webnovel

My Brother's Bestfriend

Are you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt? If NO? Don't read this story it's your choice Then, If YES? Be ready to feel it and read NOW.

Hilarious10 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
30 Chs

Chapter 6❤️?

*****

Naalimpungatan nalang ako ng may yumuyugyog sakin "hhmm.. Ano ba?" sabi ko habang nakapikit pa  ang mga mata ko kaya tumalikod ako para di na maistorbo pero maya maya ay may humila ng kumot ko kaya napamulat ako ng wala sa oras. "nay! Ano ba? Wala po akong pasok!"naiinis kong sabi habang nagkukusot pa ng mata.

"hi! Bes!" nakangiting sabi nito at winagayway pa ang kamay nito sa mukha ko. "huh?! Anong ginagawa mo dito?!" agang aga nang gigising to.. Eh wala naman kaming pasok ngayon.

"tsk! Pinapasok ako ng mama mo dito sa kwarto, ako na daw bahala na gisingin ka. Kaya ginising kita!" nakangising sabi nito sakin. "eh? Ano nga kailangan mo?! Ang aga pa noh! Inaantok pa ako!"reklamo ko dito habang nagkakamot sa ulo.. Ganto kasi ako pag naiinis o naasar nakamot sa ulo kahit walang kuto.

"samahan mo ko bumili ng damit at libro? Dali na!" tsk! Seriously? Ginising nya ako sa ganyang dahilan? Inagaw ko ang kumot sa kanya at nahiga ulit para matulog. "ano ba?! Bes naman..  Bumangon kana dyan! Samahan mo ako!"habang pilit na inaagaw sakin ang kumot ko.

"pwede ba? Go to hell she! Iba nalang isama mo! Ayaw ko!" inaantok pa kasi ako eh.. Atsaka ngayon nga lang makakatulog ng masarap eh. "grabe ka naman! Ayaw mo talaga ako samahan?!" mataas na ang boses nito na para bang sinusubukan ako. "OO! ang kulit mo!" sigaw ko dito habang nakapikit pa.

Narinig ko na naglakad ito...buti nalang paalis na din ang istorbo. Bruha talaga! Agang aga… Sinisira ang tulog ko! "okay! Sige! Sayang may dala pa naman akong extra money.. Diba wala ka pang pang-regalo sa fafa jes mo?sige! Alis na ako.. Tulog ka lang!" sa narinig ko ay automatic na bumangon ang katawan ko sa kama at nilapitan ito. "ikaw naman hindi mabiro! Dito ka lang ah? Maliligo lang ako!" nagmadali ako pumunta ng banyo para maligo pero bago ako umalis ay narinig ko ang nagpipigil na tawa nito.

Bwisit talaga ito.. Alam na alam nya talaga ang ipambablackmail sakin! Lagi nalang ako naiisahan nito.. Hays! Di bale nalang makakapaghanap na ako ng panregalo.. Kyaaahhhh!!!!!

Paalis na kami ni she ng mabungaran namin si kuya sa tapat ng pinto habang pawis na pawis to… Obviously naglaro na naman ito ng basketball. "oh?! San ang punta mo ah?! Walang pasok!" matapang na sabi nito with matching laki mata pa kaya inirapan ko lang ito.

"tara na nga she! Panira na naman si kuya! " nagpatuloy kami sa paglalakad pero nakaharang parin ito sa pinto. "san nga ang punta?!" tsk! Asar talaga to! "magmo mall kami! At pinayagan na din ako ni nanay! May angal kuya?kaya tsupi! Umalis ka na sa pinto ng makalabas na kami!" nag mwestra pa ako na umalis na ito sa pinto.

"anong gagawin nyo don?! Anong oras ang uwi?! Baka kung san lang kayo magpunta ah?!" see? Talo pa ang tatay ko kung makapagsalita!

"a-ano.. Ano po.. ISa-sama ko lang sya bibili po ng libro at damit. Babalik din po kami!" kinakabahan na sabi ni bes habang nakayuko pa ito. Hahahaha.. Natakot ata kay kuya.

