webnovel

My Innocent Maid XL

Marco

When Katherina left the party. Sinundan ko siya pero hindi ko na ito naabutan pa. Nakasalubong ko ang nag-aalalang si Lhynne kaya tinanong ko siya kung nakita niya si Katherina. Nagmamadali daw itong umalis habang umiiyak sabi nito na nagpakaba sa akin. Ginawa ko ang lahat para hanapin siya pero mailap sa akin ang tadhana.

Nang tinawagan ko siya ay nakahinga ako nang maluwag ng sagutin niya ito. Maririnig mo sa boses niya na umiiyak ito. Pinilit ko siyang tanungin kung nasaan ito pero ayaw niya ito sabihin sa akin. Nang marinig ko ang paghikbi niya ay hindi ko mapigilang hindi mapamura. Sinaktan ko siya at hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari ditong masama. I tried calling her again but she didn't answer.

"Fuck! What did I just do to her?" tanong ko sa sarili ko at nag-aalalang inihilamos ang aking kamay sa aking mukha. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sa sitwasyong kinasasangkutan ko. Mahal na mahal ko siya gaya ng pagmamahal na mayroon ako sa aking pamilya. If only this wedding will be off ay sasaya talaga ako.

Ilang oras na akong nagda-drive para hanapin ito. Hindi ko pa din siya makita. Sinubukan ko siyang tawagan ulit at nang may sumagot sa kabilang linya ay nagtaka ako dahil hindi ito si Katherina. Tinignan ko pa kung siya ang tinatawagan ko at napakunot ang noo ko nang makitang tama naman ang numero.

"Bakit nasa sa 'yo ang cellphone na 'yan? Sino ka?" agad na tanong ko.

"Sir, binigay po nang babaeng andito ang telepono niya kasi pinakausap niya ako sa kaibigan niya."

"Asan ang may-ari ng cellphone na 'yan? Andiyan pa ba siya? Ayos lang ba siya?" sunod-sunod na tanong ko.

"Actually Sir, nakatulog na po siya sa gilid ng store. Naubos niya po kasi ang  binili niyang alak habang umiiyak."

"What? Tama ba ang narinig ko? Inubos niya ang alak? Anong alak ang ininom niya?" nag-aalala nang tanong ko dahil ang malamang lasing ito ay mas lalong nagpapakaba sa akin.

"Red horse po, Sir. Napagkamalan niya po atang coke dahil halos magkakulay sila nito."

"Damn!" mura ko, "what is your location,  Miss?" tanong ko dito para mapuntahan ko na agad siya.

"Ortigas branch po ng Seven Eleven katapat po ng Benigma Hotel, Sir. Kaano-ano niyo po ba siya at sino po kayo?" nagtatanong na sabi ng nasa kabilang linya.

"I'm Marco De La Torre at employer niya ako. Wala siyang alam sa pasikot-sikot dito sa Manila. Pakitignan naman siya hanggang sa dumating ako. I'll be there as soon as I can." pakiusap ko dito, magsasalita pa sana ito ng accidentally ay mapindot ko ang end button. Imbes na tawagan ko ito uli ay pinaandar ko na ang sasakyan ko ng mas mabilis para makarating agad ako. Halos paliparin ko na nga ang kotse ko makarating lang agad. Wala na akong pakialam kung mahuli man ako ng pulis basta makita ko siyang ligtas at mai-uwi.

Pagdating ko sa store ay nadismaya ako sa nadatnan ko. Wala na daw ito at nasundo na ni Dex. Napuno ng selos ang sistema ko sa kaalamang kasama niya ngayon si Dex habang lasing ito. Nagpasalamat muna ako sa babae bago ako umalis at umuwi na.

Pagdating ko sa bahay ay nakasalubong ko si Mom. May lakad daw kami ng maaga bukas kasama ang mapapangasawa ko. I just nodded dahil wala ako sa mood para makipag-usap. Lutang ako ngayon dahil sa kakaisip kay Katherina. Nasaktan ko siya at hindi ko alam kung mapapatawad ko ba ang sarili ko. Pagdating ko sa kuwarto ko ay pabagsak akong nahiga sa kama at itinakip ang kanan kong braso sa aking mata. Hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod.

