webnovel

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

Dahil sa isang pagkakamali ay kailangan magpanggap na Fiancé ng isang sikat na artista na si Juancho ang writer wanna be na si Darcy,pero paano kung ang magiging Fiancé niya ay si ex-crush pala? Bibigay ba siya o pipigilan niya ang nararamdaman dahil alam niyang pagpapanggap lang ang lahat? Ngunit dahil sa isang sumpang napapasa sa unang anak ng unang anak ay tila mapapalapit muli ang loob ni Darcy sa ex-crush niyang si Juancho na tila siyang may kakayahan na tanggalin ang sumpa.I-crush back kaya siya at mag lead pa sa marriage o di kaya mamamatay siya dahil sa epekto ng sumpa at sa paglaban sa sumpa nang sabay .Sapat na ba ang panliligaw ni crush upang ma-fall muli siya? Malalabanan ba ang sumpa gamit ang love o titigil na nang tuluyan ang tibok ng puso ni Darcy? Paano magtatapos ang fairy tale ni Darcy?

MariaNaMapalad · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
10 Chs

Nang Maging Crush Ako Ni Crush: Ang Sumpa Ng Unang Butiki

CHAPTER FOUR

NEXT DAY
Pagbukas ni Darcy ng kanilang gate nagulat ito sapagkat nasa labas sina Dax na dala na naman ang kanyang magarang kotse na katulad ng dati ay naka-headset pa rin at si Juancho na naka motorsiklo naman sa pagkakataong 'to.

DARCY
Eeehhh??!!

DAX
Mas safe ka sa'kin.

*nakangiting bungad nito ng makita si Darcy samantala hindi na nagsalita si Juancho upang kumbinsihin si Darcy bagkus inangat nito ang kamay na may engagement ring para ipakita kay Darcy at bahagyang itinaas ang kilay.

DARCY
Halika na baka mahuli pa tayo.

*sabi nito matapos lumapit kay Dax na may dalang kotse...nag start na ang kotse nang biglaang namatay ito.

DAX
Bakit ngayon pa?

*dismayado nitong sambi at bumaba sa kotse at maya-maya ay isang malakas na tunog ng motor ni Juancho ang nagpalingon kina Dax at Darcy...

Sige sumakay ka na dun, baka mahuli ka pa.

*nakangiti ngunit sa loob nito ay talagang nanghihinayang ito sa nakawalang pagkakataon na makasama si Darcy.

DARCY
Ayos lang ba?

*tumango si Dax bilang tugon at ganoon nga ang ginawa ni Darcy,lumapit ito kay Juancho,samantalang si Dax ay pasulyap na tinitignan sina Juancho at Darcy habang patuloy na pinipindot ang volume button ng kanyang cellphone upang lumakas ang music na pinakikinggan mula sa kanyang headset at sa kabilang dako naman ay kukunin na sana ni Darcy ang helmet na iniaabot ni Juancho ngunit ikinabig siya nito palapit at ito mismo ang nagsuot kanya nito na sanhi upang magkadikit ang kanilang mga katawan.

JUANCHO
Mas safe ka sa'kin.

*sabi nito bago i-lock ang helmet na sinuot kay Darcy,sumakay na sila parehas at humawak sa bakal na nasa likod si Darcy at nagsimula na ngang ikaripas ni Juancho ang motor.

Humawak ka sa'kin...Huwag diyan sa bakal.

*sabi nito habang umaandar ang motor.

DARCY
Ayoko.

*matapos marinig ang sagot ni Darcy ay biglang pu-mreno si Juancho sanhi upang mapaakap si Darcy sa kanya...

Anak ng butiki naman oh oh, hinay-hinay naman.

JUANCHO
Sorry,pero I wan't rough.

*at muling pinaandar ni Juancho ang kanyang motor.

Keep closer to me so that I can protect you easily.

*dagdag nito, sa pagtahak nila ng kalye ay hindi na tinanggal ni Darcy ang pag akap kay Juancho.

AFTER A WHILE
Nakarating na rin sila sa wakas sa fame towers, unang bumaba Juancho at sumunod naman si Darcy---paghakbang nito pababa ay na out of balance ito,mabuti na lamang ay naalalayan siya ni Juancho. Ramdam ni Darcy ang braso ni Juancho sa kanyang likod na bumabalot sa kabuuan ng kanyang katawan, samantalang ramdam naman ni Juancho ang hawak ni Darcy sa kanyang matigas na braso, ang init ng bawat hawak nila sa isa't isa ay ramdam nila pati na rin ang hininga ng bawat isa na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam na sumusukob sa kanilang katawang lupa.

DARCY
Salamat.

*hindi ito makatingin ng direkta sa mga mata ni Juancho na sa kanya'y lumulukob ngayon.

JUANCHO
Tignan mo na, pag mas malapit ka sa'kin mas mapo-protektahan kita ng mabuti.

*sabay kindat nito kay Darcy...ngunit namutawi kay Darcy ang ideyang 'di siya pwedeng madala sa tagpong ito at dahil alam niyang siya ang dehado, kumalas ito sa pagkakahawak sa kanya ni Juancho at inayos ang sarili.

DARCY
Bago mo ako protektahan...

*at isang batok ang ipinadama nito kay Juancho bago nito tinuloy ang sasabihin.

Protektahan mo muna ang sarili mo.

*at sabay umalis na hindi man lang lumingon pabalik kay Juancho.

JUANCHO
Hoy!!! Nasa aspalto na tayo ng kompanyang pagmamay-ari ko. Boss mo na ako ba't mo ako ginaganyan?!!! Ha! Hoyyy!

*sigaw nito sa naglalakad papalayo na si Darcy na tila hindi nito pinakikinggan si Juancho.

May saltik talaga yata ang Fiancé ko.

*sabay tingin nito sa engagement ring...

AFTER A WHILE
Nagtungo kaagad sa C.R. si Darcy hawak-hawak ang dibdib nito.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

Ang puso ko... Ang puso ko...

*at inom ng tubig at hinga ng malalim.

Kumalma ka...

*duro nito sa dibdib niya...at hinga muli ng malalim.

Haaayy! Anak ng butiki naman eh,pag-ganun lagi ang sasabihin niya sa'kin tapos kikindatan niya ako palagi baka mamatay ako sa gulat at hindi sa sumpang ito.

*kausap nito sa butiking nasa kisame ng C.R. at maya-maya nang makaginhawa na ay lumabas na ito sa C.R, lumingon-lingon upang i-check kung nasa paligid si Juancho at lumabas na ng tuluyan---nagtungo siya sa elevator,naihakbang na niya ang isang paa sa loob ng elevator at bago pa man makapasok ng tuluyan ay isang kamay ang humigit sa kanya,akala niya ay makakalabas siya sa pwersa ng humigit sa kanya ngunit may kamay sa loob ng elevator na sumalungat sa higit ng nasa labas,at ngayon ay nasa gitna siya ng papasarang pintuan ng elevator.

Aaahhhhhh!!!

*takot na sigaw nito ng muntik na siyang masaraduhan ng elevator...dahil sa andrenaline rush ay humakbang siya papalabas--- nakalabas siya at kasama ang nagmamay-ari ng kamay na humigit sa kanya papaloob ng elevator...ngayon ay kitang kita niya ang dalawang taong dahilan kung bakit siya muntik mapipit ng pintuan ng elevator. Nakita niya si Dax na hawak ang isa niyang kamay at si Juancho na hawak ang kabilang niyang kamay.

