webnovel

PROLOGUE

"Tatay uuwi ka agad ha?" Namimilog ang⁸ mata ng batang babae habang nakikiusap sa ama na para bang iiyak na.

"Siyempre naman anak, isang linggo lamang ang tatay doon," paliwanag nito.

"Mag-iingat ka Tonyo," sabat naman ng kanyang asawa habang ihinahanda ang mga dadalhin nito.

"Oo naman, para sa'yo at sa mga prinsesa natin," sagot niya.

Pero sa loob niya ay kinakabahan din siya. Bagong lugar ang kanilang pupuntahan at wala isa man sa grupo ang may idea kung ano ang daratnan nila doon.

"Oh sige at mauuna na ako, hinihintay na ako ng grupo," aniya habang tinungo ang silid ng bunsong anak.

Natutulog pa ito, pinagmasdan niya ang payapang sanggol, napaka cute nito tulad din ng kanyang panganay. Ilang saglit pa ay hinagkan niya ito ng marahan at tuluyang lumabas ng silid.

Hinabol siya ng yakap ng munting si Mira nang palabas na siya ng bahay.

"Paalam 'tay mag iingat ka po," pahabol pa nito.

Kumaway pa siya habang palayo, kumaway din ang kanyang asawa na no'oy karga na ang batang si Mira.

  Isa siyang area surveyor ng isang malaking logging company. unang beses nilang papasukin ang kabundukan ng Sierra  Madre. Isa pa lamang itong matatawag na virgin forest dahil wala pang sinuman ang nakakapasok dito maliban sa mga lokal na mangangaso.

Naka base ang kanilang kumpanya sa Bulacan. Dito bumabagsak ang lahat ng kahoy na nagmumula sa iba't ibang probinsya kung saan nag ooperate ang kanilang kumpanya.

Lima sila sa grupo, 'buti na lamang at kasama niya ang kanyang kaibigan at kumpare na si Bernie.

May kasama din silang trainee, sigurado siyang magiging kusinero lamang nila ito sa bundok. Napangiti na lamang siya sa naisip.

Sumakay sila sa pribadong eroplano ng kumpanya, maliit lamang iyon at kasya lamang ang anim kasama na ang piloto.

Apatnaput limang minuto ang itatagal ng biyahe. Hindi niya namalayang na idlip siya.

Nagising siya sa kaguluhan ng kanyang mga kasama habang nagkakasya sa maliit na bintana ng eroplano upang tanawin ang malawak at asul na karagatan.

Habang bumababa ang maliit na sasakyang pang himpapawid ay lalong gumaganda ang tanawin.

Tila ba isang paraiso, puting buhangin ang humahati sa asul na karagatan at kulay berdeng paligid.

Tumuloy sila sa isang guest house na pinatayo pa ng kumpanya sa paanan ng bundok malapit din sa karagatan.

Doon sila mamamalagi kapag sila ay bumaba galing sa bundok.

Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat at naghanda na para umalis.

May kasama silang isang lokal na magsisilbi nilang guide.

Limang oras ang tinakbo ng kanilang sasakyan bago narating ang hangganan ng kalsada, pakiramdam niya ay nasa gitna na sila ng kabundukan ngunit simula pa lamang iyon. Kailangan pa nilang maglakad ng napaka layo.

Inabot na sila ng pananghalian kaya't huminto muna sila at kumain.

'Buti na lamang at nag dala pa sila ng lutong pagkain kaninang umaga.

Tamang tama din ang maliit na batis na kanilang binabaybay mula pa kanina. Masarap magpahinga, napaka tahimik, tanging mga huni ng ibon at mga insekto lamang ang maririnig.

Si Mang Lando na kanilang guide ay tahimik lamang at tila mahiyain. Kung kailan lamang ito tatanungin ay saka lamang sasagot.

Si Marcus naman ang trainee, na tila ba pasan na ang mundo sa dami ng dala palibhasa malaking tao at malaki ang kaha. Halos siya na ang nag dala ng supplies nila ng limang araw. Mukhang mabait naman ito at masayahin. Laging may kuwento.

Nag-aagaw dilim at liwanag na nang maabot nila ang pinaka dulo ng batis. Isang maliit na bukal tamang tama sa kanilang inumin.

