webnovel

My Saturday Girl

Teenage boy who hates worms and a Teenage girl who hates basketball player. The girl is tutoring the boy every saturday. Can love be formed between two troubled hearts.

wackymervin · Teenager
Zu wenig Bewertungen
32 Chs

Chapter 30

Chapter 30

Vinson's POV 

Nagpaparty si Seth sa bahay nila. Well, palagi naman ganito e, matalo-manalo nagpaparty parin siya. He's always been like that. At nabalitaan ko nandoon rin daw si Andrea, maybe this is the time para humingi ng tawad sa kaniya at sabihin na ang tunay na nararamdaman ko? 

"Hey, MVP!" si Jade. 

"Hi," bati ko sa kaniya. 

"Sa lahat ng nakakuha ng title na Mvp, ikaw ang mukhang hindi masaya." sabi niya. Ngumisi lang ako then tumabi siya sa akin. She ask me kung ano raw ang problema ko. So, halata palang may pinoproblema ako? Napansin raw niya kanina pa ako mag-isa at parang ang lalim raw ng iniisip ko. 

Hindi na ako nagsinungaling pa kay Jade, sabi ko iniisip ko si Andrea. Tapos ngumiti lang siya. Napagusapan na rin naman namin ito, at okay na siya doon. Kahit na binasted ko raw siya. Tapos bigla siyang tumawa. 

"You want me to talk to her?" sabi niya. Kaagad akong nagsabi na hwag na. Kaya ko naman, kumukuha lang ako ng tiyempo. Tapos sabi niya of i change my mind raw nasa loob lang raw siya at willing to wait raw siya sa akin. Saka ko ginulo gulo ang buhok niya at pinaghahampas niya ako. Almost 1hour raw niyang pinaayos ang buhok niya tapos guguluhin ko lang raw. Saka niya ako niyakap and she wish me luck. 

Goodluck talaga. 

Madaming pumunta sa party. Nandiyan ang mga classmates namin at ilang mga schoolmates and supporters ng team namin. Siyempre ang buong team nandoon rin. Pati si Coach, nasa gilid din. Everyone is happy kasi maganda ang performance namin. Lahat sila ay kinokongratulate ako. Masarap sa pakiramdam na nirerecognized nila iyong hirap mo sa training. Pero, hindi naman ito ang nagpapainspire sa akin, kundi iyong tuwing sabado na kasama ko siya. 

Ewan. Siguro totoo nga ang mga kasabihan na kapag palagi mong kasama ang isang tao, maaattached ka na sa taong iyon. Siguro kasi nakilala ko siya ng lubusan at sa tingin ko ganoon din naman siya sa akin. 

Sabi ko dati, sa tuwing tinatanong nila ako ano bang tipo ko ng babae, palaging sagot ko, hindi ko alam. Well, wala naman kasi talaga akong specific na traits ng babae na magugustuhan. 

Sino bang makakapagsabi na sa dami rami ng babae sa buong mundo, kay Andrea ako nagkainterest? Marahil, nakita ko iyong pagpupursige niya na matuto ako. Iyong eagerness and willingness niya na maipasa ko iyong mga failed subjects ko. Iyong hindi niya pagsuko sa akin, kahit na short tempered ako. Iyon ang nagustuhan ko sa kaniya. 

Hanggang sa pinahinto ni Seth ang tugtog at kinuha niya ang atensyon ng lahat saka niya ako pinatawag upang pumunta sa harapan. Well, nagpagawa kasi siya ng mini stage sa may swimming pool at lumapit naman ako, nagsisigawan pa ang mga lokong sina Oliver at Ethan ganoon din si Paulo na panay ang sipol, parang tanga. 

Nang nakarating na ako sa harapan ay nagpalakpakan sila. Ngumiti lang ako sa kanilang lahat at nagsimula nang magsalita si Seth. 

Unang-una kinongratulate niya ako sa pagkaMVP ko at deserve ko raw iyon. Isa raw ako sa taong nakita niyang matyaga at pursigido hindi lang raw sa team kundi pati rin sa pagaaral ko. Sinabi pa niya na masaya siya na naipasa ko na raw ang lahat ng mga failed subjects ko at natutuwa raw siya doon. 

Hindi naman niya kailangang sabihin iyon, pero sa loob loob ko, halo halo ang nararamdaman ko. Everyone is keep on staring on me and to Seth. Since nasaamin ang kanilang atensyon ng oras na iyon. 

He also added that he is thankful that he is my best friend. Palagi raw akong nandiyan whenever he need me most. And everytime he needs someone to talk to, someone who can lean on. And someone that can never break a code. 

Tapos bigla siyang lumuhod, aakalain mong magpoproposed siya, e gago itong si Oliver biglang sumigaw na "Sabi ko na barbie" saka sila nagtawanan. I whispered him and told him, anong ginagawa nito pero nagpatuloy parin siya. 

"Salamat sa kaniya dahil nakilala ko ang babaeng kukumpleto sa buhay ko, si Andrea." 

Hanggang sa dahan dahan na napalingon ako sa gilid ko, na kung saan paakyat naman si Andrea. Tumayo na si Seth upang alalayan siyang makaakyat sa stage at nang nakaakyat na siya, parang ang bigat ng pakiramdam ko? 

Tapos napalingon ako sa kaniya. She smiled all the time, at napansin ko iyong kamay niya at kamay ni Seth magkadikit. Naghawak kamay silang dalawa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, at parang nanghina ang tuhod ko, tumingin ako sa mga tao pero parang nagiging blurred sila sa paningin ko, hanggang sa narinig ko ang bosea ni Seth. 

"Ipinapakilala ko sa inyong lahat ang girlfriend ko, si Andrea." 

Saka ako nahulog sa stage.