Nang ganap na silang maka sakay ng eroplano ay magka tabi sila sa upuan ni nicko, ngunit nakiusap siya dito na ayaw niyang umupo sa tabi ng bintana. Pinag bigyan naman siya ng binata. ito ang umupo sa tabi ng bintana, habang si andrea naman ang naka upo sa gilid ng hallway.
Habang nasa byahe ay nakaramdam si andrea ng pagka hilo. Ito kasi ang unang beses niya na sumakay ng eroplano. Higit na mas mataas ang lipad ng eroplano kasya sa helicopter na nauna na niyang nasakyan kasama ni nicko.
Naisipan ni andrea na idaan nalang sa pag Idlip ang hilo na kanyang nararamdaman. Isinandal niya ang kanyang ulo sa sandalan ng kanyang upuan. dahil sa medyo kulang siya sa tulog kagabi ay kaagad naman din siyang naka tulog pagka Pikit palang ng kanyang mga mata. Habang natutulog ang dalagang si andrea ay napa tingin sa kanyang gawi si nicko. Dumapo ang paningin nito sa mukha ni andrea. Doon lang nagawang titigan ng binata ang buong mukha ni andrea at sa pag titig niya sa mukha ng dalaga ay dumapo din ang paningin nito sa labi ng dalaga na bahagya pang naka awang. Napapangiti ang binata sa nakikitang itsura ng dalaga habang natutulog.
Nang magsawa si nicko sa pag titig sa dalaga ay binawi niya na ang kanyang paningin dito at ibinaling nalang sa tanawin na kanyang natatanaw sa labas ng bintana. Ngunit may ilang minuto pa ang nakakalipas ay muli na namang ibinalik ni nicko ang kanyang paningin sa katabing si andrea. Titingnan niya sana kung natutulog parin ito.
Sa kanyang muling pag lingon dito ay napansin niyang may kaunting likido na mula sa loob ng bibig ni andrea ang Malapit ng tumulo sa isang sulok ng labi nito. Bahagya na kasing naka tabingi ang ulo ng dalaga sa upuang kinasasandalan nito at masarap parin ang tulog nito. Dali-daling kinuha ni nicko ang kanyang panyo na naka lagay sa likod ng bulsa ng kanyang suot na pantalon at akmang ipupunas na niya ito sa noo'y tumutulo ng laway ni andrea nang nag salita ang attendant ng eroplano at sinabing malapit na daw silang lumapag sa airport ng Cebu.
Nang matapos sa pag sasalita ang babaeng attendant ay doon lang itinuloy ni nicko na punasan ang gilid ng labi ni andrea. Doon unti-unting nagising si andrea at naramdaman niya pang may nag pupunanas sa gilid ng kanyang labi. Nang lingunin niya ito ay nagulat pa siya na si nicko ang taong nag pupunas sa kanyang labi.
"laway mo, tumutulo na.. Fix your self malapit na tayong bumaba." agad na saad ni nicko kay andrea pagka mulat palang ng mga mata nito.
At iniabot kay andrea ang panyong hawak nito. Agad namang kinuha ni andrea ang panyo na ibinibigay nito sa kaniya. Nakaramdam ng pag iinit ng buong mukha si andrea sa narinig mula kay nicko. Nahihiya siya na nakita nitong tumutulo ang laway niya at ito pa mismo ang nag punas ng kanyang laway. Mas lalo pa siyang nahiya ng tingnan niya ang telang ibinigay nito sa kaniya. Hindi ito tissue at hindi niya rin panyo ito, kaya kaagad niyang naisip na panyo ito mismo ng kanyang boss.
Kahit na ramdam niya ang pamumula ng kanyang buong mukha ay muling pinunasan ni andrea ang gilid ng kanyang labi. Marahan siyang lumingon sa gawi ng kanyang boss.
"naku pasensya na kayo sir.. Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako.." paliwanag niya kay nicko.
