webnovel

Chapter 10

#Secrets

"I'm your sweetest downfall."

☜☆☞

Cassandra's POV

Hindi ko alam kung bakit hindi parin namin nabubuo ni monica ang chemical halos lahat naisip na namin!

"Nasaan naba kasi si maxreen!" naiirita kong sabi.

"She left. Umuwi sila ng america." sagot ni monica na kinagulat ko.

Napakunot ang noo ko kaya napatanong ako."Paano mo nalaman?"

"Bago siya umalis sinabi niya na pupunta sila ni ashton ng america, Napaaga naman ang alis nila." sabi niya na naka ngisi.

I smell something fishy. "Ano ba ang kulang sa chemical na ginagawa natin? Nakakairita na!" sabi ko.

"Masyadong mahirap ang chemical na ginagawa natin, Cassandra. Hindi pa nga natin nabubuo ang GarXia chemical, eh." sagot ni monica.

"Oo nga pala. Paano natin mabubuo ang GarXia chemical? Eh, wala pa si maxreen." sabi ko naman.

She smiled. "Babalik ang kapatid ko na 'yon na may magandang balita. I'm sure of that. And siya na 'raw bahala sa chemical na 'yon." sabi naman ni monica.

Maybe this is the right time. "P-Pwede ba kita matanong, monica?"

"Ano 'yon?" sagot niya.

"S-Sino sainyong mag kapatid ang tinatawag nilang Mystery?" nauutal na tanong ko.

Ayoko pa mamatay. "Nakita mo pala 'yon?" nakita ko ang ngiti niyang mala demonyo. Oh, No. "Oo..." sagot ko.

"That Underground... Ginawa ni Tyra." sabi ni monica na ngayon ay may malungkot na ngiti.

"Tyra? Sino iyon?" tanong ko.

"Maxreen Sabrina Diana Tyra Shekainah Maeh Vargas Garcia. Ang buong pangalan ng kapatid ko. In short, Maxreen Garcia. Konting bampira lang ang nakakaalam sa buong pangalan naming mag kapatid. Marami kaming pangalan at mukha. Kaya asahan mo na marami rin kaming kayang gawin. Dalawa ang ugali at dugo namin. Ugali na hindi niyo nanaising makita. Call us, mystery." she answered.

Linakasan ko ang loob ko na mag tanong uli. "Para saan ang underground? Sino sino ang mga nandoon?" tanong ko pa.

"Ang Escape Tiara Luca Underground na pinamumunuan ni Ashton Grey at Sabrina Tyra. 'di ba lahing 'da moon vampires ka?" ngayon si monica naman ang nag tanong.

I nod. "Oo." sagot ko.

Nagulat ako nang ngumiti siya. "Sumama ka saakin." hinawakan niya ang kamay ko at bigla nalang ako nagulat na nandito na kami sa dulo ng high end. Bumukas ang lupa na may hagdan. Sumunod nalang ako kay monica.

Eto yata ang underground.

Nang nakapasok na kami sa underground lahat sila ay lumuhod simbolo o pag papakita ng galang. Pumunta kami ni monica sa isang kwarto. Nandoon si Ace, Brent at jace.

Bakit nandito ang manloloko kong pinsan?

"Cassandra Del Valle, The new member of Escape Tiara Luca Underground." sabi ni monica.

"A-Ako? Bakit? Paano?"

"You're a 'da moon vampire dapat lang na sumama ka sa grupong ito. Kalahi ka namin. Kaya pala magaling ka sa mga chemical dahil kalahi ka namin." she smiled.

"Thank you, Monica." sabi ko pero kumunot ang noo niya.

"Call me... Sabmia or Mia. Here in underground, I am Sabmia Violeta. My full name is Monica Sabmia Violeta Shakira Sofia Niña Vargas Garcia." sabi nito.

Ang hahaba naman ng mga pangalan nila. Siguro mahaba mga gusto nila. Hehehehe. "Kaya kong basahin ang utak mo, Cassandra." sagot ni Ace.

"Oy, Si unggoy nandito. Hehehehe." i said in a sarcastic voice.

Nakita ko na umirap siya. Bakla ba 'to? "I'm not a fcking gay, Cassandra." sabi ni Ace.

I smirked. "Okay. Sabi mo, eh."

"Sigurado kaba na 'da moom vampires 'tong babae na 'to? Parang tinapon lang sa ibang lahi 'to, Eh." sabi pa ni brent.

"Hoy! Ikaw! Sumusobra na kayo ahh! Monica oh!" sumbong ko kay monica.

"Stop it, Boys! Welcome her as the new member of 'da moon vampires." sabi ni monica.

"Hey, Cous." tawag saakin ni jace.

Isa pa 'tong unggoy na 'to. "Oy! Haha andito ka pala!" sabi ko.

"Stop that bullsht, Cassandra. May pag paplanuhan tayo kaya dinala kita dito." sabi ni monica.

Umayos ako ng upo kahit sila. "Siguro mas maganda kung ikekwento mo muna sakaniya ang lahat, Monica." sabi ni ace kay monica.

Monica nodded. "I'm sabmia violeta, the right hand of the president of Escape tiara luca underground. The president of the underground is Sabrina Tyra. My sister. And the vice president is Ashton Grey. The twin duo, Jace devaughn del valle and Ace santos. The heirs of the biggest companies here in the whole world. Nabuo ang Escape tiara luca underground, 10 years ago. Dalawa kami ni ate maxreen ang bumuo nito. Then 4 years ago, pinasa ko ang posisyon ko kay ashton. My sister loves to do new chemicals. Dangerous chemicals. Binuo ang samahan na 'to dahil napag aralan ni maxreen na ang lahi natin ay mabilis maka langhap ng mga bagay na kayang makapatay. Which is the chemicals. Madali ito makapatay. Kaya pala ang lahi natin ay magagaling gumawa ng chemical, Maxreen proves it. Isa rin sa dahilan kung bakit namin ito binuo ay gusto namin makagawa ng isang chemical na kayang bumuhay ng isang bampira. Want a surprise? Follow me then." nag lakad si monica papunta sa dulo ng underground na wala ng bampira.

May sinabi na salita si monoca na nag pabukas ng wall. Pumasok kami rito at nagulat ako sa nakita ko.

"He is Don edward Xavier Garcia ang bampira na gumawa ng GarXia chemical. 10 years ago, He died..." sabi ni monica.

My eyes widen. "A-Akala ko ba hindi pa nahahanap ang katawan niya?" sabi ko at turo sa katawan ni don edward.

"Puro kasinungalingan ang lahat ng 'yon." sagot ni jace.

Puro katanungan ang nasa isip ko ngayon. "Bakit nandyan ang katawan ni don edward?" tanong ko pa uli.

"Gumagawa ng chemical ang kapatid ko. At isang ingredient nalang ang kailangan." sagot ni monica.

"Anong pangalan ng chemical ang ginagawa niya?" tanong ko pa.

"Pag sinabi ko ba... Mabubuo mo na ang chemical?" sabi niya at tinignan ang paa hanggang ulo ko.

Bakit ba napaka misteryoso ng paaralan na 'to?

To be continued...