webnovel

Chapter 5

            "Ano ka ba nasaktan ka siguro e nagagawa mo pang magpatawa." Sabi ko sa kabila nang pagkapahiya.

Napayakap pa ako sa kanya, ang engot ko naman kung kailan nakahinto na ang kabayo tsaka pa ako nahulog.

Tumawa ito. "Hindi naman ako masasaktan kung ikaw lagi ang sasaluhin ko." Anito na natawa pa nang nakakaloko.

Napatingin lang ako sa kanya. At napangiti na rin ako sa sinabi niya. Ang galing din palang mambola nito e, nadadala tuloy ako.

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko,

"Mamamasyal, palagi ka kasing nakakulong. Takot ka bang masikatan nang araw?" Curious na tanong din nito.

Hindi ako nakaimik sa tanong niya. Ayokong sabihin na ayaw talaga akong palabasin ni Dymon, baka magsilbeng lamat pa iyon sa kanilang magkapatid.

Sabagay, wala rin namang magagawa si Joseph kung pagbawalan ako ni Dymon. Hindi niya mapipigilan ang kasamaan ni Dymon.

"Bagong kasal lang pala kayo ni Dymon?" tanong muli nito habang naglalakad-lakad na kami.

"Ha? Ah, oo neto lang nakaraang buwan," aniya

"Sayang naman hindi ko naabutan," malungkot na sabi nito.

Alin ba ang hindi niya naabutan? Ang malaking party nang kasalan? Kung makakatakas nga lang ako noong panahon na iyon nagawa ko na e, pero paano ako makakatakas kung isang katerba ang nakabantay sa akin.

"Uy... Bakit natahimik ka yata?" Putol ni Joseph sa malalim kong pag-iisip.

"Ha? Ah wala naman, umuwe agad tayo huh! Baka hanapin ako ni Dymon e," aniya na kinakabahan pa.

Hindi pa kasi kilala ni Joseph si Dymon. Kaya mabait pa ang pakikitungo sa kanya ng kapatid.

"Ayos lang iyan, ako bahala kay Dymon. Hindi ka ba komportableng kasama ako?" kunot-noong tanong nito.

"Hindi naman sa ganoon Joseph," tugon ko

"Mag-enjoy ka lang sa paligid. Ipapakita ko sa'yo ang mga magagandang liblib na lugar dito." Anito sabay hawak sa kamay ko at inalalayan ako sa paglalakad.

Medyo paakyat kasi ang nilalakaran namin na parang balete ang daan. Puro sanga pero maganda ang pagkakatubo niya.

Hinawi ni Joseph ang isang madamong dingding at nagulat ako nang makita kong may pintuan na gawa sa bakal.

"Bakit may ganiyan dito?" takang tanong ko.

Ngumiti ito at binuksan ang nangangalawang na pintuan. Matapos mabuksan ay tumambad sa akin ang isang malawak na bahay-bahayan. Pumasok kami sa loob na may katamtamang taas. At may haba na sampung dipa. May kama na single at may sariling appliances.

"Bakit may ganito rito?" tanong kong muli dahil sa pagkamangha.

"Pinasadya ito ni Mommy noon. Humiling kasi ako na gusto ko nang tahimik na lugar. Ayoko nang maingay, dahil kapag nag-aaway ang mga magulang ko noon. Nasa gilid lang ako at iyak nang iyak. Sabi ko kay Mommy, ayoko siyang nakikitang umiiyak. Lalo na kapag sinasaktan siya ni Dad. Kaya kapag naririnig ko na muli na naman silang nagtatalo e, tumatakbo na ako sa kabayo ko at pumupunta ako rito." Sabi nito habang pinupunasan ang mga alikabok sa mga kagamitan.

"Bakit mo ako dinala rito?" tanong kong muli.

"Dahil gusto kong ipakita sa iyo ang lugar na ito. Walang ibang nakakaalam ng lugar na ito kun'di si Mom, ikaw at ako. Kaya kapag nalulungkot ka at gusto mong pumunta rito. Malaya kang gamitin ang lugar na ito." Anito na nakangiti pa.

Sa kuwarto namin ni Dymon ay maghapon na akong tahimik. Mag-away man kami, hindi naman ako makakalabas ng bahay. Kaya malabo siguro na magamit ko ang lugar na ito.

Ngumiti na lang ako bilang tugon ko sa kanya. Hindi ko maaaring sabihin kung gaano kademonyo ang asawa ko.

Sinubukan ni Joseph ang mga appliances kung nagana pa; electrecfan at TV. Mayroon ding radyo na battery lang ang nagpapagana lahat.

"Naku! Bumigay na yata ang battery neto. Bibilhan ko nang bago iyan para incase of emergency ay magamit ang mga narito." Wika nito na palaging nakangiti kapag nagkwekuwento. 

Napapatitig na lang ako sa kanya, palagi kasing nahahatak ang mata ko sa kagwapuhan niya e.