Gusto niyo bang basagin ang itlog ko!!!???

*matapos niya maisigaw ito ay doon lang niya napansin ang mga ibang empleyadong nakatingin sa kanila.

Maghahagdan na lang ako.

*pagkalma kaagad nito dahil sa taong nasa paligid.

JUANCHO
Sige, mabuti pa mag hagdan na lang tayo.

*sabi nito at akmang aakbayan si Darcy.

DARCY
Ako lang mag-isa.

*sabay atras ni Juancho nang marinig ito.

DAX
Kayong lahat na nasa elevator labas!!!

*sigaw ni Dax at kaagad naman nagsilabasan ang nasa loob nito...kinuha ni Dax ang kamay ni Darcy sabay silang pumasok at nang papasara na ang pinto ay pinigilan ito ni Juancho at pumasok na rin...nakita nitong hawak ni Dax ang kamay ni Darcy kaya ganun din ang ginawa nito.

JUANCHO
Bumitaw ka sa Fiancé ko.

DAX
Ikaw ang bumitaw sa asawa ko.

JUANCHO
Ano?!!

DAX
Asawa ko siya.

DARCY
Pagpahingahin niyo naman ako.

*at saktong pagbukas naman ng pinto at kaagad kumawala sa pagkakahawak sa kanya ng dalawa...at akmang susunod ang dalawa.

Huwag kayong susunod.

*at tuluyan na nagsara ang pinto ng elevator...naiwan sina Dax at Juancho sa loob nito.

DAX
Huwag mo akong pagbawalang lumapit sa kanya,kung meron man dito na dapat lumayo sa kanya...Ikaw yun.

JUANCHO
Hobby mo na talaga ang mangkuha ng hindi sa'yo.

DAX
I will take that as a compliment.

*sabi nito at sabay bumukas ang pintuan ng elevator sa kasunod na floor at lumabas, bago nagsara ang pinto ng elevator ay nagsalita ito muli.

Mas magiging okay siya sa'kin kasi hindi ako katulad mong pinaiiyak siya noon hanggang ngayon.

*susugurin sana ni Juancho si Dax pero huli na dahil nagsara na ang pinto ng elevator kaya ibinaling niya sa pinto ng elevator ang kanyang nararamdaman.

AFTER A WHILE
INT. TRAINING ROOM-DAY
Nasa harap si Madam Heart at lahat ay nakatutok sa kanya. Kalmado ang stressed kaninang si Darcy.

MADAM HEART
Katulad nga ng sinabi ko kanina, Since malapit na ang pagtatapos ng inyong training lahat kayo ay magsusulat ng isang sex scene at ang mapipili ay idadagdag namin sa script ng movie. Consider this as your big break.

*nang marinig ito ay naging excited ang lahat.

You only have two weeks to do that.

*pahabol pa nito.

DARCY
Two weeks? Para sa sex scene eh kiss nga wala akong alam sa sex pa kaya...

*stressed at pawasiwasiwas ng ulo nitong sabi sa sarili...at maya-maya ay napalingon ito ng may marinig siya na kanyang ikinagulat...

Eeehhh??!!

*dahan-dahan gamit ang mga malalaking titik isinulat nito ang salitang PORN...at napalunok ito.

MADAM HEART
Before I forgot, one important thing. Gusto ko yung sex scene dapat sobrang hot at talagang erotic... SSPG.

DARCY
Super super parental guidance...

*sabi nito ng mahina sa sarili na puno ng pagaalala at kaba...

MADAM HEART
Sexy Steamy Provocative at Goatish.

*very passionate at energetic nitong sabi.

DARCY
Goatish?

*dali-dali nitong search sa word at basa ng meaning nito.

adjective. lustful,can be used as another term for sexual arousal.

*napalunok ito sa nabasa.

AFTER A WHILE
Umuwi na si Darcy at matamlay ito. Pagbukas niya naroroon sina Amore, Kriselda at Joyce na pag pasok niya ay tila naging x-ray machine sapagkat kung makatingin ay tagos hanggang laman,naroon din si Horhe at Kinchay.

MAPA
Mga kasamahan ko sa trabaho,dito sila matutulog ngayong gabi.

*sabi nito habang ang anak na si Darcy ay nagmamano sa kanya.

DARCY
Ano po bang meron? At parang ang dami pong tao sa bahay ngayon?

*wala itong narinig na sagot mula sa mga ito bagkus isang tingin sa isang dako ang tila naging sagot nila...sinundan ni Darcy kung saan patungo ang titig ng mga ito at nakita niya naroroon si Juancho at nakangiti.

HORHE
Kinukumbinse ng mokong na'to si Mapa na pumayag pakasalan ka.

*lumapit ito sa kapatid na si Darcy at nagmamakaawang umiiling.

Huwag kang papayag. Masisira ang buhay mo.

*nanlilisik ang mga mata ng Mapa nila...kinuha nito ang unan at tumayo,lumapit kay Horhe at...

MAPA
Kaya wala kang Jowa!!! Pati kapatid mo idadamay mo pa!! Ah!!!

*sabay pagpapalo kay Horhe.

Bukas na bukas maghanap ka na rin ng maaasawa ah. Kung wala kang mahahanap huwag kang babalik dito!

*patuloy na pagpalo nito at habol kay Horhe...napahinto ito bigla ng makita niyang nakatingin sa kanila si Juancho.

MAPA
Aah, ngayon lang naman kami ganito. Huwag ka mag alala Juancho. Normal kami.

*akward na ngiti nito bilang tugon sa Mapa ni Darcy at Horhe.

DARCY
Kayo na lang po mag-usap tungkol sa kasal,papasok na po ako sa kwarto ko.

*bago makapanhik sa hagdan ay isang sutsot mula kay Kinchay ang narinig ni Darcy na nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan ng kaibigan at marahas itong pailing-iling na tila nag-wawarning.

Ha? Ano? hindi kita maintindihan?

*mahina na halos wala na talagang boses na lumalabas na tanong nito kay Kinchay...pero bago pa man malaman ni Darcy kung ano ang gustong sabihin ni Kinchay ay nagsalita ang Mapa ni Darcy.

MAPA
Tama!! Sige...sige...sige mag pahinga ka na muna, isama mo na rin si Juancho.

*sapilitang ipinaakyat nito sina Darcy na nagsumasalungat sa nais ng kanyang Mapa...

DARCY
Pero bakit po siya kasama...??

*hindi nito nakuha ang sagot patuloy ang pagtulak sa kanya ng Mapa niya papunta sa kanyang kwarto kasama si Juancho.

MAPA
Make me proud.

*cheer nito kay Darcy at pagdating sa pinto ng kwarto ay itinulak nito papaloob sina Juancho at ang kanyang anak.

Sound proof ang kwarto kaya okay lang mag-ingay.

*pahabol na sigaw nito matapos makapasok ang dalawa sa kwarto.

INT. DARCY's ROOM-NIGHT
Punong puno ng lobo ang kwarto ni Darcy at may nagkikislapan na mga ilaw...may bed of roses at romantic music din.

JUANCHO
Ay,oo nga pala sabi ng Mapa mo ibigay ko daw 'to sayo pagpasok natin dito sa kwarto mo.

*at abot ng isang maliit na box na may ribbon...binuksan ito ni Darcy at itinago kaagad ito sa kanyang likod ng malaman kung ano ang laman nito.

Napaka thoughtful ng Mapa mo.

