webnovel

My Innocent Maid XXIV

Katherina

Mabilis lumipas ang mga araw at halos mag-iisang buwan na akong nag-aaral. Sa sinabi ni Senyorito sa akin na kailangan kong maipasa ang test na 'yon ay nagpupursige talaga ako pata matuto. At masaya ako sa kinalalabasan ng lahat.

Madali akong natututo, at laking pasasalamat ko din sa mga taong nakapalibot sa akin. Hindi sila nagsasawang turuan at tulungan ako.

"Hatid na kita sa gate, Katherina. Para may kasama ka kung sakaling wala pa ang sundo mo." presinta ni Dex sa akin habang papalabas kami ng room. Wala kasi 'yong dalawa may sarili daw silang lakad kaya nauna na.

"Sige," maiksing sagot ko at ngumiti dito.

"Ako na maghahawak niyan." Kuha nito sa apat na libro sa kamay ko. Ang dami noh, hindi ko nga alam kung bakit ko pinagkukuha ang nga 'yan. Hindi naman related sa subject ko 'yong isang book na hinuram ko sa library. Naengganyo lang akong kunin dahil Romance Novel siya at gusto ko itong subukang basahin. Malay ko naman kung marami akong matutunan diyan tungkol sa mga bagay-bagay. Kaso pag binasa ko 'yan  dapat may translater akong hawak.

Naglalakad na kami palabas ni Dex ng gate nang biglang may lumapit sa amin na babaeng maganda at naka-eyeglass, kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Can we talk?" tanong nung babae sa akin sabay tanggal niya ng kanyang eyeglass. Napamulagat ako nang makilala ko ito.

"Senyorita Trish?" naniniguradong tanong ko.

"Ako nga, Katherina. Kumusta ang paglalandi mo sa boyfriend ko?" sarkastiko niyang sabi sa akin na ikinakunot ng noo ko. Pinagsasabi nito?

"Po? Sino ho ang tinutukoy niyo? Sa pagkakaalam ko po ay wala naman akong nilalandi." sagot ko at napatingin kay Dex nang hawakan niya ang braso ko at tinanong ako.

"Kilala mo ba siya?" tanong nito sa akin na ikinatango ko nalang at hinarap ulit si Senyorita.

"Is that so? Hindi mo nilalandi ang Senyorito Marco mo?" sarkastiko nitong tanong sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Nabalitaan kong nagkakamabutihan na daw kayo." nang-uuyam ding sabi nito sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nanatili lang akong nakatayo at walang balak na magpatalo dito kung ano man ang pinaglalaban niya.

"Hindi ko siya nilalandi, Senyorita. Baka dapat si Senyorito ang kausapin niyo at hindi ako. Wala po akong alam sa mga binibintang niyo." seryosong saad ko dito dahil naiinis na ako sa paratang niyang wala namang katotohanan. "Tara na, Dex. May nagdedeliryo na dito at nawawala na ata sa katinuan niya baka bigla nalang mangagat. Mahal pa man din ang magpatusok ng anti-rabies." hindi ko na napigilang mailabas ang inis ko at hinila na si Dex palabas ng gate.

Pero hinarangan nito ang daraanan namin. Inis man ay hindi ko nalang pinansin at lalagpasan na sana nang bigla niya akong hablutin sa aking braso.

"Don't you dare turn your back on me! You bitch!" mariing sabi nito at mas hinigpitan pa ang hawak niya sa braso ko. Alam kong mamumula na ito dahil sa higpit ng hawak nito. Ramdam ko na nga ang kirot pero hindi ko pinakitang nasasaktan ako. Masyado siyang sinusuwerte pag nagkataon.

"Mawalang galang na po, pero ano po ba talaga ang kailangan niyo sa akin? Kung si Senyorito ang hanap mo ay hindi ko alam kung nasaan siya." sabi ko at tinignan ito sa mukha papunta sa kamay niyang nakahawak nang mahigpit sa kamay ko.

