webnovel

My Sister's Girl Bestfriend

"Kung alam ko lang na ganito pala kasakit 'yung mararamdaman ko edi sana hindi na 'ko nagpadala sa kuryosidad na alamin ang sikreto ni ate Syrene" ••• 13 years old pa lang si Lera ay may crush na siya sa girl bestfriend ng kaniyang ate Ashayra. Makalipas nga ang dalawang taon na hindi nila pagkikita ni Syrene ay muling itong nagbalik. Noong una ay maayos pa ang lahat sa kanilang dalawa ngunit bigla din 'yong nagbago dahil sa mga kakaibang ikinikilos ni Syrene na nakapagpagulo at nanakit sa damdamin ni Lera.

key_panda · LGBT+
Zu wenig Bewertungen
2 Chs

Chapter 2

Hindi ako masyadong nakapakinig sa mga nilesson ng teacher namin ngayong hapon dahil sa sobrang kalutangan, maliban na lang sa favorite subject kong Ap pero kaninang Math time? Syempre nasa iba ang atensyon ko.

Patingin-tingin na nga lang ako sa labas ng bintana namin at naiinggit sa mga estudyante na tamang laro lang doon sa playground dahil tapos na ang klase nila.

Hindi sa tinatamad ako dito sa room namin pero may time lang talaga na ayaw kong makinig dahil sa sobrang dami ng mga gumugulo sa utak ko. Lalo na ngayon, uwian na namin pero 'yung isip ko ay nandoon pa rin sa mga pangyayari kanina sa canteen.

Pagkatapos kasi naming kumain ay nakita ko ang napakasamang tingin ni ate Syrene kay Xander, napansin ko pa nga na may ibinulong siya kay ate Ashayra at pagkatapos non ay magkasabay silang tumayo at umalis sa table namin nang walang paalam. Hinintay pa nga namin silang dalawa na bumalik dahil akala namin ay may kung ano lang sila na gagawin pero naghintay lang kami sa wala nila kuya Franco at kuya Kristoff kaya naisipan na naming bumalik na lang sa room at doon na nga nagsimula ang pagiging lutang ko hanggang ngayon.

Idagdag na rin 'yung itinatagong sikreto ni ate Syrene na kailangan kong malaman at 'yon talaga 'yung unang gumugulo sa isip ko eh.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nangingialam, kinakabahan at natatakot na malaman kung ano 'yon pero hangga't hindi ko natutukoy ay 'di rin matitigil ang kuryosidad ko na alamin ang mga bagay patungkol kay ate Sy.

"Hays" mahinang bulong ko at inayos na ang mga gamit para ilagay sa loob ng aking bag.

Nagsisilabasan na rin naman kasi sa room namin ang mga kaklase ko at tsaka hindi rin ako isa sa mga cleaners ngayon kaya wala nang rason para manatili ako sa room na 'to ng matagal na oras. Nang matapos na 'kong makapagligpit ng mga gamit ay kaagad na nanlaki ang mga mata ko dahil bigla kong naalala na may usapan nga pala kami ni Xander na lalabas kami ng 4:30 pm kaya tumingin ako sa'king suot-suot na regalong relo ni Tita Haidee at chineck ang oras.

"3:55 pa lang naman kaya may oras pa 'ko para makauwi at magbihis"

Sabi ko sa sarili at naglakad na palabas ng room. Tuluyan na nga akong nakalabas at nagulat ako nang makita na may babaeng nakasandal sa pader at halatang may hinihintay.

"Ate Syrene" nang banggitin ko ang pangalan ay kaagad siyang napatingin sa'kin at ngumiti, syempre nginitian ko din siya pabalik.

Dapat talaga nagtatampo ako sa kaniya ngayon eh dahil iniwan niya kami ni kuya Kristoff at kuya Franco doon sa canteen pero eto ako ngayon, naglalakad palapit kay ate Sy.

"Ano nga po palang ginagawa niyo dito?" nagtataka kong tanong dahil napansin kong hindi niya kasama ang nakakatanda kong kapatid.

"Sinabi sa'kin ni Shayra na hindi ka daw muna nila masusundo ni Shea kasi may date pa sila kaya ako na lang ang maghahatid sa'yo sa bahay"

Kaagad naman akong namula at nagpipigil ng kilig na nararamdaman nang marinig ang mga sinabi niya, deep inside rin ay thankful ako dahil buti na lang at monthsary ngayon nila ate Shayra at ate Shea.

