webnovel

My Red Payong Story

Love? Minsan sumubok na din ako. Sabi ko pa, I'll give my best shot with my first ever relationship. Todo effort pa ang lola niyo. Kaso sa huli... Akala ko prince charming. Yun pala matsing. Maraming pa-fall at paasa. Nagkalat sila actually. Kung sino pa nga daw yung taong seryoso at matino yun pa yung naloloko. Ilang hopia na ba ako? Ayoko na alalahanin. Syet. Purgang purga na ko.

Bakit kaya hindi sila mag imbento ng isang subject kung saan pwede mong mapag aralan na kalimutan ang isang tao. Tipong one week course lang, wala na. Yung as in erase na siya totally, lalo na yung sakit na dulot ng mababait nating ex.

Hindi ko tuloy mapigilang pagmasdan ang mga magjowang HHWW (Holding Hands While Walking) na kararaan lang sa harapan ko ngayon. Halos magkapalit ng mga mukha sa lapit ng mga ulo. Hindi mo malaman kung may mga tinatago silang sikreto dahil kung mag usap sila lahat pabulong.

"Ay grabe..."

Napailing na lang ako, naisip ko na ganun din siguro ako dati. May sariling mga mundo. Mayroon ding kayang nauumay habang nakatingin samin noon? Katulad na lang ng ginagawa ko ngayon.

Mayroon din akong 'those days' dati. Yung feeling na siya yung center ng universe. Bingi ka sa mga sasabihin ng iba at bulag ka sa mga patutyada nila. Kahit na halos iuntog ka na ng mga kaibagan mo para lang matauhan ka, walang epekto.

Masarap balikan ang mga nakaraan, lalo na dun sa part na masayang masaya ako. Kaso hindi ko maiwasan na mapasagi ang sadista kong utak dun sa bahahi na mapapa-hugot ka na lang. Yung ala-ala ng nakaraan niyo ni lovey-doves parang sirang plaka na paulit ulit na pinapalabas ng nang-iinis mong imagination. Pigilan mo man ang luha, walang effect sa mga mata mong balat sibuyas.

Nagkakilala kami ng minsang pauwi na ako galing school. Malakas ang ulan ng araw na iyon. Dinig na dinig ang paghampas ng sanga ng mga puno sa bubungan.

Dahil hindi naman ako pala nood ng T.V, hindi man lang ako nakapag dala ng payong at nakapag-handa. Wala na ring masyadong tao sa school dahil panghapon ang klase ko kaya't halos nagsiuwian na lahat ng estudyante.

Naghintay muna ako ng ilang minuto, umaasang huhupa din ang ulan pero mukhang tatambay pa yata ito kaya't no choice kung hindi sugurin.

"Ah bahala na nga!"

Pahakbang na sana ako para sulungin ang ulan ng may tumawag sa pansin ko. Isang lalaki na may hawak hawak na pulang payong sa gilid ng hallway. Hindi siguro nito mabuksan dahil halos ihampas na nito ang payong sa pader.

"Excuse me. Kailangan mo ba ng tulong?" Sabi ko.

Umangat ang ulo ng lalaki. Bahala na kayo kung O.A pakinggan amg reaksyon ko. Medyo napatulala kasi ako ng mapagmasdan ko ang mukha niya. Feeling ko nasa isang Sci-Fi movie ako dahil pati yata pag-iling nito slow motion.

"Hindi na, okay lang ako. Hindi ko kasi sinubukan 'tong payong bago ko bitbitin kanina."

Nakatulala pa rin yata ako. Pinagmamasdan ko lang yung gwapo niyang mukha. Feeling ko lumabas ito sa isang magazine at nagkatawang tao. Yung features ng mukha niya kasi mala-Tom Cruise ang dating.

Di ba ang pogi?

"Okay ka lang ba Miss?"

"Kanin na lang ang kulang, pwedeng-pwede -"

Bigla akong napahinto. Tinakpan ko agad ang matabil kong labi bago pa ako ipahamak nito. Di ko namalayang lumabas sa bibig ko yung sinasabi ng utak ko.

"E-Este oo naman!" Sabay ngiti o ngiwi yata ang ginawa ko.

Kagad akong umiwas ng tingin. Putek, nakakahiya ako. Di ako magtataka kung pati pisngi ko kulay kamatis na. Masyado akong nadala ng imahinasyon ko.

Ngumiti siya sakin.

Kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Baka ipagkanulo pa ako ng mga mata kong hindi ko mapigilang magningning.

