. AIRPORT-DAY

Halos mapuno na ng mga babaeng nagtitiliian na may kanyang-kanyang bitbit na posters ng pinaka hot at pinakasikat na artista at ng mga reporter ang Airport. At lalo pang naghiyawan ang lahat ng dumating siya.Maputi na mamula-mula ang kutis porselana niyang balat na parang gatas na pinatamisan ng pulang asukal,ang mga mata niya ay kulay tsokolate na may gatas at kasing init, tamis at lagkit din ng tsokolateng may gatas ang mga titig nito,ang tangkad niyang nakakapatingala sa 'sang katauhan ay hindi maikakaila,ang labi niya ay mapula katulad ng rosas at kasing lambot ng cotton candy at ang hininga nito na amoy strawberries na parang ang sarap amoyin,ang katawan nito na parang inukit ng Diyos sa kakisigan at ang ilong nito na kay tayog na parang Bulkang Mayon...

JUANCHO

Kung sinuswerte na nga naman.

*mahinang bulong nito sa sarili nang makita mula sa ilaw sa dumaang salamin ang reflection ni Darcy na naroroon rin at kahit hindi pa nakapag-ayos at ang suot nito nito ay pantulog na isang baboy ay nabighani ito.

MEDIA

Now that you're back in the Philippines,any plans? Like movies or new teleserye? or magpo-focus ka sa pagpapatakbo ng fame tower?

JUANCHO

I'm gonna be married.

*nagtaka at lalong naging interesado ang lahat sa announcement niya,lalo na ang mga Fans niya na halos maihi sa kilig.

I would like to introduce to you my future wife

*hinigit niya ang taong nasa kanyang likod.

JUANCHO

Why? What's with the silence? She is my future wife.

MANAGER PARK

Hindi yan Juancho yung babaeng kinontrata natin.

*pabulong at senyas nito sa Artistang naguguluhan.

MEDIA

But Juancho? he's a man??!!

*napatingin si Juancho sa taong kanyang ipinakilala bilang future wife...tinanggal nito ang nakatakip na tila baboy na sombrero na kumukumpleto sa kanyang pantulog na bihis...tumambad nga ang isang lalaki at hindi lang Lalaki dahil kilala niya ito,kilalang kilala...

Huli ka balbon, kung dati hinayaan kong pakawalan ka, ngayon ay hindi na kita hahayaang makawala pa.

*sabi nito sa kanyang isip nang makasiguradong si Darcy ang nasa harapan.

JUANCHO

Bakla?

*tanong nito na may gulat sa nasaksihan at higit sa lahat ay pagmamaang-maangan.

Dito ko mapapakinabangan ang talent ko sa pag-arte,aarte ako hanggang ang lahat ay maging totohanan.

*sabi nito sa sarili.

DARCY

Lalaking buni?

*kasabay ng pagkabigkas ng kutya

A--A--anong nangyayari?

*malumanay na sambit ni Darcy sa gulat sapagkat niyakap siya ni Juancho at kasabay nito ay ang biglaang kabog ng puso niya na kanina ay walang kakabog kabog dahil sa sumpa kaya napatumba siya at nasabi sa gulat ang...

Hala!!!

*ang isang kamay ni Juancho ay nasa beywang niya at ang isa naman ay nasa likod niya--- salosalo siya nito habang ang kanyang mga kamay ay nakayapos sa leeg nito na sobrang kinis at kisig...tila may world war 4 sa kanyang dibdib at maya-maya pa ay naramdaman niya ang mainit na hininga ni Juancho sa kanyang tenga na nagpatindi ng tibok ng puso ni Darcy at kasabay nito ang mga katagang...

JUANCHO

Gusto mo ba ng pera? Babayaran kita just to be my mine.

*pabulong nitong sinabi kay Darcy...

Umuo ka,umuo ka please...

*kausap nito sa sariling habang hinihintay ang sagot ni Darcy sa offer niya.

DARCY

Magkano?

*pabulong na tanong nito...

MANAGER PARK

Iba ka rin.

*nagbalik sa kasalukuyan si Juancho nang marinig ang papuri mula kay Manager Park.

JUANCHO

Gawin mo na ang gusto kong mangyari.

MANAGER PARK

Gagawin na...gagawin na.

*sambit nito at saka umalis.

------------------------------------------------------------------------

AFTER A WHILE

INT. AMORE CAFÉ-DAY

Napatayo bigla sa kinauupuan si Kinchay nang biglang tumunog ang kanyang cellphone at dali-dali itong lumabas.

BUTTERFLY

Oh, saan naman kaya pupunta yun?

*tanong nito kay Horhe na kasalukuyang nasa harap ng cashier na sumagot sa pamamagitan ng pag-angat ng dalawang balikat.

Nagbayad na ba yun?

HORHE

Hindi pa.

BUTTERFLY

Ano??!!

*gulat na napasigaw ito.

Hoy! Hindi ka pa nagbayad!!! Bumalik ka rito...

*sigaw nito habang tumatakbo patungo sa labas samantalang iiling-iling sa tawa si Horhe.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

Palabas na nang fame towers si Juancho nang pigilan ito ni Dax.

DAX

Pwede ba tayong mag-usap?

JUANCHO

Bakit, ano na naman ba 'to?

*nakita nito ang pagbuntong hininga ni Dax bago lumabas ang mga katagang ikinakunot ng noo niya.

DAX

Salamat at niligtas mo si Darcy.

JUANCHO

Ginawa ko yun dahil gusto ko at saka tigilan mo nga ang pag-aalala kay Darcy kaya kong gawin yun mag-isa.

*kinuha nito ang kamay ni Juancho at hinarap ang palad nito.

DAX

Nakikita mo? Alamin mo ang halaga mo.

*kumalas sa pagkakahawak ni Dax si Juancho halata ang galit nito at umalis.

AFTER A WHILE

Isang babae ang biglang nagsalita na nagpalingon kay Dax.

EMILY

Wala naman akong paki-alam kung nagkakagusto ka sa kapwa mo lalaki basta huwag mo lang hawaan si Juancho.

*may nakakapang-asar na tono nitong sambit.

DAX

Ano bang pinupunto mo?

EMILY

Tulong? Gusto mo tulungan kita?

DAX

Nang namatay ang mga magulang ko,nabuhay akong mag-isa na walang tulong nang iba,kaya ibigay mo na lang sa iba yang tulong na inaalok mo.