Nag tayo na sila ng camping tent at nag hagilap ng mga tuyong kahoy para gamitin sa pag luluto. Nag luto lamang sila ng kanin at nag ulam na lamang ng de lata na kanilang dala.

Maagang nagsipag pahinga dahil sa maghapong pagod.

Kinabukasan, nakapag handa na ng agahan si Marcus at Mang Lando nang magising ang apat.

Maghapon nilang ginalugad ang paligid, inalam ang mga direksyon, ang mga malalaking kahoy.

Magdidilim na, ngunit hindi pa nila narating ang kanilang camp site. Nauna na kanina pa ang kanyang kumpare at dalawa pa nilang kasamahan.

"Hindi ba't dito na tayo nanggaling kanina pa?" nagtatakang tanong ni Marcus.

"Hindi kaya naliligaw na tayo?" si Tonyo na nababahala na rin.

Hindi umimik si Mang Lando, inikot ang paningin sa paligid. Hindi rin maintindihan ang nangyarari. Tanging masukal at matatayog na puno lamang ang nakikita. "Tignan natin ang gawi roon, mukhang malinis sa mataas na bahaging iyon, baka sakaling matanaw natin ang apoy ng ating mga kasama," Sabi nito at nagpatiunang naglakad patungo sa mataas na bahaging iyon ng bundok.

Pagdating sa bahaging iyon, pilit nilang tinatanaw at inaaninag ang ibabang bahagi ng bundok ngunit hindi nila ito makita dahil kumakalat na ang dilim.

Lumagitgit ang kanilang tinatapakan at bigla itong bumigay. Nahulog sila sa tila ba isang bangin, hindi naman kataasan ngunit hindi na kayang abutin kung saan sila galing.

"Tinamaan ng magaling, saan na tayo lalabas nito?" si Marcus.

Namumutla naman ang hindi maka imik na si Mang Lando.

"Mang Lando nasaktan ka ba?" aniyang tinulungan itong maka tayo. "Alam mo ba kung anong butas ito? hindi kaya bahay ito ng mababangis na hayop?" magkasunod na tanong nito habang tumingin narin sa paligid.

"Kuweba," maikling sagot ni Mang Lando. "Sana ay hindi ito ang kweba sa mga sabi-sabi, pero malabong mangyari 'yon, dahil ang kweba kung saan may mga pumasok at hindi na naka balik ay nasa ibang bahagi ng bundok, at iyon ay napaka layo sa lugar na ito," dagdag niya.

"Mang Lando naman," si Marcus habang hinihimas ang braso na nanayo na ang balahibo, sabay tingin sa paligid.

Maluwag ito, para bang hinukay lamang ng agos ng tubig at may malilit na lagusan sa bandang dulo. Ramdam nila ang hangin na nagmumula dito, kaya't sabay silang napatingin sa isa't isa.

"Hindi kaya may ibang daan palabas?" aniyang nauna na para makita ang kabila ng maliit na lagusan.

"Nakapag taka lang, hindi bat gabi na," sabi ni Mang Lando. "Pero bakit mas maliwanag pa dito sa loob?" nagtatakang sambit nito.

Para kasing may dim light sa loob ng kweba.

Pilit nilang pinag kasya ang kanilang katawan sa maliit na butas na iyon. Payukong naglakad hanggang sa marating nila ang dulo kung saang nanggagaling ang liwanag.

Tila ba isa itong daanan na matagal ng walang dumadaan. Nilulumot ang basang pader at tanging patak ng tubig na galing sa mga bato ang maririnig. Ang echo ng kanilang mga yabag at kanilang mga bulungan ang tanging bumabasag sa katahimikan.

"Tignan natin sa banda diyan baka mayroong lagusan palabas," aniya.

"Mang Lando, may pamilya ho kayo?" pag iiba ni Marcus sa usapan habang naglalakad.

"Meron na, me isa akong anak lalaki," sagot nito.

"Mukhang nahuli tayo sa biyahe mang Lando" sabi niyang pigil ang ngiti.

"Ang totoo niyan mayroon na akong isa pang anak at siguro ay kasing edad mo lamang siya," bakas ang lungkot sa tinig nito. "Ilang taon ka nga ba?"

