Chapter 1334: Young Master Su, interesado ka bang makipag-sosyo? (5)
Ayaw magtago ni Su Yu, kaya naman nilapitan niya ang mga ito.
"Happy New Year, President Qin."
"Happy New Year, President Su," sagot ni Qin Chu.
Saka naman tumingin si Su Yu kay Huo Mian na kumakain ng sashimi.
"Wag mong masyadong isawsaw sa wasabi… maanghang."
Pagkatapos ay saka siya umalis…
Nang marinig ito, nanginig ang kamay ni Huo Mian, nasobrahan an gang pagkuha niya ng wasabi.
Nang kainin niya ang maanghang na sashimi, naluha ito…
"Tingnan mo 'to, para kang bata…" Hindi alm ni Qin Chu kung dapat ba siyang matawa o maiyak. Agad niyang inabutan ito ng baso ng tubig.
Agad na ininom ito ni Huo Mian… Sa bilis ng pag-inom nito natapunan nang kaunti pati ang kanyang mukha.
Pagkatapos ay pinunasan ni Qin Chu ang mukha ni Huo Mian na parang nag-aalaga ng bata, makikita ang pagkamalumanay nito sa kanyang mukha.
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com