"okay!" tsaka ito lumampas sa amin at dire diretso na nagpunta sa kusina. Nambwisit lang talaga ito sakin at nanakot kay she! Ganyan lagi gawain nyan.. Hindi malaman kung anong takbo ng isip!

Nang nasa kotse na kami ay kinekwento ni bes kung gaano sya kinabahan kay kuya na kinatawa ko lang kasi nilagay pa nya palad ko sa dibdib nya at damang dama ko ang lakas ng kabog ng dibdib nya..hanggang sa makarating kami ng mall ay nagtatatawa parin kami sa nangyari.

Kumain muna kami kasi syempre ginising nya ako ng maaga tapos umalis kami ng di pa nakain. "grabe bes! Ang takaw mo!" sabi nito sakin na namangha sa order ko. "oh? Nagsisisi ka na ba kasi ako ang sinama mo?" pinagtaasan ko ito ng kilay pano ba naman di magrereklamo to.. Sya kasi nagbayad ng kinain namin, haller?! Wala akong pera noh!

"ahm.. Minsan oo.. Kaso since ikaw ang friend ko na kaparehas ko ng taste kaya no choice ako!" natatawa na sabi pa nito sakin."aarte ka pa!" ako lang din kaya nakakapagpasensya sa kaartehan nito sa buhay!. Nagmadali na ako kumain kasi gusto ko umuwi ng maaga dahil pag nalate ako ng uwi patay na ako sa kuya ko!

Sa ilang pagiikot namin ay mabilia na kami nakabili ng kailangan nya kaya yung gift ko naman kay jesthle ang inaasikaso ko. "bes! Mahihirapan ata tayo paghahanap.. Nabili ko nga ng mabilisan yung sakin.. Yung hinahanap mo naman ang problema"Natatawang sabi nito sakin habang tatawa tawa. Sakto naman pagpasok namin sa store ng silver ay may nakakuha agad ng atensyon ko kaya nilapitan agad namin ito.

"Good morning Maam.. Good choice po ang napili nyo kung yan po ang pipiliin nyo na bilhin. Limited edition lang po ito at new style din po ng store namin. Maganda din po ito kasi pwede pong lagyan ng picture ng pagbibigyan nyo" nakangiting sabi ng sales lady. Ang ganda nya… At  alam ko na susuotin to ng lalakeng yun kasi nakikita ko na nagsusuot sya ng bracelet.

"ang ganda bes! Yan nalang!"bulong sakin ni she na tuwang tuwa sa bracelet. "eh.. Ang mahal! Mahal pa sa buhay ko bes! Hahahaha" pabulong na sabi ko kasi nakakahiya naman na marinig pa nung sales lady na wala akong pambili. P1,599 san ako huhugot non? Eh 150 lang dala ko ngayon.

"okay po.. Yan nalang po! Mas maganda kung bagong stock po ang ibibigay nyo samin. " nakangiting sabi nito kaya dali daling kumuha si ate girl. "ano ba bes! Ang mahal naman non! Ano? Isang buong taon ko babayaran sayo?" eh kasi naman 30 pesos lang baon ko noh! San aabot yon? " okay lang yan! Ako naman nagoffer diba? Pag madami ka ng pera.. Tsaka mo ako bayaran. Ano pa at naging magkaibigan tayo diba?" sabi nya sakin na kinatouch ko. "ang swerte ko talaga sayo! Thank you!" niyakap ko ito ng mahigpit. Swerte ko kaya kasi mahal na mahal ako nito.. Pag may problema ako minsan sya pa nagsusolusyon.

"ah dito nalang ako sa kanto bes! Para hindi na kayo liliko pa" sabi ko dito.. Nakakahiya na kasi  pakain na nga ako tapos binilhan pa ako ng panregalo though babayaran ko to kaso utang na loob parin noh! "sure ka ba?" kaya tumango ako para maibaba na ako sa kanto.