Ilang oras kaming naglagi roon bago nagpasya na umuwe na nang bahay. Nakakaramdam na ako nang gutom kaya nag-akit na ako pauwe.

Pagdating sa bahay ay nakahinga ako nang maluwag nang makita kong wala pa si Dymon. Ibig sabihin noon ay safe na ako.

Pero sana lang hindi tumingin si Dymon sa mga CCTV. Baka maaktuan niyang nakikipag-usap ako sa kapatid niya.

Gabi na nang dumating si Dymon. At mukhang pagod ito sa kanyang itsura.

"Oh, kumusta ka rito? Kumain ka na ba?" Tanong ni Dymon.

"Hindi pa Dymon, hindi pa nagdadala si Ate Zenia nang pagkain." Mabilis kong sagot.

"Ganoon ba, saglit lang at ako ang tatawag sa tamad na katulong na 'yan!" Galit nitong sabi,

Hindi ko naman inaasahan na magagalit ito.

"Teka lang Dymon, huwag mong pagalitan si Ate Zenia, baka marami lang itong gina—"

Hindi na pinatapos ni Dymon ang sasabihin ko nang padabog na nitong sinara ang pintuan.

Malakas ang kaba ko, baka madamay si Ate Zenia sa pagod ni Dymon. Huwag naman sana,

Sa kusina;

Pagpasok ni Dymon sa kusina ay naaktuan niyang naghahanda ang mga katulong nang gabihan.

"Zenia! Bakit hindi ka nagdadala ng pagkain kay Agatha?" Baritonong tanong nito, nanlilisik ang mata na nakatingin sa katulong.

Nahintatakutan naman si Zenia.

"S-sir ano po kasi..."

"Sinabi ko na lahat tayo ay rito kakain sa hapag kainan." Putol ni Joseph na biglang sumulpot sa likuran ni Dymon.

Napatahimik naman si Dymon at parang umurong ang dila. Ang matapang na mukha ay naglahong parang bula.

"Tol, bakit mo naman naisipan iyon? Sanay na si Agatha na sa kuwarto kumakain." Ani Dymon,

"Gusto kong magsalo-salo tayo sa gabi. Minsan na lang tayong magkakasama kaya huwag natin sayangin ang pagkakataon na tayo ay magkakumustahan." Anito na umupo na sa upuan. "Tawagin mo na ang asawa mo Dymon, nang makapagsimula na tayong kumain. Zenia, pakitawag si Dad sa kuwarto niya." Utos ni Joseph na agad namang sinunod nang katulong.

"Sige tol, tatawagin ko lang si Agatha." Paalam ni Dymon.

Tumango lang naman ito bago tumalikod at naglakad papunta sa kuwarto.

Nakakuyom ang palad at nanlilisik ang mata.

"May katapusan din ang paghahari-harian mo Joseph. Papalayasin kita sa lugar na ito oras na magawa ko na ang matagal ko nang balak!" Bulong ni Dymon sa sarili niya.

Makailang minuto pa ay kompleto na sila sa hapag kainan.

"Minsan lang tayo magkasama-sama, mabuti anak at naisipan mo ang bagay na ito." Ani ng Don na tuwang-tuwa sa  nakikitang magandang pakitungo ni Joseph sa kanyang ampon.

Hindi niya kasi inaasahan na babalik pa ang anak. Dahil ang akala niya ay tuluyan na siyang kinalimutan nito.

"Dad, araw-araw na po nating gagawin ito. Kung narito si Mom, baka masaya na rin tayo. Kaya lang masaya na siya sa bago niyang asawa e. Sana Dad, ikaw rin. Makita mo rin ang babaeng makakasama mo ulit habang buhay." Wika nito sa ama.

Nalungkot ang Don, pero maya-maya rin ay tumawa.

"Hahaha. Ikaw talaga Joseph, sa tanda ko ba namang ito ay iyon pa ang iisipin ko. Hindi na ako muling mag-aasawa. Kayo lang mga anak ko ang kasayahan ko." Ani ng Don na halos hindi makapaniwalang masasabi niya iyon.

"Dymon, bakit hindi mo bigyan nang pagkakaabalahan si Agatha, para naman hindi siya nagkukulong lang sa kuwarto." Suggest ni Joseph kay Dymon.

"Hindi na, ayokong mapapagod siya. Gusto ko ay kapag uuwe ako ay ako lang ang pagsisilbihan niya bilang asawa." Nakangising sagot naman ni Dymon na medyo kinainis ni Joseph.

"Ganoon ba? Mas maganda kasi kung pareho kayong may pinagkakaabalahan sa maghapon. Wala pa naman kayong anak. Mas maganda kung pareho kayong kikita para kung magkaanak na kayo ay maibigay lahat nang pangangailangan ng bata." Dagdag pa ni Joseph.

"Kaya kong ibigay lahat iyon. Hindi na kailangan ni Agatha na magpakapagod pa." Walang kagatol-gatol na sagot naman nito.