DARCY
Ha??!! Ba...ba...ba...bakit mo naman nasabi.

*kabadong tanong nito.

JUANCHO
Yung gift. Binigyan ka niya ng gift.

DARCY
Wala 'to.

*tago ng mabuti sa regalo ng kanyang Mapa.

JUANCHO
Halika, gamitin na natin...

DARCY
Eeehhhh??!! Ga...ga...gamitin?! 'to...to? Gamitin 'to??!!

*labas ng regalong kanina'y itinatago at tago muli nito sa kanyang likod.

JUANCHO
Bakit? Sabi ni Tita... I mean ng Mapa mo... pwede raw na parehas natin magamit yan.

DARCY
Hindi ako nag she-share ng gift.

*biglaang sabi ni Darcy.

JUANCHO
Okay.

*maigsi at walang emosyon na sagot nito na malayo sa normal na laging tugon ni Juancho,nagtaka si Darcy sa inaasta ni Juancho.

DARCY
Ayos ka lang ba?

JUANCHO
Sorry...

*ilang segundo itong huminto at nagsalita muli.

Sobrang pinipilit kita kahit alam kong nasasaktan ka. Okay, you can flirt with Dax if you want.

DARCY
Flirt? kay Dax? Paano mong nasabing nag fli-flirt ako kay Dax?

JUANCHO
Kasi ang sweet mo sa kanya, tapos...

*hindi na nito natapos ang sinasabi ng si Darcy ay magsalita.

DARCY
Kung may nakakaalam rito kung paano talaga ako mag flirt ikaw dapat yun. Nakalimutan mo na ba ikaw ang unang flin-irt ko sa tanan ng buhay ko.

*turo nito kay Juancho habang sinasabi ito at nang matapos sabihin ito ay marahan nitong itinupi ang nakaunat na hintuturo at bago niya naibaba ang kamay ay hinawakan ito ni Juancho.

JUANCHO
Oo, nakalimutan ko na kung paano ka mag-flirt, ipaalala mo sa'kin kung paano...

*tinanggal nito ang pagkakahawak sa kamay ni Darcy at marahang inilipat ang hawak sa likod ni Darcy na nagpaliyad dito ng kaunti,inangat nito ang katawan at hiniga,nagkatitigan ang dalawa salungat sa lamig ng gabi ang init ng kanilang titigan...nagwika si Juancho.

Landiin mo ako.

Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! Tsk! (huni ng butiki)

*napabalikwas ng tayo si Darcy sa narinig na huni ng butiki...natulak niya ng napakalakas si Juancho.

DARCY
Teka lang may butiki.

*sabay inom nito ng tubig na nasa lamesa.

JUANCHO
Butiki na naman.

*tingin nito sa kisame sabay sabi nito at tumayo pero bigla itong may inindang sakit.

Aray.

*kaagad naman ito inalalayan ni Darcy papunta sa kanyang kama,dahil sa mas mabigat si Juancho ay na-out of balance si Darcy, nagkalapit ang kanilang mukha, ang kanilang mga mata ay nagtama.

DARCY
Masakit ba?

*malambing at may pagalalang tanong nito,hindi sumagot si Juancho unti-unting nasasapawan ng tibok ng kanilang puso ang musika, isang marahang halik sa ilong ang isinagot ni Juancho.

I...i...isa na naman ba 'to sa kalokohan mo?

*ngumiti si Juancho at sabay tumango...at isang tadyak muli ang ibinigay ginawa ni Darcy kay Juancho.

JUANCHO
Aray...

*inda muli nito at saka balik sa kama ni Darcy na inda ang balakang na dalawang beses tumama sa papag.

MEAN WHILE
Nasa labas ng pintuan mismo ng kwarto ni Darcy sina Amore, Kriselda, Joyce, Horhe, Mapa at si Kinchay...nakikinig ang mga ito at nakikiramdam sa nangyayari.

AMORE
Tama nga ang calculations ko, negative celcius equals sexual tensions.

*nagkalakihan ang mga mata ng lahat ng marinig ang inda ni Juancho.

JUANCHO
Dahan-dahan lang masakit.

DARCY
Iangat mo para maayos kong maipasok.

KRISELDA
This is interesting pwedeng nag aatempt ang bottom na maging top.

*at patuloy na nakinig sa nangyayari.

JUANCHO
Ako na nga lang kasi.

AMORE
Sabi na nga ba eh hindi magagawa successfully ng bottom ang maging top.

JUANCHO
Try mo nga ulit.

JOYCE
Considerate si Top, pag naging successful ang 2nd attemp ni bottom na mag top pwedeng maging versa ang dalawa.

*at biglang bumukas ang pinto...lumabas na iika-ika si Juancho hawak ang balakan nito...

DARCY
Ano pong ginagawa niyo diyan sa pinto?

KINCHAY
Anong ginagawa niyo?

DARCY
Nahulog kasi siya sa kama kaya kukuha ako ng yelo.

MAPA
Walang pasukang nangyari?

DARCY
Pasukan? aahh, yung unan po para tumaas at makatulong para maibsan yung sakit ng balakang niya.

MAPA
Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan, halika na palinis tayo ng utak.

*at nagsi alisan ang lahat.

AFTER A WHILE
INT. DARCY's ROOM-NIGHT
Nakabalik na sina Juancho at Darcy sa kwarto at ayos na rin ang lagay ng balakang ni Juancho. Nakahiga ito samantalang si Darcy ay kanina pa nakatulala sa harap ng kanyang writing space at nilalaro ang lapis na pangsulat...nagsulat at ginumos ulit ang sinulat...

DARCY
Paano ako makakapag sulat ng sex scene eh daig ko pa ang virgin coconut oil.

*natulala ulit ito at nilaro-laro ang lapis na panulat...

JUANCHO
Darcy...

*pagtawag nito pero hindi ito umimik.

Darcy...

*sa pagkakataong ito tumayo ito sa pagkakahiga at malapitan itong tinawag.

DARCY
Sex.

JUANCHO
Ano?

DARCY
Pwede na ba tayong mag sex?

JUANCHO
No.

DARCY
Eeehhh??!! Bakit?

JUANCHO
Alam kong yun ang gusto mong bayad sa pagpapanggap mong Fiancé ko pero service muna bago bayad.

*tumayo ito at humarap kay Darcy.

Uuwi na ako, baka pag nagtagal pa ako dito sa kwarto mo baka makuha mo ang advanced payment na hinihingi mo.

*sabay haplos nitong marahan sa ulo ng malungkot na si Darcy...at umalis pero bigla itong pinigilan ni Darcy.

DARCY
Walang deposito,walang serbisyo.

JUANCHO
No.

*at pinakawalan na ito ni Darcy at maya rin ay bumalik hindi pa man ito nakakalabas sa kwarto ni Darcy.

Ay oo nga pala...

*napalingon si Darcy sa narinig...marahan at matamis na idinampi ni Juancho ang labi nito sa noo ni Darcy.

Good night.

*saka umalis na ng tuluyan...at hindi pa man nasasarado ni Juancho ang pinto ay pumasok kaagad si Kinchay.

KINCHAY
Si Juancho ba yun?

*tumango ang nakatulalang si Darcy.

Oh kamusta? May nangyari ba?

DARCY
Ki-niss niya ako...

*kinilig sa tuwa si Kinchay sa narinig at wala sa kalingkingan ng tuwa niya at kilig ang nakikita niyang reaksyon kay Darcy na malungkot.