First time ko talaga na makakasama si ate Syrene ng kaming dalawa lang kasi nung bata pa 'ko at si ate Sy ay ang mommy niya at si tita Haidee ang naghahatid-sundo sa'min kaya kailangan ko nang sulitin ang time na 'to.

"S-s-sige po" nagkakandautal-utal kong sabi kaya natawa ng mahina si ate Syrene at hinawakan niya ulit ang kamay ko katulad nung ginawa niya kaninang umaga.

"Let's go" nakangising sabi sa'kin ng babaeng matangkad kaya namula na naman ako at napayuko para tingnan ang magkahawak naming kamay.

Okay, inaamin kong ang hirap talaga na maitago ang kilig pagdating sa mga ganitong sitwasyon.

Napailing-iling na lamang ako at makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakalabas na rin kami sa gate, pagkatapos non ay binuksan na ng aking katabi ang pinto ng kotse.

Pagkapasok nga namin sa loob ay nag seatbelt na kami at kaagad nang pinaandar ni ate Sy ang sasakyan, ako naman ay kinuha ang cellphone at nag earphones para makinig ng music pero matapos ang ilang segundo ay napansin kong nagsasalita si ate Syrene kaya inistop ko ang tugtog at nagbaling ng atensyon sa kaniya.

"May gagawin ka pa ba mimiya?" tanong niya sa'kin.

Tumango-tango ako at nagsalita na rin.

"May pupuntahan po kami ni Xander" saad ko habang nakangiti pero kaagad din 'yong napawi nang makita ko ang ekspresyon ng aking katabi.

"Saan?" seryosong tanong ni ate Sy at muling nagfocus sa pagdadrive.

"S-sa 7/11 po at t-tsaka sa simbahan" nauutal kong sagot at nang masabi ko nga 'yon ay wala na 'kong narinig pang salita sa'king katabi kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko na sobrang sama ng tingin ni ate Syrene sa may kalsada kaya nagtataka akong napatanong sa sarili kung may masama ba 'kong nasabi.

"Feeling ko wala naman"

Mahinang bulong ko at inisip na baka 'yung kalsada ang may kasalanan kasi dun siya nakatingin ng masama eh diba? Napailing-iling na lamang ako bago naisipang manahimik dahil parang hindi maganda ang mood ngayon nitong katabi ko. Nakinig na lang ulit ako ng music sa cellphone, yung song ni Niki at muling tumingin kay ate Syrene na hanggang ngayon ay seryoso pa din ang ekspresyon ng mukha kaya napangiwi ako.

•••

Kasabay nang pagtatapos ng music na pinapakinggan ko ang paghinto ng sasakyan kaya napatingin ako sa may bintana at nakitang naandito na pala kami sa tapat ng bahay.

Napalunok naman muna ako bago buksan ang pinto ng kotse at nagmamadaling bumaba bago tumingin kay ate Syrene.

"T-thank you po sa paghatid" medyo nahihiya kong sabi at maglalakad na sana papasok sa loob ng bahay namin kaso biglang nagsalita ang babaeng nasa kotse.

"Wait Lera!"

Natigil ako sa paglalakad at muling humarap kay ate Sy.

"Ano po 'yon?" tanong ko.

"Hintayin mo 'ko dito ha? Babalik ako pero kailangan ko munang magbihis"

Nagtaka ako nang marinig ang isinagot sa'kin ni ate Syrene. Napansin niya nga yata na naguguluhan ako kaya nagsalita ulit siya.

"Sasama ako sa inyo nung Xander" bigla namang nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi.

"B-bakit p---"

"Anong oras ba kayo aalis?" hindi na natuloy pa ang balak ko sanang itanong dahil nagtanong na rin si ate Sy kaya wala na 'kong ibang nagawa kundi ang sumagot.

"Mimiya pong 4:30 ate" sabi ko at panandaliang katahimikan naman ang bumalot sa'ming dalawa. Napatingin ako sa babaeng nasa loob ng kotse at bakas sa mukha na nag-iisip siya kaya hinayaan ko na lang muna.

"Okay" pagbasag ni ate Syrene sa katahimikan.

"Basta pakihintay ako"

Pagpapatuloy niyang sabi habang nakangiti, ngumiti rin ako sa kaniya at tumango-tango kaya pinaandar niya na ulit ang sasakyan. Ako naman ay nagsimula nang buksan 'yung pintuan at pumasok na sa loob ng bahay namin. Inilagay ko ang bag sa upuan at pagkatapos non ay nagmamadali na 'kong umakyat sa taas para makapag-ayos, wala kasi si Tita Haidee ngayon sa bahay dahil busy siya sa pagtatrabaho kaya nagdire-diretso na 'ko.

