webnovel

My Brother's Bestfriend

Are you ready to be thrilled? Are you ready to love? Are you ready to sacrifice? Are you ready to get hurt? If NO? Don't read this story it's your choice Then, If YES? Be ready to feel it and read NOW.

Hilarious10 · Teenager
Zu wenig Bewertungen
30 Chs

Chapter 11❤️?

*****

Sumapit ang araw nag sabado na parehas kami busy ni kuya pero magkaiba ng bahay. Si kuya sa bahay namin kasama ang mga tropa nya. Ako sa bahay nina she  habang nagpeprepare ng mga kailangan namin. Umuwi din kami ng maaga para makapagpahinga para magready kinabukasan ng tamang pagluluto.

"oh? San ka na naman pupunta?" harang ni kuya sakin habang kasama nito ang ibang tropa nya papasok ng bahay.

"ano ka ba kuya! Diba nasabi ko na sayo na tuturuan kami ng pagluluto ni manang ngayon." naiirita kong sabi kay kuya.

"wow! Magtitinda kayo ng pagkain sa monday?" tanong ng barkada ni kuya. " opo! Kaya samin na kayo bumili ng pang meryenda po ah?" sabi ko sa mga ito na nakangiti.

"oo ba! Sarapan nyo ah?" sabi nung cute na tropa ni kuya. Pero pansin ko lang wala ata si jesthle..simula pa kahapon na nagpunta dito samin. "oo naman po!" sabi ko dito ng nakangiti.

"agahan mo ang uwi ah? Bawal mag pagabi!" sabi ni kuya na lumampas na sakin papasok ng bahay kasunod ang mga kaibigan, pero bago pa ako makaalis ay bumulong yung cute na kaibigan sakin ni kuya ng "magiingat ka ah?" sabay kindat sakin. Ihhh!!!!! Grabe! Ang cute nya! Feeling ko namumula ako ngayon!

***beep**

***beep**

"hoy bes!" sigaw ni bes na natigil naman ang utak ko sa pagiisip ng kung ano ano. "tulala ka na naman dyan! Tara na! Susunduin pa natin ang dalawa!" oo nga pala kailangan namin na magmadali na.. Lechugas naman kasing tropa ni kuya eh! Kinilig ako bigla!

"grabe bes! Ang gagwapo ng kaibigan ni kuya mo yiiii!!!! Crush ko ang isa don!" habang kinikilig na ewan ito. "sino don?" tanong ko dito kasi isa lang ang cute na alam ko sa nga yun eh. "basta! Ituturo ko sayo pag nakita ko ulit sya!" sabi pa nito sakin. "add ko sya sa fb!" sabi pa nito.

"bes! May nagchat nga pala sakin…Hindi nagpakilala pero nung tiningnan ko ang profile ay naka private tapos spiderMan ang profile name" hays.. Naalala ko na naman yung kagabi kasi ang weird lang noh!

"talaga?! Baka secret admirer mo na yun?" kinikilig na sabi nito sakin. "haller! Ako? May secret admirer?" alam ko naman ang itsura ko noh! Unlike sa iba na pinagpipilitan nila na maganda sila kahit hindi naman!

"alam mo bes.. Wala yan minsan sa itsura! Sa ugali.. Tapos maganda ka naman ah! Hindi ka nga lang pala ayos!" tapos sinuri pa ako nito mula ulo hanggang paa.

"hey! Anong pinaguusapan nyo? Share nyo naman!" si bes na kakapasok lang ng kotse habang titingin tingin to sa side mirror. "kalurkey kayo! Masisira ata beauty ko.. Ang aga natin! Tapos ang init pa oh! Baka mangitim ako!" reklamo nito.. Yung driver natatawa na.

"magtigil ka nga!"sabay sabunot ni she sa buhok ni beks.

Habang nasa byahe kami para sunduin si deo ay may nilabas na pagkain si she na kinasaya naman namin. Tamang tama di pa ako nag aagahan. Saktong pagpasok ni deo ay nagbukas agad ito ng makakain  dahil mas masiba pa ito samin.