EMILY

Sabi nga nila isa ang pakpak ng tao kaya kailangan mo ng tulong ng iba para makalipad.

DAX

Ayoko.

*maikli nitong at umalis.

EMILY

Ayaw mo niyan, magiging sa'yo si Darcy at akin si Juancho.

*napahinto sa paglalakad si Dax sa narinig.

Sabihin mo nga sa'kin,kaya mong ibigay kay Juancho si Darcy? Kaya mo?

*ngisi nito.

DAX

Hoy Babae.

*lumapit ito pabalik at galit nitong hinawakan ang braso ni Emily.

EMILY

Hoy Lalaki, kung ayaw mo nang tulong ko magdusa ka kakaiyak dahil napunta kay Juancho ang mahal mo na si Darcy.

*galit nitong sabi pabalik at walang bahid ng pagkasindak.

Basta ako ang mga branded shoes and bags nakukuha ko in just a swipe of a card , kaya kahit si Juancho makukuha ko just like what I do kapag nagsha-shopping ako.

DAX

Alam ko ang halaga ko pero sa ngayon  ang kasayahan ni Darcy ang mas mahalaga sa akin. Do your thing, mag-shopping ka hanggat gusto mo.

*saka nito iniwanan si Emily.

EMILY

Bobo.

*napapadyak ito sa galit at inis.

----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

EXT. FAME TOWERS-DAY

Uwian na pero nasa labas pa rin ng entrance si Darcy at iniisa-isang tignan ang mga pumapasok sa loob, napapatingin din ito sa kanyang orasan---maya-maya ay may isang kotse na pamilyar ang huminto sa harap ng entrance na kanyang pinaghihintayan.

DARCY

S-T-A-R plate number? Parang nakita ko na ang kotse na'to kung saan.

*maya-maya ay may lalaking lumabas mula sa entrance at kaagad itong sinuri.

Si Juancho na ba 'to?

*sumigaw ito nang masipat ng mabuti ang lalaking lumabas para makuha ang pansin nito.

Juancho!!!

*dali-daling naglakad patungo sa kotse na tumigil sa harap pero naabutan ito ni Darcy at napigilan.

JUANCHO

Ba't ka nandito?

DARCY

Una nag tanong ako sa mga guard at sa mga staff at pangalawa sinong matino ang lumalabas sa entrance?

JUANCHO

Anong gusto mo?

DARCY

Gusto kong malaman, bakit binabalik mo yung kontrata?

*sabay pakita ng brown envelope na naglalaman ng kontrata.

Akala ko ba...

*pinipigilan ni Juancho ang pag-ngiti sapagkat alam niya ang gustong ipahiwatig ni Darcy pero ng makita nito ang paghawak ni Darcy sa kanyang dibdib ay namutawi ang lungkot ng katotohanan.

JUANCHO

Diba gusto mo pang mabuhay kaya 'wag ako ang lapitan mo, 'wag ako ang pinupuntahan mo.

*itong mga katagang ito ang lumabas sa bibig ni Juancho kahit ang nais ng puso niya  ang mga katagang ito.

"Kahit na wala pa rin sa'kin ang balat na nagpapatunay na ako ang itinakda para sa'yo masaya na ako na nagawa kong mabuhay ka---sa ngayon yun muna ang gusto ko,baka kasi magalit ang langit sa'kin pag pinilit kong angkinin ang itinakda nila para sa iba".

DARCY

Hindi na naman kita gusto eh! Akala mo gusto kita?! Akala mo, hoy... ayoko sayo, ayokong ayoko.

*galit nitong sabi pero naluluha na ito,napansin na lamang niya ang mabilis na pagkuha ni Juancho sa mga brown envelope na nasa kanyang kamay at kitang-kita niya ang pagpunit nito sa kontrata,itinapon ito saka ito sumakay sa kotse at tuluyan ng iniwan si Darcy---nahagip muli ng kanyang paningin ang plate number na S-T-A-R.

Star! Yung kotse na yun! Siya ang may ari ng kotse na dahilan kung bakit nasira ang relo ko nung nagpasa ako ng manuscript.

*pagka-alala nito sa nangyari.

Anak ng butiki naman eh!!! Problema na talaga siya dati pa!

*pinagpupulot nito ang mga punit na parte ng kontrata.

-----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. AMORE CAFÉ-DAY

Bumalik na hingal at pawis si Butterfly---naka simangot itong napa-inom ng tubig.

HORHE

Nahabol mo?

BUTTERFLY

Oo, mabuti mabilis ang takbo ko kapag pera ang hinahabol.

HORHE

Saan daw pupunta yun, para kasing nagmamadali masyado?

BUTTERFLY

Sa ex jowa niya.

HORHE

Kailangan ko nang umalis.

BUTTERFLY

Teka lang? Saan ka pupunta?

HORHE

Mabilis lang ako, mag-oovertime ako pag balik ko.

*hubad nito sa apron at nagmamadaling umalis.

MEAN WHILE

EXT. FAME TOWERS-DAY

Patuloy pa rin sa pagpulot ng mga piraso ng kontrata na pinunit ni Juancho si Darcy at maya-maya dahil sa ang buong atensyon ay nasa pagpupulot ay 'di nito namalayan ang pagdating na sasakyan at mabuti na lamang ay napahinto ito kaagad---lumabas ang may-ari ng sasakyan na ngayon ay nasa kanyang harapan.

DARCY

Mag-ingat ka naman,hindi high way 'tong...

*napa tigil 'to sa panenermon at nasambit ang pangalan ng taong muntik ng makabangga sa kanya.

Emily?

EMILY

Sorry makakalimutin kasi ako,lalo na kapag hindi naman importante. What's your name?

*inabot ni Darcy ang kamay at nagpakilala.

Are you alright Daryl? Did I pronounce it properly?

Oh nevermind.

DARCY

Ayos lang, may kaunting gasgas pero ayos naman ako.

*napunta ang mata ni Darcy sa hawak na card ni Emily.

EMILY

Oh, this one.

*pakita nito sa card nang mapansin niyang nakatingin si Darcy rito na plano niya kanina pa.

Kakabalik ko palang galing U.S. and dahil muntik na kitang masagasaan I will invite you sa wedding namin.

DARCY

Imbitahan?

EMILY

Wedding.

DARCY

Wedding?