KINCHAY
Bakit ganyan naman yang mukha mo? Ayaw mo niyan, meaning one step closer ka na para mawala yang sumpa sa'yo...

DARCY
Wala lang...

*at humiga ito sa kama niya at ganoon din si Kinchay...itinaas ni Darcy ang kamay at pinagmasdan ang engagement ring.

KINCHAY
Natatakot ka? Natatakot ka na baka pag hinayaan mo siya, mahukay niya ulit yung dati mong feelings sa kanya?

*bumangon si Kinchay at binangon din si Darcy.

Sometimes...it's not the ending, it's the story.

DARCY
Hahayaan ko siya tapos masasaktan ako ulit at wala akong karapatan para sisihin siya sa sakit na nararamdaman ko kasi wala namang kami.

KINCHAY
Pero kailangan mo siya ngayon. Buhay ka and natulungan mo siya. Win,win situation.

DARCY
Si Dax!

*biglang sambit niya sa pangalan nito.

KINCHAY
Oh ano naman sa kanya?

DARCY
Isa siya sa napili ng butiki para magtanggal ng sumpa sa'kin.

KINCHAY
Si Dax? Kailan mo pa nalaman?

DARCY
Nung isang araw na bumisita siya,nung hinatid niya ako. Tumibok 'tong puso ko.

KINCHAY
O sige dun ka na lang sa kanya. Wala pang sabit.

*kaswal nitong suwesyon.

DARCY
Eh pa'no si Juancho?

KINCHAY
Huwag mo na siyang isipin.

DARCY
Kailangan niya pa kasi ako.

KINCHAY
Madaling iwan ang taong hindi mo mahal.

*nakatingin nitong sabi kay Darcy.

DARCY
Haaayy! Anak ng butiki naman kasi eh...

KINCHAY
Pume-preno ka kasi kaagad 'di pa man umaandar ang sasakyan... Dalawa na ang sasakyang pwedeng mong sakyan ngayon ang kailangan mo na lang ay pumili.

*tumawa ito at kiniliti si Darcy na lumaban din sa pangingiliti ni Kinchay...maya-maya ay isang text ang nagpahinto sa saya ng dalawa...

DARCY
Si Dax.

*sambit nito nang makita kung sino ang nag text.

KINCHAY
Anong sabi?

*curious na tanong nito.

DARCY
Pinaalala niya lang yung date namin sa susunod na Linggo.

*nahihiya nitong dugtong...

KINCHAY
Pumapag-ibig...

DARCY
Hindi ko na nga alam kung tumitibok ba ang puso ko sa kanya dahil may nararamdaman ako sa kanya o dahil sa sumpa at saka iniisip ko rin kasi yung kontrata na pinirmahan ko kay Juancho.

*sabi nito

Anak ng butiki talaga...

*pagdadabog nito.

KINCHAY
Isa ang puso kahit 70 to 100 beats per minute ang tinitibok nito isa lang dapat ang pinaglalaanan mo nito.

*turo sa dibdib ni Darcy.

Haba ng hair...

*dagdag nito at kiliti kay Darcy dahil sa kulit nilang dalawa ay natabig nilang dalawa ang cellphone ni Darcy at kaagad nila itong chi-neck kung gumagana pa... at nang 'di na ito mabuksan ay napatingin na lang si Kinchay kay Darcy nang may panghihinayang.

Sorry.

*napatitig si Darcy kay Kinchay.

DARCY
Anong sorry ah? Ah...ah...

*sabay kiliti kay Kinchay...natapos ang gabi na masaya ang dalawa.

NEXT DAY
Nagising si Darcy. Pag tingin niya sa orasan ay napabalikwas ito sapagkat ay late na siya. Nag-ayos at dinampot ang sirang cellphone at habang pababa sa hagdan ay ti-nry kung gagana pa... at sa awa ng Diyos ay gumana nga ito,sunod sunod ang text galing sa mga kasamahan niya sa Fame Tower kaya lalo itong nagmadali.

AFTER A WHILE
Natulala si Darcy sa nakikita at may pagtataka ang palibot ng kanyang paningin.

MADAM HEART
Nandito na ba ang lahat? Sige magsi-sakay na kayo at mahaba pa ang biyahe.

DARCY
Biyahe??!! Eeehh?!! Ano pong meron?

DAX
Immersion.

*napalingon ito sa pinanggalingan ng boses na pamilyar.

DARCY
Dax??!! Immersion??!! Haaaayyyy anak ng butiki naman oh. Anong gagawin ko? 'di ko alam na may...

DAX
Relax,akong bahala.

*pagputol nito sa pagaalala ni Darcy,ngumiti ito at inalalayan si Darcy paakyat sa Bus...pag-akyat nilang dalawa ay unang bumungad sa kanila si Juancho.

JUANCHO
Balita ko busy sa Department na hina-handle mo ngayon? Mabuti may oras ka para mag-gala.

DAX
Kung nasaan ang asawa ko dapat nandun 'din ako.

*sabay hawak nito sa balikat ni Darcy at gawi nito patungo sa uupuan nilang dalawa.

MEAN WHILE
INT. DARCY's HOUSE-DAY
Bumaba na naka porma si Horhe, umakap pa 'to sa kanyang Mapa.

MAPA
O,may lakad ka?

HORHE
Sabi niyo po kasi kagabi maghanap ako ng Jowa.

MAPA
May date ka?

HORHE
Kaso lang po...

*sabay lahad nito ng kamay sa kanyang Mapa...at ngiti nito.

MAPA
Dapat pala hindi Jowa ang hanapin mo, trabaho muna.

*sabay lagay ng pera sa nakalahad na kamay ni Horhe...

HORHE
Salamat po,gagalingan ko po ang pakikipag-date...

*ngumiti ito at nagmadaling umalis.

MAPA
Ba't parang puro pakikipag-date ang tinuturo ko sa mga anak ko?

*napailing na lamang ito at nahagip ng paningin nito ang kalendaryo at napatigil ang titig roon at biglang gumuhit ang lungkot sa mukha nito, kinuha nito ang cellphone at ti-nry tawagan si Darcy.

AFTER A WHILE

INT. CAFÉ-DAY
Umupo si Horhe sa isang bakanteng upuan at hinintay ang ka-date. Maya-maya ay lumapit sa kanya ang waitress ng café---maganda ito, naka red lipstick at may mapupungay na mga mata, maputi at makinis. Blonde ang buhok at maikli ang gupit nito na talagang nagpa-angas sa dating nito.

WAITRESS
Good morning Sir, kilala niyo po ba si WinterGirl?

*nanlaki ang mga mata ni Horhe sa narinig at napangiti.

HORHE
Kilala ko, Ikaw ba si WinterGirl?

WAITRESS
Ikaw po ba si SexySummer?

HORHE
Oo ako nga.

*sabay abot ng kamay niya sa waitress at ng mahawakan ay nakipag shake hands at matapos maghiwalay ang kanilang kamay ay isang papel ang nakita ni Horhe sa kanyang kamay.

WAITRESS
Iyan po Sir yung iniwan na bayaran nung babaeng uminom kanikanilang.

*nagulat ito sa narinig.

HORHE
Nasaan siya?

WAITRESS
Umalis na po eh.

*at pagkarinig nito ay binayaran niya ang waitress at dagliang lumabas at hinagilap ang ka-date na iniwan siya.