Pagkatapos kong makapili nang maisusuot ay nagbihis na 'ko at isinunod na ayusin ang aking buhok. Sinuklay ko 'yon at nagtali ako para malinis tingnan, nag pulbo na rin ako at nang matapos ay tiningnan kong maigi ang sarili sa salamin.

Ngumiti ako at nagpacute ng ilang segundo hanggang sa maisipang bumaba dahil bigla kong naalala ang mga sinabi ni ate Syrene na hintayin ko daw siya.

Kaagad akong nagtungo sa may sala at naupo sa sofa pagkatapos kong bumaba sa hagdanan. Kinuha ko ang cellphone at naisipang buksan ang messenger dahil baka mimiya ay may nagchat sa'kin. Napangiwi naman ako kasi nung tiningnan ko ay wala nang iba pang message kundi ang gc lang namin nung mga classmate ko.

Kasalanan ko rin kasi kung bakit wala nang nagchachat sa'kin dahil minsan ay sobrang tagal ko bago makareply o kaya naman ay hindi na talaga ako nakakapagreply.

Syempre busy ako palagi at tsaka tinatamad talaga ako na mag type lalo na kapag sobrang haba ng gusto kong sabihin kaya sa personal ko na lang kinakausap 'yung nakakachat ko, katulad na lang nung kaklase kong si Ian. Nagrereklamo kasi siya sa'kin non at nagtatanong kung bakit daw ako puro seen at 'di nagrereply. Ipinaliwanag ko naman sa kaniya lahat at natawa pa nga siya sa dahilan na tinatamad akong mag type.

Napangiti ako nang maalala ang mga pangyayaring 'yon at napailing-iling bago tumingin sa'king relo.

"4:15 na pala" mahinang sambit ko sa sarili.

"Sana dumating na si ate Syrene" dugtong ko at nang sabihin ko nga 'yan ay bigla akong nakaramdam na parang may tao sa labas ng pinto kaya nagmamadali akong tumayo sa sofa at tumakbo palabas. 

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay kaagad ko 'yong binuksan at bumungad sa'kin ang babaeng matangkad na sobrang ganda. Ilang segundo nga rin akong napatitig sa kaniya bago magsalita.

"Pasok ka ate Syrene" sinunod ni ate Sy ang sinabi ko at inilibot niya ang paningin sa paligid ng bahay namin bago tumingin sa'kin.

"Nakakamiss 'tong bahay niyo" nakangiti niyang sabi kaya napatango-tango ako.

Kung ako naman ang tatanungin ay namiss ko si ate Syrene dahil dalawang taon na rin ang nakalipas nung huli siyang nakapunta dito at bata pa 'ko non. Inaasar pa nga ako ni ate Ashayra kasi nung nag sleep over dito sila kuya Kristoff ay bigla ba naman akong niyakap ni ate Sy kaya ayun, sobrang pula ng pisngi ko samantalang sila kuya Franco ay tawang-tawa pa.

Pero inaamin ko na sobra 'yung kilig na naramdaman ko nung time na 'yon.

"Lera?" natigilan ako at muling tumingin sa babaeng aking kaharap.

"May iniisip ka ba? Kanina ka pa nakatulala eh" tanong niya at napailing-iling naman ako bilang sagot bago siya inanyayahan sa may sala.

"Upo ka ate" mahina kong sabi pero syempre narinig niya 'yon kasi umupo siya sa sofa at hinila ako sa kaniyang tabi.

"Kamusta na nga pala si Tita?" tanong niya.

"Okay lang po pero palagi siyang busy sa trabaho" nakapout kong sagot na tinanguan naman ni ate Syrene.

Minsan kasi ay nagtatampo na talaga ako kay Tita Haidee dahil nawawalan na siya ng time sa'min ni ate Ashayra pero naiintindihan ko rin na kailangan niya talagang magsikap na magtrabaho para sa ikabubuti naming tatlo.

"Ikaw ba"

Muli akong napatingin kay ate Sy dahil nagsalita na ulit siya.

"Anong meron sa inyo nung Xander na 'yon?" nang marinig nga ang tanong na 'yan ay biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

"K-kaibigan ko lang po siya" nauutal kong saad at napansin na napataas ang isang kilay ni ate Sy pero 'di na siya nagsalita kaya kabado bente akong napalunok at naisipan na ako naman ang magtanong sa kaniya para hindi maging awkward.

"A-ate Syrene?"

"Hmm?"

"Eh k-kayo po ba? Kamusta?"  