EMILY

Ni Juancho at ako. I'm sure kilala mo siya baka nga crush mo siya pero ganoon talaga if you are not a 100 you gonna get less than bare minimum pero at least di ba invited ka sa wedding ng crush mo.I'm sorry nagmamadali kasi ako see you na lang sa wedding.

*sumakay ito sa kotse at tuluyan na ngang umalis.

DARCY

Kaya ba?

*tanong nito habang nakatingin sa pinagpupulot na punit-punit na kontrata.

Salbahe ka!

*sabay tapon nito sa ilang piraso ng punit na kotrata sa basurahan.

Paasa!

*tapon muli...

Pa-fall!

*saka tapon muli ng mga natitirang papel at pinagtatadyakan ang basurahan.

Sabi na nga ba kasinungalingan lang yun.

*patuloy na pambubogbog nito sa basurahan.

Asa naman akong magka-crush siya sa'kin.

DAX

Kawawa naman yung basurahan, walang kasalanan binubugbog mo.

*napatingin si Darcy kung saan nagmula ang boses at paglingon niya ay naluha ito.

Sorry...

*saka tumalikod ito.

Pasensya na, hindi ko alam na malungkot ka,'di na dapat ang nagpakita sa'yo tuloy tumibok ang puso mo at naramdaman mo yung sakit.

DARCY

Kahit walang tibok yung puso ko kanina ramdam ko yung kirot.

DAX

Halika, may pupuntahan tayo.

DARCY

Saan mo na naman ba ako dadalhin?

DAX

Basta.

*kinuha nito ang kamay ni Darcy at hinatak papunta sa loob ulit ng Fame Towers.

AFTER A WHILE

Mula sa mahabang pag-akyat sa hagdanan lumabas sila mula sa pintuan at natunton ang tuktok ng building ng Fame Towers---ang langit ay tila kinulayan ng ibat-ibang klase ng kulay dilaw,pula at kahel na tila nagsama-sama nang araw na iyon.

DARCY

Wow.

*puno nang kamanghaan nitong nasabi.

DAX

Gumanda na ba ang pakiramdam mo?

DARCY

Oo.

DAX

Tumingin nga ka sakin.

*at gayon nga ang ginawa nito.

Totoo nga,magaan na ang loob mo.

DARCY

Eeehh??!!

*dali-daling kinumos at itinago ni Darcy ang dibdib.

DAX

Ba...ba...bakit? Malungkot ka na naman ba?

*dali-dali itong nagtago sa isang poste na naroon upang 'di siya makita ni Darcy at ilang saglit lang din ay tinungo ito.

DARCY

Bakit ka nagtatago sa'kin?

DAX

Hoy, huwag mo akong tignan at baka makaramdam ka na naman ng sakit.

*takip nito sa mukha niya.

DARCY

Hindi naman yun yung iniinda ko kanina.

*sinisipat ni Darcy ang mukha ng kausap na patuloy pa rin na tinatakpan.

DAX

Eh ano?

*tanong nito na tanging isang mata lamang ang nakadungaw sa pagitan ng mga daliri at mga kamay na tumatakip sa buong mukha.

DARCY

Huwag mo ngang ginagawa yan.

*sabay tanggal nito sa mga kamay na nakatakip sa mukha ni Dax.

DAX

Baka makaramdam ka na naman ng sakit? Ayokong nasasaktan ka.

DARCY

Alam kong parang binabasa mo na rin ang iniisip ko pag pinakikinggan mo ang tibok ng puso ko pero...

DAX

Ha? Galing sa puso ko yang tibok ng puso mo kaya may karapatan din ako diyan.

DARCY

Nanunumbat ka ba?

DAX

Hi...hi...hindi...

DARCY

Salamat.

DAX

Para saan?

DARCY

Sa tibok ng puso ko.

DAX

Masyadong cheesy pakinggan...

*napatawa si Darcy sa sinabi nito.

At saka 'di ko naman kayang kontrolin yun.

*at saka nitong nilagay ang headset na kanina pa nakapatong sa kanyang leeg sa kanyang tenga.

DARCY

Masayado ka namang matampuhin.

*sabay tanggal nito sa headset sa tenga ni Dax.

Gusto kong masaktan para makalimutan ko na nang tuluyan yung nararamdaman ko kay Juancho.

DAX

May nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?

DARCY

Sana wala na.

DAX

Hindi nakakalimot ang puso alam mo ba yun?

DARCY

Naalala mo pa ba? Dito tayo una nagkita.

*pag-iba sa pinag-uusapan nila.

DAX

Yung inakala mo na magpapakamatay ako?

DARCY

Akala? Eeehh??!!

DAX

Nagpupunta ako rito kasi ito ang pinaka mataas na building sa lugar na'to.

*itinaas nito ang dalawang kamay at tila may kinukuha ito.

Nakikita mo? Abot ko ang lahat mula rito.

*at pagkakita sa ginawa ni Dax ay ginawa rin ito.

DARCY

Abot ko nga mula rito ang langit.

DAX

Dito ko rin sinisigaw ang mga gusto ko dahil mas rinig ng langit ang gusto ko.

*nakangiting sambit nito kay Darcy.

Subukan mo.

*alok nito at huminga ng malalim si Darcy at sumigaw.

DARCY

Gusto ko pang mabuhay!!!

DAX

Gusto pa ni Darcy mabuhay!!! Naririnig mo ba?

DARCY

Isigaw mo rin dapat ang gusto mo,Isipin mo ang sariling kaligayahan mo,gusto mo pa rin ba yung dating hiling mo?

DAX

Ang maging number one? Oo naman pero hindi na yun ang mas iniisip ko.

DARCY

Dali na isigaw mo na ang gusto mo...

*sambit nito na nakatingin kay Dax at kaya huminga ng malalim at tumingala sa langit sabay sigaw si Dax.

DAX

Suot mo muna 'to.

*isinuot ni Dax kay Darcy ang headset niya at sa lakas ng volume nito ay ininda nito ang sakit na naramdaman ng tenga.

Tiisin mo muna ang ingay, I wanna take the risk baka kasi mapagbigyan ako ng langit this time kapag sinigaw ko kung ano gusto ng puso ko.

DARCY

Ha? May sinasabi ka?

*malakas na sabi nito na tanda na hindi nga naririnig ni Darcy ang nasa paligid niya, napangiti at sabay napailing si Dax sa tanong ni Darcy.

Sige na, sabihin mo na kung anong gusto mo? Ano ba gusto ng puso mo?

DAX

Si Darcyyyyy!!!