Nakita niyang tumango lang ang binata sa kanyang sinabi at hindi ito nag salita. Ni hindi man lang nga ito tumingin sa kanya.
"akin na muna itong panyo niyo sir.. La-labhan ko po muna.." muling saad ni andrea sa kanyang amo.
"okay sige" sagot sa kanya ng kanyang boss na hindi parin ito tumitingin sa kanyang gawi.
Naisip ni andrea na baka na turn off ito sa kanya dahil nakita nito mismo ang pag tulo ng kanyang laway.
Maya-maya ay nag salita muli ang babaeng attendant na lalapag na nga daw sila sa airport ng cebu. Napa Pikit ng mata si andrea ng maramdamang unti unti na silang lumalapag muli na naman kasi siya nakaramdam ng pagka Hilo.
Nang tuluyan ng nakalapag ang eroplano ay mabilis ng tumayo si nicko. Si andrea naman ay naka upo parin ito. Hindi niya kasi alam kung pwede na ba silang tumayo.
"Why haven't you stood up yet? Mukhang gusto mo pa yatang matulog.." narinig ni andrea na saad sa kanya ni nicko.
Pagka rinig niyon ay mabilis na tumayo si andrea.
"ay pwede na pala tumayo sir.. Sorry naman!" tugon ni andrea kay nicko matapos nitong tumayo.
Nang tumayo si andrea ay akma na sana niyang kukunin ang kanyang back pack na naka lagay sa itaas ng kanilang kinauupuan.
"you go down, I'll get that." saad sa kanya ni nicko.
"okay po sir.. Thank you.."
Pagka sabi niya niyon sa kanyang boss ay nauna na siyang bumaba dito.
Pagka baba ni adrea ay doon niya nalang inantay sa babaan ng eroplano ang kanyang boss. Maya maya pa ay natanaw na niya ang kanyang boss hawak nito sa kanang kamay ang kanyang back pack. Naka suot na kasi sa likuran nito ang sarili nitong back pack. Nang tuloyan ng makababa si nicko ay sumunod ng nag lakad si andrea dito. Hindi na niya tinangka pang kunin ang kanyang bag mula dito, dahil tiyak na hindi nito ibibigay sa kanya iyon. Malalaki ang hakbang ng kanyang boss kaya hindi niya ito masabayan. Nauuna ito ng kaunti sa kanya. Habang nag lalakad ay naka tingin siya sa kanyang boss.
Naka suot ito ng faded na maong pants at polo shirt na kulay puti na bumagay dito. Malapad ang mga balikat nito at matangkad din ito na sa tantiya ni andrea ay nasa 5'11 ang taas nito. Hindi kaputian ang kanyang boss ngunit mamula mula ang kulay nito lalo na kapag nasisinagan ng araw. Hindi napansin ni andrea na huminto na pala sa pag hakbang ang kanyang boss at umikot ito paharap sa kanya.
"Are you done checking me ms. Morales?" kaagad na tanong nito sa kaniya.
Hindi umimik si andrea sa sinabi ng kanyang boss. Bagkus ay ngumiti lang siya dito.
"Dalian mo at baka gabihin tayo.." narinig niyang saad pa nito at muli na itong humakbang palayo sa kanya.
Lakad takbo naman ang ginawang hakbang ni andrea para lang maabutan ito. Mas lalo pa kasing bumilis ang mga hakbang nito kaya hirap siyang masabayan ito sa pag lalakad. Nang makalabas sila ng Airport ay sumakay sila ng taxi. Magka hiwalay sila ng upuan dahil ang kanyang boss ay sa harapan ng taxi ito umupo at siya naman ay sa likurang bahagi ng taxi naka upo. Sinipat ni andrea ang kanyang orasang suot. Alas tres palang pala ng hapon. Napaisip siya kung bakit sinabi ng kanyang boss na baka daw gagabihin sila. Ibig sabihin niyon ay malayo pa ang kanilang pupuntahang hotel mula sa airport.
