webnovel

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!

maria_basa · Teenager
Zu wenig Bewertungen
36 Chs

Offensive Hugging

Alex's POV

Tanghali na ng ginising ako ni Stan para sa lunch namin.

Nag-ikot kaming lahat para maghanap ng makakainan.

Maganda sa lugar na 'to. Bukod sa maganda at malinaw na beach dito, marami ka ring mapagpipilian na makakainan. Mayroon pang bilihan ng pasalubong. Hindi lang kami ang tao, marami ring mga turista. Pero hindi naman ganun' karami.

Napagdesisyonan naming kumain sa isang seafood restaurant.

Ang saya talaga kumain kapag marami kayong magkakasama. Napupuno ng tawanan ang mga buong restaurant, buti nga walang nagrereklamo sa amin eh.

2pm na nung natapos kaming kumain. Hindi muna kami bumalik sa hotel, nag ikot-ikot muna kami. Syempre hindi mawawala ang picture-picture.

Nakakita kami ng isang court, hindi kalayuan sa hotel namin. At syempre ang mga lalaki gustong maglaro.

Habang nakaupo kaming mga girls sa bench, ang mga boys naman ay nakikipag-usap sa mga naglalaro a court.

Hindi ba sila nagsasawa? Pati ba naman dito?! Tsk!

Maya-maya pa ay mukhang nagkasundo na silang at mag-uumpisa na.

"Boys galingan nyo ah! Wala munang coach-coach ngayon!"  Sigaw ni Coach Gerald.

Ang maglalaro lang ay sina Stan, James, Jc, Ian, at Raynald.

Biglang dumami ang tao sa court.

Nag-umpisa na ang laro. Tirik na tirik ang araw, buti na lang at may bubong dito.

Napupuno ng hiyawan ang court, at nangunguna doon ang mga kasama naming cheer dancer.

"Ang hot ni James.."

Agad akong napatingin sa nagsalita.

"Amanda?"  Gulat syang napatingin sa akin.

"A-Ano.. Ang hot dito! Hoo.. Hoo.."  Nagkunwari pa syang nagpapaypay gamit ang kamay nya.

"Amanda, narinig ko 'yun."

"H-Ha? Ang ano?"

"Hindi ako bingi."

Napabuntong hininga na lang sya.

"Hot si James?"  Tanong ko sa kanya.

Tumango sya. Naku! Pineapple Juice ko!

"Gusto mo sya?"  Tumango ulit sya. Inang~!

"Nanliligaw sayo?"  Tumango na naman sya.

"Anak naman ng butiki oh!"

"Alex.."

"Kailan pa?"

"Noong isang araw lang."

"Alam ba 'to ni Georgy?"

Umuling sya.

"Lagot ka dun."

"Alex naman eh."  Tinawanan ko lang sya.

Takot 'to kay Georgy eh. Naku! Napaka babaero pa naman ni James.

Kung sino daw ang makaunang maka-30 points, sya ang panalo.

30 seconds time-out.

"Ano Stan? Kaya pa? Ang gagaling ng kalaban nyo."

"Ka-Kaya namin 'to."  Hingal nyang sabi.

Mukhang nakahanap sila ng katapat nila dahil talagang magagaling ang kalaban nila. At infairness, gwapo pa.

Inabutan sila ni Coach Gerald ng tubig.

"Boys magagaling sila ah."

"Oo nga coach eh. Ang titigas pa ng katawan."  Angal ni Jc.

"Guys, man to man tayo."  Sabi ni Stan.

"Ano 'yun?"  Tanong ko kay Coach Gerald.

"Man to man. Mahigpit na depensa sa kalaban, katawan sa katawan."

Prrttt~! Pito ng napulot nilang referee.

Nag-umpisa na ulit ang laro at hawak ni Stan ang bola. Ang galing nila, talagang man to man. Biglang hinarang si Stan ng pinaka malaki sa kanila.

Nagawa nyang iwasan 'yun, kaso biglang may bumangga sa kanya kaya napahiga sya.

"HOY!!!!"  Hindi ko napigilang sumigaw at napatayo na ako.

"LOKO KA AH! BAKIT MO BINANGGA SI STAN?!!! REFEREE! FOUL 'YUN! BULAG KA BA?!!!"  Maglalakad na sana ako papunta sa court ng pigilan ako nila Amanda.

"Alex, relax. Hindi naman sinasadya 'yun eh."

"Mrs. Martin hindi naman maiiwasan yan sa laro eh. Mukha naman ok na si Stanley."

Napatingin ako kay Stan, mukhang iniinda nya 'yung likod nya.

Hindi lang isang beses nangyari 'yun. Minsan si James, natatamaan sa mukha sa sobrang pagharang sa kanya. Minsan naman si Jc, sinasadyang patidin. Minsan rin si Ian, binabangga sa braso. At alam kong hindi sinasadya 'yun!

Hawak na naman ni Stan 'yung bola. At grabe lang talaga 'yung humaharang sa kanya. NANG YAYAKAP!

"OFFENSIVE HUGGING!! OFFENSIVE HUGGING!!"  Napasigaw na ako.

Napatingin naman sa akin ang lahat at natatawa pa.

"Martin, ano 'yung sigaw mo?"

"Offensive hugging po. Kasi grabe na makayakap kay Stan 'yung lalaki."

"Haha~ Wala namang ganung offense."

"W-Wala po ba?"

"Oo. Wala."

"Pasensya. Malay ko ba sa basketball."

Dyahe! Nakakahiya!

Tinuon ko na ulit ang atensyon ko sa laro. Nag shoot si Stan ng 3 points. PASOK!!!

"WOO~!! Asawa ko 'yan!"  Proud kong sabi.

Tumingin naman sya sa akin sabay kindat. Nakakakilig! Mainggit kayo! Bwahaha~!

'Naku! Grupo pa nila Frank ang nakalaban nila. Madudumi maglaro 'yang mga 'yan.'

'Oo nga! Mga brutal pa!'

Naririnig namin 'yung usapan sa likod namin. Nagkakatinginan na lang kami nila Coach.

30 seconds time-out. 20-23 na ang score, lamang ang kalaban.

"Ok ka lang Stan?"  Tanong ko.

"Oo. Medyo masakit lang yung likod ko."

"Coach! Madumi sila maglaro."  Angal ni Raynald.

"Yeah. I see that. Anong plano nyo?"

"Hindi ko na kaya!"  Sigaw ni James.

"James, tapusin nyo yung laro. Ipanalo nyo."  Sabi ni Amanda.

Mukha namang naka-inum ng energy drink si James at ganado na daw ulit syang maglaro.

"Ang sakit na ng likod ko."  Napatingin naman ako kay Stan.

Gusto kong tumulong, kaso paano?

"Kapag hindi kayo nanalo, sa labas ka matutulog."  Napatingin naman sila sa akin.

"Alex naman."  Pagmamakaawa ni Stan.

"Mananalo kayo o sa labas ka matutulog?"

"Guys! Sa laro nakasalalay ang gabi ko! Kaya dapat ipanalo natin 'to!"

"Okay!!" Sigaw nila.