*sigaw nito sa langit.

Sana mahalin rin ako ni Darcy!!!

*matapos sumigaw ay tumingin kay Darcy.

Sana mahalin mo rin ako.

*ngumiti si Dax,tinanggal ang headset sa tenga ni Darcy  isinuot ang kanyang headset at ngumiti.

Lahat nagbabago, walang permanente sa mundo kahit ang pangarap natin napapalitan.

DARCY

Tama,may nawawala,may bumabalik sa ayaw man natin o gusto.

DAX

At may mga bagay na hindi talaga para sa atin.

*maya-maya ay bumukas ang pintuan kung saan sila nanggaling.

SECURITY GUARD

Bawal po ang tumambay dito.

DAX

Sige po bababa na kami.

*tumayo sa pagkakaupo si Darcy at nauna nang maglakad patungo sa pintuan.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. JUANCHO's HOUSE-DAY

Dumating si Juancho sa kanyang bahay gamit ang kotse pinagbuksan siya ng gate at matapos makapasok ay bumaba at dumiretso sa pagpasok sa kanyang bahay.

JUANCHO

Lola??!! Ba...ba...bakit po kayo nandito?

*lumapit ito sa kanyang Lola at nagmano.

DOÑA YSABEL

Nasisiraan ka na ba ng ulo??!!

*napa-angat ang ulo ni Juancho mula sa pagmano nang pingutin siya ni Doña Ysabel.

JUANCHO

Aray...aray...aray ko po...

*inda nito sa pingot ng lola.

DOÑA YSABEL

Kulang pa yang sakit na nararamdaman mo kumpara sa nararamdaman ngayon ni Darcy.

*patuloy pa rin sa pag-pingot ng kanyang Lola.

JUANCHO

Mag papaliwanag ako po ako Lola.

DOÑA YSABEL

Sige mag-paliwanag ka at sa kanya.

*napalingon si Juancho sa bahagi ng bahay niya na itinuro ng kanyang Lola.

JUANCHO

Emily??!!

EMILY

Surprise...

*nakangiting bati nito at lapit kay Juancho at akap nito.

Nagulat ka ba?

*hindi na nakapagsalita si Juancho sa nangyayari ngayon.

Hindi na kita sinabihan na nakabalik na ako.

DOÑA YSABEL

At bakit mo pa kailangan na sabihan ang apo ko nang pagbabalik mo?

EMILY

Siyempre po Lola, lalo na at ikakasal na kami.

*linggis nito.

DOÑA YSABEL

Ikakasal??!! Anong ikakasal??!! At saka huwag mo akong malola-lola ah!!!

*napasigaw sa galit si Doña Ysabel sa narinig.

EMILY

'Di mo pa pala nasasabi kay Lola?

*may diin ang pagkakasabi nito ng Lola na tila nang-aasar.

Juancho waited for me at kinasabwat pa niya si Darcy para mahintay ako.

DOÑA YSABEL

Ilusiyonada!

*sabay sampal nito kay Emily.

JUANCHO

Lola tama na po!

*sigaw nito na nagpatigil sa muli sanang pagsampal ng kanyang Lola kay Emily.

Totoo po, papakasalan ko siya.

*luminggis si Emily kay Juancho at ngumiti na may pang-aasar kay Doña Ysabel.

DOÑA YSABEL

Betty!!!

SECRETARY BETTY

Bakit po?

*mabilis na pag-lapit nito.

DOÑA YSABEL

Imbitahan mo si Darcy at ang apo kong si Dax sa aking bahay, gusto ko silang maka-usap.

SECRETARY BETTY

Masusunod po.

*at kaagad nito inilabas ang kanyang cellphone.

DOÑA YSABEL

Ikaw rin, kailangan mong pumunta.

JUANCHO

Hindi po ako makakapunta.

DOÑA YSABEL

Pag sinabi ko, sinabi ko!!!

*sigaw nito sa galit na naguhit ng kaba kay Juancho.

Ikaw din Babae, sumama ka.

*sabi nito kay Emily na napangiti sa narinig.

----------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

Nagtatagong pinagmamasdan ni Horhe ang nakatayong si Kinchay na kasalukuyang naghihintay sa kanyang ex-boyfriend at maya-maya ay dumating ang isang makisig na Lalaki.

HORHE

Parang nakita ko na'tong Lalaki na 'to? Pero saan?

*kaagad na luminggis sa beywang ni Kinchay na ikinapalag nito nito ang Lalaking inaalala ni Horhe.

KINCHAY

Bitawan mo nga ako, Joseph.

JOSEPH

Ano ka ba, parang wala naman tayong pinag-samahan.

KINCHAY

Kung may pinag-samahan man tayo, pinagsisisihan ko yun.

JOSEPH

Kung makapag-salita, isa ka lang Babae.

*saka nito hinatak ang buhok ni Kinchay.

Pasalamat ka may mga tao rito kung wala mas masasaktan ka sa'kin.

*pupuntahan na sana ni Horhe si Kinchay ngunit natigilan ito nang makitang nanlaban si Kinchay.

KINCHAY

Ano bang gusto mo?

*natatakot man pero lakas loob itong pumiglas ngunit mas nilakasan ng Lalaki ang hatak nito sa buhok ni Kinchay.

JOSEPH

Alam mo naman kung anong gusto ko eh.

*sambit nito sabay labas ng cellphone.

Be a good girl.

KINCHAY

Kakabigay ko pa lang sa'yo.

JOSEPH

Naubos kaagad.

KINCHAY

Maghahanap pa ako ng pera.

JOSEPH

Bilisan mo, alam mong mainipin ako.

*sambit nito habang inaayos na nakangiti ang buhok ni Kinchay.

See you.

*halik nito sa pisngi ni Kinchay at alis. Sa oras na pag-alis ng Lalaki ay doon lang siya nakahinga ng malalim at kitang-kita iyon sa pag buntong hininga niya at pag-upo sa kinatatayuan---tumayo ito at nag-lakad at maya-maya ay nakita niya ang nakatalikod at nagtatagong si Horhe.

KINCHAY

Ho...Horhe?

HORHE

Oy!!! Kinchay??!! Ikaw pala yan, nandito ka rin pala.

*pagmamaang-maangan nito.

KINCHAY

Nakita mo ba?

HORHE

Ang ano? Wala akong nakita, ano ba yun?

*pagkakasabi nito ay iniwan nito si Horhe.

Suplada.