After saying goodbyes ay naglakad na ako ng masayang may pa sway sway pa ang lakad ko habang bibit ko ang regalo. Kaso bigla nalang may biglang sumulpot na truck, nabalot ng takot ang buong katawan ko kaya mabilis na pumikit ako para di makita kung ano pang susunod na mangyayari. Naramdaman ko nalang ng may humapit sa bewang ko at after non napasubsob nalang kami sa semento.

Mga ilang segundo na hindi ako gumalaw sa sobrang shock ko.. Kasi akala ko mamatay na ako. "a-alis! Ang bigat mo!" pamilyar ang boses nito kaya dali dalia ko tumayo at nagpagpag ng damit, pagtingin ko di nga ako nagkamali ng hinala si jesthle na kakatayo lang. Napansin ko na parang may iniinda sya kasi halata sa mukha nito na parang may nakirot sa bahagi ng katawan nito. Pinagmasdan ko ito at nakita ko na may sugat ang braso nito habang nadugo.

Mabilis ko itong nilapitan at hinawakan ang braso nito. "so-sorry.. Di ko sinasadya" sabi ko dito habang pinapahiran ang sugat nya ng panyo ko. Hinihipan ko ang sugat nito habang  pinupunasan ang dugo na naagos sa sugat nito ng panyo ko.

"tsk! Gusto mo na ba magpakamatay?! Ano ba yang nasa utak mo ah?! Kung gusto mo mamatay! Sa highway ka dapat nagpunta!"sabay alis nito ng braso sa pagkakahawak ko. Naiiyak ako sa sinabi nya kasi sobrang galit na galit ang anyo nya ngayon. " sorry talaga.." malumanay ko na sabi dito na naiiyak na.

"tapos iiyak iyak ka ngayon! Kung bakit kasi hindi ka nag-iingat!" pa sigaw parin na sabi nito. Ako eto nagiiyak parin habang nagpupunas ng luha. "tsk!" naramdaman ko nalang na lumapit to sakin at itinaas ang baba ko. Nagtagpo ang mga mata namin at mabilis nyang pinahiran ang mga luha ko gamit ang mga daliri nya.

"huwag ka ng umiyak." malumanay na sabi nito na animong mabait na tupa na. Kanina kasi halos lamunin na nya ako sa galit eh. Bumitaw agad ako sa kanya sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.. Nahihiya ako na marinig nya ito. His eyes.. His presence.. Everything about him.. Lahat ng yan weakness ko pagdating sa kanya.

"iyo ba to?" hawak na nya yung maliit na paper bag na tumalsik kanina nung hinigit nya ako kaya nabitawan ko at siguro dala na din ng takot kanina. "ah! Oo.. Sa-sakin nga yan!" mabilis na kinuha ko sakanya baka kasi makita pa nya laman nito… Hindi na surprise diba?

"bakit panlalake?" tanong pa nito sakin na nakakunot ang noo. Ano nga ba ang sasabihin ko? Oh lord! Bigyan mo naman ako ng alibi ngayon! Kahit ngayon lang..

"a-ah.. Panregalo ko to sa kaibigan ko.. Oo.. Ta-tama! Panregalo!" mukha ako ngayong matatae sa tawa ko para maniwala lang ito.

"kaibigan… Lalake talaga?!" medyo iritado ang pagkakasabi nya non. Kaya tumango nalang ako para pag sang-ayon sa tanong nya.

"tsk!" tumalikod na ito at nauna maglakad sakin.

Hala! Anong nangyari don? Iniwan nalang ako magisa dito ng ganto.. "huy! Ku-kuya jesthle!" habol ko dito kasi tinalikuran nalang ako basta eh!

"tsk! Wag mo ako sundan!" galit na sabi nito kaya napatigil ako sa pag lalakad at tinanaw ko nalang sya palayo..

Bakig bigla nalang sya nagalit? Kala ko kanina ay okay na kami?anong nangyari sa kanya?