webnovel

My Brutal Wife (Tagalog)

Kilala si Stanley Martin sa pagiging babaero sa school, yung tipo na walang sineseryoso na babae at parang laruan lang para sa kanya. Well, hindi nyo sya masisisi dahil sa angkin nitong kagwapuhan na kahit sino ay talagang mapapalingon. Hanggang sa wakasan ng Ama nya ang maliligayang araw ng ipakasal sya kay Alexandra. Amasonang babae, walang inaatrasan. Hindi sya katulad ng ibang babae na kapag nasaktan ay mananahimik na lang sa isang tabi. Kapag tama ay dapat ipaglaban, bawal magpa api. Nakahanap na ba ng katapat si Stan? Magkakasundo ba ang dalawa kung salungat ang ugali nila? Abangan!!

maria_basa · Teenager
Zu wenig Bewertungen
36 Chs

I really love her

Stan's POV

 

Sh*t! Hindi ko akalain na ganito pala ako masasaktan sa nakita ko kanina.

Alex? Damn! Yung lalaki na yung ang nilapitan nya instead of me? Ano nga ulit pangalan nun? Felix? Bantot!

Nagpasundo pa sya sa akin. Para ano? Para ipamukha na hindi nya ako gusto? Na mas gusto nya yung pangit na 'yun?

Napadpad na lang ako sa bar ni Alfred.

"Hey Bay-— What happen?"

"Wala 'to. Pwede ba samahan mo akong uminom?"

"Sure."

Lumapit kami sa bar counter.

"Whiskey please."  Utos ko sa barista.

"Mukhang may pinagdadaanan ka bayaw ah. Si Alex ba?"

"Oo."  Sino pa bang babae ang nagpapa baliw sa akin ng ganito? Tsk!

"Tell me."

"May kasama syang pangit. Felix daw."

"What?! Did you just say Felix?" Reaksyon nya?

"Yeah. You know him?"

"Oo. Sya ba may gawa nyan?"

"Nagkainitan kami kanina eh."

"Nasaan si Alex?"

"Nandun sa pangit na yun. Mas pinili nya yun kesa akin."

"Alex did that?"

"Yeah. Sino ba yung lalaki na 'yun?"

"Ex boyfriend ni Alex."

Ouch~

"Kaya pala eh. Tinanong pa nya si Alex kung mahal nya ba daw talaga ako."

"Anong sagot ni Alex?"

"Wala. You know Alex very well right?"

"Oo naman."

"Do you think Alex just used me to forget her ex boyfriend?"

"I-I don't think alex can do that thing. Kaya siguro hindi sya nakasagot nun kasi she's still confused. Alam ko hindi dapat ako nagsasabi nito eh, kaso para malinawan ka. They we're secret lovers for almost 1 year. Alex really love that jerk. Pero nung nalaman nilang ikakasal na kayo, bigla na lang naglaho si felix."

"Bakit hindi nila sinabi kay tito?"  Suhestyon ko.

"Planado na ang lahat bayaw, nasa tyan pa lang kayo."

"Mukhang wala akong laban kay Felix."

"Kasal naman kayo bayaw eh."

"Pero pwede kaming maghiwalay. Muntik ng mangyari yun. Alam natin ang ugali ni Alex."

"Let's trust her. Nalilito pa 'yun."

"What if she leaves me?"

"You really love my sister right?"

Love? Kailan ko ba naramdaman 'to?

Kahit na nasasaktan nya ako, masaya pa rin ako basta sya ang kasama ko.

Mahal ko ang lahat sa kanya. Yung mga hobby nya na pang babatok, panununtok, paninipa, pananampal. Lahat!

Yung mga ngiti nya, nakakahawa.

Yung yakap nya, nakakaginhawa.

Yung mga mata nya, ang sarap titigan.

Yung mga labi nya, ang sarap halikan.

Oo, mahal ko na nga sya.

"Yeah. I really love her."