"Beynte singko na ho ako," sagot nito.

"Kakalipat 'lang namin ng Mama dito sa Pilipinas, sa Amerika ho kasi ako nag aral," dagdag pa nito.

"Aba eh bakit ka napadpad dito?" nagtatakang tanong nito.

"Mahilig ho kasi ako sa hiking, naisip kong napaka gandang chance nito, nagtatrabaho ka na, nag eenjoy ka pa," nahihiyang paliwanag niya.

"Kaibigan ng Mama ang isa sa mga boss kaya't napakiusapan kong ako na lamang ang isama sa team."

"Ahh," tumango-tango lamag si Mang Lando.

"Kuya Tonyo ilan naman ang anak mo?" baling nito sa kanya.

"Ako, eh dalawa na ang prinsesa ko, apat na taong gulang at isang pitong buwang gulang pa lamang," sagot niya.

"Dumadami ang mga lagusan, ngunit lahat ay papunta sa direksyon na tinatahak natin," si Mang Lando.

"Aba parang main road," biro nito sabay haplos sa tiyan. "Kanina pa tayo naglalakad mukhang nagrereklamo na ang mga bulate ko sa tiyan."

"Ako din," halos sabay na sambit ng dalawang nakatatanda at sabay ding natawa.

Nagpatuloy parin sila sa paglalakad.

"Nakikita 'nyo ba iyon?" aniya.

Tila isang kumpol ng mga puno ng saging ngunit maliliit. Tumubo ito sa pagitan ng mga bato sa isang bahagi ng kuweba. "Kakaibang saging, maliit pa ay may bunga na, napaka bango pa," habang nilalapitan nila.

"Hep!" si Marcus habang hawak ang braso. Mabilis na dumaloy ang dugo nito, nasagi niya ang dulo ng isang dahon.

"Napaka talas naman ng dahon niyan," anito habang piniga ng konti ang sugat at hayaang dumugo para maalis ang kung anumang naiwang dumi mula sa dahon habang tinulungan ni Mang Lando na punitin ang ibababang bahagi ng kanyang polo at itinali sa bandang may sugat.

"Dahan-dahan," sambit niya. At tinabas ang mga dahong naka harang sa prutas na bunga ng halamang iyon. Sa wakas ay nakuha din niya.

"Wala naman tayong pag pipilian, mukha namang hindi nakaka lason," sabi niya.

Mabango at ka aya aya ang amoy nito. Kinuha ang isang bunga na animo saging, kulay dilaw din ito, binuksan niya at tuluyang tinikman.

"Para rin namang saging," aniya at diretsong kinain ang natira pa.

Kumain na rin ang dalawa sa takot magutuman. Hindi nila alam kung gaano katagal nila mararating ang bukana ng kuweba.

Malakas ang loob nila na meron itong daanan palabas dahil sa hangin na nanggagaling sa direksyong tinutungo nila. Nagpahinga lang sila saglit at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Paliko-liko ang loob ng kuweba. Matatalas ang mga bato sa pader ngunit nakakapag taka na ang sahig nito ay pantay na para bang isang kalsada lang.

Hindi na nila alam kung gaano katagal na silang naglalakad. Sa tantiya niya at nasa tatlong oras na, dahil magdidilim nang mahulog sila at ngayon ay nka ramdam na sila ng gutom.

Siguro ay alas nueve na ng gabi. Kung bakit kasi ngayon pa naubusan ng baterya ang kanyang mumurahing relos. Hindi pa siya maka bili ng mas maganda dahil pinag iipunan nila ang bahay. Gusto nilang magkaroon ng medyo malaki at maayos na bahay bago pa lumaki ang mga bata.

Ipinilig nya ang kanyang ulo sa pagkaka alala nya sa kanyang pamilya. Bigla siyang tinamaan ng lungkot, namimis nya agad ang mga ito lalo na't ang kanyang panganay ay sobrang maka-ama.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nang maka ramdam ng pagod ay agad naman at parang sinasadyang may malalapad na bato sa kanilang daan.

"Siguro naman puwede na muna tayong magpa lipas ng gabi dito. Bukas nalang natin ituloy ang pag hahanap sa labasan ng kuweba, pagod na rin naman tayo," aniya.