MEAN WHILE
Nasa bintana nakaupo si Darcy at katabi nito si Dax,maya-maya ay tumunog ang cellphone nito at bago masagot ang tawag ng kanyang Mapa ay bigla itong nag-off at 'di na nag-on ng tuluyan.

DAX
Mas matanda pa siguro sa Lola ko yang cellphone mo.

*tumawa ng saglit si Darcy habang umiiling.

DARCY
Kasi kagabi nahulog 'to,nag on kanina at ayun tuluyan ng nag shutdown.

DAX
Sayang maganda pa manding lugar ang pupuntahan natin,perfect place para mag selfie.

DARCY
Saan nga pala tayo pupunta?

DAX
Sa Mayon, sa Albay.

DARCY
Eeehhh??!!

DAX
Bakit?

DARCY
Alam mo bang mahiyain ang Mayon at ang ulap na pinagtataguan niya ay ang asawa niya,kaya kapag nakita mo ang tuktok nito kahit ano pang hilingin mo magkakatotoo.

*excited nitong kwento.

DAX
Paano mo nalaman ang mga yun?

DARCY
May nakapag-sabi sa'kin at feeling ko nagkatotoo yung wish niya.

DAX
Gusto mo puntahan natin? Sabay tayong mag-wish.

*tumango ng maligaya si Darcy sa narinig.

DARCY
Ano bang iwi-wish mo?

DAX
Ang maging number zero...

*ilang segundo itong huminto at dinugtungan ang sinabi kanina.

Dito.

*turo nito sa dibdib ni Darcy na tila nahiya sa tinuran ni Dax at kasabay nito ang pagtanggal ni Dax sa kanina pang suot na headset.

DARCY
Himala tinanggal mo yang headset mo.

DAX
Mas maganda ang naririnig ko ngayon.

*nakangiti nitong sambit at tingin sa labas ng bintana.

MEAN WHILE
Nanonood sina Mapa,Amore,Kriselda at Joyce ng isang teleserye, ang isa sa mga karakter ay nag fli-flirt.

AMORE
Naku naku naku naku sabi ng pink na pabo ang dami ko ng nakitang ganito.

KRISELDA
Rule number 9 spoken attraction vs. Unspoken attraction.

MAPA
Same vibe but different feelings.

JOYCE
Ang bottom mabilis kiligin ang mga yan. Kilitiin mo lang kikiligin sila kaagad.

So unspoken affection tayo-what you feel is what the real heart feels.

MEAN WHILE
Napansin ni Dax ang pag kahiya ni Darcy sa ginawa at sinabi kanina na nagpangiti naman sa kanya.

DAX
Ikaw anong i-wiwish mo?

*tanong nito.

DARCY
Secret.

*sabay talikod nito ng upo.

Matutulog na ako.

DAX
Ang daya mo sinabi ko sa'yo yung i-wiwish ko...

*yugyog nito kay Darcy.

DARCY
Tulog na ako,wala akong naririnig...

DAX
Sige na nga iglip muna tayo para may energy tayo sa activities.

*pag-tigil nito sa pagyugyog kay Darcy at ngiti.

AFTER A WHILE
Huminto ng sandali ang bus na sinasakyan nila, maya-maya ay may pumasok na mga nag bebenta ng mga inumin at mga souvenirs. At maya-maya ay biglaang umandar ang bus at biglaang pu-mreno rin, dahil dito ay biglang naalog ang mga softdrinks na benta ng mga ito at natapunan ng softdrinks sina Darcy at Dax na kaagad nagising.

MAGBEBENTA
Pasensya na po.

*sabi nito at abot sa dalawa ng mga damit na benta rin niya.

Pamalit po ninyo, pasensya na talaga.

DAX
Okay lang po.

*bumaba na ang tindero matapos makuha ni Dax ang damit na pamalit...naghubad si Dax at napatingin si Darcy sa katawang nakatambad sa kanya at lumayo rin ng tingin...nang matapos ay...

Ikaw naman magpalit ka na.

DARCY
Ha? Eh kasi...

*nahihiya nitong sabi habang takip nito nang balot naman na katawan.

DAX
Sige tatakpan kita.

*nakangiti nitong sabi kay Darcy...gamit ang pinaghubarang damit ginawang pantabing ni Dax ito sa nagpapalit na si Darcy,ngunit dahil sa hindi kalakihan ang pantabing ay nasisilayan pa rin ni Dax ang maputi at makinis na likod ni Darcy,napalunok ito,ang kabog ng dibdib niya ay tila dumoble,lumalalim din ang hinga niya at tila namumula ang pisngi niya sa init ng nararamdaman.

DARCY
Tapos na,salamat.

*ang mga katagang ito ang nagpahimasmas sa nagniningas na damdamin ni Dax kanina.

DAX
Walang problema.

*ngiti nito...

MEAN WHILE
Umuwing malungkot si Horhe diretso ito sa kanyang kwarto at bago pumasok sa pintuan ng kanyang kwarto ay chineck nito ang cellphone at nahiga sa kanyang kama.

HORHE
Na-busted ba ako?

*malungkot na sabi nito sa sarili at isang chat ang na-recieve ni Horhe at dali-dali itong binasa galing ito sa ka-datw niya sana.

WINTER GIRL
Akala ko ikaw yung type kong guy pero 'di pala.

-end of chat

*pagkabasa nito ay nagreply kaagad ito,kunot ang noo nito at talagang nagiinit ang ulo.

HORHE
Ano ba ang gusto mong type?
-end of chat

WINTER GIRL
Lahat ng wala sa'yo.

-end of chat

HORHE
Specific.
-end of chat

WINTER GIRL
Nung nakita kita sa café, 1 reason lang yung nakita ko para magustuhan ka.
-end of chat

HORHE
But never zero.
-end of chat

*magchachat pa sana ito kaso lang block na siya ng ka-chat,napapikit na lang ito at napabuntong hininga.

MEAN WHILE
Madilim na ng makarating sa Mayon ang sasakyan nila, sabay bumaba sina Darcy at Dax sa bus, naka couple shirts pa ito.

DAX
Ngayong araw na 'to couple tayo ah.

*sabay kuha ng kamay ni Darcy at naglakad...hindi pa man sila nakakalayo ay pumatak ang maliliit ngunit maraming patak ng ulan, tumakbo sila na magkahawak ang kamay patungo sa isang kubo-kubo.

Silong ka muna, bibili lang ako ng payong ah.

*nakangiting sambit ni Dax na sinagot ng tango ni Darcy saka sinugod nito ang ulan.

JUANCHO
Sumilong ka na dito.

*pagsulpot ni Juancho at alok ng sukob sa payong niya...maya-maya ay dumating si Dax na may dala ng payong at dagliang humakbang patungo sa ilalim ng payong ni Dax si Darcy.

DAX
Sumilong ka sa'kin?

*gulat at may kaunting guhit ng ngiting napatanong ito kay Darcy habang naglalakad palayo kay Juancho.

DARCY
Bakit ayaw mo ba?

DAX
Gusto ko,gustong-gusto.

*maligayang sagot nito at ngiti.

DARCY
Anak ng butiki naman oh,mas lumalakas yata ang ulan.

*pagkadismaya nitong sambit habang isinasalok ang kamay sa tubig ulan na dumadausdos sa dulo ng payong.

DAX
Gustong-gusto ko ang ulan.

*napatingin si Darcy kay Dax dahil sa tinuran, nakita niya muli ang ngiting hagis nito---mapula ang labas na tila kasing tamis ng saya ngunit maasim ang laman tila kalungutan.

