webnovel

My Innocent Maid IV

Katherina

Naiinis ako! Sobrang naiinis ako sa sarili ko. Bakit ko ba nasabi ang lahat ng 'yon sa amo ko. Ngayon, baka bigla nalang nila akong palayasin dahil sa ginawa ko.

"Tanga ka kasi Katherina!" inis na sigaw ko sa sarili ko habang tinuturo ko ang sarili ko sa salamin. "Hindi ka nag-iisip!" Ginulo ko ang buhok ko dahil sa nararamdaman kong inis sa sarili ko. Bakit pa kasi ako nangingialam sa amo ko. Wala naman akong pakialam kahit kainin man nila ang inihain namin o hindi. Dahil pera nila ang na-a-aksaya at hindi ang sa amin.

"Bwisit!" mura ko at napaupo sa gikid ng kama. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho sa mga oras na ito. Tumayo ulit ako at humarap sa salamin.

"Hindi ka kasi nag-iisip, sumusugod ka na kasi agad-agad. Hayan tuloy," sabi ko at tinuro ko ang sarili ko sa salamin.

"Hindi ko naman alam. Ano na ang gagawin natin?" naguguluhan at nanlulumong tanong ko sa sarili ko. Alam kong para na akong tanga sa pagkausap ko sa sarili ko pero hindi niyo naman ako  masisisi, diba? Kasi naman eh...

Napabuntong hininga nalang ako at nanghihinang napahiga sa kama. Nagpaalam na ako kina Lola at Lhynne na magpapahinga na ako at mamaya na kakain. Donahilan ko nalang na nahibilo ako kahit hindi naman. Ayoko kasing humarap ulit sa amo ko. Baka kasi sesantehin agad ako. Dahil sa pag-iisip, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahik sa pagkalam ng sikmura ko. Iignorahin ko na sana ito ng maalala kong mula noong tanghali hanggang gabi ay hindi pa ako kumakain. At dahil na rin sa takot kong magkasakit, bumangon ako at hindi na nag-atubili pang mag-ayos. Nang tignan ko ang sarili ko, unipirme pa pala ang gamit kong natulog.

Pagpasok ko sa kusina, agad kong sinindihan ang ilaw at tumungo sa ref para kumuha ng makakain. Itinuro ni Lhynne sa akin kanina kung paano magpainit sa oven ata 'yon.

Habang nasa harap ako ng oven. Tinititigan ko lang ito dahil nakalimutan ko kung paano ito gamitin.

"Paano na nga ba ito gamitin?" kumakamot ng ulo kong sambit at inilapag ang ulam sa harap ko.

"Pindutin ko ito, ay mali mali pala. Isaksak ko muna pala ito," natatawang sabi ko sabay hawak sa saksakan at iwinagayway ito sa harap ko bago isinaksak. "Tapos, pipindutin ito..." pindot ko pabilog na may nakalagay na On/Off. "...tapos," napasabunot ako sa buhok ko ng hindi ko na maalala pa ang gagawin ko. Hindi ko naman alam kung paano buksan 'yong may nagliliyab na apoy doon sa may kusina.

Nahahapong hinila ko ang silya paharap sa oven. Umupo ako at nangalumbaba sa harap ng ulam at oven. Inaalala kung ano ang susunod kong gagawin.

"Nagugutom na talaga ako. Paano ka ba kasi gagana?" bulong na tanong ko sa oven. Wala na akong pagpipilian  kung hindi kainin nalang ang malamig nang ulam. " Parehas din lang naman na iinit ito sa sikmura ko. Ayos na kahit malamig. Hindi ko na kaya ang gutom ko eh." sabi ko at kinuha na ang ulam sa harap ko at aakma na sanang tatayo nang biglang may umagaw dito at ipinasok ito sa loob ng oven. Ang dami nitong pinindot bago ko nakitang umikot ang nasa loob nito.

"Salamat po, Senyorito." nakayukong sambit ko at dahan-dahang inayos ang silyang hinila ko kanina. Hindi ko narinig na tumugon ito kaya ang akala ko ay wala na ito. Pumasok ako sa pangalawang kusina at kumuha ng plato at kutsara. Inilapag ko ito sa mesa doon at sinandukan na ng kanin habang hinihintay ko 'yong ulam na uminit. Kumuha muna ako ng tubig at inilagay na sa tabi ng plato bago ako bumalik sa harap ng oven.

Hindi ko inaasahang, nandoon pa rin pala si Senyorito at nakaupo sa may silya. Nakayuko akong lumapit sa oven at hinintay na matapos ang pagpapainit nito. Nang makita kong namatay na ang ilaw, indikasyon na mainit na ito.agad ko itong binuksan at walang babalang hinawakan ang lalagyanan.

Hindi ko napigilang mapasigaw ng maramdaman ko ang sakit sa pagkapaso ko sa lalagyanan.

"Aray!" naiiyak na sambit ko at hinipan ang kamay kong napaso. Lumaki naman ang mata ko ng biglang hawakan ni Senyorito ang kamay ko at nag-aalalang tinatanong ako.

