webnovel

Tantanan

Sa loob ng isang karaoke room sa isang arcade naroon si Mel at si Kate, nagdedate.

Sembreak kaya nasa San Miguel si Kate.

BLAG!

"Gosh! Can't you knock Cuz'?!"

Bulalas ni Kate sa biglaang pagpasok ng pinsan nyang si Eunice.

Naiistorbo nya ang mainit na pagpapalitan nila ng halik ni Mel.

Inis man si Kate dahil nabitin ito, natutuwa naman si Mel sa ginawa ng bestfriend nya dahil pakiramdam nya kanina mauubusan na sya ng oxygen.

'Jusko, sa tuwing gagawin namin 'to mas lalong nagiging wild si Kate MyLabs!'

Nasisisyahan man sya pero abot abot ang kaba nya pag nag aadvance ito.

"Sorry Ate Kate but something happened, katatawag lang ni Mommy, dinala sa ospital si Earl at Ian!"

Umiiyak na sabi ni Eunice.

"WHAT???!!!"

"Anong nangyari Sissy bakit sila dinala sa ospital?!"

"Nakita silang dalawang nakahandusay sa CR dun sa shower room ng boys, duguan at walang malay!"

"OMG!"

"Bakit nila gagawin sa kapatid mo at sa kapatid ko yun?"

"It's a warning!"

Sambit ni Kate

"Huh?"

"Mukhang meron kang nabulabog, Eunie!"

Paliwanag ni Kate.

"Kasalanan ko 'to! Kungdi ...."

Binatukan ni Kate si Euince.

"Stop blaming yourself! It's not your fault!"

Kahit na sabihin pa nilang walang kasalan si Eunice, hindi pa rin maalis ni Eunice sa isipan nya na sya ang dahilan sa nangyari kay Earl at kay Ian.

*****

Nagkaroon ng internal hemorrhage si Earl at Ian at kasalukuyang pa ring inooperahan.

"Sinong mga hayup na gumawa nito sa anak ko? Ang lakas ng loob nila!"

Galit na tanong ni Edmund.

"Walang witness.....I'm sorry Edmund!"

Malungkot na sagot ni Ames.

Sa galit ni Edmund pinasara nya ang buong San Miguel.

"Huwag kayong titigil hangga't hindi silang lahat nahuhuli!"

"LAHAT!"

Mas lalong nabulabog ang sindikatong kinabibilangan ng grupong yun lalo na ang mga ilang pulis na involve sa sindikatong yun

"Nalintikan na! Sinong nagsimula nito? Sinong may sabi sa inyong galawin nyo ang mga Perdigoñez at Saavedra?"

Tanong ng pinuno ng sindikato.

"Boss isa po sa dealer natin, si Jordan! Nabuko po kasi ang transaksyon niya at inutusan nyang ang mga tao nya na nasa loob ng school na gumanti!"

"Pwes ilantad nyo ang Jordan na yan pati na ang mga lintek na mga tauhan nya!"

"Pero boss, paano po kung ikanta tayo ni Jordan?"

"Edi siguraduhin mo na hindi sya kakanta! Wala akong pakialam kung may mangyari sa kanya basta mahinto lang itong ginagawa nila sa negosyo ko!"

"Pero boss may iba pa naman paraan. Pwede naman...."

"Hindi! Pag ginalaw natin si Jordan hindi nila tayo titigilan lahat! Pati ibang grupo nabubulabog na din at pag nalaman nilang sa atin ito nagmula, anong palagay mong mangyayari sa atin?!

Pag hindi lumabas yang si Jordan at ang mga inutusan nya, mauubos tayo lahat, masisira ang lahat! Hindi lang ang grupo natin pati ang sa iba!"

"Sinong may sabi sa bwisit na Jordan na yun na pakialaman nya ang dalawang pinaka makapangyarihan dito sa bansa?!"

