*****
Pauwi na ako ng makasalubong ko si kuya harry na nagmamadali. Tumigil ito sa harapan ko na humihingal pa "pauwi ka na ba?" nahangos na tanong nito sakin. "ah.. Eh.. Huminga ka kaya muna?" parang kinakapos kasi ito ng hininga eh. Nirelax nito ang sarili at pinahiran ang mga pawis na tumatagaktak sa mukha nya at leeg. "hoooo….. Yan okay na ako"mukhang kalmado na ito ngayon kesa kanina na parang may humahabol.
"pauwi na sana ako ngayon eh" sabi ko dito. "tamang tama.. Tara hatid na kita?" simpleng sabi nito na nakangiti na. "eh hala! Ano ba nangyari sayo kanina at humahangos ka? May tinatakbuhan ka ba?" usisa ko dito. "sa totoo lang ahm.. Hays.. Kaya ako tumatakbo kanina ay may humahabol sakin." pinagmasdan ko itong mabuti "oh!!! Wala akong ginawang masama bakit ganyan ang mukha mo? Hinahabol kasi ako nung babaeng may gusto sakin." mahabang paliwanag nito na parang nagrarap sa bilis.
"ah akala ko naman may ginawa ka ng kasalanan eh! Kawawa ka naman para ka kasing nirerape kanina" sabay tawa ko dito.. Kasi naman ang epic ng mukha kanina yung tipong may humahabol na zombie sa kanya ganern! "tsk! Wag mo naman ako pagtawanan.. Tulungan mo nalang ako na makatakas" pag mamakaawa nito sakin.
"oo na.. Kaya tara na para makauwi na tayo." sabi ko dito at hindi ko na pa hinayaan na magsalita ito kaya nauna na ako maglakad. "susme! Ayan na sya!" tumabi ito sakin at siniksik pa ang katawan sakin habang tinabihan ako maglakad,nakita ko ang isang babae na hingal na hingal din na halata mo na parang nakipaglaban sa marathon. Palapit na ito samin ngayon kaya binulungan ko ito na "akbayan mo ako dali!" kaya inakbayan nya ako ng mabilisan.
"sino yang kasama mo?! Tinakbuhan mo na naman ako.. Gusto ko lang naman na idate mo ako eh!" sabi nito kay kuya harry na naiiyak na ngayon. "ang tagal ko ng nagantay sayo.. At heto ako hinabol pa kita.. Ganon na ba ako kapangit para ayawan mo?!" tiningnan ko mabuti ang babae kasi hindi naman ito pangit eh… Sa totoo nga lang cute ito sa paningin ko. May ibang nakatingin na samin ngayon "please.. Gawan mo naman ng paraan para layuan ako nito" nagmamakaawang bulong nito sakin.
"ah.. Eh.. Miss.. Ahm hindi naman sa hindi ka gusto nitong lalakeng ito.. Kaya lang may girlfriend na kasi ang taong gusto mo" sabi ko dito in a nice way para hindi ito magwala… nakakahiya naman kung mageskandalo ito ngayon. "g-girlfriend? Sa pag kakaalam ko wala syang girlfriend?" tumahan na ito at napaisip.
"dati yon.. Pero ngayon meron na" sabi ni kuya harry dito, napatingin naman kami dito kasi ang alam ko wala din itong girlfriend.. Atsaka gawa gawa ko lang yung sinabi ko kanina noh! Hindi ko akalain na may girlfriend na pala talaga ito? Hala! Paano naman si bes kung ganon? Kailangan sabihin ko kaagad ang mga nalaman ko bukas na bukas din.
"talaga? Sige.. Kung totoong may girlfriend ka na talaga, ipakilala mo sya sakin para maniwala ako pagkatapos non titigilan na kita." hamon ng babae dito kay kuya harry. "wag mo ng hanapin.. Kasi nandito sya!" napatingin naman ang babae sa paligid kahit ako pasimpleng tumitingin sa mga babae na nandito ngayon, sino kaya sa mga ito ang tinutukoy nito?
"eto sya oh..katabi ko lang!"napatingin ako bigla sa kanya at nagkatitigan kami habang matamis ito na nakangiti sakin. Oh my god! Feeling ko namumula ako ngayon.. "a-ako?" turo ko sa sarili ko.. "oo ikaw diba?" at tinitigan ako nito na -umoo ka nalang look- na nagets ko naman.