Pagdating sa bahay nina she ay nabungaran kaagad namin si tita ems at tito jes na nag gagardening sa bakuran nila.

"good morning po!" sabay sabay namin na bati sa mga magulang nito. "oh! Nandyan na pala kayo! Pumasok na kayo at may pinahanda ako na makakain at maiinom sa loob" nakangiting sabi ni tita ems.. Grabe! Ang bait talaga ng mga magulang ni bes! Manang mana talga sya sa mga ito. "ienjoy nyo activity nyo ngayon at kami ay mag gagardening muna" si tito jes na nagbubungkal ng lupa. Grabe! Sweet din nila!

"salamat po!" masayang sabi namin habang kami ay papasok na sa kanilang bahay. Mayaman sina she kasi parehas doctor ang magulang nito kaya hindi na ako magatataka kung ganto sila kayaman!

Nasa kusina na kami ngayon habang nakain ng meryenda… Oo Kanina pa kami nakain! Ganto talaga pag may kaibigan na mapera at mabait.. Hehehe…

"hello mga ate!" napalingon kami at nakita namin ang kapatid nito na bunso habang papunta kay deo

"para-paraan ka na naman bunso!"Sabay tawa ni she.. Ewan ba namin sa tuwing nandito si deo ay mahilig ito magpakarga. Kunsabagay mahilig naman ito sa bata.

"bunso alis ka muna ah? Maya na kayo play ni kuya deo kasi may gagawin pa kami" sabi nito habang tinatanggal sa pagkakakarga si trixie.

"Ayaw!" sabi nito at kapit na kapit ito sa leeg ni deo. Naku! Mag liligalig na naman ito tyak na! " baby trixie…Later we play okay? Bring all your toys tapos later laro na tayo" sabi ni deo dito kaya sumama na ito kay she.

"wow! Mukha kang anghel kanina!" pangaasar ni rica kay deo. "eh ikaw? Mukha kang demonyo ngayon!" natawa namin kay deo.

"ang harsh mo talaga sakin!" sabay irap nito kay deo. Dumating naman si she na may dalang apron. Wow! Ang kucute ng apron parang hand made. "Gawa ko yan para sa inyo!" sabi ni she habang nakangiti.

"grabe! Iba ka talaga! Talented!" sabi ko dito habang nagsusuot ng apron. Kulay baby ble ang apron ko, kay rica ay pink.. Feel na feel nya habang iikot ikot pa.. Si deo naman ay kulay gray at si she ay kulay yellow naman. Alam na alam nya talaga favorite coloes namin kaya nakakatouched!

"oh mga ineng at hijo.. Ready na ba kayo?"si manang pala na kakadating lang. "opo! Ready na po kami!" masayang sabi namin. "ang ganda nyo naman tingnan sa apron nyo.. Bagay na bagay!" ih! Napansin nya pala apron namin haha.. Ang ganda kasi ng kulay at pagkakagawa… Ang style nito ay pang anime na apron ganern!

Nilabas na namin ang pinamili namin kahapon na nilista mismo ni manang.. Ang inuna nya munang itinuro ay ang pag gagawa ng kwek-kwek kung bakit kulay orange pala ito ay gawa ng coloring food. Tinuro nito ang tamang pagtitimpa at kung pano idip ng tama para kumapit ang itlog sa kulay orange na cover nito.

Isa isa kaming pinagtry para kahit daw sino samin ay marunong. Lahat kami ay natutuwang natuto agad. " grabe! May talent pala lahat kayo sa pagluluto eh!" puri samin ni manang. " mamaya titikman natin yan pag may sauce na.. Ang sauce na ituturo ko sa inyo ay dalawang klase. Isang matamis na parang pang fishball style at isang maasim na ang gamit ay suka kasi depende sa tao kung ang gustong sauce ay matamis o maasim ang gusto nilang ipares sa kwek-kwek" paliwanag  pa nito.

Napaisip ako.. Oo nga noh! Ako kasi yung manamis namis ang gusto. Tapos si kuya naman ang gusto suka ang kapartner. Buti nalang marunong si manang!