Tahimik lang ako, kahit nararamdaman ko na may pagtatalo na naman sa kanilang magkapatid.

"Ah, e, mga anak gusto ko sanang magpatayo ng casino rito sa lupain natin. Para yung mga kumpare ko hindi na pupunta kung saan. Kikita pa tayo sa kanila." Pag-iiba nang usapan nang Don,

"Maganda 'yan Dad. Maraming negosyante na nagcacasino. Sigurado na kapag nangailangan tayo ng koneksyon ay madali tayong makakakuha nang tao." Sang-ayon ni Dymon,

"Hindi magandang ideya iyan Dad, isang sugal ang gan'yang negosyo. Malinis at kilala ang pangalan natin. Hindi natin dapat dungisan iyon para lang makagamit tayo ng ibang tao o makapang-akit ng ibang mayayaman na tao." Kontra naman ni Joseph.

Sa pag-uusap nang mag-aama. Nakikita ko na ang kanilang kasamaan ay magwawakas na. Gusto ko mang ngumiti ay hindi ko magawa. Baka mamaya ay mapansin ni Dymon na natutuwa ako, baka masaktan na naman ako.

"Tol, hindi naman makakasira sa pangalan natin iyon. Babango pa nga mas lalo ang pangalan natin at mas lalo tayong kakataakutan ng iba dahil marami tayong koneksyon." Muling saad ni Dymon,

"Kung makikilala ang pamilya natin, sana sa mabuting paraan. Hindi dapat natin gawing nakakatakot ang pangalan natin. Mas lalong dadami ang magagalit at mayayabangan kung ganyan ang paiiralin natin." Kontra muli ni Joseph.

"Hindi ka pa sanay sa negosyo tol, hindi mo alam ang ugali ng bawat taong makakasalamuha mo. Baka niloloko ka na nang harapan e, tinatawanan mo pa." Seryosong sagot ni Dymon.

"Anak Joseph, marami tayong negosyo. At marami rin ang mga taong gusto tayong pabaksakin. Dahil sa pagiging magkaibigan namin nang mayor ay wala pa namang taong nangangahas na kalabanin ako. Pero kung sakaling meron, natatakot pa ito sa ngayon dahil marami akong kilalang tao." Ani ng Don, na gusto ring matuloy ang pagtatayo ng Casino.

"Dad, kapag ginawa mo ang negosyo na iyan mas marami ang makakakilala sa'yo na matataas ang katungkulan sa pulitika. Hindi malayong masilip ka at madamay ang sinasabi mong mayor. At kung sakaling mangyari iyon, mas lalong hihina ang pwersa mo para ipagtanggol sarili mo. Huwag ka na maghangad pa nang mas mataas Dad, makontento na lang tayo sa kung anong meron sa atin ngayon." Mahabang salaysay ni Joseph.

Napahanga ako sa mga sinabi niya. Daig pa niya ang isang guro na tinuturuan ang kanyang dalawang estudyante. Lalo tuloy ako naattract sa kanya.

Walang nagawa ang mag-ama. Matapos ang gabihan ay kanya-kanya na rin kaming nagsipagpahinga sa bawat silid. Habang si Dymon ay nasa gilid nang kama at umiinon nang isang boteng Red Horse ay nakikita ko sa mata niya ang galit na hindi mailabas, dahil kay Joseph nabababwasan na ang kasamaan ng dalawa. At baka si Joseph ang tutulong sa akin para makalaya na ako sa impyernong buhay na ito.

Matapos maubos ni Dymon ang iniinom ay naghubad na ito at muli akong hinatak para pagsamantalahan. Katulad dati, wala akong ginagawa kun'di ang magpaubaya. Wala na akong maipagmamalaki pa sa iba, pero gusto ko pa rin na makalaya sa impyernong buhay na ito. Habang pawisan si Dymon sa ibabaw ko ay siyang sunod-sunod namang pumapatak ang luha ko.

Sa inis ni Dymon ay sinampal niya ako.

"Bakit ka ba umiiyak pa huh! Punyeta naliliitan ka ba sa akin huh!" Anito sabay riin ng ari niya sa pagkababae ko. Napapaaray naman ako sa sakit. Lalo na at may kahabaan din ang ari nito.

"Ano! Lumaban ka! Tang ina! Wala kang kasarap-sarap eh! Iyan na nga lang ang silbe mo!" Anito sabay sabunot sa akin at pilit akong pinagagalaw.

Sinunod ko naman siya pero kinukulang pa rin ito sa ginagawa ko.

"Punyeta! Wala kang silbe!" Muling sabi nito sabay kabig sa balikat ko at pinatuwad ako. Nagmistulan akong aso na habang hawak niya ang buhok ko ay panay ang labas-masok nang ari niya sa akin.

Wala akong magawa kun'di ang umiyak at sumunod. Hanggang kailan ko kaya dadanasin ang ganitong paghihirap.