webnovel

My Innocent Maid V

Katherina

Kinabukasan, maaga pa rin akong gumising. Inilaba ko muna ang ginamit kong uniporme kahapon para may maisuot na naman ako kinabukasan. Nang maisampay ko na ito, agad na akong lumabas at nagbihis ng uniporme ko. Nang makapag-ayos na ako agad akong lumabas at dumiretso sa kusina.

Nauna kong nilabas ang mga lulutuin at nilagay ko agad ito sa lababo para maalis ang yelo nito. Dahil hindi ko naman alam kung paano ko bubuksan ang lutuan. Inuna ko munang gawin ay magsaing ng bigas sa de-kuryenteng lutuan. Madali ko lang  kasi itong natutunan dahil isasaksak mo lang ito at pipindutin ang isang pabilog na buton. Nang makita kong umila na ito, kinuha ko na ang walis at panglinis na gagamitin ko. Inuna kong nilinisan ang salas dahil ito ang una mong nakikita pag pumapasok ka.

"Kulang ang kalahating araw pag ito ang nilinisan ko." sabi ko habang iginagala ko ang paningin ko sa buong sala.

Inumpisahan ko nang maglinis para matapos ako agad. Inuna kong punasan ang mga mesa bago ko sinunod ang mga taong nakalagay sa isang lalagyanan. Ang cucute nga ng mga ito, 'yong iba parang mabalahibo at ang sarap hawakan. Nang marinig kong may nag-uusap sa bandang kusina. Agad ko munang iniwan ang ginagawa ko at kinuha ang gamit sa paglilinis. Bumalik ako sa kusina para tumulong kina Lola.

"Magandang umaga, Lola, at sa 'yo na rin Lhynne." nakangiting bungad ko pagpasok ko nang kusina.

"Magandang umaga din sa 'yo, Katherina. Napaka-aga mo namang bumangon. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Lola sa akin.

"Ayos na po ako, Lola,  napagod lang po siguro ako sa biyahe kahapon kaya ako nahilo." sagot ko at lumapit na dito para tulungan siya sa ginagawa nito.

Isang oras ang lumipas nang matapos na namin ang lahat. Iniwan ko na sila sa kusina at pinagpatuloy na ang paglilinis. Hindi ko na namamalayang, tanghali na pala. Kung hindi pa ako binalikan ng paulit-ulit ni Lola at ni Lhynne ay wala akong balak kumain. Gusto ko muna sanang tapusin ng lahat nang gawain ko para minsanan ang pagpapahinga. Kaso sadyang makulit si Lola at hinintay na ako para sabay na daw kaming pumunta nang kusina.

Nang tignan ko ang oras, ilang minuto na pala ang nakalipas simula ng mag ala una ng hapon. Kaya pala ako nalang ang hinahainan ni Lola dahil nauna na pala silang kumain. Hindi ko nga napansing bumaba si Senyorito para kumain.

Nang matapos akong kumain, agad akong bumalik sa ginagawa ko para matapos na ito. Ilang oras pa ang binuno ko bago ako tuluyang matapos.

"Hay salamat naman po Diyos ko! natapos din sa wakas!" bulalas ko at namaywang sa gitna habang pinagmamasdan ang kabuuan ng nilinisan ko. Hindi nga ako makapaniwalang natapos ko ang napakalawak na sala nila.

Nang makontento akong pagmasdan ang sala, agad akong pumunta sa kuwarto ko at nagpahinga. Nadaanan ko sina Lola at Lhynne sa kusina na nag-aayos. Tutulong sana ako nang pinigilan nila ako at ipagtulakan papuntang kuwarto. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa kuwarto at magpahinga.

Pagkaupo ko palang sa kama ko, hindi ko na napigilang antukin dahil sa pagod. Humiga na ako at hindi ko na namalayang pumikit na pala ako at tuluyan nang nakatulog.

Madaling lumipas ang mga araw, halos dalawang linggo na ako dito. At masaya naman ako sa trabaho ko. Halos laging wala naman si Senyorito Marco. Kung andito man siya ay halos magkulong lang sila sa kuwarto nito kasama ang kasintahan niya.

Minsan nga, nagugulat nalang kami na bumababa ang kasintahan ni Senyorito na galit. Nagsisisigaw siya habang nagmumura habang sinusundan lamang siya ni Senyorito Marco. Pag napapadpad ang tingin niya sa akin, kulang na lang ay masunog ako sa sama ng tingin nito. Wala naman akong ginagawang masama kaya hindi ko inurungan ang titig nito. Mabait ako sa mababait sa akin. Pero kung masama ka mas masama ako.

Sa dalawang linggo na inilagi ko dito. Halos tatlong beses sila pumunta dito na ang sweet tignan pero pag-paalis na si Senyora Trish, parang nasa giyera lagi at nagsisigawan sila. Pag nangyayari na ito, lagi kaming umaalis at pumapasok sa kanya-kanya naming kuwarto. Wala kasi kami sa puwesto para mangialam, ayaw naman naming sa amin maibunton ang galit nito kaya umaalis kami sa abot ng paningin niya.

Katulad ngayon, iniwan na namin sila sa sala dahil nagsisigawan na naman silang magkasintahan khait napakaaga pa.

Nagbihis nalang ako dahil may usapan kami ni Tiya Meling. Ipapasyal niya daw ako sa bayan at ililibre niya ako. Dapat noong isang linggo kami magkikita kaso may biglaang lakad sila kasama ng mga amo niya. Kaya wala akong ginawa kung hindi ang matulog sa araw ng day-off ko.

