webnovel

My Innocent Maid XLV

Katherina

Papagabi na at nagluto ako nang kakainin namin. Halos isang oras na akong naghihintay sa kanya pero wala pa ito. Nakanguso ako habang ang dalawang kamay ko ay nasa mesa at ginawa kong unan.

"Alas siyete na pero wala ka pa din." sambit ko at nanatiling nakahiga ang aking ulo sa mesa. "Sabi mo uuwi ka. Umasa ako pero wala pala." nagtatampong sambit ko at inilaylay ang dalawa kong kamay sa ilalim ng mesa.

Naiinis ako na hindi ko maintindihan dahil tumawag siya kahapon at ang sabi niya ay dito siya sa condo niya uuwi. Dalawang araw na kasi itong hindi nakakadaan dito dahil busy daw siya. Naiintindihan ko naman siya kaso 'yong nangako siyang pupunta siya dito tapos pinaasa niya lang pala ako. Nakakainis kaya 'yong ganoon.

"Paasa." mahinang sambit ko.

Nang maalala ko na puwede ko pala siyang tawagan ay nagmadali akong tumayo at pumunta sa kuwarto para kunin ang telepono ko. Nang makuha ko na ay agad ko itong tinawagan. Ilang ring palang nang sumagot na ito sa kabikang linya pero nabigla ako sa narinig kong boses.

"Hello?" patanong na bungad nang babae sa kabilang linya. Natulala ako nang panandalian at tinignan kung tama ang numero. Nang makompirma kong tama ay doon lang ako nagsalita.

"Ah-- pu-wede bang ma-ka-usap si Marco?" nauutal na tanong ko dahil para akong sinasakal sa selos na nararamdaman ko ngayon sa kaalamang may kasama ito.

"Nasa CR siya sa ngayon, may ipapasabi ka ba? At sino pala ito?" tanong nang nasa kabilang linya. Natigil ako sa narinig kong tanong niya, nasa banyo ito at kasama ang isang babae? Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang pangalan ko o hindi. Nanaig ang hiya ko kaya hindi ko nalang sinabi kung sino ako.

"Ah wa-la na-man, sige sa-lamat nalang. Tata-wag na-lang uli ako." utal ko pa ding sabi at bago pa ito makasagot ay pinatay ko na agad ang tawag.

Nagseselos ako ng todo dahil may kasama itong babae samantalang pinangako niya sa aking dadaan ito dito.

"Nangako ka pero may kasama kang iba! Hanep ka din eh noh!" sigaw ko at pinagdiskitahan ang larawan nito na nasa side table. "Nanggigigil ako sa'yo, Marco! Sobra!" inis na sigaw ko pa din at lumabas na nang tuluyan sa kuwarto. Agad akong nagtungo sa kusina at inayos na ang inihanda kong pagkain.

Napaiyak nalang ako dahil sa selos na nararamdaman ko ngayon. May tiwala ako sa kanya pero hindi niyo naman siguro ako masisisi kung nakakaramdam ako ng sobrang selos. Ikaw ba naman ang pinangakuan pero iba ang kasama niya. Ang sakit kaya sa heart.

"Nagseselos ako," mahinang sambit ko at halos idabog ko na ang mga natitira pang mga plato sa mesa. Isang oras niya akong pinaghintay tapos may kasama pala itong babae. Nang matapos kong ayusin ang lahat ay wala pa ding dumating na Marco.

Naupo ako sa sofa at naghintay pero lumipas ang dalawang oras ay wala pa din ito. Naghintay pa ako hanggang sa makatulugan ko na ang paghihintay sa kanya pero wala pa ding dumating.

Pagmulat ko ng mata ko ay nasa kama na ako. Nagtaka ako dahil sa pagkakaalam ko ay sa sala ako nakatulog. "Imposible namang naglakad ako habang natutulog?" patanong kong bulong sa sarili ko at inilaylay ang dalawa kong paa sa kama.

Nang may makita akong papel sa may unan ay napasimangot ako. "Hindi man lang niya ako ginising." nagtatampo nang sambit ko at kinuha ang papel.