"Matapang ka, Katherina. Ano bang pinagmamalaki mo? Isa ka lang di hamak na katulong. Alam mo dapat kung saan mo ilulugar ang sarili mo." mapag-insultong sabi nito sa akin na ikinataas ng aking kilay.

"Ano ba ang problema mo kung katulong ako? Hindi ako nahihiya sa trabaho ko. At higit sa lahat proud ako kung ano ang trabaho ko. Bakit?Naiinggit ka ba? Gusto mo..." putol ko sa sasabihin ko at tinignan ito bago nagsalita ulit. "...irekomenda kita kay Senyora para hindi ka na mainggit sa pagiging katulong ko. Dami ko kayang benefits." proud kong sabi at tinabig na ang kamay nitong nakahawak sa kamay ko. Pero mas hinigpitan pa nito mas lalo ang paghawak na ikinangiwi ko na dahil sa sakit. May galit ata 'to sa akin eh.

"Hey, nasasaktan niya siya. Get your hands off her." galit na sabad ni Dex at inalis ang kamay ni Trish sa braso ko. Nang una ay ayaw nitong alisin at nkioagmatigasn kay Dex. Mas malakas si Dex sa kanya kaya naalis nito at nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Pero ramdam ko ang pagpintig ng kirot sa aking braso. Pagtingin ko dito ay bumakat ang daliri niya pati na rin ang kuko nito.

"Thank you," pasasalamat ko kay Dex.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa akin at hinila niya ako palayo dito. Tinignan nito ang braso kong namumula at hinaplos ito na siyang ikinangiwi ko ulit. Magsasalita pa sana ako nang magsalita na naman ang bruha. Oo, bruha na ang tawag ko sa kanya hindi na Senyorita. Imbiyerna siya eh.

"Wow! You got a knight in shining armour, huh!" sarkastiko nitong sabi sa akin at pumalakpak pa. "Ang galing talaga nang talent mong paglalandi, Katherina. Kung may award lang sa mga ganyan, baka ikaw na ang top." dugtong nito sa mapag-insultong paraan.

"I don't waste my time on people who doesn't deserve any of my attention. Let's go, Dex." tinaasan ko talaga siya ng kilay para dama niyang naiinis na ako. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya. Dahil siguro nagsalita ako sa english na hindi naman nito inaasahan. Pero huwag kayo, hindi ko nga alam kung tama ang mga sinabi ko. Basta kusa nalang lumabas 'yon sa bibig ko na para bang bihasa na ako sa pagsasalita sa lengguwaheng 'yon. Gusto ko sanang tumawa sa galing ko pero baka sabihan akong baliw kaya mamaya nalang.

Sinamantala ko ang pagkagukat niya. Hinila ko na si Dex paalis, pero hinarangan niya ulit kami. This time, galit na itong humarang sa harapan namin at dinuro ako.

"Remember this!" sigaw nito sa akin. Pagtingin ko sa paligid ay pinagtitinginan na kami ng maraming tao dahil sa inaasta ng bruhang ito. Di ba ito nahihiya sa pinaggagawa niya. Tsk!

"Dami mong satsat. Sabihin mo na lang. Nakakaistorbo ka na sa lakad namin. Puwedeng ipagpabukas mo nalang. Hindi kasi nakalaaan ang oras ko sa mga katulad mo na nawawala na ata sa katinuan. At sa susunod, magpa-appointment ka muna ha para naman harapin kita nang maayos." madiin kong sambit sa huling sinabi ko at nakipagtitigan dito.

"Layuan mo si Marco. He's mine! Binabalaan kita, Katherina! Kung ayaw mong magkadaletse-letse ang buhay mo!" sigaw ulit nito sa akin.

"Letse ka!" inis na mura ko dito at dinuro din siya. Naiinis na ako sa pagduro niya sa akin kaya magaya nga para naman patas ang laban. "Kung gusto mo si Senyorito Marco! Iyong-iyo na siya! Isaksak mo sa baga mo hanggang sa balon-balunan mo! Buwisit nito! Dinadamay niyo pa ako! Doon ka magreklamo sa baranggay!" inis na litanya ko dito at inirapan. Lalagpasan na sana namin siya nang matulala ako sa sinabi nito.