Hagis, noun-bungang kahoy na kadalasang matatagpuan sa probinsya ng Sorsogon at Bicol na may taas na 20 metro. Pula ito pag hinog pero sobrang asim.

Ngiting Hagis- nakakatakam ang kulay ng hinog na prutas ng hagis pero ang lasa nito ay kabaligtaran ng kulay nito. (fake smile)

DARCY
Ayan na naman yang ngiting hagis mo.

*isang ngiti ang isinagot ni Dax sa puna ni Darcy.

DAX
Paano na yan ang lakas ng ulan 'di natin makikita yung tuktok ng Mayon.

*pag-iba nito sa usapan.

MADAM HEART
Bukas na bukas rin ay makikita ninyo rin ang Mayon.

*sambit nito na nasa bandang likuran na pala nilang dalawa.

Mabuti pa ay magpahinga muna kayo at bukas ay marami tayong gagawin.

AFTER A WHILE
Nakarating na rin sa tutuluyan ang lahat,basang basa sila at inda ito ni Darcy.

DARCY
Pa'no na'to basa ako at wala akong pamalit.

DAX
Sabi ko naman sa'yo relax ka lang at handa ako.

*binuhat nito ang kanyang bag at hinawakan nito ang kamay ni Darcy at nagtungo sila sa C.R. at pagkatapos ay inilabas ang ilang mga damit sa kanyang bag.

DARCY
Eeehh?? Couple shirts??!!

DAX
Sabi ko naman sa'yo eh, couple tayo ngayon.

*at kinuha nga ni Darcy ang susuotin na inabot ni Dax.

Magpapalit na rin ako.

pumasok nga si Darcy sa isa sa mga cubicle upang magpalit at ganoon din ang ginawa ni Dax at paglabas nila ay sabay ding paglabas ni Juancho na suot rin ang parehas na suot ni Darcy at Dax---tila sila tri-couple sa ayos nila ngayon.Lumingon si Juancho sa kinaroroonan ni Darcy na napapagitnaan nila.

JUANCHO
Couple tayo ngayon and consider this as our honeymoon.

*pagkasabi nito ay hinawakan nito ang kamay ni Darcy at ganoon din ang ginawa ni Dax.

DAX
I want you to experience more than that Darcy.

*ngunit hindi nagpadaig si Juancho at pinigtas nito ang pagkakahawak ni Dax sa kamay ni Darcy at saka iniwan ito.

MEAN WHILE
INT. HORHE's ROOM-NIGHT
Nagising sa tunog ng kanyang cellphone si Horhe na nakatulog pala kanina,chi-neck niya kaagad ito,message galing kay Kinchay.

HORHE

*basa nito sa code na ang ibig sabihin ay hello.

*kaagad nitong sinagot ni Horhe na ang ibig sabihin naman ay bakit.

*you are late-iyon ang ibig sabihin ng isang chat ni Kinchay.

Hay naku naman, tama na nga yang morse code na yan,ikaw na ang matalino.

*pagsuko nito.

KINCHAY
Hindi ka ba papasok?
-end of chat

HORHE
Masama ang pakiramdam ko.
-end of chat

KINCHAY
Most common symptoms ng covid ay lagnat,dry cough at tiredness.
-end of chat

HORHE
Oo, positive nga ako.
-end of chat

KINCHAY
Positive ka sa covid??!!
-end of chat

HORHE
Positive sa heart break.
-end of chat

KINCHAY
Akala ko pa naman positive ka sa covid.

*pagsulpot nito mula sa bintana ni Horhe na kumakatok pa...

HORHE
Hala!!!
*gulat na sambit nito.

Pinaglihi ka ba sa akyat bahay? Ba't nandyan ka?

*tanong nito na medyo iritable habang binubuksan ang bintana upang makatuloy sa loob si Kinchay.

KINCHAY
Studies show that your brain registers the emotional pain of heartbreak in the same way as physical pain, which is why you might feel like your heartbreak is causing actual physical hurt. Then, when heartbreak happens, these hormone levels drop and are replaced with the stress hormone cortisol.

*mahabang eksplinasyon nito tungkol sa heartbreak ni Horhe.

HORHE
Hay wala akong gana sa katalinuhan mo ngayon.

KINCHAY
Pwede ba kitang maging test subject sa experiment?

HORHE
Eh ikaw kaya ang gawin kong test subject ngayon.

KINCHAY
Yung nakipag break sa'yo pwede kong ibalik sa'yo.

HORHE
Hindi mo siya mababalik sa'kin kasi 'di naman naging kami.

KINCHAY
Pag walang kayo walang karapatan masaktan.

HORHE
Nain-love ka na ba?

*seryosong tanong nito kay Kinchay na natahimik bigla sa tanong ni Horhe.

KINCHAY
Oo.

*seryoso at diretsahang sagot nito.

Pero masaya akong wala na kami kasi nalaman kong kailangan ng sarili ko ang sarili ko.

*dugtong nito.

HORHE
Paano kong ang alam ko lang ngayon ay siya ang kailangan ko?

KINCHAY
Ganyan talaga.

*sambit nito.

HORHE
Siguro dahil bob* ako.

KINCHAY
Ha?

HORHE
Oo, kaya nahihirapan akong mag-move on kasi hindi ako matalino.

*napatawa si Kinchay sa narinig.

KINCHAY
Bob*

*malutong at walang prenong sambit nito.

HORHE
Oh, tignan mo na? Sabi na eh.

*tumawa muli si Kinchay at dahil sa sarap ng tawa nito ay nahawa nito ang malungkot na si Horhe.

MEAN WHILE
INT. COVERED COURT-NIGHT
Nagsasalita sa harapan si Madam Heart,sina Darcy at Juancho kasama ng ibang trainees ay nakikinig sa pagsasalita nito samantalang si Dax ay nakaupo sa harapan at pinagmamasdan ang dalawang magkatabi.

MADAM HEART
Ngayon,gusto ko ay mag-enjoy tayong lahat. Malapit na kayong lahat magtapos sa inyong training at patungo na kayo sa landas ng pagpapaiyak,pagpapakilig at pagpapasaya sa mga manonood,gusto ko lang na malaman niyo na 'di katulad ng mga ginagawa nating istorya huwag nating hahayaang may mag dikta ng kapalaran natin. Huwag niyo munang isipin ang mga iniwan nating trabaho,mag enjoy muna tayong lahat.

*pagkatapos nitong magsalita ay nagsipalakpakan ang lahat.

Alam kong narinig na ninyo ang sabi-sabi sa Mayon na kapag nakita niyo ang tuktok nito magkakaroon kayo ng pagkakataong makahiling so bibigyan ko kayo ng pagkakataong gawin yun pero dahil sa umuulan ay ipapares ko kayo para ligtas ang bawat isa,sige na magsibunutan na kayo ng numero ninyo.

DAX
Sayang lang sa oras yang bunutan na yan. Yung numbering sa bus yun na lang ang sundin natin...

*sang-ayon naman ang lahat sa naisip ni Dax---ganoon nga ang nagyari,hinanap ng bawat isa ang naging katabi sa bus. Lumapit si Dax sa magkatabing si Juancho at Darcy.

Kukunin ko lang ulit yung kinuha mo.

*sabi nito kay Juancho at sabay kuha sa kamay ni Darcy at lakad palayo sa nagiisa na ngayong si Juancho na nakakunot ang noo sa inis.