*napalingon si Kinchay sa narinig,may lungkot sa mukha nito na nagpabago sa nararamdamang inis ni Horhe.

So...so...sorry.

KINCHAY

Kailangan mo pa rin ba ng tutor?

*tanong nito.

HORHE

Ahh, kasi...

KINCHAY

Ayos na ba ang grades mo o ganun pa rin.

HORHE

Sa math, Chemistry tapos...

KINCHAY

Sa lahat...

HORHE

Minamaliit mo ba ako?

KINCHAY

Probability is the extent to which an event is likely to occur, measured by the ratio of the favorable cases to the whole number of cases possible.

HORHE

Ha?

KINCHAY

Yan ang sinasabi ko.

HORHE

Alam kong english words yung mga sinabi mo pero ba't parang sinaunang pananalita yung naririnig ko.

KINCHAY

170 pesos per hour.

*inalok nito ang kamay.

HORHE

Deal.

*sabay abot sa kamay ni Kinchay at pakikipag-kamay.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

EXT. FAME TOWER's-DAY

Nakababa na sina Darcy at Dax sa tuktok ng Fame Towers building nang tumunog ang cellphone nilang dalawa.

DAX

Invitation galing kay Lola?

DARCY

A...a...ako rin.

*nauutal nitong sabi habang pinapakita ang text message na natanggap rin.

DAX

Mukhang importante 'to.

*pailing-iling nitong sinabi.

DARCY

Ha?

DAX

Hindi kasi kami pinapapunta ni Lola sa bahay niya kahit si Juancho,hindi rin.

DARCY

Pero bakit ako? Bakit kasama ako?

*itinaas ni Dax ang dalawang balikat bilang tugon na hindi niya alam ang sagot sa tanong ni Darcy.

DAX

Halika, may pupuntahan ulit tayo.

*hatak nito kay Darcy.

AFTER A WHILE

INT. SHOPPING MALL-DAY

Nakatayo lamang si Darcy habang nakatingin ito kay Dax na nakangiti.

DAX

Hay! Ba't ka ba kabado?

*nang marinig ang tanong ni Dax ay itinago nito ang dibdib.

DARCY

Di ba sabi ko na huwag mo akong titignan kung babasahin mo lang ang tibok ng puso ko o nararamdaman ko.

*angal nito.

DAX

Sorry, 'di ko kasi mapigilan eh.

*paghingi nito ng tawad.

Bakit ka ba kasi kinakabahan?

DARCY

Una, iniisip ko kung bakit ako iniimbitahan ng Lola mo at pangalawa, sinong 'di kakabahan sa presyo ng mga damit dito?

DAX

Ako?

DARCY

Siyempre nga naman, ang mayaman na katulad mo.

DAX

Nilibre mo ako sa karinderya kaya ngayon, ako naman ang taya.

*inilabas nito ang wallet at ikinaway-kaway pa kay Darcy.

DARCY

Hindi na ako mahihiya.

*sambit nito na naka-ngiti at dali-daling nagtungo sa isang side ng shopping mall na ikinangiti ni Dax.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. JUANCHO's HOUSE-NIGHT

Pagod na nagtungo sa kanyang kwarto si Juancho, pinihit nito ang doorknob at pumasok.

JUANCHO

Ay matandang bakulaw!

*napasigaw ito sa gulat nang makita ang kanyang Lola.

DOÑA YSABEL

Anong sinabi mo??!!

*galit na tanong nito at lumapit kay Juancho.

Wala ka ng respeto ah, wala kang respeto!

*sambit nito habang pinaghahampas si Juancho.

JUANCHO

Nagulat lang po ako,sorry na po, sorry na po.

*pagpapaliwanag nito at paghingi ng tawad na nagpakalma naman kay Doña Ysabel.

DOÑA YSABEL

Ewan ko ba sa iyo!

*pagsuko nito at umupo sa upuan na naroon.

Yung tungkol kay Darcy,totoo ba yun?

JUANCHO

Totoo po iyon, ang lahat po ay pag-papanggap lang.

DOÑA YSABEL

Pagpapanggap talaga, kasi pag mahal mo 'di mo sasaktan.

JUANCHO

Katulad ng kay Daddy.

DOÑA YSABEL

Ang Daddy mo na yun, sumalangit nawa.

*irita nitong sambit.

Hindi gusto ng Daddy mo ang Mommy mo pero kalaunan natutunan niyang mahalin ang Mommy mo pero nakilala niya ang Mama ni Dax at doon niya muling nalaman na hindi niya talaga mahal ang Mommy mo.

*naluluha na nakikinig si Juancho.

Pinatawad na siya ng Mommy mo at pinaubaya na nito ang Daddy mo sa Mommy ni Dax.

*tapik nito sa apo upang mapatahan ito.

Ang mali ng Daddy mo ay nagmahal siya ng sabay at hindi pantay.

JUANCHO

Iniwan niya ako sa inyo at inalagaan ang bago niyang pamilya.

DOÑA YSABEL

Si Dax? Kailan mo mapapatawad?

*umiling si Juancho bilang tugon.

JUANCHO

Hindi ko pa po alam.

DOÑA YSABEL

Pero bakit nagawa mong mapatawad ang Daddy mo?

JUANCHO

Kasi mahal ko po si Daddy at alam kong nasasaktan siya na malayo ang loob ko sa kanya.

DOÑA YSABEL

Ganoon rin dapat ngayon,alam ko na mahal mo siya pero ba't sinasaktan mo siya ngayon?

JUANCHO

Mahirap pong ipaliwanag.

DOÑA YSABEL

Pag ang isang bagay mahirap,gawin mo pa rin.

*tumayo ito at ngumiti.

Pero kung mahal mo yung Emily na yun, edi pakasal kayo.

*pagkasabi nito ay nagtungo sa pintuan at bago lumabas ay nag-salita.

Ayokong maging katulad ng dati na pinarehas ko ang hindi para sa isa't isa.

*at tuluyan na ngang umalis.

JUANCHO

Yun nga po, hindi kami para sa isa't-isa kaya iiwan ko siya.

*kausap nito sa sarili at sabay tingin nito sa kanyang palad na wala pa ring balat na patunay na siya man ay itinakda kay Darcy.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. SHOPPING MALL-NIGHT

Minamasdan lamang ni Dax si Darcy habang masaya itong pumipili ng bibilhin,maya-maya ay napansin na lamang niya na tumatakbo palapit sa kanya ang bunton-bunton na tila tumatakbo palapit sa kanya na ikinalaki ng kanyang mata sa gulat.