"Buntis ako at siya ang ama. Mag-ka-kaanak na kaming dalawa at malapit na rin kaming ikasal. Kaya layuan mo siya. Sinisira mo ang pamilyang binubuo namin! You flirty bitch! Oras na malaman ko pa na lumalapit ka pa sa kanya. Sisiguraduhin kong magsisisi ka. Tandaan mo 'yan." babala nito sa akin at umalis na patungo sa sasakyang nakaparada sa malapit at umalis na.

Naiwan akong tulala sa mga narinig ko mula sa kanya. Ang malaman ko lanh na buntis ito at si Senyorito ang ama ay nasasaktan na ako. Idagdag mo pa ang kaalamang ikakasal na ang mga ito. Parang dinaganan nang napakalaking bato ang puso ko.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Dex sa akin at iniharap niya ako. Nagulat ako nang nataranta ito at mabilis na pinahid ang pisngi ko. "Why are you crying?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya dinama ko ang pisngi ko. Hindi ko na pala namalayang umiiyak na ako.

"Napuwing lang ako... Oo, napuwing lang talaga ako. Wala lang 'to." pagsisinungaling ko at pinunasan na ang luha sa mga mata ko. Alam ko na hindi siya kumbinsido sa sinasabi ko pero wala akong lakas para magpaliwanag dito. Laking pasasalamat ko naman dahil hindi na ulit ito nagtanong pa.

"Ihahatid na kita, di ba may home-schooling ka pa?" tanong nito sa akin at iginiya pabalik sa loob ng school, papuntang parking area.

"Ayoko pang umuwi, Dex. Samahan mo muna ako." pakiusap ko dito na tinanguan niya at ngumiti sa akin.

Agad niya namang binuksan ang pinto ng sasakyan nito at pinapasok ako sa loob bago ito umikot at pumasok na din sa driver seat. Pinagseatbelt niya muna ako bago niya pinaandar ang sasakyan nito at umalis na.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong nito sa akin habang nasa kalsada pa din ang mga mata niya.

"Kahit saan basta may tubig." sagot ko dito at hindi na muling umimik pa. Tumanaw na lang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga gusaling nagtatayugan na nadadaanan namin.

"Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang hiniwa ng kutsilyo ang ouso ko? Ganito ba kasakit ang masaktan?" sunod-sunod na tanong ng isip ko.

Makalipas ng isang oras ay naramdaman ko nalang ang paghinto namin kaya napatingin agad ako sa kanya at nilibot ng mata ko ang paligid.

"Okay na ba dito?" alanganing tanong nito sa akin.

"Okay na 'to. Gusto ko lang naman makalanghap ng sariwang hangin." sabi ko at dahan-dahang binuksan ang pinto at lumabas na. Hindi man ito kasing linis doon sa amin pero ayos na 'to.

Agad akong naglakad palapit sa batuhan at naupo dito. Napakatahimik ng alon sa dagat at napakapayapa sa pakiramdam. Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang haplos ng hangin sa aking balat. Pero hindi umaayon ang nararamdaman ko. Sobrang hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito nalang kasakit ang malamang magkakaanak na si Senyorito at ikakasal na rin ito sa bruhang 'yon.

Tahimik lang na naupo si Dex sa tabi ko at hinayaan lang ako. Tinanggal ko ang sandalyas ko at isinawsaw ang paa ko sa tubig tsaka humiga sa batuhan. Ang sarap ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Nagtagal ako sa pagkakahiga ko at pag-iisip. Hindi ko na namalayan na ang pagpikit ko ay ang tuluyan nang pagkahimbing ko sa pagkatulog. Siguro dahil na rin sa puyat at pagod ko sa mga nagdaang araw at idagdag mo pa ang pag-iisip ko ngayon.