"Pasensiya ka na, Mahal ko. Nakalimutan ko ang usapan natin kagabi. I'm so sorry, Mahal ko. I'll make it up to you later."

"Hmmmp! Mukha mo! Kainis ka! Bawian mo sarili mo! Mahal ko, Mahal ko ka pa diyan!" inis na sabi ko at dinuro-duro ang papel na hawak ko. Hindi pa ako nakontento ay pinunit-punit ko pa ito hanggang sa magpira-piraso.

Naiinis ako dahil ilang araw na kaming hindi nag-uusap tapos nang mangako siya ay umasa ako. Pero wala lang pala dahil nakalimutan nito. Ang suwerte naman ng babaemg kasama niya. Nalaanan niya nang oras ang babaeng 'yon samantalang ako nakalimutan niya ang pinangako niya.

Bagsak ang balikat akong bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos. Nang matapos na ako ay humiga nalang ulit ako at hindi na bumangon hanggang tanghali. Nawalan kasi ako nang ganang kumain habang iniisip ko kung kasama ulit nito ang babaeng nakausap ko sa telepono kahapon.

Kahit ramdam ko ang gutom ko ay hindi pa din ako bumangon. Nakahiga lang ako at malungkot na nakatitig sa kisame. Umabot pa ako nang halos isang oras na nakahiga nang may maisip ako.

"Total wala din lang naman akong kasama dito. Lalabas nalang ako at mamasyal para naman kahit papaano ay mawala ang inis ko." sambit ko at tinalukbungan ang mukha ko. Ilang sandali akong ganoon hanggang sa tumango ako sa loob ng kumot at ibinaba nalang ito.

Bumangon ako sa kama at dumiretso ako sa banyo para maligo. Mamamasyal nalang talaga ako para mawala ang inis at pagkabagot ko patu na din ang selos na umuusbong sa puso ko.

Nang makabihis na ako't lahat-lahat ay umalis na ako ng condo at inilock ito. Bumaba na ako sa baba at dumiretso na palabas ng building. Naisipan ko na maglakad-lakad nalang muna dahil malapit lang naman dito ang mall. Nang may madaanan akong parke ay tumambay muna ako ng ilang minuto.

Masarap panoorin ang mga batang naglalaro habang kasama nito ang mga magulang nila. Naalala ko tuloy sina Inang at mga kapatid ko.

"Kumusta na kaya sila Inang?" tanong ko sa sarili ko. "Kung magpaalam nalang muna kaya ako kay Marco na uuwi muna sa probinsiya habang busy pa ito? Siguro naman ay ayos lang sa kanya dahil wala naman na itong oras sa akin." sambit ko at malungkot na nakatingin sa mga naglalarong bata. Matagal din ang itinagal ko sa parke bago ko naisipang pumunta ng mall.

Pagpasok ko nang mall, dumiretso agad ako sa nagtitinda ng ice cream at bumili. Nang makabili na ako ay naglakad-lakad lang ako habang pinagmamasdan ang mga nakadisplay na mga damit. Hindi na ako pumasok dahil alam ko namang hindi ko din kayang bilhin kahit isang piraso ng damit sa loob dahil sa sobrang presyo nito.

Nawaglit na sa isip ko ang pagkainis ko dahil nalilibang na ako sa mga tinitignan ko. Nang mapadaan ako sa isang bookstore ay pumasok ako para tumingin ng mga libro na puwede kong mabasa. Habang nagtitingin ako ay parang may nag-udyok sa aking tumingin sa labas. Nang mapatingin ako ay nadagdagan ang selos na nararamdaman ko.

Ang sweet nilang tignan habang nakaangla ang kamay nang babae sa braso ni Marco at papasok sila sa loob ng restaurant. Napakaganda at napakasexy ng kasama nito. Tinignan ko sa salamin ang hitsura ko at napailing nalang. Walang-wala ako sa kalingkingan ng kasama nito. Inilabas ko ang telepono ko at naisipang tawagan ito. Nang sumagot ito ay pinigilan ko ang sarili kong magalit dito.

