webnovel

Sukdulan

THUG! THUG! THUG! THUG!

"Hoy! Mga buseet na bubwit, palabasin nyo nga ako dito!"

Sigaw ng malakas ni Mon mula sa compartment pero hindi nila masyadong madinig.

Napapagod na sya sa kasisigaw pero hindi sya pinapansin ng mga naka sakay at ramdam din nya ang bilis ng takbo dahil panay ang yugyog nya sa loob at kung minsan ay nauuntog pa ang ulo nya.

Maya maya nakaramdam na si Mon ng suffocation kaya tumigil na sya sa kasisigaw dahil baka lalo syang maubusan ng lakas.

'Kailangan kong makagawa ng paraan para makalabas ako dito agad!'

"Mam Reah, hindi po ba makakalabas yung monster sa loob?"

Nagaalalang tanong ni Mel.

"Sir Mel, pakiusap po huwag nyo na po akong tawaging Mam! Nakakahiya po! Reah na lang po! Saka huwag po kayong magaalala, may nakasunod sa atin para umalalay!"

Sabay tingin sa likod.

Napansin din ito ni Kate.

"Siya ba ang bumaril kay Sir Mon kanina? Anong ginagawa nya dito?"

Paguusisa ni Kate.

Nakakaramdam sya ng inis sa tuwing nakikita si JR, naalala nya ang nangyari sa kanila ng Daddy nya.

"Ms. Kate huwag po kayong magaalala mabait yang si JR! Hindi po kayo pababayaan nyan may magutos man sa kanya o wala! Saka aminado syang nagsisisi na sya dahil hindi nya kayo naipagtanggol sa Daddy nya!"

Tumahimik si Kate, alam nyang wala syang magagawa kung patuloy syang babantayan ni JR.

"Ate Reah bakit po lagi kayong andyan para tumulong?"

Tanong ni Eunice.

"Yun po kasi ang trabaho ko Ms. Eunice, ang protektahan kayo!"

"Pwede bang wagka naman masyadong pormal Ate! Huwag mo naman kaming tawaging Miss at Sir nakakailang eh!"

Sabat ni Mel.

"Hahahaha!"

*****

Pagdating nila sa ospital, naroon na si Edmund, nakaabang na sa kanila.

Nagsalubong ang kilay nito ng makita ang anak nyang nakakandong kay Jeremy.

Sinalubong nito ang kotse na hindi pa humihinto at agad na binuksan ang pinto.

Kinarga nya si Eunice at patakbong nilusob sa loob ng ER.

Tinulungan ni Jeremy si Mel at Kate tapos ay humingi naman ng tulong si Reah sa mga medical staff para kay Yna.

Hindi maintindihan ni Ames ang mararamdaman nga makita ang sugatan nyang mga estudyante.

"Si Mon, asan si Mon?!"

Tanong nya sa kanila.

"Nasa trunk po Tita! May tama din po sya!"

"Hayaan nyo sya dun hangga't hindi dumarating ang mga pulis! Hmp!"

Napipikon nyang sabi.

Pero sa bandang huli ng medyo kumalma na ang kalooban nya ay humingi na rin sya ng tulong para magamot si Mon.

Samantala.

Sinusubukan naman ni Mon na makatakas pero nahihirapan sya dahil nakatali ang dalawang kamay nito sa likod at ang isang paa lang ang ginagamit nito para sipain ang pinto ng compartment dahil may tama ang isa.

30 minutes na sya dito pero parang nakalimutan na sya nila.

Nang biglang bumukas ito ng sipain nya ng malakas.

At sinubukan lumabas ng trunk para tumakas.

"Saan ka pupunta?"

Natigilan si Mon ng biglang may magtanong.

'Kung kelan nagpatihulog na ako para makalabas saka meron nagtatanong?'

'Ako ba ang kinakausap nito?'

Nagulat sya ng paglingon makita si JR na kanina pa pala sya pinanonood.

"Walanghiya ka! Kanina pa ako dito hindi nyo man lang ako tulungan na magamot!"

"Pasensya ka na, kasi andun pa yung mga nabiktima mo lalo na si Sir Edmund! Yung tatay ni Ms. Eunice!"

"Baka kung inilabas kita ng mas maaga malamang mapatay ka nun sa ginawa mo sa anak nya!"

"Tsk! tsk! tsk! Walang may gusto na mamatay ka agad, kailangan mo munang mabuhay ng matagal para pagbayaran ang mga kasalanan mo!"

Binitbit na nya ito at dinala patungong ER hindi alintanan kung nasasaktan ito.

"Kaya mo naman maglakad diba?"

"Sige lakad!"

Nakasalubong nila si Ames na kasama ang dalawang medical staff.

Pagkakita ni Ames Kay Mon, sinampal nya si ito ng makailang beses.

PAK! PAK! PAK!

"Anong dahilan mo at pati mga bata pinagbabaril mo?! Wala kang kasing sama!"

Nagkatinginan ang dalawang medical staff.

'Sya ang bumaril dun sa tatlong bata?'

'Bakit?!'

Nang hindi tumitigil si pagsampal si Ames, sinubukan na syang awatin ng mga medical staff.

Napahinahon din nila si Ames.

"May mga tao na sadyang masama pero ikaw, sukdulan ang kasamaan mo! Patong patong na ang kaso mo pero ang lakas pa rin ng loob mong gumawa ng panibago!"

Gigil na gigil na sabi ni Ames. Ngunit kinilabutan ito dahil imbis na pagsisihan nito ang ginawa nya napangisi pa ito sa kanya.

"Pano ko ba maipapaliwanag sa'yo in a way na maiintindihan mo?"

"Hmmm...."

"This is my definition of happiness!"

"HAHAHAHAHA!"