Nakatingin samin ang babae ngayon na naghihintay mg confirmation sakin. "a-ah.. Hehe.. Ano.. Ako nga.. Ako nga ang girlfriend nya" takte! Feeling ko mukha akong nakangiti ngayon na natatae ang itsura. Kung kanina nakaakbay ito sakin ngayon ay hinapit ako nito sa bewang para lalong maconvince ang babae.
"okay okay.. Tigilan nyo na yang pagtitigan nyo! Naiinggit lang ako sa inyo! Convince na ako! Sa nakikita ko sa mga kilos nyo ay okay na! Atsaka mukha ka naman talagang gf nya.. Kasi bagay kayo" pagsuko ng babae samin at ngumiti ito bago tumalikod. Nakita kong bagsak ang balikat nito na naglalakad,parang naawa ako dito.. Parang gusto ko ng bawiin ang pag papanggap namin.
Kakausapin ko sana ito ng pagtingin ko sa kanya ay medyo malapit ang mukha nito sakin habang nakatitig pa na kinailang ko, sobra kayang lapit namin ngayon. "ahem!" napatikhim nalang ako na bigla naman itong binitiwan ang bewang ko sa pagkakahawak nya.
"s-sorry.." namumula ang mukha nya ngayon habang himas ang batok ng isang kamay nito. Siguro nahihiya na ito ngayon sakin ng marealize nya ang pinagsasabi nito kanina. "huwag ka na mahiya! Naiintindihan ko naman" sabi ko dito na napatingin naman ito sakin "kaso.."
"kaso ano?" tanong naman nito na may pagaalala ang mukha. "tsk! Kaso kawawa naman ang babae.. Hays.. Kayo talagang mga gwapo wala kayong ginawa kundi manakit ng damdamin ng mga babae" at tinalikuran ko na ito at naglakad na.
"hala! Hindi naman.. Its not what you think!" napansin ko ito na hinahabol ako para pantayan ang paglalakad ko. "sinabi ko na sa kanya simula palang na hindi ko sya gusto.. Sya lang ang makulit" nageexplain to habang sumasabay ng lakad sakin.
"pa its not what you think ka pa.. Hmp!" inismiran ko ito kasi naalala ko yung babae na parang ako dati. Nararamdaman ko kasi yung sakit na nararamdaman nya kahit ngumiti ito samin bago umalis. Haller! Manhid nalang ata kung hindi mararamdaman ng iba yun noh.. Babae din ako.. Ang mga babae pag nasaktan pag kaharap ng ibang tao nakangiti at masaya pero pag wala ng mga nakatingin naiyak nalang bigla. Kaya hanggang ngayon kapag may nakakakita ako na nasasaktan feeling ko ako yun eh.
"totoo.. Hindi ko talaga sya gusto.. prinanka ko na sya from the start na umamin sya sakin. Ayaw ko kaya manakit ng damdamin ng ibang tao noh.. May babae din akong kapatid kaya hindi ako pwede manakit ng damdamin basta basta" mahabang paliwanag nito kaya napatigil ako sa paglalakad at napatitig dito.
Sana si jesthle ka nalang.. Buti ka pa naiisip mo na wag manakit ng damdamin eh bakit may iba na gustong gusto manakit ng ibang damdamin? Siguro kaya magkaiba sila ng isip ni jesthle dahil wala itong kapatid na babae.. Samantalang ito ay meron kaya siguro ganon? Ganon ba yun? May nanay naman sya ah.. Basta siguro iba-iba nga ang mga tao pag dating sa pagmamahal.
"oh.. Natulala ka na dyan?" sabi nito sakin habang magkaharapan kami.. "ah.. Hehehe.. Wala may naalala lang ako" sabi ko dito at naglakad na ulit.
Nasa byahe na kami gamit ang kotse nito habang walang umiimik samin. Patingin tingin lang ito sakin samantalang ako naman ay naiilang na ewan.
"ahm… Ano" basag nito sa katahimikan. "ahm.. Salamat kanina ah?" pasasalamat nito sakin habang nakatuon ang tingin sa daan. "huh? Bakit ka naman nagpapasalamat?" tanong ko dito.
"ano kasi.. Kung hindi ka nakisakay kanina baka araw-araw na naman ako guluhin noon eh! atsaka makakakita pa sya ng mas better sakin" sabi nito na seryosong nagdadrive.