Sumang ayon naman ang mga ito.

Hindi naman masyadong napaka lamig sa loob ng kuweba dahil ang simoy ng hangin ay medyo mainit. Kaya't nakatulog agad sila sa sobrang pagod.

Nagising sila dahil sa tila ba naghihiyawan sa di kalayuan.

"Umaga na pala," si Marcus habang nag iinat pa.

"Hanapin na natin kung saan nanggaling ang mga ingay nang maka balik na tayo sa mga kasamahan natin," aniya.

Mabilis na bumangon si mang Lando at hindi napansin ang matulis na bato malapit dito. Sumagi ang kanyang likod sa pag tayo.

"Ohoy!" napayuko ito sa sakit.

Dali dali niya itong nilapitan at tiningnan ang likod nito. Mabuti na lamang at mahina lamang ang pagkaka sagi nito, pero may malilit na piraso ng matulis na bahagi ng bato ang naiwan sa kanyang sugat. Hinila niya ito, napka nipis kayat bumaon ito ng konti sa likod ni mang Lando.

"Hayaan mo na malayo sa bituka," sabi nito at nagpa tuloy sa pag tayo.

"Ako man ay may galos sa pagkaka hulog natin kanina," at ipinakita ang siko na natuyo na ang dugo.

"Kasama iyan sa pag tanda," si Marcus na naka ngisi. "Tayo na nang maka balik na sa gawain ngayong araw."

At tulad din ng pinasukan nilang lagusan, maliit din ang butas sa pader ng kweba kung saan nila naririnig ang ingay, ngunit hindi doon nanggagaling ang hangin na sinusundan nila kagabi pa.

At tama umaga na nga, nang maka labas sila maliit na lagusan binaybay pa nila ang makipot na pagitan ng mga naglalakihang bato.

Nang sa wakas ay natanaw ang araw. Subalit bakit sobrang napaka init ng sikat nito?

Wala na ba sila sa bundok?

Mabilis nilang hinanap ang mga nag iingay. Pangkat ng mga batang naliligo sa maliit na talon sa ibaba ng malalaking bato kung saan sila lumabas.

Nagulat ang mga bata nang makita sila. Tatakbo na sana ang mga ito nang pigilan niya.

"Boy sandali, maaari bang mag tanong, mukhang naliligaw kami," tumingin sya sa paligid. Malalaking bato at masukal na kakahuyan.

"Anong lugar ito?" tanong niya.

"Nasa Palanan po kayo," sagot nito.

Sabay silang tumingin kay Mang Lando. Dahil nga hindi sila taga rito, hindi nila kabisado ang mga pangalan ng lugar.

Naguguluhan din ito. "Anong nangyari at napakalayo na natin sa ating pinang galingan?" usal nito

Magtatanong pa sana sila nang magtakbuhan na ang mga ito. Naguguluhan sila. Nagpasya silang mag hahanap nalang ng ibang mapagtatanungan.

Sinundan nila ang direksyon kung saan nagtakbuhan ang mga bata. Hanggang sa marating nila ang bahagi ng daan na sementado. Habang palapit sa mga kabahayan nagtataka na sila sa mga kakaibang estilo ng mga ito. Iniiwasan sila ng mga tao kaya't wala silang mapagtatanungan.

"Ano'ng mayroon sa atin at pinagtitinginan tayo ng mga tao, pero umiiwas naman sa tuwing lalapit tayo?" nagtatakang tanong ni Marcus. "Siguro ay masyadong naguguwapuhan sa atin," biro nito.

Medyo kakaiba nga sila. Hindi naman ang kanilang suot pero ang kanilang hairstyle ay mukhang napaka layo sa mga estilo ng mga tao sa paligid.

Pareho naman silang naka polo lamang ng mahaba ang manggas at lumang pantalon dahil nga nasa bundok sila at nagtatrabaho.

Hanggang sa inabutan na sila ng mga Pulis. Nagsumbong pala ang mga batang nakita nila sa bundok. Akala ay mga masasamang loob sila na naka pasok sa kanilang bayan.

Dinala sila sa tanggapan ng pulisya at doon nagpaliwanag.