webnovel

My Innocent Maid XLIV

Marco

Maaga akong nagtungo sa place ng wedding planner namin. Pagkatapos kasi nang pag-uusap namin ni Mr Santillan ay diretso na akong umuwi ng condo dahil namimiss ko na siya. Gusto ko siyang makita para mawala ang mga agam-agam at pangamba sa aking puso. Sa kanya lang ako nakakakuha nang lakas ng loob.

Pagdating ko sa lugar ay wala pa ito kaya naghintay pa ako ng ilang sandali. Nang dumating na ito ay tumayo ako at nakipagkamay dito.

"Finally," sambit ko at ngumiti dito. Ito ang unang beses na nginitian ko siya kaya nakita ko ang pagtaas ng kanyang kilay. "I'm glad that you came."

"Why the sudden smile?" taas kilay nitong tanong sa akin.

"You don't know how much courage I bring just to talk to your Dad, Beatrice." nakita ko ang gulat sa mukha niya nang marinig niya ang sinabi ko.

"You talk to my Dad?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.

"Yeah, I just want to talk to you in person and in private." seryoso nang saad ko. "It's about the wedding..." pagpapatuloy ko na ikinasenyas niya sa aking tumigil. Napakunot ang noo ko ng makita ko lang siyang sumenyas at hindi nagsalita. "What's the matter?" takang tanong ko.

"Nothing," umiiling nitong sambit sa akin at naglabas ng notebook sa kanyang bag at ballpen.

"What are you doing?" nagtatakang tanong ko nang makita kong nagsulat ito sa notebook at inilapit sa akin. Tinignan ko lang ang notebook at tumingin dito. Nakita kong naiinis ito at mas inilapit pa ang notebook para mabasa ko.

"My Dad will actually be glad if our wedding will be perfect." sambit nito sa akin pero makikita mo sa mukha niya ang pagkaseryoso.

"Just act normal and don't open up about cancelling the wedding. I tell you, you'll not gonna like what will happen."

Iyan ang nakasulat sa notebook kaya nakakunot-noo akong napatingin dito. Magsasalita sana ako nang mulagatan niya ako sabay tingin sa notebook. Noong una ay hindi ko nagets hanggang sa napaisip din ako at magsulat nalang.

"Why are we writing words in this notebook? We can talk,"

Balik sulat ko dito at iniusog ito sa harap niya.

"We can't talk. Dad put a hearing device on my shirt and I'm sure his listening right now. Just act normal and write what you wanted to say. Get it?"

Tumango ako dito bilang pagsang ayon.

"The wedding planner isn't here. May konting aberya lang daw aiyang dinaanan. Is it okay with you to wait?" tanong nito sa akin pagkaabot niya ng notebook.

"It's okay, nothing to worry. I can wait," nakangiting sabi ko at nagsulat ulit sa notebook. It's hard to talk while writing but it doesn't matter to me as long as it's for the better.

"And why is that? Is this the way para makausap lang kita?"

"Anong pinakain mo kay Dad at napapayag mo siyang makausap ako?" tanong nito pagkaabot niya ng notebook. Pagkabasa nito ay nagsulat din ito.

"Wala naman, I just let him see that I'm serious and assure him that the wedding will be perfect at walang sasagabal dito." kibit balikat kong sambit dito habang hinihintay ang sinusulat nito.

"Yes and if you want to tell me something against the wedding. You have to write it. Don't speak, I'll tell you dahil pag nalaman ni Dad. Baka bukas na bukas ay ipakasal niya na ako sa'yo. And I don't like that idea to happen."

"Kaya naman pala. I'm tired and I don't want to talk. I need some rest. Just wake me up when the planner arrives." sambit nito at sinenyasan ako and mouthed "Sakayan mo lang ang sinasabi ko."

Napatango ako, "Okay, I'll just wake you up. Then let's talk about the wedding later. Just rest," pagsasakay ko dito na ikinaapprove niya sa akin.

Nagsulat ulit ako at binigay dito.

"How can we stop this nonsense wedding?"

"You can back out! Duhhh!"

Naparoll eyes pa siya nang ibalik nito sa akin notebook. Napatawa naman ako na ikinataas niya ng kikay sa akin.

"I can't. Dad will be in bars if I did that."

"I'm sorry for that. Dad is a one hell of a bastard."

Nagtaka ako sa sinulat niya kaya napatingin ako dito nang nagtatanong. Inagaw niya ulit sa akin ang notebook at nagsulat ulit ito bago niya inabot sa akin.

"Don't let me speak. Just write, Marco."

"Okay, how would you say that to your own father?"

"He's not my father biologically. He's my stepfather and he wants controlling me. My Mom knows all of this at hindi man lang niya ako ipagtanggol. She said it was for my own good. But damn it! I don't need a luxurious life with a hell of a monster on our side."

Malungkot na itong nakatingin sa kawalan nang binasa ko ang nakasulat. Naawa naman ako sa kanya dahil sa sitwasyon nito. Nang mapatingin ako dito ay nakita ko ang pagkislap nang galit sa kanyang mga mata. Nagsulat nalamg ulit ako at ibinigay dito.

"Just tell me you're against the wedding."

"Isn't it obvious, Marco? I don't want this wedding to be done. I have my life with the one I love but now I can't see him. Dad didn't let him go near me."

