Nagngingitngit naman sa galit si Miles ng ilabas sya ng mga security.
Nakakahiya!
Pinagtitinginan sya ng mga tao.
"Ano ba? Bakit ba kailangan nyong gawin sa akin ito? Nasasaktan ako!"
Mangiyak ngiyak na sabi ni Miles na akala mo totoong nasaktan sya. Puno ng hinagpis ang makikita sa mukha nito.
Andami ng tao na nakikiusyoso at pinagbubulungan na sya.
"Ano kayang nagawa ng babaeng yan bakit sya binitbit palabas?"
"Baka magnanakaw yan?"
"Baka manloloko at nahuli sa akto?"
May mga kumukuha na ng pictures at videos.
'Hindi maari ito!'
Kailangan nyang linisin ang tingin ng mga nasa paligid sa kanya.
"Mamang security, bakit nyo ba ako kailangan pinahihiya ng ganito? Wala naman akong ginawa masama sa inyo ah! Ang tanging gusto ko lang ay puntahan ang uncle ko! Huhuhu!"
Umiiyak na sabi nya sa mga security.
Pero hindi sya pinansin ng mga ito at tumalikod na lang.
"Wala kayong respeto sa babae! Wala kayong puso! Huhuhu! Maayos akong nakipagusap sa inyo pero ayaw ninyo akong pagbigyan! Huhuhu!"
Masama talaga ang loob ni Miles dahil wala syang nagawa para makapasok tapos ipinahiya pa sya.
Pero iniwan na sya ng tuluyan ng mga security, hindi inintindi ang sintemyento nya.
"Kawawa naman sya, gusto lang pala nyang makita ang uncle nya!"
"Bakit hindi na lang nya tawagan ang uncle nya para sa iba na lang sila magkita?"
"Oonga nakakaawa tuloy sya. Pero ano bang magagawa nya kung ayaw syang papasukin? Mahigpit talaga ang security dyan sa NicEd!"
"Pero kahit na mahigpit, sana man lang gawin nila ng maayos ang pagpapaalis, respeto naman sa mga babae!"
"Oonga! Porket malalaki ang katawan, hindi man lang naawa dun sa pobreng babae. Parang mga walang ina kung tratuhin nila ang mga babae!"
Galit na ang mga nasa paligid.
Pero si Miles, nagkukunwaring umiiyak pa rin. Tinakpan ang mukha para hindi makita ang mga ngisi nyang kanina pa nya pinipigilan.
Nuon pa man alam na nyang may kakayahan syang magmanipula ng tao kaya nga kaya nyang baligtarin ang mga pangyayari at sya ang lalabas na biktima.
'Kailangan ko lang mag feeling victim at inaapi ng mga security para kaawan ako ng mga tao!'
At nagtagumpay sya.
Nung araw ding yun nag viral ang video nya at maraming nakapanood ang naawa sa kanya.
Sa isang drama nyang yun nagawa nyang sirain ang magandang reputasyon ng NiceEd Corp.
*****
Samantala.
"Miss? Miss! Pasensya na, pero hindi po pwedeng pumasok sa office ni Sir Edmund!"
Sabi ni Janice.
Hinarang nya si Ms. Suarez na dirediretso sa pintuan ng office ni Edmund.
Sya muna ang pansamantalang inilagay sa pwesto ni Edmund kapalit ni Mina, ito ang ni request ni Eunice.
Wala syang tiwala sa mga babaeng umaaligid sa tatay nya.
"Bakit hindi ako pwedeng pumasok? May appointment ako sa kanya at inaantay na nya ako!"
Mataray na sabi ni Ms. Suarez sa kanya.
"Sorry Miss, pero wala po akong alam na ka meeting ni Sir Edmund ngayong oras na ito at kabilin bilinan ni Sir Dave na huwag akong magpapasok ng kahit na sino."
"Anong wala? Asan ba si Ms. Mina yung secretary ni Edmund, bakit ikaw ang narito?"