"Wala kang payong?"

"Duh, obvious ba?" Sarkastikong sagot. Nang makita kong napalis ang pagkaka-ngiti nito sa paraan ng pagsagot ko. "Ahm... What I mean is nakalimutan ko."

"I see." Niyugyog na naman nito ang payong na hawak. "Naku naman, ngayon pa talaga sinumpong 'tong payong na 'to oh."

"Patingin nga."

Agad naman nitong iniabot ang payong sa akin. Tiningnan kong mabuti pati na ang loob. Dahil ayaw mabuksan isiniksik ko ang kamay ko sa loob at kinapa ang mga bakal. Napakunot ako ng may makapa sa loob. Hinila ko tsaka inilabas.

"Aha! Papanong bubukas e naka-harang 'tong ballpen na 'to", di ko mapigilang tumawa.

Napakamot ito sa ulo habang may ngiting sumisilay sa labi nito hanggang sa tumawa na rin ito pagkatapos. Narealize siguro nito ang pagkalamali nito.

Naku! Bakit di ko mapigilan 'tong bibig ko!

Masasabi ko na siguro iba nga ako sa iba. Totoong honesty is the best policy. Kaso sa part ko yata masyado kong naabuso ang kasabihang ito. Hindi ko kasi kayang mag sugar coat lalo na pag mali ang kaharap ko. Kapag nagsimula ng bumuka ang bibig ko wala ng hintuan.

Kaya hindi ako nagkaka-boyfriend eh.

"Oh ito na", abot ko sa kanya ng payong.

"Salamat."

Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot.

"Ahm... Miss, gusto mo bang sumabay sa akin?"

"Ha?" May matching kunot-noo pa ako sa kanya.

"I mean, hahatid kita hanggang sakayan. Kung gusto mo lang naman."

Tiningnan ko muna siya. Syempre pinakiramdaman ko muna kung baka ginogoyo lang ako o ewan. Mahirap na, baka makidnap ako ng wala sa oras baka sumama ako. Este dapat talaga mag-ingat.

After two minutes, nakapadesisyon na ako. Pagkatapos kong huminga ng malalim tsaka ko sinabing...

"Sige na nga. T-Tara!" Sagot ko.

Inalalayan niya akong lumakad. Sabay kaming sumulong sa maliit na payong. Nagtayuan yata lahat ng hair strands ko sa katawan. Malakas din ang tibok ng dibdib ko. Parang nananadya din ang panahon dahil lalo pang bumuhos ang ulan kaya't hindi tuloy maiwasang lalong nagkadikit ang mga braso namin.

Napatingala ako sa makulimlim na langit.

Gusto ko tuloy matawa sa pinag-iisip ko. Sige pa Lord, ibuhos niyo pa please.

Hanggang sa ma-realize ko na tumatawa na pala ako ng hindi ko namamalayan habang naglalakbay ang isipan ko sa nakaraan. Naka-upo pa rin ako sa park na lagi kong pinapasyalan. May mangilan-ngilan din sa paligid ko na nakatingin sa akin. Akala siguro nila'y may tililing na ako dahil tumatawa ako kahit walang kasama.

Medyo may pagkapahiya akong tumayo palayo. Hindi na ako lumingon.

Siyempre sinabi ko naman sa inyo hindi ako tatantanan ng memories ko hanggat hindi ko tinatapos.

Nakakakita ako ng maliit na bridge sa bandang likuran ng park. Lumingon-lingon muna ako ng kaunti. Mukha namang walang tao. Mas okay mag isip-isip pag walang sasaksi sa ka-dramahan ko.

Alright, start!

Kapag naaalala ko yung parte ng pagkakakilala namin ramdam ko pa rin hanggang ngayon yung weird na feeling. Akala mo kinukuryente ka na ewan. Lalo na pag babanatan ka pa ng awkward na linya na tulad nito.

"Alam mo ba, tingin ko nagbunga na rin ang pagkain ko ng San Marino."

Napakunot noo ako sa kanya habang nakatingin.

"Ha? Ano naman yun?" Tanong ko.

Medyo lumagkit ang tingin niya sakin. Lumapit pa ang mukha kaya medyo napahigit ang paghinga ko. Hindi ko maiwasang lumunok. Medyo awkward nga pero keri lang.

"Kasi.... nahanap ko na ang one true love ko", sabay kindat sakin.

Napanga-nga yata ako. Hindi pa kasi nagsi-sink in sa utak kong nag-hang yata.