"Okay lang" napatango-tango ako sa sagot niya at sinubukang umusap ulit.

"May boyfriend na po ba kayo or crush?" nang maitanong ko 'yon ay biglang natawa ang katabi ko.

"Secret" natatawa pa ding sagot ni ate Syrene kaya natahimik ako, napansin niya naman 'yon kaya tumigil siya sa pagtawa at tsaka tumingin sa'kin.

"Tsaka ko na lang sasabihin sa'yo okay? Hintayin na lang muna natin 'yung Xander na friend mo" seryoso niyang saad kaya napatango-tango ako at nginitian siya.

•••

Ilang minuto na rin ang lumipas simula nung nag kuwentuhan kami ni ate Syrene at medyo hindi nga naging maganda 'yung mga nangyari simula nung ako na ang nagtanong kaya pinili kong manahimik na lang.

Syempre nakaupo pa rin kaming dalawa dito sa sofa at medyo kanina pa 'ko naiinip sa kakahintay kay Xander pero hindi pa rin siya dumarating kaya napatayo na 'ko mula sa kinauupuan at naglakad palabas sa pinto ng bahay namin para dito na lang hintayin ang kaklase kong lalaki. Bigla naman akong nakaramdam ng presensya sa'king tabi bago napatingin sa'king relo at napangiwi dahil 4:50 na kaagad.

"Ang bilis naman ng oras ngayon" mahina kong sabi at nagpalinga-linga sa paligid habang nakatayo.

Nandito na nga si ate Syrene pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Xander. Panigurado ko rin naman na naiinip na ang babaeng kasama ko dahil nang makita niya 'kong tumayo at naglakad ay sumunod rin siya kaya magkasama kaming dalawa ngayon na naghihintay sa lalaking kanina pa dapat naandito.

"Nag-message na ba siya sa'yo?" tanong ng katabi ko, umiling-iling naman ako bilang sagot at nagsimula nang magtampo sa kaklase kong lalaki.

Kaagad na napansin ni ate Syrene ang malungkot kong mukha kaya hinawakan niya ang kaliwa kong kamay at pinisil-pisil ang palad ko. Unti-unti ngang sumilay ang ngiti sa'king labi at nag-angat ng tingin sa katabi ko na ngayon ay nakangiti na rin sa'kin.

"Darating din 'yon. Hintay lang tayo ng ilang minutes pa" napatango-tango ako at sinunod ang sinabi niya.

Matiyaga pa nga kaming naghintay ng ilang minuto at minessage ko na si Xander pero hindi talaga siya nagrereply at hanggang ngayon ay wala pa rin dito kaya maiyak-iyak na 'kong tumingin kay ate Syrene.

"Wala pa rin po siya" parang batang nagsusumbong na sabi ko samantalang ang magandang babae na kasama ko ay 'di malaman ang gagawin niya sa'kin.

"Nasaan na ba kasi ang Xander na 'yon?"

Mahinang tanong niya sa sarili na narinig ko at makalipas lang ang ilang segundo ay kaagad na 'kong iniharap sa kaniya ni ate Syrene. Kitang-kita ko din ang unti-unti niyang pag-ngiti sa'kin.

"Lera"

"Po?" nagtataka ko namang tanong.

"Gusto mo na bang magpunta sa 7/11?" tanong niya din pabalik.

Nagdalawang-isip pa nga muna ako bago nahihiyang yumuko at tumango-tango.

"Oh yun naman pala eh kaya tara na" sabi ulit ng magandang babae at mula nga sa pagkakayuko ay kaagad akong napaangat ng tingin sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata.

"E-eh paano po si X-xande---"

"Hayaan mo na siya kasi pag-iintayin ka lang non" pagputol ni ate Sy sa mga sasabihin ko kaya bigla akong natahimik at napaisip. Totoo naman ang mga sinabi niya, maghihintay lang talaga kami ng maghihintay dito hanggang sa hindi na dumating ang kaklase kong lalaki.

"Ano payag ka na ba? Ako na lang kasama mo" natigil ako sa pag-iisip at muling tumingin sa katabi ko bago magsalita.

"Sige po"

"Lakarin na lang natin" sabi niya sa'kin at nagsimula na nga kaming umalis.

•••

Habang naglalakad ay 'di ko maiwasan ang pamumula ng magkabilaan kong pisngi dahil katabi ko lang si ate Syrene. Nakangiti pa talaga siya ngayon kaya sino ba naman ang 'di kikiligin diba? Sobrang cute niya din kasi kitang-kita ko 'yung dimples niya at 'yon talaga 'yung pinakagusto kong makita.