DARCY

Susukatin ko na 'to lahat.

*sambit na naka-ngiti nitong sabi kay Dax habang nakasilip ito sa maliit na pagitan sa bunton-bunton na damit na dala na ikina-ngiti muli ni Dax.

DAX

Sige nga, tignan natin kung bagay lahat yan.

AFTER A WHILE

Lumabas si Darcy na suot ang white large long sleeves na napapatungan ng cream sleeveless v neck style sweater vest na may cream colored na beret din na pinart-neran ng blue jeans.

DARCY

Ano sa tingin mo?

DAX

10 out of 10

*at pumasok muli si Darcy at mga ilang sandali ay lumabas rin suot ang jacket na may flower design at may plain black na shorts.

10

*iling nito, pumasok muli si Darcy at paglabas nito ay suot ang men's short sleeve casual shirt na puti na may itim na pantalon.

10 out of 10

*grado nito sa suot ni Darcy,pumasok muli ito sa loob at sa muling paglabas nito ay suot na nito ang kaninang suot bago sila tumungo sa shopping mall.

DARCY

Gutom na ako.

*napatawa si Dax.

DAX

Sige kain na muna tayo.

*halos naubos ang oras nilang dalawa sa loob ng shopping mall kakapili ng susuotin ni Darcy---naglakad ang dalawa paalis sa Depatment Store.

DARCY

Parang 'di naman bagay sa'kin yung mga sinukat ko.

DAX

Bagay lahat,pula,puti,asul lahat bagay sayo.

*nakatitig nitong sambit kay Darcy na puno ng paghanga sa nakikita.

Kahit nakahubad ka pa bagay sa'yo lahat.

DARCY

Ha? nabingi na yata ako dahil sa kanina.

*iling nito habang marahan na tapik nito sa tenga.

DAX

Wala, sabi ko nagugutom ka na di ba?

*tumango si Darcy.

Halika na.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

Inaantok na halos makatulog na si Horhe habang nakaupo at maya-maya ay tunog ng palo sa mesa ang nagbigay ng ulirat sa natutulog niyang diwa.

HORHE

Ano ba?

*reklamo nito.

KINCHAY

Mag-aral ka. Binabayaran mo ako para matuto ka at hindi para makatulog.

HORHE

Pag marami kasing mga letter na nagsasama-sama katulad nito...

*sabay turo sa libro.

Pakiramdam ko hini-hypnotize ako na matulog.

KINCHAY

Edi ito ang gawin natin.

*kinuha nito ang papel at may isinulat.

HORHE

Morse code? Ito na naman?

KINCHAY

Codes yan,hindi yan letters kaya hindi ka aantukin.

HORHE

Nakalimutan ko na yung iba.

KINCHAY

Heto cheat sheets at saka nagrecord na rin ako ng morse code beats. Hala! Sige, aral na.

*matapos sabihin ito ay nagmaktol itong si Horhe na nag-aral gamit ang morse codes at morse code beats, isinuot nito ang headset at nagsimula ng mag concentrate.

HORHE

Di-dit, di-dah... Di-dit-dah-dah-dah

*gaya nito sa tunog ng morse code beats.

Anong letters ba 'to? Hindi ko talaga maintindihan ang morse code beats.

*reklamo nito at tanggal nito sa headset.

KINCHAY

Basahin mo na lang yung lesson gamit yung morse code cheat sheets kasi.

*bigay nito sa papel na may morse codes at equivalent letters nito.

HORHE

Sa grabeng talino kahit ano na lang pinag-aaralan mo.

KINCHAY

May nagturo sa'kin.

HORHE

Sino naman at sobrang tiyaga naman ng taong yun.

KINCHAY

Si Butterfly.

HORHE

Hay naku po!!! Si Buttefly nga pala.

*napatayo ito nang maalala si Butterfly.

Nakalimutan ko babalikan ko nga pala si Butterfly. Sige bye...

*paalam nito kay Kinchay.

AFTER A WHILE

Hingal na dumating si Horhe sa Amore café at nakasimangot na sinalubong siya ni Butterfly.

BUTTERFLY

Sarado na ang café ko.

HORHE

Sorry, nakalimutan ko.

BUTTERFLY

Kamusta yung lakad mo?

HORHE

Lakad?

BUTTERFLY

Sabi ko na nga ba, sinundan mo si Kinchay.

HORHE

Hi...hi...hindi.

*hinawakan ni Butterfly ang dibdib ni Horhe.

BUTTERFLY

Nang magawa ang mundo,ang unang nalikha ay tunog.

*tila nagbibitaw ito ng enkantasyon.

Di-dit, di-dah-di-dit dah-dah-dah di-di-di-dah dit, dah-di-dah-dah dah-dah-dah di-di-dah.

HORHE

Parang pamilyar...

BUTTERFLY

I Love You

*napatingin si Horhe kay Butterfly sa narinig.

Yun ang ibig sabihin nun.

HORHE

Mahal mo ako?

BUTTERFLY

Hindi.

*sabay kutos nito kay Horhe.

Yan ang naririnig ko ngayon sa dibdib mo.

*napakumos ng dibdib si Horhe.

Mag-linis ka na.

*sabay tapon ng basahan kay Horhe.

HORHE

Ba't ba ako napapaligiran ng mga kakaibang tao?

*nagsimula itong mag-punas at habang ginagawa ito ay ginagaya niya ang tila enkantasyon na ginawa ni Butterfly.

Di-dit, di-dah-di-dit dah-dah-dah...

*napatigil ito bigla.

Alis na muna ako,babawi ako bukas.

*at nagmamadaling lumabas mula sa café Amore.

BUTTERFLY

Tsk tsk tsk tsk.

*napailing na lang si Butterfly na hinayaan si Horhe na lumabas at iwan ang trabaho.

Haaayyy! Minsan talaga naiinis ako sa trabaho ko.

*at saka tinapos nito ang trabahong iniwan ni Horhe.

------------------------------------------------------------------------

MEAN WHILE

INT. CATACUTAN RESIDENCE-NIGHT

Pagod na pagod at bitbitbitbit ni Darcy ang mga binili kanina nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Horhe at lumabas si Kinchay.

KINCHAY

Oh, bakit parang pagod na pagod ka?

DARCY

Sinabi mo pa.

