webnovel

Sa Kanya Mo Kunin

"Anong ibig sabihin nito, bakit nyo ako hinaharangan?!"

Galit na tanong ni Mr. Angheles sa dalawang pulis na humarang sa daraanan nya.

"I'm sorry Mr. Angheles pero pwede bang maupo muna kayo at may kailangan pa akong sabihin tungkol sa anak nyo!"

"Hindi! Wala na tayong dapat pagusapan!"

"Ang gusto ko ay makita ang anak ko!"

"Bakit nyo sya tinatago sa akin? Ako ang ama nya?!"

Naiirita na si Mr. Angheles. Naiinis sya pag hindi sya ang in control.

"Mr. Angheles, hindi po namin tinatago ang anak nyo! Kasalukuyan ho syang nasa clinic ngayon at kinakausap ng DSWD! Antayin ho muna natin silang matapos!"

Pagpapaliwanag ng maayos ni Ames.

Nakaramdam bigla ng kaba si Mr. Angheles.

'Bakit may DSWD?'

"Pero .... hindi ko pinahihintulutan ang ginagawa nyo! Hindi ba dapat lang na dapat may kasamang magulang ang bata pag kinakausap nila?!"

"Yes, tama kayo! Lahat ng bata dito na kinausap nila ay kasama ang magulang nila!

Katunayan, ng kausapin ang anak nyong si Alicia ng DSWD kanina, kasama nila ang asawa nyo na stepmother ng bata!"

Nagulat si Mr. Angheles.

'Paano nya nalaman na stepmother sya ni Alicia?'

'Walang nakakaalam ng tungkol sa ina ni Alicia kahit si Alicia.'

Kay Teacher Erica nalaman ni Ames na stepmother nya ang asawa ng Daddy nya. At nalaman naman ito ni Teacher Erica mula kay Eunice.

Dati kasi silang close ni Alicia at nabanggit nya ito sa kanya.

Ibig sabihin, walang kamalay malay si Mr Angheles na matagal ng alam ng anak nya na iba ang nanay nito.

Limang taon lang si Alicia ng kunin sya ng Daddy nya at iwan nila ang Mommy nya.

Napatingin si Mr. Angheles sa asawa nya.

Kanina pa nya ito napansing alumpihit na parang may ginawang kasalanan.

"Mr. Angheles, kanina ng kausapin nila si Alicia at ang stepmom nito, may napansin kasi ang DSWD na signs ng abusive behavior ang bata. Kaya inihiwalay sya sa kanya!"

"So anong ibig mong palabasin, inaabuso namin ang anak ko? At sinong may sabi sa inyo na stepmother sya ng anak ko?"

"Sya ang asawa ko kaya natural lang na sya ang nanay ng anak ko!"

"Mabuti pa ay maghintay muna kayo para makausap kayo ng DSWD!"

"Paano kung ayaw kong makipagusap? Karapatan ko yun diba?"

"Tama po, karapatan ninyo. At karapatan din namin alagaan ang bawat estudyante ng school na ito kasama na ang anak ninyo!"

Napipikon na si Mr. Angheles. Gusto na nyang umalis dito kasama si ang anak nya.

"Anak ko si Alicia, kaya kung gusto kong iuwi sya wala kayong magagawa!"

"At mula ngayon, hindi na papasok sa bwisit na skwelahan na ito ang anak ko!"

"At babawiin ko na rin ang mga dinonate ko dito!"

Napataas ang kilay ni Ames.

'Anong pinagsasabi nitong dinonate nya?'

"Excuse me Mr. Angheles, pero anong ibig mong sabihin sa dinonate?"

Napangisi si Mr. Angheles.

'Pagdating talaga sa pera nagiiba ang tono ng isang tao!'

'Hmm! Takot lang nitong kunin ko ang donation ko!'

"Bakit Ms. Ames hindi mo ba alam na ako ang pinaka mataas magbigay ng donation dito sa school?!"

"Huh!"

"Well, ang totoo nyan Mr. Angheles, hindi ko alam na nangailangan pala ng donation ang school na ito!"

"Malaki kasi ang pondo namin ng partner ko dito at kung sakaling mangailangan kami ng pera pwede naman kaming manghingi sa main branch ng school!"

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba Ms. Ames! Kung malaki ang pondo nyo, bakit kailangan nyo ng sponsor?"

"At kanino mo naman nadinig na kailangan namin ng sponsor?"

"Kanino pa e di kay Principal Dennis!"

"Buwan buwan akong nagaabot sa kanya ng pera simula pa noong isang taon, dahil nangangailangan daw ang school ng sponsor!"

"Pwes, kung sa kanya ka nag abot ng donation, sa kanya mo rin kunin?"

*****

Nalaman ni Eunice ang nangyari sa school lalo na kay Alicia kaya agad syang nagtungo sa Daddy nya kasalukuyang nasa study room.

"Dad, pwede po ba akong humingi ng help?"

Sa mata ni Eunice, super hero ang Daddy nya. Kaya nitong gawin ano man ang hilingin nya.

"Depende, tungkol ba saan?"

Sagot ni Edmund.

"Tungkol po kay Alicia! Gusto kong magkita sila ng tunay nyang Mommy!"

"Diba si Alicia ang isa sa nambubully sa'yo! Bakit gusto mong hanapin ang Mommy nya?"

"Para may kakampi na sya, at para may ha hug na sa kanya pag umuulan at may thunder ang lightning!"