webnovel

My Brother's Bestfriend

Are you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt? If NO? Don't read this story it's your choice Then, If YES? Be ready to feel it and read NOW.

Hilarious10 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
30 Chs

Chapter 13❤️?

*****

Pagkatapos kong pagdudukutin ang mga mata na nakatingin kay jesthle sa isipan ko ay nagconcentrate na ako kesa naman mabwisit ang araw ko sa kagagawan ng mga babaeng kaagaw ko.

Ang hindi kasali sa mga booth activities ay nagpuntahan na  para sa gaganaping parade.. Samantalang kami ay ready na umariba ang beauty sa mga bibili samin.

isa isang inabot ni  she ang mga apron namin kaya sinuot na kaagad namin ito. "oopss.. Wag tayo magbenta ng haggard okay?" kaya nilabas nito ang salamin at pulbo with matching lip gloss na pink.

Dali dali kaming nag-ayos ng okay na ay may nilabas pa si beks  ng magreact si deo "hindi ko isusuot yan ah!" kasi naman may head band sya na binili para maisuot naming apat.. Cute naman kaso mukha kaming mga tutubi.. Kasi may antena ito tapos nagalaw galaw pa.sinuot namin ni she at nanalamin kami.. Wow! Ang ganda!

"see! Bagay diba? Kaya ikaw! Wag kana maginarte pa!" sabi nito kay deo na  hinampas pa sa dibdib nito para isuot.

" ano ba! Ginagawa mo naman akong katulad mo eh! Tamang ganto nalang! Nakakainis ka naman eh!" sabay lapag sa lamesa nito ang head band.

Kinuha ko ito  at isinuot bigla sa kanya "oh! Ang cute mo kaya! Isuot mo na!" sabi ko dito at pinisil ang pisnge, namula naman ito kaya natawa ako.

"tsk! Pabebe!" sabi ni she habang nakasmirk naman si beks.

Lahat ng nadaan ay natingin samin at nangiti. Nakakagood vibes talaga pag lahat nkangiti at masaya.

Nagstart na ang parade at halos lahat ng students ay nakapila na.. Habang kami ay nagaabang na bumalik at matapos ito.

*****

After parade at opening ceremony ay kanya kanya ng pakulo. Nagopen na din ang school namin para sa mga outsiders kaya excited na ang lahat at busy.

"huwag ka nga mangalumbaba dyan deo!" sita ni she dito "malas daw pag nakaganyan!" dugtong pa nito.

"yung iba may mga nabili na sa kanila.. Sa atin wala!" sabi ni beks.

"hayaan nyo.. Mamaya may mga bibili na din satin kaya habang wala pa ay magsstart na ako mag painit ng kawali. Kayo naman ay mag mix na ng juice okay?" sabi ko sa mga ito na nakangiti.

Sumunod naman ang mga ito.. Habang nakaready na ang kawali na pinapainit ko kaya nilagyan ko na ito ng mantika para kung may bumili na ay hindi magaantay ang mga ito.

Maya maya pa ay dumadami na ang mga bumibili samin. Kaya kaming apat ay busyng busy na habang nakatingin sa amin ang ibang booth. Madali din maubos ang juice namin  kaya tuwang tuwa kami sa progress ng tinda namin. Nakakailang pack nadin ng fishball at kikiam samantalang ang taga timpla namin ng kwek-kwek pag ubos na ay si deo at rica.. Kami naman ni she ang nagluluto at nagaasists sa mga bumibili.

Tuwang tuwa naman si rica sa mga fafables na bumibili samin. Pag gwapo ay hinigit ako para sya ang humarap pag wala na ay ako naman. Kami naman ay nangingiti nalang sa istilo ni beks.

"hello!" tawag pansin ng kaibigan ni kuya. "pinapaabot nga pala ng kuya mo." kinuha ko naman ang papel at pera na kasama nito.

" ah! Orders pala ninyo ito.. Buti nalang hindi kayo sumabay sa kadamihan ng tao kanina." sabi ko sabay ngiti.

"busy din kasi kami sa booth at ngayon lang din kami nakakaluwagluwag sa ginagawa namin." sabi ni harry habang pangiti ngiti samin.

"psst.." tawag ko kay she " ikaw na magassist dito.. Hihi" bulong ko dito at namula naman ito. Naiiling nalang ito sa sobrang hiya nito.

"ang ganda naman ng apron ninyo at yang nasa ulo ninyo!" puri nito. " si she ang gumawa nito.. Hand made" pag bibida ko dito na napangiti naman si she habang nagluluto ng nakayuko.

" at syempre sa pinaka maganda naman ang nagbigay nito" sabay turo nito sa mga head bands namin. "walang iba kundi ako!" pag iinarte pa ni bakla.

"mandiri ka nga sa ginagawa mo!" si deo na nandidiri habang magkaharap sila na gumagawa ng kwek-kwek.

"a-ah.. Kaya naman pala." sabi ni harry na di ko malaman ang mukha kung mandidiri ba ito o matatawa sa inasal ni beks.

Grabe! Ang daming orders nina kuya.. Buti nalang may plastic kami na lagayan pang take-out kung sakali na sobrang dami katulad ngayon. Sinasalansan na namin ni bes  sa plastic ang order ng mapansin namin Na hindi kakayanin ng isang tao lang.. Kasi may juice pa ito.

