webnovel

Nakikinuod Lang

"Kalimutan?!"

Sir Principal, nagpapatawa ba kayo?"

"Kung senyo kaya nangyari ang nangyari sa akin, masasabi nyo pa kaya ang salitang kalimutan?!"

Natahimik ang principal. Aminado syang baka maginit din ang ulo nya pag sa kanya nabuhos ang mabaho at madikit na likidong iyon.

Pero ma pride ang principal. Hindi ito basta basta magpapatalo sa isang estudyante lang. Kahit sya pa ang number one student ng school.

"At anong gusto mo Jeremy, na dapat ko din maranasan ang nangyari sayo ganuon ba?"

Syempre hindi iyon ang ibig sabihin ni Jeremy pero nagkaroon sya ng ideya sa sinabi ng principal.

"Magandang suggestion yan Sir Principal!"

Nakangiting sabi nito.

"Abat....!"

'Napipikon na ako sa batang ito!'

"Ehem!"

"Tama na yan Jeremy!"

Boses yun ni Nicole, sinusuway sya.

Napalingon si Jeremy.

"Sorry po Tita!"

At tumahimik na ito at tumabi.

"Meron lang akong hindi maintindihan kaya gusto ko sanang magtanong Mr. Principal!"

Pagsisimula ni Nicole.

Naiirita man ang principal sa babaeng ito, natutuwa na din sya at nagawa nyang suwayin si Jeremy.

'Sinusunod sya ni Jeremy. Baka sakaling magamit ko sya para pasunurin si Jeremy na patawarin na ang mga batang ito!'

"Ano ba yun, Ms. Nicole? Ano bang gusto mong malaman o bagay na hindi maintindihan?"

"Gusto ko lang malaman kung bakit umiiyak itong anak ko? At bakit sya binubully ng mga estudyante sa school?"

"I'm sorry Ms. Nicole, pero sinong may sabi ng binubully ang anak nyo?"

"Ang pagkaka intindi ko sa nangyari ay nagiinisan lang ang mga bata!"

Pagpapaliwanag ng principal.

Sabay tingin nito kay Teacher Erica para warningan ito.

Gustong mag react ni Teacher Erica sa sinabi ng principal pero nakita nya ang pasimpleng tingin ni Nicole sa kanya kaya hindi na lang ito kumibo.

Hindi sya natatakot sa principal, sa mga tingin ni Nicole sya takot.

"Mr. Principal, kahapon umuwi ang anak ko na sirang sira ang bike nya! Yupi ang dalawang gulong at putol ang manibela! Bagong bili ng Daddy nya ang bike na iyon, regalo sa kanya ng pasko!"

"May sumira nito kaya binitbit nya ito pauwi! Pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit hirap na hirap na ang anak ko sa pagdadala ng bike nya, imbis na maawa ay iniinis pa at binabato ng mga estudyante nyo habang naglalakad sya!"

Walang alam ang principal sa nangyari kay Eunice kahapon kaya kaya nagulat ito.

"Uhm... Ms. Nicole, paano nyo naman nasiguro na estudyante nga namin ang may gawa nun? Malay nyo nagdadahilan lang ang anak nyo sa nangyari!"

"Baka gumagawa lang sya ng kwento na binubully sya para hindi nyo sya mapagalitan!"

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Jeremy sasabat na sana ito pero naunahan sya ni Nicole.

"Pero... hindi naman ang anak ko ang nagsabi sa akin ng nangyari sa kanya kahapon!"

"Sino namang sira ulong magsasabi sa inyo nyan? Natitiyak kong wala na sa katinuan ang taong iyon kaya basta basta na lang gumagawa ng kwento!"

"Ako!"

Napatingin ang lahat kay Jeremy.

Hindi na napigilan ni Nicole na sumagot si Jeremy.

Sa totoo lang, hindi naman sya ang nagsabi sa kanya kundi ang asawa nyang si Edmund. Pero hindi na sya nagulat ng magsalita si Jeremy, kanina pa ito napipikon sa pagiging bias ng principal.

"Pakiulit ang sinabi mo, Jeremy!"

"Ang sabi ko, ako yung sira ulo at wala sa katinuan na tinutukoy nyo!"

"Kahapon ng pauwi ako, nakita ko si Eunice na binubully ng Grade 9 students!"

"Sigurado ka ba? Baka naman isa ka pa sa gumagawa ng kwento?"

"Oo sigurado ako, dahil huminto ako at tinulungan si Eunice sa dala nya. Ako din ang naghatid kay Eunice sa bahay nila!"

"At kung gusto nyo pa ng ebidensya para maniwala kayo, hihingi ako ng tulong sa Lolo ko para makakuha ng surveillance video kahapon!"

'Walanghiyang batang ito kanina pa ako pinapahiya!' Hmp!'

"Ms. Nicole, kahapon kasi... nung performance ni Eunice sa singing contest...."

"Napanood ko na ang performance ng anak ko sa video!"

"Napanuod nyo na pala bakit nagtataka ka pa?"

Sarkastikong sabi nito.

"Anong ibig nyong sabihin Mr. Principal?"

"Hindi nyo pa ba naintindihan Ms. Nicole, na kaya sya nabubully ay dahil sa ginawa at sinabi nya sa stage kahapon!"

Nagiinit na ang ulo ni Nicole, nakikita na ito sa dalawang tenga nyang namumula.

"Ang ibig nyo bang sabihin Mr. Principal, na dapat lang nilang ibully ang anak ko dahil sa ginawa nya kahapon?"

"Ano pa bang ini expect nyo Ms. Nicole! Natural lang na mag react ang mga bata kapag hindi nila gusto ang nakikita nila!"

"Pero Mr. Principal, ano naman ang karapatan nilang mag react una: hindi naman para sa kanila ang ginawa at sinabi ni Eunice kung hindi para kay Jeremy! Pangalawa: Hindi naman nag re react si Jeremy sa ginawa ng anak ko, kaya anong karapatan nilang mag react e nakikinuod lang sila!"