webnovel

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!

maria_basa · Teenager
Zu wenig Bewertungen
36 Chs

Ordinary Day

Alex's POV

Papasok na kami ngayon ni Stan sa school.

He's holding my hand while driving, habang yung left hand nya ay nasa manibela.

Pangiti ngiti pa ang unggoy.

Naglalakad na kami sa hallway. Aba ang unggoy, hawak pa rin ang kamay ko.

Ako na lang ang nahiya, kaya ako na ang bumitaw. Ewan ko ba, dati naman ako pa ang lumilingkis sa kanya, pero ngayon medyo nahihiya na ako.

"You don't want me to hold your hand?"

"Duh? Nasa school na tayo."

Sumimangot sya.

Nakarating na rin kami sa room ko.

"Anong oras ang out mo?"  Tanong sa akin ni Stan.

"Gagabihin na ako, may practice kami mamaya eh. Remember, malapit na sports fest."

"Ah oo nga pala. Manunuod ako ah?"

"Wag na. Kayo ba walang practice?"

"Wala pang sinasabi si coach eh, itext mo na lang ako mamaya kapag magpapasundo ka na."

"Sige."

Akma na syang hahalik sa pisngi ko ng umiwas ako.

"What?"  Inis na tanong nya.

"Anong what?"

"Tsk!"

Umalis na sya.

"Hoy!"

"Ay Anak ng b*tch!"  Napatakip ako sa bibig ko sa gulat.

"Haha! Astig kang magulat Alex ah. Isa pa nga."

"Baliw ka Georgia!"

"O anong balita?"

Pumasok na kami sa room at dun ko ikiwento sa kanya ang lahat.

Yung tungkol sa pagdating ni Felix, nung nag usap kami sa restaurant, pati na rin nung nag away sila.

"WHAT?!!!"

Napatayo pa si Georgia.

Napatingin ako sa paligid, at lahat sila ay sa amin na nakatingin, buti wala pa si Prof.

Hinatak ko na sya paupo.

"Sshhh.."

"Sh*t! Nag away talaga sila? Sayang yung eksena nay un ah. Wala ka bang video jan?"

"Ano ka ba Georgia! Maiisipan ko pa bang mag video nun?"

"Oo nga pala. So ano ng balak mo ngayon?"

"I don't know."

"Kilala natin si Felix, he get what he want."

"Alam ko. Pero sisiguraduhin ko na hindi na ngayon."

"Really?"

Ngumiti pa sya ng nakaloko.

"Georgia naman, may asawa na ako. Baka kapag nagkanda loko-loko sunduin ako ni Kuya John dito."

Biglang nag iba yung emosyon sa mukha nya.

"Ah..eh.. Uy si Amanda pala may sakit."

Anong nangyari sa babae na to?

"Kailan pa?"

"Ka-Kaninang umaga lang daw."

"Ano bang nangyayari sayo Georgia?"

"Ahmm.. Ano.. Alex malapit na pala ang birthday ni Josh."

"Oo nga pala. What's the plan?"

Stan's POV

"Pare anong nangyari sa labi mo?" Tanong sa akin ni Jc.

"Wala lang to pre."

Biglang pumasok si Ma'am.

"Class sit down. May bago kayong classmate. Come in."

Pumasok na si Class-- F*ck!

"Good Morning classmate. I'm Felix Nijal."

Bakit sya pa?

"Ok Mr. Nijal, sit beside jc."

Ako. Jc. Felix.   Great!

Lunch.

Stan's POV

Sasabay na lang ako kay Alex.

Itetext ko na lang sya.

To: Babe.

Babe sabay tayo mag Lunch. Dadaanan kita sa room mo.

Sent!

Maya-maya.

From: Babe.

Sige. Libre mo ko.

"Pre tara na?"

"Daanan natin si Alex."

Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala na ang unggoy.

'Hi Stan.'

'Papa Stan!'

'Jc ko!'

Hayst! Puro tawag! Hindi naman namin kilala. Puro smile na lang kami.

"Nasan si James?"  Tanong kaagad sa akin ni Alex.

"Hindi pumasok eh."  Sagot naman ni Jc.

Canteen.

"Stan gusto ko ng friend chicken, rice, at pineapple juice. Yun lang."

"Sige. Ikaw Georgia?"

"Libre mo?"

"Oo."

"Naks! Sige. Fried Chicken, rice, at coke. Thanks."

"Hanap na kami ng pwesto. Jc tulungan mo na lang si Stan."

"Yes Boss!"

Pumila na kami.

"Pare para ka namang under ng asawa mo."

"Hindi ah. I love what I'm doing."

"Pare. May lagnat ka ba?

"Sira. Wala no."

Alex's POV

Nakaupo na kami Georgia.

"Alex ang bait ata ni Stan."

"Ewan ko dun. Haha."

"Baka naman tinatakot mo?"

"Kung hindi sya magpapakabait, papatayin ko yung veronica nya."

"Bagong kabit?"

"No. Kotse nya."

"Wow lang ah."

Umupo na rin sila Stan sa table namin.

Habang kumakain.

"Classmate ko si felix."