"curious lang ako.. Ano bang ayaw mo don sa babae? Ayaw mo non? Mahal ka.. Tapos ang cute pa!" eh kasi diba.. Sino pang aayaw sa taong mahal ka? Buti nga may nagmamahal..
"alam mo.. Hindi natuturuan ang puso.. Mahal nga nya ako.. Hindi ko naman sya gusto! Malaki ang kaibahan non" anong gusto nya? Yung taong gusto nya? Tapos hindi naman sya mahal?
" alam mo.. Parang mas maganda ata yung minamahal ka diba? Yun ang masarap mahalin" syempre hango sa totoong experience ang sinasabi ko dito..
"alam mo.. May gusto na kasi akong iba kaya hindi ko sya magustuhan kahit kailan." napatingin ako dito na namumula ngayon "tsk! Wag mo akong tingnan ng ganyan naiilang ako!" sabi nito kaya ibinaling ko sa iba ang paningin ko.. Hala! Sino? Sana si bes yon.. Kaso pano pag hindi si bes?
"ah.. May gusto ka na pala." mahinang sabi ko habang iniisa isa ko sa utak ko kung pano ko ikekwento kay she bukas ang mga nalaman ko.
"ikaw may gusto ka na ba? I mean.. May minamahal ka na ba?" tanong nito sakin na naging seryoso naman. Hala? Pag sinabi ko na meron na.. Baka magtanong naman ito sakin.. Tapos baka masabi pa kay kuya! Yari ako nito..
"okay lang kung ayaw mo sagutin" sabi pa nito sakin.. Anong sasabihin ko? "ah.. Hehe… Hindi naman sa ayaw ko sagutin ang tanong mo medyo ano.. Ahm kumplikado kasi ang tanong mo" sabi ko dito na hindi tumitingin.
"kumplikado" mahina ang pagkakasabi pero rinig ko. Siguro naguguluhan din ito sa sinagot ko sa tanong nya eh kasi naman napaka kumplikado kaya ng tanong nya.
Nasa tapat na kami ng bahay ng makita ko si kuya na nasa harap ng bahay namin kasama ang mga kaibigan nya. Pagbaba namin ng sasakyan ni kuya harry ay nakatingin ang mga ito samin. Wow! Ngayon lang ata nakumpleto ulit ang mga ito sa bahay namin ah..
"bakit magkasama kayo?" tanong ni kuya samin pagbaba na pagbaba namin ng kotse. "diba kanina ka pang out?" napatingin naman ito kay kuya harry. Kanina pang out? Eh bakit nasa school parin ito kanina? Napatingin naman ako dito.
"a-ah.. May inutos kasi si Mr. Salazar tapos nakita ko ang kapatid mo na pauwi na kanina kaya sinabay ko na" napatingin naman ito sakin pagkatapos nya magexplain at lumihis ang mga mata nito. Hmm.. Bakit hindi naman ito ngayon makatingin sakin?
"oh.. Ano pang tinutunganga mo dyan?" nakapamewang na tanong ni kuya sakin. "oo na papasok na ako! Salamat kuya harry.. Bye!" paalam ko dito. Tumango lang ito sakin bago ako naglakad papasok ng bahay.. Binati naman Ako ng mga kaibigan ni kuya.. Except kay jesthle na walang imik ngayon habang nakatungo. Hmm.. Parang malalim ang iniisip nito ah? Buti nalang hindi nito ako inasar ngayon.
Nasa kwarto ako ngayon na tapos na magbihis kaya nagfacebook nalang ako sa cellphone.. Yes! Hindi na sa pc ko kasi may cellphone na kaya nahiga ako sa kama para habang nagfefacebook ay namamahinga na din ako.
Pagbukas na pagbukas palang ng facebook ko ay lumantad agad sa wall ko ang nangyari kanina. Patay! Yari ako pag nakita ito ni kuya! Anong sasabihin ko? Pano na to? Habang natataranta ay bigla nalang ako tinawag ni kuya "WINNIE!!!!!!!!!!! " Patay! Ito na yung kinakatakutan ko.. Ano ang gagawin ko? Alam na ata ni kuya? Yari na ako.. Dyos ko! Gabayan nyo po ang utak ngayon ni kuya… Parang awa nyo na po!