"Wala po si Ms. Mina nasa bakasyon po at ako po ang pumalit sa kanya pansamantala!"
"Pwes, tingnan mo ang record nya. Sya mismo ang nagpabalik sa akin ngayon!"
"Miss pasensya na po pero wala pong ibinilin si Ms. Mina sa akin na darating kayo. Ano po bang pangalan nyo?"
"Bakit hindi mo kilala kung sino ako? Anong klaseng secretary ka ba ipinalit kay Mina? Hindi ka pwedeng maging secretary ng CEO, bakit ikaw ang inilagay dito?"
"Pasensya na po Mam, pero gaya nga ng sinabi ko, temporary lang po ako dito at hindi rin po ako manghuhula!"
"Hmp! Hindi ka lang tatanga tanga may pagka bastos ka rin! Tumabi ka dyan at ipaparating ko kay Edmund ang ugali mong ito at sisiguraduhin kong mawawalan ka ng trabaho! Tabi!"
Inis na sabi ni Ms. Suarez.
"Pasensya na po Mam pero hindi ko po kayo mapapayagang pumasok. Kaya mas mabuti pong umalis na kayo at kumuha muna ng appointment!"
Umuusok na sa galit si Ms. Suarez.
'Pesteng ito, ang hirap paalisin!'
Biglang bumukas ang elevator at bumungad si AJ.
"Janice nandyan ba si Sir Edmund?"
Tanong ni AJ
Ipinatawag sya ni Edmund tungkol sa nangyari kanina kay Miles.
"Sir AJ kayo po pala! Kanina pa po kayo inaantay ni Sir Edmund!"
Nakakita ng magandang pagkakataon si Ms. Suarez.
'Pagpasok nya, sasabay ako!'
"Uhm, excuse me! I'm Geraldine Suarez!"
Iniabot nya ang kamay nya kay AJ para makipagkilala.
"Hi!"
Simpleng sagot nito pero hindi nakipag kamay.
Hindi nya maintindihan pero somewhere in his mind may nagsasabing huwag ko syang makikipag kamay kundi ikakapahamak nya.
"Janice pwede na ba akong pumasok?"
"Yes po Sir AJ, pasok po na po kayo."
Napahiya naman si Ms. Suarez sa hindi pakikipagkamay ni AJ pero bg makita nitong binuksan nya ang pinto, agad na sumunod ito.
"Teka, teka po Mam, hindi ko pa po kayo pinapapasok!"
Nasa loob na ng office ni Edmund ang kalahati ng katawan ni Ms. Suarez pero hinawakan ni Janice ang bewang nito para pigilan sya.
"Ano ba? Let me go!"
"Hindi po pupwede, wala po kayong appointment!"
Narinig ng mga nasa loob ang ingay nila at parehong napatingin si Edmund, Dave at ang kararating lang na si AJ.
Pinanonood nila kung papaano pigilan ni Janice si Ms. Suarez at wala silang planong pigilan ito.
'Grabe ang liit nya pero ang lakas nya!'
"Edmund, Edmund! Please help!"
"Sir Dave, wala po syang appointment! Di po ba kabilin bilinan ninyo na huwag akong magpapasok pag walang appointment?"
Gustong sabihin ni Dave na, 'good girl!' pero pinigilan nya ang sarili nya at nag enjoy na lang panoorin sila.
After a few minutes.
"Ehem!"
"Uhm Janice, sige na ako ng bahala!"
Sabi ni Dave.
"Ms. Suarez may importante kaming pinaguusapan dito and this is a company matter kaya pasensya!"
Paliwanag ni Dave
"Hindi ikaw ang pinunta ko dito, Mr. Dave!"
Inis na sagot ni Ms. Suarez
Napaurong si Dave sabay tingin kay Edmund na nasa lamesa at nakatuon ang mga mata sa mga dokumentong hawak.
Walang pakialam sa dumating.
Inayos ni Ms. Suarez ang sarili nya at lumapit sa mesa ni Edmund.
"Edmund, darling .... "
Kinilabutan si Edmund.