"Hello, Mahal ko. Napatawag ka?" bungad na sagot nito sa tawag ko.

"Asan ka? Dadaan ka ba dito?" tanong ko agad dito habang pinipigilan kong  huwag tumulo ang aking mga luha.

"May inaasikaso lang akong importante, Mahal ko. Dadaan ako diyan mamaya." saad nito, pagtingin ko sa kanila at nakangiti ito sa babae habang may itinuturo sa menu.

"Ganoon ba? Sino kasama mo?" pigil hiningang tanong ko at hinintay itong sumagot.

"A friend, Mahal ko. I got to go. See you later, Mahal ko. I love you." paalam nito. Sasagot pa sana ako nang maputol na ang tawag. Malungkot akong nakatingin sa kanila habang nag-uusap sila. Maya-maya ay nakita ko nalang na nagtatawanan na sila at halos nagbubulungan nalang ng kung ano. Hindi ko na napigilang hindi umiyak nang makita kong subuan ng babae si Marco.

Umalis ako sa lugar na luhaan. Dumiretso ako sa condo nito at nag-iiiyak doon. Nakasubsob ang mukha ko sa unan habang patuloy pa rin ang pagbagsak ng aking mga luha. May tiwala ako sa kanya pero bakit hindi ko maiwasang mag-isip nang masama sa nasilayan ko kanina.

Sa kakaiyak ko ay nakatulog na ako ng hindi ko namamalayan.

Nagising ako dahil sa biglaang paglubog ng kama. Nakatalikod ako dito at hindi na nag-abala pang tignan ito dahil alam kong siya ang tumabi. Hindi na nito nakitang nagmulat ako ng mata dahil nakatalikod ako sa kanyang gawi. Hindi na rin ako lumingon at nagkunwaring tulog pa din dahil ayokong makita niya ang namamaga kong mata.

Nang mapasulyap ako sa orasan sa may side table ay napag-alaman kong  gabi na pala. Mas lalo namang nadagdagan ang selos sa dibdib ko sa kaisipang ngayon lang ito umuwi at nag-enjoy ito sa piling ng kasama niya.

Nagkunwari pa rin akong tulog hanggang sa maramdaman ko ang pagtabi nito at pagyakap sa akin mula sa aking likuran. Hindi ako gumalaw o nagbigay ng idea na gising na ako. Hinayaan ko lang na isipi. Nitong tulog na tulog pa rin ako.

"Mahal na mahal kita, Mahal ko." sambit nito at hinigpitan nito ang yakap niya sa akin. Pinipigilan kong huwag maiyak dahil baka mahalata nitong gising na ako at ayaw kong komprontahin siya. Nanatili ako sa puwesto ko at hindi gumalaw hanggang sa naramdaman ko na mahimbing na itong natutulog sa aking tabi.

Naghintay pa ako ng ilan pang sandali bago dahan-dahang pumihit at humarap dito. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ito sa kanyang mga labi.

"Mahal na mahal din kita, Mahal ko. Kahit nasasaktan ako ay ayos lang. Marinig ko lang mula sa'yo na mahal na mahal mo ako ay napapawi nito ang hinanakit na mayroon ako, Mahal ko." hindi ko napigilang mapaluha sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit isang sabi niya lang sa salitang mahal niya ako ay tunaw na lahat nang hinanakit ko dito.

Isiniksik ko ang katawan ko sa katawan niya at itinulog nalang muli. Umaasa ako na sana ay magisnan ko ito sa pagmulat ng aking mga mata kinabukasan.

Pero paggising ko ay bagsak na naman ang aking balikat at malungkot na napamulat. Wala na naman ito sa aking tabi at papel na naman ang nakita ko sa katabi kong unan. Hindi ko na binasa ang papel dahil ayokong mas lalo akong malungkot. Tumayo na agad ako sa kama at napaisip. Nang pumasok sa isip ko sina Inang ay nakabuo agad ako nang desisyon. Mas mabuti na siguro muna ang magkalayo kami para wala itong iniisip. Alam ko na busy ito at ayaw kong maging sagabal sa mga ginagawa niya.