After namin magluto ng kwek-kwek… Sauce naman ang niluto namin. Grabe! Ang dali lang pala nito kayang kaya namin basta magaling ang nagtuturo.

"ngayon kumuha kayo ng kwek-kwek, try nyo ngayon isawsaw sa sauce na unang ginawa natin." ang tinutukoy nya ay yung sauce na gusto ko yung manamisnamis. Kanya kanya kami ng kuha at sinawsaw na namin.

"grabe manang! Ang sarap po!" si beks na sarap na sarap. Gantong ganto ang sauce na pagkakagawa ni mang kanor eh! Yung binibilhan namin ni bes. Dalawa ang ginawa namin isang matamis at isang hindi.

"ngayon subukan nyo naman yung sukang tinimplahan natin" kumuha ulit kami at kinain namin. In fairness ang sarap pala mag gawa ng sauce ni manang, manamis namis na masim asim ang timpla nya.. Wow!

"manang.. Dito nalang po ako! Lagi nyo akong ipagluto nito!" si deo na nguyang nguya. "naku! Salamat naman at nagustuhan nyo!" masayang masaya na sabi ni manang samin.

"may kulang po.." lahat sila napatingin sakin "may kulang.. Yung panulak!" at nagtawanan naman ang mga ito sa sinabi ko.. "naku! Madali lang yan!" sabi ni manang at nagmadali ito na kumuha ng pitsel at pinakita nito kung pano itimpla ang iba't ibang juice. Napili namin ang nestea cucumber juice at  orange juice with pipino… napakasarap kasi ng lasa ng juice na binibilhan namin kaya ginaya namin.

"wow! Mukhang patapos na kayo ah!" sina tito at tita na nasa kusina na ngayon para icheck kami. "patapos na po kami ma, pa.. Try nyo po itong niluto namin" naghain si she para ipatikim.

"hindi talaga kayo nagkamali na magpaturo kay manang!"sabi ni tito habang may nguya-nguya na eh may hawak na agad itong kwek-kwek.

After namin itry ang juice ay inayos na din kaagad namin ang mga lagayan para paglalagyan ng sauce. Medyo madami na ang ginawa namin para may buffer kami pag naubusan. Buti nalang may mga lalagyan si bes.

Matapos namin ilagay ang sauce sa mga lalagyan ay inayos naman namin ang mga dadalhin bukas at inisa isa para wala kaming malimutan bukas.

"mga anak! Hali muna kayo kumain.. Tanghali na pala!"tawag samin ni tita. Napatingin naman kami sa relo ay 12:30 na pala.. Ibig sabihin matagal pala kaming nagprepare.

Naghugas kami ng mga kamay bago pumunta sa dining table nila. "wow! Parang may birthdayan ah!" si deo na parang luluwa na ang mata sa mga nakikitang masasarap na pagkain na nakahain.

"oh my G! Sorry tito tita.. My friend is so patay gutom.. Don't mind him" maarteng sabi ni beks.

"hahaha.. Aba! Okay lang yun! Minsan lang kayo bumisita dito noh!" sabi ni tito.

"arte mong bakla ka! Humanda ka sa akin mamaya!" bulong ni deo kay rica  at bigla naman kumapit sa braso ko si beks..

"look win! Deo is banta banta to me!" nagsusumbong na sabi nito sakin.. Napatawa naman kaming lahat sa reaksyon ni baklita!

Masaya kaming nag tanghalian kasama ang magulang ni bes ng may bumasag sa katahimikan namin kasi ang sasarap ng foods eh… Wala ng nagsasalita samin. "oh! May bisita pala tayo eh!" kuya ni she na kadarating lang.. I mean parang kagigising lang nito kasi gulo gulo pa ang buhok.

Lahat kami napaiwas ng tingin except kay baklita na tulo na ang laway. Shocks! Dudugo ang ilong namin sa ABS nito! Topless ba naman eh!

"grabe! Ang serep ng foods!" sabi ni beks..habang nakain eh nakatingin sa katawan ng kuya ni she. Hahaha bastos talaga to! Epic ang mukha eh!