Malungkot siyang napatingin sa akin at parang naluluha. Nang may mabuong desisyon sa utak ko ay sinulat ko ito.

"I can help."

Nakangiti kong inabot dito ang sinulat ko. Nakita ko ang pagsaya ng mukha niya nang mabasa niya ang aking sinulat. Agad naman itong nagsulat sa notebook at nangniningning ang mga matang ibinigay sa akin. My heart melts when I see her smile and happy.

"How can you help me? Are you serious about that?"

"Yeah, like you, ayaw ko ring matuloy ang kasal na ito because I love my girlfriend and she's my life. Ayoko siyang saktan at willing akong gawin ang lahat para hindi matuloy ang

kasal."

Nakita kong sumaya ito sa nabasa niya at nagsulat ng ilang segundo bago inabot sa akin.

"Thank you so much! You're a God sent to me, Marco. But how can we communicate? Dad confiscated all my gadgets at wala akong gamit maski telepono man lamang. You love her that much, do you?"

Nang mabasa ko ito ay napatango ako at ngumiti dito bago magsulat at ibinalik dito. I can't believe na magaan pala itong kausap. Pag nagkikita kasi kami lagi itong seryoso at hindi makausap. Kaya pala lagi itong ganoon dahil kontrolado pala siya ng Dad niya.

"I love her so much that I'm willing to do everything just for her."

"She is very lucky."

Malawak na ang ngiti nito nang tumingin siya sa akin. Inilabas ko ang cellphone ko at kinalikot muna ito para maisilent. Nang magawa ko na ito ay hinila ko ang kamay niya at iniligay ang telepono dito. Nagtatanong na tumingin siya sa akin kaya kinuha ko ang notebook sa kamay nito at nagsulat bago ibinalik dito.

"Yan ang gagamitin natin to communicate. Don't let your Dad see that dahil masasayang ang effort ko, Beatrice. Just trust me. First, let me help you to see him."

Nagliwanag ang mukha nito at nagpapasalamat na nakatingin sa akin. Hindi man siya nagsasalita ay makikita mo sa mukha niyang masaya ito. Nginitian ko ito at itinulak ang kamay nito para itago na niya ang telepono bago pa may makakita.

Tahimik na kaming dalawa hanggang sa dumating na ang planner. Nag-usap kami about sa wedding at kunwari ay interesado kaming dalawa para marinig ng Dad niya.

"Ayaw mo bang palitan ang color ng flowers? You can choose, ako ang bahala." sabi ko dito na ikinangiti niya. Ang seryosong mukha niya noong nagkikita kami ay napalitan na nang maaliwalas na mukha.

"Can I?" nakangiting tanong nito sa akin na ikinatingin niya sa planner.

"Of course, Dear. You can change it as your soon to be requested. Lahat daw nang gusto mong palitan ay puwede mong gawin." nakangiting sambit ng planner sa akin at napatingin naman kay Beatrice.

"Thank you so much, Marco. I'm sure it will be the best wedding." malambing na sabi nito at lumapit sa tabi ko.

"Don't be that close baka may makakita at makarating sa Mahal ko. Malilintikan ako." bulong ko dito, sinigurado kong siya lang ang makakarinig kaya napatawa ito nang malakas.

"Woooahhh! Ang sweet naman ng Mahal ko." tumingin ito sa akin nang nang-aasar kaya napangiti na din ako. Masaya pala siyang kasama. Ang problema lang ay si Mr Santillan. I have to think of plans bago pa sumapit ang kasal.

"Tama na ang pang-aasar, Soon to be. Mamili ka na diyan nang matapos na tayo at makakain tayo sa labas. Nagugutom na ako," sambit ko dito nang nakangiti.

"Okay po, Soon to be."

Kinausap na nito ang planner at may binago ito nang konti bago mafinalize ang lahat. Hindi naman siguro kawalan sa pera ni Mr Santillan ang gagastusin dito. Total, siya naman ang may balak dito kaya magdusa siya.

Nang matapos ang pag-uusap namin ng planner ay kumuha ako ng papel at sinulat dito na hihiramin ko muna ang telepono at ilagay nito ang numero ng boyfriend niya. Agad niya naman itong ginawa at iniabot sa akin lumayo ako sandali at kinausap muna ang lalake. Nang matapos ang usapan namin ay nakangiti ko nang palihim na ibinalik dito ang telepono.

"Let's go?" aya ko dito at iminuwestra ang braso ko para kapitan nito. Nang kumapit na ito ay nakangiti na kaming lumabas ng opisina ng planner at dumiretso sa sasakyan ko. Pinasunod nalang namin ang driver at bodyguards nito sa restaurant na kakainan namin. It's was a private restaurant at ang papasok lang ay ang mga kakain. May mga divissions ang bawat table kaya hindi nila makikita ang mga taong nasa loob.

Nakangiti akong tumingin dito at pinaupo ito sa kaharap kong upuan. Sinadya kong piliin ang medyo nasa may gilid ng restaurant para tago. Nang dumating na ang hinihintay ko ay lumipat ako sa kabilang table para bigyan sila ng privacy. Nakita ko ang sobrang sayang tingin nito sa akin kaya napangiti nalang ako.