*pumasok si Darcy at ganoon din si Kinchay sa kwarto at sabay na nag patihulog sa kama.

KINCHAY

Kamusta?

DARCY

Malaya na ako sa kontrata na pinirmahan ko kay Juancho.

KINCHAY

Ha? Bakit parang imbes na umayos ang relationship niyo parang naging hindi maayos.

DARCY

Magpapakasal na kasi siya.

KINCHAY

Kasal? Kanino? Hala siya!!!

*gulat nitong nasambit at napaupo pa sa narinig at sinundan din ng pag-upo ni Darcy.

DARCY

Si Emily.

KINCHAY

Seryoso ka ba diyan??!!

DARCY

Inimbitahan niya pa nga ako.

KINCHAY

Halika at sugurin na'tin!!!

DARCY

Para ano? Wala namang kami!

KINCHAY

Oo nga pala.

DARCY

Ikaw, kamusta?

KINCHAY

Hindi ako ayos.

DARCY

Bakit? Magkwento ka.

*biglang bumuhos ang luha ni Kinchay at napayakap sa kaibigan, biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

Horhe? Ba...bakit ba?

*lumapit ito kay Kinchay na kasalukuyang nagpupunas ng luha.

HORHE

Akin na ang cellphone mo.

*sa kabila ng hingal dahil sa pagtakbo ng mabilis ay mahinahon nitong hiningi ang cellphone ni Kinchay.

DARCY

Ano ka ba? Umiiyak na nga yung tao.

*kahit na hindi nito naiintindihan ang nangyayari ay patuloy pa rin ang pagpapatahan ni Darcy kay Kinchay.

HORHE

Akin na ang cellphone mo.

*mahinahon pa rin na inulit ni Horhe ang paghingi ng cellphone ni Kinchay na ibinigay naman nito.

Di-dit

*unang tunog ng morse code beat.

I

*translate ni Horhe nito.

di-dah-di-dit dah-dah-dah di-di-di-dah dit

*tunog muli nito na sinundan kaagad ng pag translate nito ni Horhe.

Love

dah-di-dah-dah dah-dah-dah di-di-dah

*muling tunog ulit nito sa ikatlong beses.

You

*translate muli nito ni Horhe.

di-di-di-dah-dah-dah-di-dah-di-di-di-di-di

*ngunit nang ita-translate na sana ni Horhe ang huling morse code beat ay nagsalita si Kinchay.

KINCHAY

Horhe.

*napatingin sa gulat kahit na hindi naiintindihan ang nangyayari si Darcy sa dalawa.

I Love You Horhe, yan ang ibig sabihin niyan.

DARCY

Teka lang ah, hindi ko maintindihan.

KINCHAY

Mahal ko si Horhe.

DARCY

Eeehh??!! Ano??!!

*hindi nito nakuha ang sagot sapagkat tumakbo palabas si Kinchay at sinundan naman ito ni Horhe.

Anak ng butiki! Malaking problema 'to.

*buntong hininga nito at napahiga sa kanyang kama.

AFTER A WHILE

Hinabol ni Horhe si Kinchay, pinigilan ito sa pagtakbo sa pamamagitan ng pag-yapos nito kay Kinchay.

HORHE

Kinchay naman eh, alam ko nang gusto mo rin ako.

KINCHAY

Bakit ba ganito mo sinasayang ang oras mo,you fell in-love with me accidentally.

HORHE

Hindi ako naniniwala sa aksidente, I found you because you are destined to be with me.

KINCHAY

What is love to you?

HORHE

You.

*sagot nito habang humigpit ang yakap nito kay Kinchay.

Ikaw, what is love para sa'yo?

KINCHAY

Imagination, untouchable and absolutely nothing.

*nang marinig ang sagot ni Kinchay ay marahan na pinakawalan ito mula sa kanyang mga bisig.

Kaya huwag ako, piliin mong huwag ako. Define Love with someone that will describe love like how you describe it.

HORHE

Bakit? Dahil ayaw mo lang sa'kin?

KINCHAY

Oo.

HORHE

Narinig ko, naintindihan ko kahit bobo ako, rinig ng puso ko kanina mahal mo ako.

*umiiyak nito sabi.

KINCHAY

Alam ko.

HORHE

Sabihin mo.

KINCHAY

Hindi kita mahal.

HORHE

Okay, siguro kota na ako,sobrang daming beses mo na ako hinindian.

*tumaliko ito at bumalik sa loob ng kanilang bahay at naroroon si Darcy naghihintay.

Masakit pala talaga.

*napayakap ito sa kanyang kapatid at humagulgol sa iyak.

MEAN WHILE

Tumunog ang cellphone ni Kinchay at kabado nitong tinititigan kung sino ang tumatawag.

KINCHAY

Bakit?

JOSEPH

Anong bakit? Tatlong oras ang ibibigay ko sa'yo bago ko ikalat ang pictures mo.

KINCHAY

Pupunta na ako, hintayin mo ako. Please huwag mong ikalat,please maawa ka.

*ngunit wala na sa telepono ang kausap.

Hello? Joseph? Hello?

*dali-dali itong nagtungo sa bahay nila Darcy at sakto ay 'di pa siya nakaka-alis sa harapan ng bahay nito.

DARCY

Kinchay...

*napaakap si Kinchay kay Horhe imbes na kay Darcy.

KINCHAY

Tulungan mo ako. Tulungan mo ako please.

*patuloy na pag-iyak nito.

HORHE

Bakit?

*napabitiw si Kinchay sa pag-yakap kay Horhe.

KINCHAY

Ho...Hor...Horhe?

HORHE

Kahit dito pagkatiwalaan mo ako.

*umiling si Kinchay bilang pag tutol.

KINCHAY

Ayoko Horhe, ayoko.

*pipiligan na sana ni Darcy si Horhe sa pamimilit na tumulong ngunit niyakap nito si Kinchay.

HORHE

Shhh... Tahan na...

*hagod ng marahan ni Horhe sa likod nito upang kumalma ito at nang makita na palagay na ang loob ni Kinchay ay marahang umalis si Darcy na may payapang mukha.

Gusto mo pag-usapan natin dito?

*umiling si Kinchay bilang tugon at dumiretso silang dalawa sa kwarto samantalang si Darcy ay naghihintay at pabalik-balik na 'di mapakali sa labas ng kwarto ni Horhe.

KINCHAY

Horhe...