May part nga sa'kin na medyo natutuwa dahil hindi nakapunta ang classmate kong lalaki kasi kami lang ulit dalawa ni ate Sy ang magkasama pero may part pa rin naman na nagtatampo ako dahil sabi ni Xander ay dadaanan niya 'ko doon sa bahay pero kahit ilang oras na paghihintay ay 'di siya dumating.

Napailing-iling na nga lang ako at pinilit na mag focus sa dinadaanan namin pero 'yung isip ko talaga ay nakatuon pa rin sa magandang babae na kasama kong maglakad at kay Alexander.

"Aishh" medyo napalakas kong sabi kaya kaagad na napatigil sa paglalakad at napatingin sa'kin si ate Syrene.

Napangiwi naman muna ako bago sabihin na 'wag niya 'kong alalahanin at ipagpatuloy na ang paglalakad dahil malapit na rin naman kami sa 7/11. Sinunod niya ang sinabi ko hanggang sa makarating na nga kami at pagpasok pa lang namin sa loob ay napakarami ng mga tao pero kaagad ding nakapukaw sa atensyon ko ang isang babae na nakatingin kay ate Syrene.

Napaawang ang labi ko dahil sobrang pretty nung girl. Medyo may kahabaan ang buhok niya tapos 'yung kilay sobrang perfect at tsaka sobrang tangos ng ilong niya kaya hindi ko maiwasan ang mahiya dahil 'yung nose ko ay hindi ganoon katangos.

Maganda rin ang color brown niyang mga mata na hanggang ngayon nga ay nakatitig pa rin sa'king katabi kaya 'di ko napigilan ang sarili na mapatanong.

"Kilala mo siya ate Sy?" at itunuro 'yung girl na ngayon ay napadako na ang tingin sa'kin kaya nahihiya kong ibinaba ang aking kamay bago magbaling ng tingin sa katabi ko.

Ngayon nga ay nakatingin na si ate Syrene dun sa direksiyon na itinuro ko kani-kanina lang. Nakita ko pa ang pag ngiti niya at pagkaway doon sa babae bago sagutin ang tanong ko.

"Oo. Siya si Elaine, classmate ko" nang sabihin niya 'yon ay nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi kaya napasimangot ako.

"Bakit siya tingin ng tingin sa inyo?" mahina kong tanong kaya napatingin ulit sa'kin si ate Syrene na para bang 'di niya naintindihan ang mga itinanong ko.

"Ano 'yon? Pakiulit nga"

Sabi niya pero umiling-iling na lang ako para ipaalam na hindi naman masyadong mahalaga 'yung mga 'di niya narinig at pagkatapos non ay hindi na ulit ako nagsalita hanggang sa makabili na kami ng ice cream.

Habang kumakain nga ay napansin kong pasulyap-sulyap sa'kin si ate Syrene at bakas sa mukha niya ang pagtataka at pag-aalala. Pilit naman akong ngumiti sa kaniya at ipinagpatuloy na ulit ang pagkain sa ice cream hanggang sa maubos ko 'yon. Makalipas lang ang ilang segundo ay nakita kong tapos na rin ang katabi ko sa pagkain kaya nag-aya siya na umalis na kami at pumunta naman sa simbahan.

Sumang-ayon ako at bago nga kami makalabas sa 7/11 ay tumingin ulit ako doon sa babae na ang name ay Elaine. Nakatalikod na siya sa'min ngayon at may kausap na ibang tao kaya ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko kay ate Syrene, nakatingin rin siya sa'kin nang may pagtataka habang nakakunot ang noo.

"Ang tahimik mo kanina pa ah. May problema ba?"

Umiling-iling ako bilang sagot sa tanong at ipinagpatuloy na ang paglalakad pero bigla rin akong napahinto dahil naramdaman ko ang paghawak ni ate Syrene sa kaliwa kong kamay.

Napaangat ako ng tingin sa kaniya at kaagad na namula. Nang makita naman niya ang pamumula ng magkabilaan kong pisngi ay napatawa siya ng mahina bago nagtanong.

"May problema ba talaga?"

"Wala po ate Syrene" mahina kong saad kaya napataas ang isa niyang kilay.

"Sure?"

"O-opo"

Nauutal kong sabi kaya tinitigan akong maigi ni ate Sy. Napaiwas ako ng tingin at napahinga naman nang malalim ang kasama kong babae pero hindi na siya nagpumilit pang alamin kung may problema ba talaga ako o wala.