Kinabukasan, maaga kaming umalis ng bahay. Magkatabi kami ni Beatrice pero hindi ko ito kinikibo dahil okupado pa din ng utak ko kung kumusta na si Katherina. Ilang oras din ang itinagal namin sa pinuntahan naming wedding planner. Ang usapang tatlong buwan ay naging dalawang buwan nalang. Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi matuloy ang kasal pero paano? Ang isang buwan na natitira ay napakahirap mag-isip ng plano pero para kay Katherina ay gagawa ako ng kahit na anong paraan.

Hindi naman pwedeng ako ang umatras dahil makukulong si Dad. Napatingin ako sa katabi kong tumatango-tango lang sa mga sinasabi ng kausap namin. Hindi ko mabasa ang saloobin niya dahil seryoso lang ito lagi. Hindi rin kami nag-uusap na kaming dalawa lang. May mga sinabi pa ang kausap namin pero wala akong naintindihan kahit isa.

Nang matapos na ay nagpaalam na agad akong uuwi na dahil masama ang pakiramdam ko. Didiretso daw sina Mom at Dad sa opisina kaya napatingin ako sa aking katabi.

"I have some appointments to do. I can manage," seryosong sabi nito at pumara na ng taxi.

Nakatulala lang akong nakatingin sa sasakyang sinakyan niya at napailing nalang. Kakaiba din kasi ang aura ng babaeng mapapangasawa ko.

"Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Hintayin mo ako, Mahal ko. I will do everything para ikaw ang maiharap ko sa altar. Pangako 'yan." mahinang sambit ko at naglakad na papunta sa aking sasakyan at umuwi na.

Nasa bungad palang ako ng subdivision nang mapansin ko ang nakaparadang sasakyan sa labas. Nakita kong may kayakap si Lhynne. Nang kumalas ito sa yakap nila at mapagtanto kong si Katherina 'yon ay mabilis kong pinaharurot ang aking sasakyan para makarating ako agad. Bago pa ako makalabas nang sasakyan ko ay nakita ko na siyang pumasok sa sasakyan.

Mabilis akong lumapit dito at kinatok ang bintana ng sasakyan pero hindi niya ito binubuksan. Nang maramdaman kong umaandar na ang sasakyan ay agad akong pumunta sa harap ng kotse para hindi sila makaalis habang sumisigaw. Hindi ako umalis sa harapan ng sasakyan nila dahil alam ko na kapag nakaalis sila ay mahihirapan ko nang makausap si Katherina. Nang lumabas si Dex sa driver side ay agad akong lumapit sa side ni Katherina at katukin ito ulit.

"Please, Katherina, kausapin mo ako. Magpapaliwanag ako, Mahal ko." nagmamakaawang sabi ko habang kinakatok ang bintana ng kotse. "Katherina! Please...pakinggan mo ako."

Kahit ilang beses kong katukin ang bintana ng kotse niya ay hindi ito lumabas. Napatingin ako kay Dex ng magsalita ito.

"Pare, hayaan mo na siya. Nakikita mo naman sigurong ayaw ka niyang kausapin. Hayaan mo na kaming makaalis." sabi nito, hindi ko siya pinansin at humarap ulit sa bintana.

"Katherina, please, harapin mo naman ako. Kahit ngayon lang, kausapin mo ako..."

"Makulit ka rin noh. Sasaktan mo siya tapos magpapaliwanag ka? Gago ka rin pala eh." naka-smirk na sabi ni Dex sa akin habang nakatayo ito sa driver side.

"Wala kang alam kaya huwag kang nangingialam." madiin at seryosong sabi ko dito na ikinatawa niya ng mahina kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ko na kailangan pang malaman ang dahilan, Pare. Ayaw natin siyang nakikitang nasasaktan at umiiyak pero ikaw ang dahilan ng paghihirap niya. Hayaan mo na siya dahil mas pinapahirapan mo lang siya sa ginagawa mo." sabi nito. Na hindi ko pinakinggan at kinatok ulit ang bintana. Bago pa ako makapagsalita ay napatingin ako kay Dex nang magsalita ulit ito.