Tahimik lang si andrea na naka upo habang ang kanyang boss naman ay may naririnig siyang kausap nito sa cellphone. Sandali lang kung ibaba nito ang cellphone dahil maya't maya ay muling may tumatawag na naman dito.
Hindi nga nag kamali si andrea ng sapantaha dahil mahigit dalawang oras pa silang nag biyahe bago marating ang meeting place ng kanilang boss. Pa lubog na ang araw ng makarating sila dito. Isang hotel sa resort pala ang meeting place na kanilang pinuntahan.
Namangha si andrea sa nakitang tanawin. Matagal na panahon na kasing hindi siya nakaka punta ng Beach. Nang nabubuhay pa kasi ang kanyang mga magulang ay palaging busy ang mga ito kahit na bakasyon pa sa eskwela dahil nag tu-tutor pa ang mga ito sa ibang estudyanteng hindi gaanong katalinuhan. Hindi mapigilang mapa Pikit ni andrea
Habang sinisinghot ang sariwang hangin na nag mumula sa karagatan. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay bahagya pa siyang bumangga sa dibdib ng kanyang boss.
Nang tingnan niya ito ay seryoso ang mukha nitong naka tingin sa kanya at naka pamewang pa ito.
"Ms. Morales, we didn't come here for a walk.." saad nito sa kaniya habang naka tingin sa kanyang mukha.
"ang sarap kasi ng hangin sir.. Nakaka gaan ng pakiramdam.." tugon niya sa kanyang boss na naka ngisi.
Umiling iling ang kanyang boss sa kanyang sinabi at hindi na ito muli pang nag salita. Muli na nitong dinampot ang kanyang bag na naka lapag na sa buhanginan at muli na itong naglakad papunta sa kinaroroonan ng hotel.
Mabilis ang mga hakbang ng boss ni andrea kaya hirap nanaman siyang masabayan ito sa pag lalakad. Nang marating nila ang lobby ng hotel ay may kinausap lang ito sandali sa front desk ng hotel at muli na naman itong nag lakad. Kaya mabilis nanaman ang ginawang pag hakbang ni andrea para ma sabayan nanaman ito sa pag lalakad.
Umakyat sila sa ikatlong palapag ng hotel. Lumiko sila sa kanan pagka akyat nila doon. Ay nakita niyang may hinintuang pintuan ang kanyang boss. Nilingon siya nito.
"This will be your room ms. Morales and that end room was mine.. Pumasok ka na para maka pag pahinga ka muna.. Maya-maya ay dadaanan kita dito para kumain okay.." saad sa kanya ng kanyang boss pag hinto niya sa harapan nito.
"okay po sir.." tugon niya kay Nicko.
At ibinigay na nito sa kaniya ang kanyang back pack na bit-bit parin nito. Matapos maibigay kay andrea ang kanyang bag ay ibinigay din nito ang susi ng kanyang magiging kuwarto. Nang makuha na niya mula dito ang susi ay tumalikod na ito at nag lakad papunta naman sa sinasabi nitong kuwarto nito.
Agad na binuksan ni andrea ang pintuan ng kanyang magiging kuwarto. Ihing ihi na kasi siya dahil sa airport pa ang huling pag ihi niya. Nang tuluyan na siyang maka pasok sa kanyang kuwarto ay inilapag niya lang sa kama ang kanyang Sling bag na naka sabit sa kanyang katawan. kanya na ring inilapag ang backpack sa ibaba ng kama at dali-daling hinanap ang kinaroroonan ng banyo.
Pagka labas ng banyo ay huminga ng malalim si andrea at nag lakad palapit sa kama. Nang marating niya ang kama ay inihiga niya ang kanyang katawan sa kama. Ramdam niya kasi ang pagod sa biyahe at ang pananakit ng kanyang pang upo.