"H-Ha? Ahh... Hahaha", di ko malaman kung tatawa ako o ano.

Bumanat na naman ang magaling kong jowa. Yes, kami na nga. Simbilis ng pagtila ng ulan nung nagkakilala kami, naging malapit agad kami sa isa't-isa. Ilang buwan lang ang lumipas, naging kami na.

Whew! Parang ipo-ipo lang.

Kahit pala tinubuan na ng mais ang partner mo, okay lang kasi mahal mo. Isa sa mga wonders of being in love. Hindi mo rin daw makikita yung mga weird gestures niya, maski nga yung mga panget na katangian wa epek eh.

Pero pwede ding alam mo yung mga panget sa kanya pero nilulunok mo na lang at pinipilit na tanggapin ito. Kasi nga mas matimbang pa din yung pagmamahal mo kesa sa mga imperfections niya.

Kung pwede lang sana na i-hinto na lang dun. Sa masayang part lang para okay. Pero alam ko kasunod na nito ang unti-unting pagbigat ng mata at dibdib ko.

Kung gaano katamis ang simula ganon din kapait ang wakas. Hindi mo aakalain na masasabi nila yung mga bagay na napakahirap intindihin. Masakit eh.

Tapos masasaktan ka pa the most epic way possible. Maiisip mo na lang kung bakit no nakilala ang kulugong nasa harap mo.

"I need space. I-I think we should break up."

Ha? Ano daw? Anong klaseng space ba gusto nito? Sa Outer Space?

"Alam ko masasaktan ka lang. But I realized our relationship is not going somewhere. I want to find myself."

Bakit? San ba pumunta yang self mo na yan? Nawawala ba?

"Just remember that it's not you. It's me. Good bye and thanks for the memories", sabay talikod sakin.

Parang lyrics ng kanta yun ah?

Nanatili lang akong nakatitig sa papalayong likod nito. Hindi ako natinag hanggang s papaliit na lang ng bulto niya ang nakikita ko.

Pakiramdam ko pinag sakluban ako ng langit at lupa. Yung ilang buwan naming pagsasama bigla nalang naglaho ng parang bula. Ni walang lumabas na luha ng oras na iyon, hindi pa siguro nag si-sink in sa utak ko.

Nahiling ko na sana may antivirus din na pwede mong i-install sa puso mo. Tipong malalaman mo agad kung safe ba ito o bibigyan ka lang ng damage at destruction sa pagkatao mo. O kaya SD card na lang na pwede mong ireformat pag ayaw mo na yung mga ala-ala. Ganun lang kabilis.

Pero malabong mangyari yun eh. Sa ayaw at sa ayaw mo kailangan mong pagdaanan lahat. Yung sakit na nanamnamin mo sa hapdi.

Pero yung lalong nakakapagpabigat ng loob ko? Hindi ko man lang nasabi sa kanya yung nasa loob ko. Hindi ko man naparating yung gusto kong sabihin.

Kung may pagkakataon lang siguro ako.

Kaso naisip ko na hindi din magiging maganda ang journey to your real love.

Kasi papano mo daw mararamdaman yung tunay na ligaya if you haven't experienced being broken. Parang masokista ba yung dating?

May kanya-kanya naman siguro tayong kwento. Kung papano natapos, yung sakin ganito. May ilan mang sinwerteng nagtagumpay mas marami pa rin ang broken hearted at uma-ampalaya. Pero hindi ko naman nilalahat.

Masyadong naging misteryo sakin kung ano ba talaga ang love e. Walang daang diretso, minsan liko liko o kaya bako bako. Iba-iba ding klase kaya yung iba namimisinterpret nila yung tunay na kahulugan ng love.

Sa dinami-dami ng magazine tungkol sa pag ibig bakit dumadami pa rin ang bilang ng mga bitter at broken hearted. Mas sumikat pa ang pagpo-post ng mga who-goat lines kesa sa mga love quotes.

Pero kelan mo ba masasabing naka move on ka na? Para sakin ganito eh.

- Kapag nabanggit ang pangalan ni ex, hindi ka na affected

- Kapag tinatanong siya sayo hindi ka na defensive

- Kapag di sadyang nai-play ang team song niyo hindi ka na nalulumbay

- Kapag hindi na siya ang pinaka pogi o maganda sa paningin mo

- Kapag narealize mo na marami pala siyang pimpols sa mukha

- Natatawa ka na lang kapag naisip mo naging ex mo siya

- Narealize mo yung mga ayaw mo sa kanya na dati nagbulag bulagan ka lang

- Wala ka ng pake

- At kapag nasabi mong "Ang panget niya!"