"Tigas din ng ulo mo. Ayaw ka niyang kausapin. Bakit hindi mo 'yon maintindihan? Ayaw ka niyang makita o makausap man lang kaya manahimik ka nalang." nagpanting ang tainga ko at lumapit dito habang masama ang tingin ko sa kanya.

"Bakit ka ba nangingialam!" sigaw ko dito at kwinelyuhan siya. Kalma lamang itong nakatingin sa akin habang nakangisi. Inalis nito ang kamay kong nakahawak sa kuwelyo nito pero hindi ko ito binitawan.

"Sinaktan mo siya at sapat nang dahilan para ilayo ko siya sa 'yo, Marco. Sana inisip mo si Katherina bago mo siya sinaktan." sabi nito at itinulak ako.

"Wala kang alam!" sigaw ko dito at sinuntok siya sa mukha na agad niyang ikinatumba sa semento. Susugurin ko sana ito ulit nang sumigaw si Katherina sa kabilang side na nakapagpatigil sa akin.

"Dex!" sigaw nito na nakapagpadurog sa aking puso. Nang lapitan nito si Dex at itinayo ay bumagsak ang depensa ko. Malungkot akong nakatingin sa kanila habang hawak-hawak nito si Dex sa kamay. Siya din ang nagpunas sa gilid ng labi ni Dex na may dugo. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi nito nakita ang takas na luhang naglandas sa aking pisngi.

"Katherina," malungkot kong tawag pero hindi ito lumingon sa akin na mas lalong ikinalungkot ko. "Magpapaliwanag ako, sana pakinggan mo naman ako, Mahal ko." pakiusap ko dito.

"Ano pa bang dapat mong ipapaliwanag, Senyorito? Ikakasal ka na at tanggap ko na 'yon. Hayaan mo nalang ako." nakatalikod na sabi nito.

"Please, Mahal ko. Hindi ko kayang mawala ka." sambit ko dito at nilapitan ko siya para mayakap. Hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya habang nakayakap ako sa kanyang likod. "Hayaan mo akong magpaliwanag, Mahal ko. Pakiusap," tuluyan na akong napaiyak nang hindi man lang ito nagsalita at nakatayo lamang. Wala akong pakialam kahit kaharap ko pa si Dex o may makakita mang umiiyak ako. Basta ang gusto ko lang ay makausap siya at masabi ko ang sitwasyon ko. Ayoko siyang mawala at sigurado ako doon.

Nakita kong tinanggal ni Dex ang kamay ni Katherina sa braso niya at pinisil ito bago nagsalita.

"You two need to talk, Katherina. Bigyan mo siya ng chance para makapagpaliwanag. Alam kong mahal ka niya at may dahilan siya. Kaibigan mo ako at ayaw kitang nakikitang nasasaktan at umiiyak nang ganyan. Gusto kong sumaya ka sa taong mahal mo, Katherina. Kausapin mo siya at ayusin niyo ang problema na magkasama. Mahal kita alam mo 'yan pero mas mahal ka niya." mahabang pahayag nito na ikinatingin ko sa kanya nang nagpapasalamat.

"Thank you, Pare."

"Don't thank me yet, Marco. Ayusin mo ang problema niyo. At sana sa susunod na pagkikita natin ay maayos na kayo at hindi ko na siya makita pang umiyak kailanman." sabi nito at bumaling kay Katherina, "At ikaw naman, stop crying. Pakinggan mo siya, Katherina. Mahal mo siya at mahal ka niya. Ayusin niyo 'yan at mag-usap kayo. Aalis na ako," hinaplos nito ang pisngi ni Katherina bago binitiwan ang kamay niya at tumalikod na sa amin.

Nang makaalis na si Dex ay pinilit ko itonh iharap sa akin. Nang tuluyan ko siyang maiharap ay naawa ako sa hitsura niya. Namamaga ang mga mata nito, palatandaang wala itong ginawa kung hindi ang umiyak nalang nang umiyak. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ang talukap ng mata niya bago nagsalita.

"Everything will be back to where it was, Mahal ko. Mahal na mahal kita." buong pagmamahal kong sabi dito at niyakap siya ng mahigpit.