Sa biglaang pagkasabi nun ni Stan, nasamid ako. Ganun din si Georgia.

Tinapik ni Stan yung likod ko.

"Are you ok Alex?"

"O-Oo."

"Classmate mo si Felix?"  Hindi makapaniwalang tanong ni Georgia.

"Oo. Katabi sya ni Jc."

"Teka. Ano bang meron kay Felix?"  Singit na tanong ni Jc.

"Ex ni Alex."  Sagot agad ni Stan.

"Ow~"

"Loko talaga yung Felix nay un. Talagang pangangatawan nya yung motto nya ah."  Inis na sabi ni Georgia.

"What do you mean Georgia?"  Naguguluhang tanong ni Stan.

"May motto yung loko nay un eh. What he wants. He gets."

"Tama na Georgia."  Sita ko sa kanya. Ang daldal kasi.

"Why? Ayos nga yun para maging ready si Stan eh."

"Ano pare? Lumpuhin ko na?"  Dagdag naman ni Jc.

"Shut up Jc."  Suway ko. Tumahimik naman sya.

Tumingin ako kay Stan. Walang emosyon.

"Ayoko nyang tingin mo Stanley."

"H-Hoy Jc! Libre mo ako nun!"  Hinila ni Georgia si Jc.

"S-Sige."

Nakaalis na yung dalawa sa pwesto namin.

"Does it mean he wants you back?"

"Y-Yes."

Nakita ko na naikuyom nya yung kamay nya.

"Subukan nya lang."

"Hindi naman ako magpapa agaw eh."

Ngumiti ang loko.

"Talaga?"

"Oo."

"Promise?"

"Promise."

"Promise na promise?"

"Oo nga!"

UWIAN.

Alex's POV

Naglalakad na ako papunta sa court.

Ako lang ba to o parang may sumusunod sa akin?

Lumingon ako.

Weird. Wala naman.

COURT.

Nakapag palit na rin kami ng damit.

"Ok Team! Warm up!"

"Yes captain."

Warm up. Warm up.

May iba ring student rin na nasa court. Mga manunuod ng practice. Kadalasan lalaki.

"Let's start. Dapat tayo pa rin ang mag champion this year. Understand?"

"YES CAPTAIN."

Lumapit bigla si Coach sa akin.

"Mrs. Martin."

"Haaah! Coach naman eh."

"Ikaw kasi eh. Inunahan mo akong magpakasal. Anyways, tignan mo yung nasa taas, sa left side."

Napatingin naman ako. Oh no!

"Kanina pa yan picture ng picture sayo."

"Baka stalker ko coach."  Pagbibiro ko.

"Haba ng hair! May asawa na pero may Stakwa pa rin."

"Alam mo naman tayo coach."

Hinampas ako ni coach sap wet.

"Start na Martin!"

Natapos ang practice ng matiwasay.

Itetext ko na si Stan.

To: Asawa.

Lalaki. Sunduin mo na ako.

Sent!

Maya-maya.

From: Asawa.

Ok. Hintayin mo na lang ako sa gate.

Naglalakad na ako papunta sa gate.

"Captain sabay ka na samin."  Sigaw ng team mate ko na si Gen.

"Hindi na Gen. May sundo ako."

"Sige Captain. Una na kami."

"Ok."

At umalis na sila.

Ito na naman yung feeling na may sumusunod sa akin. Hindi kaya si--

May biglang humawak sa braso ko.

Automatic na pinilipit ko yung kamay nya sabay harap ko.

"Akk-- Alexandra!"

Nabitawan ko agad.

"S-Sorry."

"Ang brutal mo naman. Ang galing mo kanina ah. Hindi ka pa rin nagbabago, photogenic."  Sabi nya habang tinitignan yung camera nya.

"Ano bang kailangan mo?"

"Ihahatid na kita."

"Wag na."

"Mag tataxi ka lang? Gabi na. Hatid na kita."

"Salamat na lang."

Naglakad na ako pero sinusundan nya pa rin ako.

Nandito na ako sa gate. Lintek na lalaki yun! Ang tagal!

"Alexandra naman!"

"Felix porket tinulungan kitang umuwi nun iisipi mo na ok na tayo, pwes nagkakamali ka."

"Bakit? Hindi ba?"

"Hindi!"

"Alexan--"

"Tapos na tayo diba? Wala ng Alex at Felix."

Maya-maya may humintong kotse sa harap namin. Si Veronica. Lumabas dun si Stan.

"Kaya naman pala ayaw mong magpahatid eh."  Bulong sa akin ni Felix.

"Pwede ba felix, tumigil ka na."

Naglakad na ako at pasakay na sa kotse ni Stan.

"Alexandra ang galing mo kanina."  Sabi ni felix with he wink. Then he leave.

Nakita ko namang napakunot noo si Stan.

Habang nasa byahe.

"Pinanuod ka nya?"

"Oo."

"Tapos ako hindi mo pinayagan?"

"Nakalaro mo na naman ako eh."

"Kahit na."

"Stan naman. Pagod ako."

Sunod nun ay katahimikan. Wala ng nagsalita sa amin.