"Meron akong business trip sa Taipei. Bukas ng gabi ang flight ko, gusto mo ba sumama?"
"Ako? Hindi pwede, meron akong trabaho."
"Magpa-leave ka. Babalik din naman tayo pagkatapos ng dalawa o tatlong araw."
"Ayoko sumama, wala ako sa mood at baka hindi ko lang ma-enjoy." Umiling nalang si Huo Mian; ayaw niyang pumunta at sirain ang mood nito.
Magulo sa ospital ngayon. Kapag nagbakasyon siya, ano nalang mangyayari kapag gumawa nanaman ng eksena ang pamilya ng pasyente sa OB/GYN Department o baka pagdiskitahan pa nila si Huang Yue?
Ayaw niyang iwan sila para ayusin ang gulong ginawa nya.
"Sige." Dahil nakikita naman niya na ayaw niya talagang sumama, hindi na namilit pa si Qin Chu.
Tumingin ito sa kanyang relo - alas-otso na ng gabi.
"Gutom ka na ba? Ano ba ang gusto mong kainin?"
Umiling na lang si Huo Mian...
Unterstützen Sie Ihre Lieblingsautoren und -übersetzer bei webnovel.com