Wala pang 24 oras lumantad na si Jordan at nahuli na rin ang mga gumulpi kila Earl at Ian pati na ang pulis na nag tip kay Jordan kaya sya nakatakas.

*****

Samantala.

Nalaman na ni Lemuel kung nasaan sila Jericho at ang pamilya nya. Kay Ames din nanggaling sa pamamagitan ni Philip ang assistant nya.

"Philip, ikaw na munang bahala kay Papang dahil hindi ako makaalis dito. Pakitawagan na rin ang kapatid ko, alam na nya ang gagawin!"

"Masusunod po Madam Ames!"

"Salamat, Philip!"

Pagkasabi ni Philip kay Lemuel agad itong nagdesisyon na puntahan ang pinagdalhang ospital kay Elsa.

"Emong, ihanda mo ang sasakyan at luluwas tayo ng Maynila!"

Pautos na sigaw ni Lemuel sa driver.

"Ngayon na po?!"

Tanong ni Emong.

"OO! Bilisan mo!"

"Pero Sir Lemuel, ang bilin po ni Madam Ames sa akin kung luluwas daw po kayo ng Maynila, mas makakabuting ipagpabukas nyo na lang. Baka makasama daw po sa inyo!"

"Wala akong pakialam sa sinasabi ng boss mo! Pagsinabi kong aalis ako, AALIS AKO! At walang makakapigil sa akin! Tabi dyan!"

Pasakay na sya ng sasakyan sa tulong ni Emong ng makita nila ang padating na kotse ni Jericho.

"Papang, andito na po ako."

Galit na nilapitan ni Lemuel ang anak.

PHAK! PHAK! PHAK!

Hinampas ni Lemuel ng ulo ng baston ang anak nya ng paulit ulit hanggang maubos ang lakas nito.

"Hayup ka walanghiya ka! Wala kang utang na loob! Ibinigay ko sa'yo ang lahat pati kompanya ko ibinigay ko sa'yo tapos ganito lang ang igaganti mo! Babaliwalain mo ako at lalayasan, bakit ha? dahil malakas na ang buto mo?!"

"Ibinigay? Simula pagkabata sinunod ko lahat ang gusto nyo at magpa hanggang ngayon kayo pa rin ang nagpapatakbo ng buhay ko at ng buong pamilya ko!

Kompanya? Kelan nyo binigay sa akin ang kompanya? Isa lang akong dummy dun, kayo pa rin ang nagpapatakbo nun!"

Walanghiya ka talaga! Wala kang utang na loob! Saan ka sa palagay mo pupulutin kung hindi dahil sa akin? May bahay ka at may pagkain kinakain dahil yun sa akin!"

"Pang hindi po dahil sa inyo, dahil kay Ate Ames! Bahay nya 'to at yung kompanya nyo, hindi yun magtatagumpay kundi dahil kay Ate Ames!"

"Aba't sasagot ka pa?!"

Muli nitong itinaas ang baston at akmang ihahampas ulit sa anak pero sa pagkakataong ito pinigilan sya ni Jericho.

"Oo na po, ako na ang masama! Pero mula ngayon hindi ko na hahayaang patakbuhin ninyo ang buhay ko at ng pamilya ko! Hindi ko na hahayaang na saktan nyo pa ulit ang pamilya ko!"

Tumalikod na ito para umalis.

"At saan ka sa palagay mo pupunta? Bumalik ka nga dito?!"

Pero tuloy pa rin si Jericho papuntang sasakyan nya.

"JERICHO! ANG SABI KO BUMALIK KA DITO!!!"

Huminto si Jericho.

Nangiti si Lemuel.

Pero....

Hindi lumingon si Jericho.

"Mula ngayon tantanan nyo na ako at ang pamilya ko, dahil mula ngayon ako na ang bahala sa pamilya ko!"

Binuksan nito ang kotse at umalis.

Nagpupuyos sa galit si Lemuel.

Hindi nya akalaing hindi sya susundin ng anak.