"Mapait yan, hindi mo ba lalagyan ng asukal?"
Tanong ni Bea kay Eunice ng makitang hindi man lang nilagyan nito ng asukal ang kape, gatas lang ang nilagay.
Naiinis ito kaya may pagka sarkastiko ang tanong nya.
"Nope, I don't need sugar, nasa harap ko na kayo eh!"
Sarkastikong sagot din ni Eunice na hindi pa rin sila tinitingnan kahit isang sulyap lang.
"Siguro, kaya hindi ka makatingin dyan dahil inggit na inggit ka na sa amin noh? O, baka naman nagngingitngit ka na sa selos dyan dahil sa ako ang pinakasalan ni Bebe Jeremy ko at super sweet namin diba?"
Dumikit pa si Bea at super sweet na hinalikan si Jeremy sa leeg at sa tenga nito para lalong inggitin si Eunice.
Pero kahit anong gawin nilang pagpapa sweet hindi man lang sila dinapuan ng tingin ni Eunice, deadma talaga na parang hindi sila nag eexist.
"Eunice, may mga bagay talaga na kailangan na nating tanggapin at i let go! Kaya kung ako sa'yo, tanggapin mo na, na hindi IKAW ang gusto ko kung hindi si Bea! See how happy we are with each other!"
Sabi ni Jeremy na nilakasan pa na parang sinasadyang sabihin ito kay Eunice para kumbinsihin ito na totong sweet sila.
Pero iba ang dating sa tenga ni Eunice.
'Sino bang kinukumbinsi nila ako o SARILI NILA?'
'Haaay, waste of time! Wala akong panahon sa mga kulang sa pansin! Super busy me! Kailangan kong matapos na ito ginagawa kong project ngayon at ayaw kong maabutan ng deadline na!'
At muli itong bumalik sa pagkakatutok sa ginagawa nya sa laptop.
Natuwa naman ang dalawa sa pananahimik ni Eunice dahil akala nila effective ang ginawa nilang pangiinis.
Sayang naman ang effort nilang dalawa kung hindi nila nagawang inisin si Eunice.
Simula kasi ng magsama sila, wala na silang ginawang magasawa kung hindi mag bangayan.
Lumaking spoiled si Jeremy at kahit na bumukod sila ng pamilya nya, hindi pa rin nawawala ang nakaugalian nito sa bahay, hindi ito sanay sa gawaing bahay, bagay na parati nilang pinagtatalunan dalawa ni Bea.
Kasi naman sya na ang nagtatrabaho pagdating sa bahay, sya pa rin.
Hindi man aminin ni Bea, halatang hindi ito masaya ngayon sa buhay may asawa, kahit na paunti unti namang nag eeffort naman si Jeremy pero parang kulang pa rin.
Maya maya isa isa ng dumarating ang mga inorder nila at sa sobrang dami ay naglagay pa ng isa pang table.
Tuwang tuwa naman ang dalawa ng makita ang mga inorder nila.
"Hindi mo ba itatanong kung para saan ang celebration na 'to?"
Tanong ni Bea.
Wala pa ring sagot si Eunice, para tuloy silang walang kausap.
Nanggigigil na sa inis si Bea.
Lintek na babaeng to, kanina pa! Para kaming nakikipagusap sa hangin, nakakapikon!'
Muli sana itong magsasalita pero dumating si AJ.
"Coffee!"
Sabay lapit kay Eunice at hinalikan ito sa noo.
"Andyan ka na pala, Milky!"
Tumigil ito sa ginagawa at buong ngiting binati si AJ.
"Pasensya na kung na late ako, may dinaanan pa kasi ako!"
Sabay abot ng mga bulaklak kay Eunice.
"Thanks!"
Buong ngiti nitong sabi na sinamyo samyo pa ang mga tulip na binili ni AJ para sa kanya.
"Halika na, tama na yan! Tumayo ka na dyan at late na tayo sa meeting! Inaantay na nila tayo!"
"Nasa taas na ba sila?"
Iniligpit na ni Eunice ang mga gamit nya tapos ay kinuha naman ni AJ sa kanya.
"Oo, kanina pa tayo inaantay na dalawa, kaya tayó na dyan, please!"
Inalalayan ni AJ na tumayo si Eunice at saka magka hawak ang kamay na umakyat sa itaas kung saan naroon ang private room.
At naiwan ang dalawa sa mesa.
Wala silang nagawa kung hindi sundan ng tingin ang dalawa.
Nakaramdam ng inggit si Bea ng makita kung gaano ka sweet ang dalawa.
'Sino yung guy? Bakit ba napakaswerte ni Eunice sa lahat ng bagay?'
Tiningnan nya ang asawang si Jeremy na tila nagpupuyos sa inis ng makita ang reaction ni Eunice ng dumating si AJ.
'Hindi pa nya ako tiningnan ng ganun ni Eunice!'
'Pati yung mga bulaklak, sobrang ngiti nya ng tanggapin ito!'
'Binibigyan ko rin naman sya ng bulaklak nuon ah! Bakit hindi nya na appreciate ang effort ko gaya ng ginagawa ni AJ?'
Ang hindi alam ni Jeremy, napipilitan lang si Eunice na tanggapin ang mga roses na binibigay nito. Hindi kasi gusto ni Eunice ang rose lalo na ang red.
Tulip ang favorite flowers ni Eunice kaya sya nangingiti sa tuwing binibigyan sya ni AJ nito.
"Bakit tila affected ka sa dalawa?"
Tanong ni Bea kay Jeremy.
"Bebe Bea ko, hindi ba sweet din naman ako? Saka pogi din naman ako ah!"
Tanong ni Jeremy. Nakakaramdam kasi sya ng insecurity ng makita ang dalawa.
"So, anong pinagpuputok ng butse mo dyan? Huwag mong sabihing nagseselos ka sa dalawa?"
"Hindi naman sa ganun! Kaya lang nag effort din naman ako sa panunuyo kay Eunice pero bakit pakiramdam ko mas naappreciate nya ang effort nung si AJ kesa sa akin!"
"Kasi po, ginagawa mo lahat ng iyon sa utos ng Lolo mo! Ibig sabihin hindi mo kusang ginawa yun, inutusan ka lang kaya huwag ka ng magtaka at magdrama dyan!
Besides, hindi naman tanga si Eunice para hindi maramdaman na napipilitan ka lang!"
Habang tumatagal paulit ulit na tinatanong ni Bea sa sarili: 'Tama bang pinakasalan ko ang lalaking ito?'
At habang tumatagal mas lalo nyang nararamdaman na mali ang naging desisyon nya pero hindi nya maintindihan ang sarili bakit patuloy pa rin syan pinakikisamahan ito.
'Lintek na lalaking ito, hindi man lang inisip ang nararamdaman ko sa tanong nya!'
Hurt sya.