Hindi ko alam kung anong nangyari. Habang nakatayo sa madilim na sulok ng park. Basta na lang bumuka ang bibig ko. Naglabas ng bumubugang apoy este ng sama ng loob.

"Wala ka bang itlog ha? Bakit hindi mo maamin na umepekto lang yang kakatihan mo kaya ka nakipag-break?! May pa space-space ka pang nalalamang unggoy ka. Anong feeling mo? Astronaut ha?! At tsaka you want to find yourself?! Kailan pa nawala ang sarili at kailangang hanapin? Magulat ka na lang makasalubong mo yang hinayupak ka!!! Memories mo mukha mo!!! Pareho ko kayong ibabaon sa lupa!!!"

Phew! Halos maghabol ako ng hininga pagkatapos ng mahaba-habang lintaya ko. Daig ko pa siguro ang nag-rap sa bilis.

Success!!!

Ngayon ko rin lang narealize na ang tagal tagal ko na palang binibitbit iyon. Sa wakas at nailabas ko din. Medyo nakaka-wala pala ng bigat ng dibdib pag nailabas mo na.

Maya-maya pa ay sumilay na ang mga ngiti sa labi ko.

Pero saglit lang din napalis yun ng may marinig akong ingay sa paligid ko. Sa may bandang likuran ko nanggagaling ang ingay.

May tao?

Una'y mahinang tawa lang, pero kalauna'y naging halakhak na. Nanlaki ang mga mata ko nang marealized na may nakarinig yata sa mga pinagsasasabi ko.

Ay anak ng tipaklong! Mukhang may nakarinig sa mga pinag-sasasabi ko ah!

Dali-dali kong hinanap ang pinagmulan ng ingay.

"Ngayon lang ako nakatawa ng ganun. Salamat ha", ani ng isang baritong boses.

Likod lang nito ang nakikita ko. Unti-unti itong tumayo mula sa pagkaka-upo sa damuhan.

Kaya pala hindi ko siya napansin pagpunta ko rito.

Sa wakas at lumingon na ito. Syempre napanga-nga na naman ako. Hindi na ako mag e-explain kung bakit. Alam na this!

"Sorry... if I accidentally heard you. I was lying on the grass when you step in. But what you did is cool. And kung sino man siya, I pity him."

Kumunot lang ang noo ko pero hindi nagsalita. Medyo lumamlam yung mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Because he'll never know what he's missing."

Ano daw?

Habang nakatanga sa kanya, naramdaman ko ang mga patak ng tubig sa mukha ko. Tumingala ako at nakita ang madilim na kalangitan.

"Mukhang malakas ang ulan ah", narinig kong sabi ng lalaki.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Umuulan din nung makilala ko ang ex ko ah.

Medyo nanlaki ang mata ko ng bigla itong may hinugot sa bag na nakasabit sa balikat nito.

"You got to be kidding me", mahinang bulong ko.

"Buti na lang naisipan kong dalhin kanina", masayang sabi nito.

Really, Lord?

Tumingin siya sakin pagkatapos buksan ang payong.

"May payong ka ba Miss?"

Obvious ba? Duh?

"Ay! Sorry, mukhang wala kang dala. Bakit pa ba ako nagtatanong", sabay kamot sa ulo.

Nakalimutan kong magdala ng payong.

"Ahm... Miss, gusto mo bang sumabay sa akin?"

Ha?

"I mean, hahatid kita hanggang sakayan. Kung gusto mo lang naman."

Napaawang lalo ang bibig ko. Nakatitig lang sa mukha nito. Malakas din ang tibok ng puso ko ng mga oras na iyon.

"Miss? Okay ka lang ba?"

"H-Ha? Oo! T-Tara!"

Sabay kaming sumulong sa maliit na payong na dala nito. Hindi ko mapigilang tumingin sa kalangitan.

Lord, siya na ba?

Parang sumagot ang langit sa tindi ng kulog at kidlat pagkatapos.

Okay. Okay na po. Gets ko na po Lord.

"Thank you", mahinang bulong ko.

"Ha? May sinasabi ka ba?"

Ngumiti ako sabay sabing, " Wala yun. Thank you sabi ko. Ano nga palang pangalan mo?"

"May isang tao na darating sayo na makakapag parealize sayo na nakapag move on ka na pala. It's just a matter of time."