"mahiya ka nga!" siniko ko ito kasi nakakahiya sa magulang nina bes eh.

"tsk! Get a shirt! May bisita taying mga dalaga dito ron!" sabi ng mama ni bes. " oo nga kuya!" si she na naiirita na.

"ah! Tito.. Tita.. Okay lang sakin kahit wag na.." nakatulala na sabi nito.

"naku tita, tito! Wag nyo po iting intindihin si ricardo!" sabi ni deo na naka smirk ngayon. Pinandilatan naman ito ng mata ni rica at nakatingin ulit sa abs ng kuya ni she.

Grabe! Manyak talaga ito!

umupo na ang kuya ni she na napansin namain na nakadamit na ito. "sorry guys! So… What happened? Why are you here?" tanong ni kuya ron.

Si kuya ron ay  4th yr college na sa school namin kaya bibihira lang namin ito makasamuha. Mabait ito at talagang gwapo! Kaya di na kami nagtataka kung isa sa sikat na babae sa campus namin ang girlfriend nito. Yung tipong beauty and brain  kaya sikat! Unlike sa iba na puro lang ganda at landi ang alam kaya sikat.

"foundation day na natin bukas kuya.. Kaya nagpeprepare kami ng mga gagamitin namin bukas. Nakatoka kasi kami sa mga pagkain." paliwanag ni she dito.

"ah oo nga pala! Nalimutan ko na foundation day!" sabi nito na tatango tango.

"wala ba kayong activity bukas?" ask ng dad nito.

"wala pong naka assign samin pero aattend po kami. Busy kasi kami sa thesis namin kaya siguro hindi na kami inassign for foundation day" explain nito.

Hirap siguro pag graduating.. Si kuya kasi madalas na puro projects na sila eh. Ano pa kaya pag college na diba?

After namin kumain ay nagpahinga kami. Nagkwentuhan at naglaro. Samantalang si deo ay busy sa kapatid ni she.  Nakakatuwa panoorin ang dalawa kasi close na close sila.. Wala kasing kapatid si deo kaya siguro ganito ito sa mga bata kabait.

Bago umuwi ay pinagmeryenda pa kami ng mga magulang ni she. Kaya napaka swerte namin sa family nito kasi napa supportive sa mga anak at sa mga kaibigan ng anak nito. Oh well! Si nanay naman ay ganon din sakin kaya hindi ako naiinggit.. Natutuwa lang ako kasi maswerte kami sa magulang namin.

Bago lumabas ng bahay nina she ay nakasalubong namin si kuya ron at ang gf nito kaya nagpaalam na din kami.

"grabe! Na broken hearted na naman ako!"emote ni bakla! Na paiyak iyak pa habang hawak ang dibdib.

"tumigil ka nga! Wala kang panama sa ganda ng girlfriend ni kuya ron noh!" si deo na asar na asar kay beks.

"tumigil ka nga! Kanina ka pa ah!" yan na naman… Pang away na naman ang dalawa.  Hanggang sa makarating kami sa bahay ay nagaasaran parun ang dalawa.

"alis na ako! Ingat kayo mga beshies!" sabi ko sa mga ito bago bumaba ng kotse.

"ahem! Baka naman gusto mo kami iinvite sa bahay nyo…" nagparinig si rica kaya napatingin ako sa bahay namin. Kaya naman pala! Nakita nya na mariming boylets sa bahay namin. Si bes  naman ay namumula ang mukha, habang si deo ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa bahay namin este sa mga tropa ng kuya ko.

"hays! Kayo talaga! Sige na nga.. Pero saglit lang ah?" sabi ko sa mga ito na iiling iling.

"talaga?!" si bakla na nagningning ang mata at nauna pa bumaba sakin.

Patay na! Ano na naman kayang kahayupan ang  gagawin nito samin? Tama kaya na ininvite ko pa ang mga ito?

Pagtapat namin sa harap ng bahay namin ay sabay saby na nagtinginan ang mga kaibigan ni kuya samin.

A/N: hope you'll like it guys! Thank you po😉😘

READ. VOTE. COMMENT