*napa-akap ng mahigpit at patuloy na umiiyak si Kinchay sa piling ng Lalaking sa kanya ay buong pusong nag-aalala.

HORHE

Bakit? Anong problema?

KINCHAY

Natatakot ako.

*patuloy na pag-iyak nito.

Uto uto naman kasi ako...

*pinagpapalo nito ang ulo ng paulit-ulit na kaagad naman na pinigilan ni Horhe.

HORHE

Pag di ka tumigil baka umiyak din ako?

*at umiyak na nga si Horhe ng ubod ng lakas.

KINCHAY

Bakit ka umiiyak?

HORHE

Kasi naaawa ako sayo.

KINCHAY

Huwag ka ngang umiyak!

*ngunit mas nilakas pa ni Horhe ang pag-iyak.

Pinaglalaruan mo naman ako eh.

*at tumigil bigla si Horhe sa pag-iyak.

HORHE

Di ba effective naman? Reverse...reverse...

KINCHAY

Reverse Psychology.

HORHE

Yung nga.

*nahihiya nitong sabi na nag-pangiti kay Kinchay.

Ready ka na bang i-kwento sa'kin?

*hindi na ito sumagot bagkus ay nagsimula itong mag-kwento.

KINCHAY

Naaa-lala mo pa ba yung pictures na aksidenteng na-send ko sa'yo?

HORHE

O...o...oo,papa...pa...papaano ko naman makakalimutan yun?

*kabadong sagot ni Horhe bilang sang-ayon.

KINCHAY

Ginagamit niya yung pictures na yun para i-blackmail ako.

SEVERAL YEARS AGO

Umiiyak na nakikiusap si Kinchay sa Lalaking na nasa kanyang harapan na habang nakaluhod ito.

KINCHAY

Ang tagal na natin, huwag naman nating sayangin yung relationship natin.

JOSEPH

Yun nga eh, ang tagal na natin pero parang mag-kaibigan lang tayo. Kahit isang halik wala akong natatanggap mula sa'yo.

KINCHAY

Yung sa kiss sa cheeks, di ba kiss naman yun?

JOSEPH

Ano ako? Ano tayo? Mga kindergarten na puppy love ang relasyon.

KINCHAY

Kasi gusto kong...

JOSEPH

Wala na akong pakialam sa gusto mo dahil wala ka rin namang paki-alam sa gusto ko.

*at itinggal nito ang mga braso ni Kinchay na nakalinggis sa kanyang hita at umalis na ng tuluyan,hahabulin sana nito si Joseoh ngunit dahil sa kanina pa nitong pagmamakaawa habang nakaluhod ay nagkasugat-sugat na ito at nahirapang tumayo---mabilis nitong kinuha ang cellphone,nagtungo sa kanyang gallery at pikit matang nag send ng isang litrato.

Hindi ka ba nilalamig?

*basa nito sa message na natanggap.

Hala? Haaayyy ba't sunod-sunod ang kamalasan ko.

*dali-dali nitong in-ooff ang cellphone at umiyak na lamang sa sementong pinag-iwanan sa kanya---maya-maya ay bumalik ang umiwan na Lalaki sa kanya.

Joseph? Bumalik ka.

*kahit na may sugat ang mga tuhod ay nagawa nitong makabangon at maakap si Joseph.

Natanggap mo ba?

JOSEPH

Yung ano?

KINCHAY

Yung...yung...nu...nudes na pinadala ko. Yun lang muna ang kaya ko.

JOSEPH

Natanggap ko.

*ngisi nito sa pagsisinungaling na sinabi.

KINCHAY

Makikipag-balikan ka na ba sa'kin?

JOSEPH

No.

*maigsing sagot nito.

Bumalik lang ako para kunin 'to.

*sabay pigtas nito sa kwintas ni Kinchay.

Salamat sa pictures,don't worry ishe-share ko yung blessings na yun sa iba.

*napa-hawak ng mahigpit si Kinchay sa salbaheng Lalaki.

KINCHAY

Huwag! nag-mamakaawa ako. Huwag mong gawin yun,please.

JOSEPH

Pay me.

*bulong nito kay Kinchay.

KINCHAY

Ma...ma...mag-kano?

*natataranta nitong tanong habang kabadong binuksan ang wallet at ibinigay ang lahat ng laman nito.

JOSEPH

Pag-iisipan ko,pero sa ngayon pwede na 'to.

*kuha ng perang binigay ni Kinchay at umalis.

HORHE

Ano ngayon ang gagawin mo?

*ang tanong nito ni Horhe ang nagbalik kay Kinchay sa kasalukuyan.

KINCHAY

Uutang ako.

*dali-dali sana itong tutungo kay Darcy pero pinigilan ito ito ni Horhe.

HORHE

Haayy... ewan ko ba kung bakit kita nagustuhan?

*pinaupo nito si Kinchay.

Academically matalino ka pero ang bopols mo sa buhay.

KINCHAY

Anong gagawin ko? Tatlong oras lang ang ibinigay sa'kin ni Joseph.

HORHE

Joseph?

*tanong na may pagtataka ni Horhe.

May picture ka ba niya?

*hindi na sinagot ni Kinchay si Horhe bagkus ay ipinakita na lamang nito ang picture ni Joseph mula sa kanyang cellphone.

Siya nga,sabi ko na kilala ko siya.

KINCHAY

Kilala mo siya?

*tumango si Horhe at tumayo pagkatapos ay nagtungo sa kanyang cabinet at inilabas ang isang cellphone.

HORHE

Pinilit niya akong bilhin 'tong cellphone na'to.

*at dali-dali kinuha ni Kinchay ang cellphone at binuksan ang likuran ng cellphone at nakita niya roon ang kanyang pangalan.

At pagkatapos gusto niyang bilhin sa'kin ng doble pero ayokong ibigay kasi ka-text na kita nun.

KINCHAY

Salamat Horhe.

*masayang yakap nito sa kanya na ngayon ay nahihiya ngunit masaya na si Horhe.

HORHE

Halika.

KINCHAY

Saan?

HORHE

Huwag mo muna akong pasalamatan, 'di pa ayos ang problema mo.

*at hinigit nito si Kinchay.

DARCY

Ano? Ayos ka na ba?

*hindi na nakapag-salita pa si Kinchay sapagkat higit-higit siya ni Horhe.

Ano ba kasing nangyayari?

*kausap ni Darcy sa sarili nang iwan siya nila Horhe at Kinchay na hindi alam ang totoong nang-yayari.