Nang makabihis na ako, oinakinggan ko mun kung tapos na sila o kubg nay tao oa ba sa sala. Nang makompitma kung wala ng tao, lumabas na ako at dumiretso sa labas ng bahay at doon na hintayin si Tiya. Naupo ako sa garden nila at pinagmasdan ang mga bulaklak na animo tinatawag ako para pitasin sila.

Napangiti ako nang maalala ko ang mga bulaklak na alaga ko sa probinsiya. "Kamusta na kaya ang mga sampaguita at gumamela ko sa likod bahay? Inaalagaan kaya ni Pamela ang mga 'yon?" tanong ko habang tumatayo at nilapitan ang pulang rosas na namumukadkad sa aking harapan.

"Kailan din kaya ako makakapag-alaga nang ganitong klase ng bulaklak? Siguro ang mahal nito?" sambit ko at inamoy-amoy pa ito. Ang bango talaga, hindi ko makalimutan ang halimuyak niya.

Naging busy ako sa pagtingin sa nga bulaklak. Hindi ko na namalayang mag-iisang iras na pala akong naghihintay kay Tiya. Nagtaka ako kasi ang itinawag niya noong isang araw ay alas nuwebe, pero alas diyes na wala pa siya.

Naghintay pa ako ng ilang oras. Wala pa rin akong nahintay kaya nanlulumo akong bumalik sa loob ng bahay at dumiretso aa kuwarto ko. Nadaanan ko pa si Lhynne na naghuhugas.

"Oh, akala ko ba kanina ka pa umalis?" gulat n atanong niya sa akin ng makita niya ako.

"Hindi pa nga eh, sabi ni Tiya susunduin niya ako ng alas nuwebe.  Alas onse treinta na pero wala pa siya. Baka may importanteng ginawa si Tiya kaya okay lang." malungkot na sagot ko sa tanong niya.

Nanghihinayang ako dahil hindi pa ako nakakapasyal kahit isang beses man lang. Gustong-gusto ko pa man ding mamasyal. Pero wala akong magagawa dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.

"Kahit gusto kitang samahan ay hindi pupwede dahil walang kasama si Lola dito. Nakakaawa 'yang mukha mo, para kang nalugi ng ilang milyon." sabi nito habang nagpupunas ng kamay sa basahang nakasabit sa isang sulok.

"Ayos lang, Lhynne. May susunod pa naman eh." malungkot pa din ako habang nakatayo at nakasandal sa mesang pinagkakainan naming tatlo. Excited pa man din akong magbihis kanina kasi akala ko matutuloy kami. Napabuntong hininga nalang ako at napayuko dahil sa lungkot na nadarama ko. Namimiss ko na ang pamilya ko pero tinitiis ko. Iniisip ko nalang na malapit na kami magkita. Ang makita at makasama sana si Tiya ay makakabawas sa lungkot na nadarama ko. Pero dahil hindi na naman kami natuloy, mas lalong nadagdagan ang lungkot ko.

"Ayos ka lang ba, Katherina?" tanong nito at hinawakan ako sa balikat.

"Ayos lang ako, Lhynne, huwag ka mag-alala. Itutulog ko lang ito at mawawala din."

"Samahan nalang kaya kita? Magpapaalam ako kay Senyorito Marco at kay Lola, baka payagan ako. Para naman mabawasan 'yang lungkot mo." suhestiyon niya sa akin kaya napatingin ako dito at umiling.

"Hindi na, kawawa naman si Lola pag umalis ka. Wala siyang makakasama dito at walang tutulong sa kanya. Ayis lang ako." sabi ko at hinawakan ito sa kamay. "Salamat, may susunod pa naman eh kaya ayos lang. Huwag mo na akong isipin. Sige, magpapahinga nalang muna ako sa kuwarto." paalam ko dito at tumayo na ng maayos.

"Sigurado ka bang ayos ka lang talaga?" naniniguradong tanong niya sa akin kaya tumango nalang ako at pilit na ngumiti.

"Sige, papasok na ako sa loob." paalam ko at itinuro ang daan paountang kuwarto. Wala naman itong nagawa kung hindi ang tumango nalang sa akin.

Naglakad na ako papasok sa loob, isinara ko agad ang pinto at inilock ito. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Namimiss ko na sina Inang at mga kapatid ko. Hindi ko alam kung kumusta na ba sila doon. Kung maayos ba ang kalagayan nila o kung nakakakain pa ba sila sa probinsiya.

Ang pagkikita sana namin ni Tiya ay magpapasaya sa akin dahil tatawagan daw namin sina Inang gamit at telepono nito. Pero nanlumo lang ako dahil hindi na naman ito natuloy.

"Miss na miss ko na kayo Inang," hilam ang luhang sambit ko at kinuha ang litrato namin sa ilalim ng unan ko. Bago ako matulog ay hinahalikan ko ito at niyayakap. Alam kong malayo pa ang panahon na magkakasama ulit kami. Kailangan ko munang magtrabaho para makapag-aral ang mga kapatid ko.

Umiyak lang ako ng umiyak sa kama ko. Gusto kong mailabas man lang kahit sa iyak ang pagkamiss ko sa pamilya ko. Gustong-gusto ko na silang makausap oara makamusta lang sana kaso hindi naman dumating si Tiya.

Malungkot at umiiyak ako habang pinakatitigan ang litrato namin. "Magkakasama din tayo," umiiyak na sambit ko at inilagay ang litrato sa dibdib ko at niyakap. Kahit sa ganoon man lang ay mayakap ko sila, kahit sa litrato lang. Nakatulugan ko na ang pag-iyak ko at hanggang sa pagtulog ko ay sila pa din ang laman nito.