"Okay ka lang ba? Bakit hindi ka gumamit ng basahan para kunin ang ulam? Didn't you know it's hot?" makikita mo sa mukha nito ang pag-aalala. Hinila niya ako sa may lababo at itinapat ang kamay ko sa binuksan nitong gripo.

Nakatitig lang ako sa ginagawa niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong tulungan e hindi niya naman ako kaano-ano. Agad kong hinila ang kamay ko at itinago ito sa akibg likod.

"Ah-eh, Senyorito, ayos lang po ako. Konting paso lang po ito." nauutal kong saad.

"Are you sure?"

"Po?" alanganing tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang talaga? Pwese kong kunin ang first aid kit para magamot 'yan." presinta nito pero napailing lang ako.

"Ayos lang po ako Senyorito, konting toothpaste lang po ang katapat nito. Gagaling na po ito agad." nakangiti ko ng sambit pwro napansin kong napakunot ang kanyang noo.

"Toothpaste?" nagtatakang tanong niya.

"Opo, Senyorito, toothpaste nga po. Hindi niyo po ba alam ang toothpaste? Hindi po ba kayo gumagamit non? Ginagamit po ito pag nagtotooth brush ka, 'yong kulay puti pong nilalagay sa may sepilyo? Na pag ginamit mo, 'yong bubula ang bibig niyo tapos ang anghang." mahabang paliwanag ko na ikinatawa lamang niya. Ano naman kayang nakakatawa? May topak na ata itong si Senyorito dahil bigla-bigla nalang tumatawa.

Kinalabit ko ito, "Ano pong nakakatawa, Senyorito? Baka gusto niyo ding ibahagi para naman hindi kayo parang tanga diyan na mag-isang tumatawa?" suhestiyon ko na ikinatigil nito pero nagpioigil pa rin.

"Wala lang 'to," sabi niya, magsasalita na sana ako nang magsalita ito ulit. "Ano na nga palang pangalan mo?" tanong nito sa akin na ikinahampas ko sa may braso niya ng mahina.

"Uy si Senyorito, may gusto siya sa akin. Gusto niyang malaman ang pangalan ko." pabebe kong sambit na ikinatawa nito ng malakas.

Kung makatawa naman si Senyorito parang wala nang bukas. Hmmmp! Hindi naman ako payaso para pagtawanan nito. Kanina kinikikig ako, ngayon nakasimangot na ako dahil sa pagtawa ni Senyorito. Ikaw ba naman tawanan ng nasa harap mo tapos para na itong mamamatay sa kakatawa. May pahawak pa siya sa tiyan niya na para bang sumasakit na ito.

"Mautot ka sana. Hmmmp!" mahinang bulong ko at inirapan ito.

"Anong sabi mo?" napatigil ako sa pag-irap ng marimig ko ang tanong ni Senyorito.

"Ah--eh--sabi ko ang guwapo niyo, Senyorito. Para kayong artista sa sobrang guwapo niyo. Daig niyo pa si Cardo sa probinsiyano." mabilis kong sabi at alanganing ngumiti. Nakita ko naman ang manghang tingin niya sa akin bago nagtanong pero nangingiti pa rin ito.

"Cardo? At sino naman 'yang sinasabi mo?" nangingiti pa rin ito habang nagtatanong sa akin. Ang cute talaga ni Senyorito.

"Siya 'yong bida sa abs cbn na kasapi sa vendeta. Tapos, siya din 'yong asawa ni Alyana. Hindi niyo siya kilala, Senyorito? Sikat kaya sila sa Pilipinas. Saang lupalop po ba kayo ng mundo nanggaling at hindi niyo sila kilala?" nagtatakang tanong ko sa kanya dahil sigurado naman akong sikat ito.

Nakita kong umiling ito palatandaang hindi niya nga ito kilala.

"Taga ibang planeta ka po ba, Senyorito? Halla! Baka alien ka po kaya hindi mo sila kilala." bulalas ko at humakbang paatras dahil sa takot. Nakita kong natawa siya at manghang nakatingin sa akin.

"Hindi ako alien para sa kaalaman mo," putol nito ng nakangiti bago nagsalita ulit. "Sadyang hindi lang ako  mahilig manood ng tv. Ang haba na ng napuntahan ng usapan natin, tinatanong ko lang pangalan mo. Hindi sa gusto kita, gusto ko lang malaman ang pangalan mo para alam ko kung anong itatawag ko sa 'yo." mahabang sabi nito. Nahiya naman ako sa pinagga-gawa ko. Akala ko naman gusto na ako ni Senyorito, 'yon naman pala. Ako lang ang nagpapantasya.

"Katherina po, Senyorito. Siya sige po, kakain na po ako doon." nahihiyang turo ko sa pangalawang kusina. "Baka po lumamig na ulit ang ulam at saka anong oras na rin po. Maaga pa po ako bukas." paalam ko at tumalikod na, hindi ko na hinintay pang sumagot si Senyorito dahil nahihiya na ako. Masyado kasi akong ilusyunada. Tuluyan na akong pumasok at kumain na oara makatulog na rin ako. Maaga pa kasi ako bukas, ayoko namang may masabi sila sa akin.