"ahm.. Ano.. Parang di mo kakayanin to!may drinks pa kasi" turo ko sa tray na naka ayos na ngayon.

" maigi pa bes kung tulungan mo muna sya para habang wala pang tao na bumibili" malumanay na sabi ni she.. Tsk tsk.. Nagiging pabebe na din ito hahaha.. Ganto talaga siguro pag may nagugustuhan na.

" sige! Yung drinks ay ikaw na ang magbitbit, tapos etong mga nasa plastic kahit ako na.. Okay ba?" paliwanag ko kay kuya harry. Tumango naman ito bilang pag sang-ayon at kinuha na ang tray.

Magkasabay kami ngayon na naglalakad sapagkat hindi ko alam kung san ang booth nila. Nang marating na namin ay hena booth pala ang kanila tapos may DIY bracelet din  sila.. Wow! Astig! Napansin ko naman si jesthle na may customer na inaasikaso.. Grabe! Ang galing talaga nito! Parang si kuya din na may talent sa pag guhit.

Napatingin ito sa akin paglapag ng pagkain malapit sa kanyang pwesto. Nagiwas lang ito ng tingin at nagfocus sa paghehena.

"oh! Guys! Kain muna tayo! Jesthle.. Pre, tapusin mo muna yan tapos kumain na din ikaw." announce nya sa kagroup nya.

Nagkanya kanya sila sa pagkain na halata mong gutom na gutom na. "wow! Sarap naman nito!" sabi ni kuya james habang puno ng pagkain ang bibig. Lahat naman ay sumang ayon, may mga nagthumbs up pa habang nakain.

" pati yung juice  ayos! Tikman nyo!" panghihikayat  naman ni kuya jasper.

Natapos na sa paghehena sa jesthle ng tumayo ito at sumabay na din kumain sa mga ito. Nakita ko syang ngumiti habang nakain.. Yii!! Kita ko yun! Ang gwapo nya talaga pag nangiti.. Priceless!

Napansin nya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya pinanlakihan na naman ako ng mata nito at umirap sakin habang nainom ng juice. Hmp! Suplado talaga nito!

"oh! Wala ka na bang gagawin?" tanong ni kuya habang nakataas ang mga kilay. "meron pa po.. Tinitingnan ko lang ang reaksyon ninyo sa luto namin!" si kuya panira na naman!

"5 stars to! Hindi pala 10 stars!"sumenyas pa ito ng sampu habang nakangiti na sabi ni kuya harry.. " salamat po sa inyo! Order po ulit kayo ah?" sabi ko sa mga ito habang nakangiti din sakin. Makaalis na nga.. Si kuya dinedemonyo na naman!

"alis na po ako!" paalam ko sa mga ito. " hatid na kita!" sabi pa ni kuya harry na kinabigla ko.  "hahatid kita.. Kasi hinatid mo ako dito pati yung tray oh" ah kala ko naman kung ano na.

Maglalakad na paalis si kuya harry ng kinawit ni kuya ang isang braso nya sa leeg nito sabay sabing " san ka pupunta? Kaya na nya magisa!" sabi nito kay harry at hinigpitan pa nito ang pagkakakawit sa leeg."hehehe.. Hindi kana mabiro pare!" at dahan dahan nitong tinanggal ang braso ni kuya.

Habang si jesthle naman ay papalapit sakin at ibinigay sakin ang tray "umalis kana.. Kaya mo naman magisa diba?" sabi pa nito sakin na parang sinasabi na - umoo ka nalang at umalis look-  ganern!

Hmp! Bagay talaga magsama si kuya at jesthle!pagbuhulin ko kaya ang dalawang yun? Kaya bumalik ako ng naka busangot ang mukha.

"oh! Ang nguso mo.. Abot hanggang sahig!" sabi ni she sakin na natatawa. " badtrip kasi sina kuya at jesthle eh!" sabi ko dito na naiinis parin.

"teka! Maiba tayo.. Ano nga pala booth nila?" pang uusisa nito sakin. Kaya sinabi ko kung ano nakita ko kanina. "hala! Talaga?! Try natin magpa hena?" sabi pa sakin nito na kinikilig.

"eh pano? Nandon si kuya na kontrabida.." reklamo ko dito. "huwag ka magalala.. Tetyempuhan natin na wala ang kuya mo!" sabi nito na kinatuwa ko.. Kaya nag apir kami at tumawa na parang mga demonyo.

"anyare sa inyong dalawa?para kayong sinapian ah!" pansin samin nung dalawa na kadarating lang na may hawak na nakasupot.

" san kayo galing?" sa sobrang inis ko kanina di ko namalayan na wala pala ang dalawa. "bumili lang kami ng pananghalian natin para makakain na tayo habang konti palang tao sa booth natin" paliwanag ni deo habang pinupunasan ang lamesa na maliit habang si beks ay nilalatag ang blanket sa damuhan.

Kanina pa pala kaming di nakakaupo kasi naman nalimutan magdala ni bes ng upuan buti nalang may blanket na dala ito.

Para tuloy kaming nag pipicnic ang style namin ngayon. Ang saya naman kasi marami kaming benta hindi pa natatapos ang araw.

Read. Comment. Vote