MEAN WHILE
INT. HORHE's ROOM-NIGHT
Nakaupo lamang si Horhe sa kanyang kama samantalang nakatayo sa harapan niya si Kinchay.

KINCHAY
Saan mo ba kasi nakilala yun?

HORHE
Sa online, nag send siya ng nudes.

*nabilaukan si Kinchay sa narinig mula sa bibig ni Horhe at nang mahimasmasan ay nagsalita.

KINCHAY
Ha?!!

HORHE
Yung balat niya malapit sa...

KINCHAY
Huwag mo ng ituloy please lang...

HORHE
Pwede bang huwag mo na tayo mag review ngayon wala kasi akong gana.

KINCHAY
O sige pero huwag mo ng babawiin yung bayad mo sa araw na'to kasi kailangan ko ng pera ngayon eh may kailangan akong bayaran.

AFTER A WHILE
Parehas na naglalakad patungo sa Mayon observatory ang lahat.

DAX
Bakit kanina ka pa 'di kumikibo diyan?

DARCY
Wala lang.

DAX
Mas gusto mo bang kasama si Juancho?

*umiling si Darcy bilang sagot kay Dax.

Huwag kang maglala hihintayin ko na maging katulad ng damdamin ko sayo ang damdamin mo sa'kin.

*at hinawakan nito ang kamay ni Darcy.

No pressure just pleasure.

MEAN WHILE
Kasunod lamang nila Darcy at Dax sa paglalakad si Juancho kasama si Madam Heart na kanina pa titig na titig sa nakasimangot na kasama habang pinagmamasdan ang tila mag jowang nasa harapan na sina Dax at Darcy.

MADAM HEART
Bagay po sila di ba?

*pagputol nito sa katahimikan.

JUANCHO
Saan banda? Hindi ko makita?

MADAM HEART
Ano kayang pinag-uusapan nila?

JUANCHO
Wala akong pakialam.

MADAM HEART
Nagseselos po ba kayo?

*isang nanglilisik na titig ang isinagot ni Juancho kay Madam Heart na sinabayan naman ng langit ng isang malakas na kulog na sinundan kaagad ng malakas na ulan.

It's a yes.

*sabi nito at daling naghanap ng masisilungan.

AFTER A WHILE
INT.COVERED COURT
Napabalik ng wala sa oras ang lahat dahil sa lakas ng ulan. Naglatag ng pansamantalang higaan ang lahat,nasa tabi lamang nila Dax at Darcy naglatag si Juancho.

DARCY
Baka ayaw siguro talaga ng langit na makapag-hiling ako.

DAX
Huwag ka ng malungkot? Mamaya titila rin yang ulan.

*ngumiti at tumango si Darcy sa pag-gaan ng kanyang pakiramdam.

Mahiga ka muna, may bukas pa naman.

*at yun nga ang ginawa ng dalawa, nahiga at naghanggad ng magandang araw upang makita ang tuktok ng Mayon.

MEAN WHILE
INT. HORHE's ROOM-NIGHT
Naghahabol ng hininga ang Mapa niya ng bumukas ang pinto ng kwarto niya.

MAPA
Tumawag ba sa sayo ang kapatid mo? Eh sayo Kinchay,tumawag ba?

HORHE
Bakit po ba?

MAPA
Kanina ko pa kasi siya tinatawagan,di siya sumasagot.

KINCHAY
Nahulog po kasi kagabi yung cellphone niya kaya 'di niyo po makontak.

MAPA
Kahit halik, hindi pa rin niya nagagawa.

KINCHAY
Para saan po ba yung halik?

MAPA
Dahil nga wala ng tibok ang puso niya dahil sa sumpa para siyang patay na buhay at ang tanging nagpapatibok sa kanyang puso ay ang itinakda pero may limitasyon yun.

HORHE
Ito ang unang kabilugan ng buwan ni Darcy matapos niya matanggap ang sumpa.

MAPA
Ang ibig sabihin,ito ang unang babala niya na nauupos na nga ang oras niya.

KINCHAY
Nauubusan na po siya ng oras?

MAPA
Sa 'twing sasapit ang kabilugan ng bawat buwan lalagutan siya ng hininga at kahit ang makita ang itinakda sa kanya ay 'di sapat kapag 'di niya nahalikan ang taong magtatanggal ng sumpa sa kanya tuluyan ng titigil ang pintig ng puso niya.

KINCHAY
Parang C.P.R.

*tumango ang mag-ina bilang sang-ayon.

AFTER A HOUR
Nagising na nanlalamig si Darcy ngunit basa ito ng pawis,nakahawak ito sa kanyang dibdib at tila hirap sa nararamdaman, kahit hindi kakayanin ng katawan ay naglakad ito patungo sa Mayon. Pasuray-suray na tinungo nito ang daan. Maya-maya rin ay naalimpungatan si Dax at napansing wala si Darcy sa tabi. Sa wakas kahit hirap ay narating din ni Darcy ang nais puntahan. Ang Mayon ay yapos ng mga ulap sa tabi ng bilog na buwan, napaluhod si Darcy sa harap nito,naluluha ito sa hirap ng nararamdaman at tila ang mga luha niya ang humawi ng mga ulap at nagpakita sa kanya ang tuktok ng Mayon.

DARCY
Gusto ko pang mabuhay. Wish kong mabuhay kasama ang mahal ko. Tanggalin niyo 'tong sumpa na'to.

*umiiyak nitong pagsusumamo habang pinapalo nito ang dibdib ng ilang ulit.

Juancho?

*sambit niya sa pangalan ng taong nakita niya na naroroon pala na 'di niya pansin

JUANCHO
Binabawi ko yung wish ko dito dati.

at kasabay nito ang pagbalik ng isang matagal na alaala.

SEVERAL YEARS AGO

JUANCHO
Alam mo ba kung ilang tao ang pumupunta rito araw-araw para makapag wish?

*umiling si Darcy.

Hindi ako naniniwala pero ngayong araw---ngayon lang ako mag-wiwish dito.

DARCY
Anong bang i-wiwish mo?

*tanong nito.

JUANCHO
Ang layuan mo na ako. Nakakairita kasi. Hindi ka kasi nakakaintindi ng ayaw ko sa'yo.

*ang pag-inda ni Darcy ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

DARCY
Ba't ngayon pa sumabay 'to.

*angal nito habang hawak nito sa kanyang pantog.

JUANCHO
O, bakit?

*tanong nito sa 'di komportableng si Darcy.

DARCY
Naii---ako.

*kinain nito ang ilang letra sa sinabi dahil sa hiya.

JUANCHO
Na-stroke ka ba? Anong sinasabi mo?

DARCY
Tumalikod ka!

JUANCHO
Sino ka para sigawan ako?!

*galit nitong sita kay Darcy na namimilipit na sa ihi.

DARCY
Tumalikod ka naiihi na ako!!!

*sigaw nito dahil sa 'di na talaga nito nakakayanan ang pagpipigil at gayon din naman na pagtalikod ni Juancho na tila nahiya.

JUANCHO
Tapos ka na ba?

DARCY
Hindi ako naiihi.

JUANCHO
Pilitin mo.

DARCY
Hindi talaga ako maihi eh.

JUANCHO
Sumipol ka para maihi ka

DARCY
Ha?

JUANCHO
Basta gawin mo na lang.

*sinibukan niyang sumipol pero naalala niyang hindi siya marunong.

DARCY
Eh hindi ako marunong sumipol.

