webnovel

Tunay Na Halaga

'Para syang bata! She's so cute!'

Sabi ng isip ni AJ habang pinagmamasdan nito ang reaction ni Eunice sa ipinagtapat nya.

Bawat parte ng mukha nito ay isa isa nyang pinagmamasdan hanggang sa makarating ang tingin nya sa mga labi nito.

Ang mga labi nitong rosy pink na kahit wala pang lipstick.

Tila nakaramdam ng init si AJ, napalunok ito, tapos ay bigla nyang hinalikan si Eunice ... sa lips.

Natulala si Eunice. Namilog ang mga mata.

Hindi makapag salita.

'Ano yun, bakit ganun?'

Hindi nya maintindihan ang parang kuryenteng biglang bumalot sa kanya.

Kahit si AJ nagulat din.

'Bakit hindi ko nagawang pigilan ang sarili ko?'

Inis na inis si AJ sa sarili.

"Uhmm, mabuti pa ihahatid na kita!"

Hindi sumagot si Eunice. Tulala pa rin ito.

Binuhay ni AJ ang makina at pinaandar na.

'Galit kaya sya?'

Kinakabahang tanong ni AJ sa sarili.

Muli syang nainis sa sarili.

"Coffee, sorry, nabigla lang ako! Galit ka ba?"

'Galit ba ako?'

Tanong ni Eunice sa sarili.

Hindi galit si Eunice, tila nabitin pa nga sya sa smack na yun.

'Hindi ako galit pero .... ganito ba ang dapat kong maramdaman?'

'Bakit smack lang?'

'Ganito rin kaya ang maramdaman ko kung french kiss yun?'

Hindi namamalayan ni Eunice na hinahawakan na pala nya ang kanyang labi.

'Mukhang hindi sya galit!'

Pero kinakabahan pa rin sya, wala pa rin kasing imik si Eunice.

Pinakiramdaman nya.

Matagal.

Maya maya.

"Hindi ako galit!"

"Huh?"

Nagulat si AJ ng bigla itong nagsalita pero malinaw sa kanya ang sinabi nito.

'Hindi sya galit! Hehe, thank you Lord!'

"Pero sana, Milky, huwag mong sasabihin ito kahit kanino! Ayaw kong makarating ito kay Jeremy!"

"Natatakot ka bang baka malaman nya?"

Tumango si Eunice.

Natatakot syang malaman ni Jeremy, baka pagbawalan sya nitong lumapit kay AJ.

"Masaya ka ba?"

Paano ba nya sasagutin si Milky kung nakita nya ito kaninang umiiyak.

"Milky, natural lang naman na may ups and down sa isang relationship!"

'Nagdadahilan sya pero hindi nya sinagot ang tanong ko!'

'Ganun ba nya kamahal si Jeremy?'

"Sana lang Coffee, alam ng Jeremy na yan ang tunay mong halaga!"

*****

Nakarating na kay Ames ang ginawang pagpunta ng Papa nya sa Hacienda Perdigoñez.

Si Garry Perdigoñez mismo ang tumawag sa kanya na ikinagulat nito.

"Sir Garry, pasensya na po, pasensya na po sa ginawa ng Papa ko!"

Hiyang hiya na sabi ni Ames.

"Iha, hindi ako galit pero aaminin kong hindi ko nagustuhan ang ginawa ng ama mong pagpunta dito at utusan ako! Hindi tama na makialam ako sa feelings ng iba kahit na sabihin pang kamaganak ko yan! Hindi ako diktador!"

Hindi alam ni Ames kung paano hihingi ng tawad kay Garry, sobrang hiyang hiya ito sa kabaliwan ng ama.

"Sorry po ulit Sir Garry, hiyang hiya po ako sa ginawang pangangambala ng Papa ko! At nagpapasalamat po ako sa inyo at itinawag nyo po ito agad sa akin! Nangangako po akong gagawin ko ang lahat para hindi na po ulitin ng Papa ang ganitong bagay!

Patawad po ulit, Sir Garry!"

Nakaramdam naman ng awa si Garry kay Ames. Wala namang kasing kasalanan ito at hindi naman sya katulad ng tatay nyang diktador.

"Sige Ames, ipapaubaya ko na sa'yo lahat ng ito! Hindi ko pa nasasabi kay Edmund ang ginawa ng Papa mo, ikaw ng bahalang magsabi sa kanya. Ayusin mo ang Papa mo Ames at baka hindi sya matantya ni Edmund!"

Napapikit si Ames sa isiping kailangan nyang kausapin si Edmund tungkol dito.

"Opo Sir Garry, ako na po ang magsasabi kay Edmund. Uuwi po ako agad ng Pinas para ayusin ito! Patawad po ulit at salamat po!"

Pagkatapos nilang magusap, bumili agad ng tiket si Ames pauwing Pilipinas.

Hindi na nya tinawagan ang kapatid sa inis nito.

'Bakit nila hinayaang mangyari ito, anong pinaggagawa nila?'

***

Sa Ospital.

Hindi pumayag ang mga duktor na pauwiin si Jeremy dahil sa muling paninikip ng dibdib nito.

Nagbibihis na si Jeremy, gusto na nyang umuwi.

"Pasensya na po, pero may heart failure ang pasyente, kailangan po nyang tapusin ang test at maobserbahan hanggang bukas!"

"Ito ba ang sinabi ni Eunice? Pasensya na pero nakakahiya na kasi kay Eunice!"

Sabi ni Elsa sa mga duktor na pumipigil kay Jeremy na umalis.

"Opo! Per ito rin po ang sinabi ni Dr. Fuentes!"

Napatigil si Jeremy sa pagbibihis.

"Si Dr. Beatriz Fuentes?"

"Opo Sir, ibinilin din po nya na pupunta sya dito mamaya para daw po check in ang status nyo!"

Muling tinanggal ni Jeremy ang suot na damit at isinuot muli ang hospital gown at muling nahiga.

'Anong pinaggagawa ng batang 'to, kanina ayaw papigil ngayon .... ?'

'Haaaissst!'

"Ano bang pinag gagawa mo, akala ko aalis na tayo?"

"Papa, Mama, mas makakabuti po na iwan nyo na lang muna ako dito. Tatapusin ko na po ang mga test! Umuwi na po kayo at isama nyo na rin po si Elaine!"