webnovel

Sa Presinto Sya Magpaliwanag

Lunes.

Simula ng bagong week para sa school.

Abala ang mga teacher sa faculty na maagang nagsi dating sa pakikipag kwentuhan at ang pinagkakaabalahan nilang topic ay ang tungkol sa School Website.

"Huy! Bakit hindi ko ma access ang School Website natin?"

"Ikaw din? Aysus akala ko ako lang!"

"Hindi lang kayo pati ako!"

"Teka bakit naman kaya tayo tinanggal sa School Website? Anong dahilan at ilan tayo?"

Sa papasok si Teacher Erica.

"Teacher Erica, may access ka ba sa School Website?"

"Huh? Bakit?"

Nalilito ito at halatang walang naintindihan sa topic nila.

"Saan ka ba nagpupunta at hindi mo alam ang mga nangyayari nitong weekends?"

Lumuwas ako, dinalaw ko ang Mother ko!"

"Every weekend ako umuuwi sa amin! Mahina na kasi sya at yun lang ang time ko na makasama sya at family ko!"

"Bakit ano bang nangyari nung weekend?"

"Ayan ang nangyari!"

Sabay turo sa screen ng phone na nagsasabing "access denied"

"Kahapon ko lang napansin yan! Akala ko ako lang madami pala tayo!"

"Bakit parang natutuwa ka pa at marami tayo?"

"Syempre, hindi ako nagiisa!"

"Pero sino sino tayo?"

"Tayo ba na hindi umattend ng meeting nung sabado? Ito ba ang punishment sa atin?"

"No I don't think so! Dahil isa ako sa umattend ng meeting pero hindi ko rin ma access ang Site!"

"Teka, pansin kong parang halos lahat ng nasa faculty hindi maka access! Ibig bang sabihin naka block ang buong faculty sa School Website?"

"Guys, guys, guys!"

(hingal)

"Ano ba yun! At bakit ka tumatakbo dyan?"

"(Hingal) Hindi lang pala tayo ang naka block pati ang buong admin!"

"....."

*****

Sa labas ng School.

Dumating si Orly ang dating Math Teacher na pinatalsik ni Nicole kamakailan lang at kasama nito ang mga alipores nyang kasama nyang nagplano at nagsagawa ng scheme tungkol sa kodigo.

Lima sila lahat kasama si Orly at hinarang sila ng security.

"Bakit? Anong ibig sabihin nito? Hindi nyo ba ako nakikilala? Teacher ako dito!"

Singahal nya sa bagong nakatalagang Security sa labas ng gate.

"Pasensya na Sir pero wala ang pangalan nyo dito sa listahan ng mga teacher! Hindi kayo pwedeng pumasok!"

Sagot ng bagong itinalagang security ni Nicole.

"Kayo namang apat ay naka taas pa rin ang suspensyon kaya pinagbabawalan din kayong pumasok!"

Nung Friday, nakapagsumbong na si Orly sa kinikilala nyang boss. Si Governor Pancho Abellardo. At isa lang ang sagot nito.

"Don't you worry, I'll take care of it!"

Yun ang huling paguusap nila and since that time, hindi na muling nagparamdam si Gob Pancho, laging out of coverage area ang phone nya.

Hindi naman ito napansin ni Orly dahil baka busy ito. Saka alam nyang pag sinabi nitong "He'll take care of it!" naniniwala syang "He'll take care of it" 100% sure na sure yun!

Kaya kampante syang pumasok ng school.

"Anong pinagsasabi nyo na wala dyan ang pangalan ko sa listahan ng teacher? Patingin nga!"

At iniabot naman ito ng Security.

"This is bullsh*t!"

Galit na sigaw ni Orly ng mabasa ang listahan saka pinunit ito.

"Walanghiyang babaeng yon, akala nya mapipigilan nya ako! Nagkakamali sya!"

"TARA!"

Utos nya sa mga alipores nya.

Hindi nila pinansin ang Security at dirediretso silang pumasok sa gate. Pero ang hindi nila alam may mga security rin sa pagpasok ng gate at hinarangan ang pagpasok nila.

"Sir, umalis na kayo ng mahinahon, pag hindi mapipilitan kaming ireklamo kayo ng trespassing!"

"Anong trespassing ang pinagsasabi mo?!"

"UMALIS NGA KAYO SA DARAANAN KO!"

Pero hindi natinag ang mga security na parang mga pader sa tikas ng tindig.

Lumaban si Orly, pinilit na tibagin ang mga nakaharang sa kanila pero sadyang malalakas sila at wala syang laban magisa.

Ang mga alipores nya kasing kasama ay nataranta at hindi alam ang gagawin.

Nang biglang bumukas ang gate! Nakita ni Orly na pumapasok si Nicole sakay ng kotseng minamaneho nya.

Huminto ito sa tapat ng Security.

"May problema ba?"

Tanong ni Nicole sa Security.

"Wala po Mam, may nagpupumilit lang pong pumasok!"

Sinilip nya kung sino ang tinutukoy ng Security.

"Huwag nyo ng aksayahin ang oras nyo sa mga ganyang tao! Pag makukit at pasaway, sa presinto nyo dalhin para dun sya magpaliwanag!"

Sabay alis nito.

Sa di kalayuan naman ay may isang sasakyan na kanina pa nakamasid sa mga dumarating at pumapasok sa gate.

Wala syang pakialam sa kaguluhang nangyayari sa gate kanina dahil naka focus lang ang mga tingin nya sa mga estudyanteng dumarating at sinusuyod nya ito ng tingin na tila may hinahanap.

Maya maya nagsalita ang kasama nya sa sasakyan.

"Sigurado ka ba na tama ang impormasyong natanggap mo?"

"Hindi ko alam pero wala naman masamang magbakasakali diba?"

At ng matanaw nya ang isang Grade 8 student na batang babae na bumababa sa kadarating pa lang na service van, napuno ng emosyon ang mga mata nya.

"Ayun! ....Sya na nga!

Hindi ako pwedeng magkamali siya ang anak ko!

Si Alicia!"