JUANCHO
Kalalaking tao hindi marunong sumipol.

*napasimangot si Darcy sa narinig,maya maya ay narinig niya si Juancho na sumisipol at bigla na lang siyang naiihi siya.Nagulat si Darcy na parang bukas na gripo na tumulo ang ihi niya.

DARCY
Tapos na.

*parang bata nitong sambit kay Juancho habang nakangiti ng matapos itong umihi.

JUANCHO
Bilib ka na sa akin hindi ko lang kayang pakiligin lahat pati ang paihiin ka kaya ko rin.

*napasimangot ang nakangiting si Darcy sa narinig.

DARCY
Pati nga ang pataehin ako mukhang magagawa mo.
Mukha ka kasing inodoro.

JUANCHO
Haaayyy...what did you just called my mathematical and natural perfect face?

DARCY
Inodoro yung sa public comfort room yung ilang araw ng hindi napa-flush.

JUANCHO
May gan'to ba ka-gwapong inodoro?

*naramdaman niya ang mabango at mainit na hininga ni Juancho sa mukha niya...magsasalita sana si Darcy ngunit inunahan na siya ni Juancho.

Subukan mong magsalita at labi ng isang gwapong inodoro ang magpapatahimik ng bibig mo.

*napalunok na lamang si Darcy at nanahimik.

I'll give you a chance say something bad to me...Do it Darcy.

*hindi pa rin nakapag salita si Darcy sa mga tinuran ng dating Crush.

Eh di natahimik ka.

*biglang ininda ni Darcy ang kaninang nakalimutang paninikip ng dibdib,napahawak ito kay Juancho.

DARCY
Aray ko...

*mas doble ang paninikip ng kanyang dibdib,malakas na niyang pinupukpok ang dibdib dahil 'di na rin siya makahinga.

JUANCHO
A...a...ayos ka lang ba?

*pag-aalala nito at bigla itong napa atras,nais niyang tulungan ang nakaluhod ng si Darcy dahil sa hirap na nararamdaman ngunit 'di siya makalapit imbes na umabante ay umaatras ito lalo at maya-maya ay nawala na ng malay si Darcy ---hindi gumagalaw ang nakatulala na si Juancho. Sa kasalukuyang nagaganap ay nakita ni Juancho ang nakaraang nais na sana niyang kalimutan.

SEVERAL YEARS AGO

BATANG JUANCHO
Daddy ba't may mailaw na sasakyan sa labas?

*inosenteng tanong nito ng makita ang ambulansya sa labas ng kanilang bintana.

DADDY NI JUANCHO
May pupuntahan kasi si Mommy mo.

BATANG SI JUANCHO
Gusto ko po sana makipag laro eh 'di pa po kasi ako inaantok.

DADDY NI JUANCHO
Mamaya na lang kayo mag laro ng Mommy mo,may masakit kasi sa kanya.

BATANG SI JUANCHO
Saan po? Hihipan ko po.

*maya-maya ay lumabas sa kwarto nito ang Mommy ng maliit pang si Juancho,namumutla ito at nanghihina pero nagawa pa rin nitong ngumiti sa harap ng anak.

Saan ka po pupunta Mommy at saan po yung may masakit sa inyo?

*tanong ng batang inosente.

MOMMY NI JUANCHO
Uuwi muna sa bahay ko at saka yung sakit wala na eh nung nakita kita.

*napa-akap sa kanyang Mommy ang batang si Juancho nang marinig ito.

BATANG SI JUANCHO
Uuwi? Ba't di niyo po ako sasama?

MOMMY NI JUANCHO
Babalik din naman si Mommy.

BATANG SI JUANCHO
Okay po, hihintayin ko po kayo. Bilisan niyo po ang pagbalik ah.

*nakangiti nitong habilin sa kanyang Mama.

MOMMY NI JUANCHO
Mahal ka ni Mommy.

*nakangiti nitong sambit habang naluluha.

Kailangan nang umalis ni Mommy.

*matapos masambit ito ay umandar na ang higaang lulan ng katawang nanghihina, nakangiti itong kumakaway sa anak na si Juancho na hindi naman pansin ang pagbuhos ng lahat ng lakas ng kanyang Mommy sa kaway na sagot sa kaway niya---isang pwersa ang nagpahimasmas rito na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Da...Darcy...

*unang kataga na nasambit nito ng mahimasmasan.

DAX
Tumabi ka diyan, titigan mo lang ba siya diyan?

*kaagad itong lumapit kay Darcy,habang nakahiga ito,itinaas nito baba ni Darcy para nakatingala ito ng bahagya,tinignan kung humihinga pa 'ito---maya maya ay inumpisahan nito ang pagdiin sa dibdib ni Darcy ngunit wala pa ring nangyayari.

Darcy, gising...gumising ka...

*tawag at gising nito sa walang malay tao na si Darcy ngunit wala itong reaksyon kaya napagdesisyonan na ni Dax na magbuga ng hangin rito,idikit nito ang labi sa labi ni Darcy at parang isang himala ay dumilat katulad ng nababasa sa fairytale ang kaninang wala ng malay na si Darcy dahil sa isang halik. Pinasan sa likod ni Dax ang hina pa ring si Darcy samantalang si Juancho ay nakayukong sinusundan sila, nababalutan ito ng lungkot,ang nakababa nitong mga balikat ay tila larawan ng lungkot na nasa loob nito.

Okay ka na ba?

*tanong ni Dax kay Darcy na kanyang pasan-pasan.

DARCY
Sorry. Pinag-alala kita.

*at saka ito bumaba sa pagkakapasan sa kanya ni Dax.

DAX
Kaya mo na ba maglakad.

*tumango si Darcy na kaagad naman binaba ni Dax.

DARCY
Salamat.

DAX
Wala yun, ang importante ligtas ka na ngayon.

*pagkatapos ay inilahad nito ang kamay at doon nakita ni Darcy ang balat na puso na dati ay nasa kanyang dibdib.

Alalayan na kita para makasigurado.

*pahabol na sabi nito---sigurado na nga,si Dax ang itinakdang magtatanggal ng sumpa ng unang butiki sa kanya.Mga ilang lakad pa ay nakarating na muli sila sa tinutuluyan. Tumingin si Dax kay Darcy na puno ng pag suyo.

Alam mo ba ang pinag-iba ng C.P.R. at ng isang halik.

*nagulat si Darcy sa tinuran nito ngunit 'di nito ipinahalata sa kaharap---umiling at yumuko sa hiya bilang tugon.

Yung ginawa ko kanina C.P.R. yun and this one...

*at maya-maya ay naramdaman ni Darcy ang paghawak ni Dax sa kanyang baba at ang unti-unting pag-angat nito sa kanyang mukha. Ang kanilang mga mata ay nagtama at kasabay nito ang paglapat ng kanilang mga labi.

This one is our first kiss.

*matapos ang nangyari ay kaagad na pumasok si Dax,naiwan na nakatayo si Darcy na 'di makakilos dahil sa nangyari kanina at bago pumasok ay napalingon ito at nasilayan nito ang malungkot na si Juancho na sa kanya ay nakatingin,lumapit ito sa kanya at ang ilang mga daliri nito ay dumampi sa labi niya na tila ba pinunasan nito ang labi ni Darcy at pumasok na rin sa kanilang tinutuluyan.

DARCY
Ano kaya yun? Isip bata talaga...

*sambit nito habang hawak ang mga labi at sabay pumasok na rin.