webnovel

Examination Day 2

Ikalawang araw ng exams at si Teacher Gabby pa din ang nagbabantay sa star section ng Grade 8.

Habang binabantayan ang mga bata, hindi nya maiwasan ang hindi maisip ang narinig nya kahapon.

Matagal na syang may ganitong naririnig na usap usapan na may mga teacher na gumagawa ng hindi maganda sa mga exams results at kumokontrol sa mga grades results ng estudyante, lalo na pag may kinaiinisan sila at pag hindi marunong sumunod at sumasagot sagot sa kanila.

Pero dahil baguhan pa lang si Teacher Gabby, hindi ito nakikialam. Ayaw nyang mapaginitan.

'Sino kaya ang estudyante na tinutukoy nila? Kawawa naman!'

Gaya ng dati, si Eunice ulit ang unang naka tapos. Hindi na sya nagtanong at hinayaan na lang na lumabas ang bata at mag stay sa corridor.

Pero na curious sya. Math ang exam nila ngayon at ito ang huling exam nila for today pero natapos nya ito ng 15 minutes lang.

15 MINUTES!!!

Math teacher sya kaya hindi nya mapigilan na tingnan ang sagot ng bata.

May 25 questions, ang questionnaire at lahat iyon ay nasagutan ni Eunice.

Medyo mahirap ang mga questions lalo na ang word problems.

Aminado syang kahit sya, hindi nya magagawang matapos iyon ng ganun kabilis.

Pero hindi lang sagot ang nakalagay sa answer sheet ni Eunice, pati solution!

Napansin ni Louie at Zandro si Sir Gabby na nakabuka ang bibig sa pagka mangha sa test paper ni Eunice.

"Sir, okey lang po kayo?"

At nakita ni Louie ang mga sagot ni Eunice.

"Naman! Ang dami kong mali!"

Agad na isinara ni Teacher Gabby ang answer sheet ni Eunice.

"Tapos na ba kayo boys?"

"Yes Sir!"

"May tatanong ako sa inyo, anong average ni Eunice sa Math?"

"Sir, sya po ang best in Math namin! Wala pong makakatalo sa kanya!"

"Yes Sir, wala pa pong tanong sa Math na hindi nya nasagutan!"

"At minsan nga po may mga solution sya na hindi namin alam kung saan nya pinagkukuha at hindi pa naituturo ng teacher!"

"Kaya kung tatanungin nyo ang average nya sa amin, 100% po!"

"Wow! I think she's a genius!"

"Yan din po ang iniisip namin!"

"Pero madalas, hindi tinatanggap ni Teacher Orly ang mga solutions nya kahit tama ang sagot nya!"

"Huh? Bakit?"

"Kasi po gusto ni Sir Orly yung solution lang na tinuro nya ang dapat naming gamitin at pag hindi wrong na agad kahit tama ang sagot!"

"You mean.... hindi nya kayo hinahayaan mag explore na ibang possible solution sa problem?"

"Opo Sir! Sayang nga po e ang galing pa naman ng mga solution ni Eunice, mas mabilis at mas madali kesa sa binibigay ni Sir Orly!"

"Shhhhh! Quiet naman please! May mga nag eexam pa dito!"

Suway ng mga kaklase nila.

Dahil sa last exam na nila ng araw na iyon at tapos na naman sila, pinapunta na lang nya sa canteen ang tatlo.

Maya maya ay may dumating na teacher at kinausap si Teacher Gabby.

"Teacher Gabby, gusto kang makausap ni Teacher Orly! May nakalimutan daw syang sabihin sa'yo!"

"Ngayon na ba? Pwede bang mamaya ng konti, hindi pa kasi tapos mag exam ang mga bata, hindi ko sila pwedeng iwan!"

"Puntahan mo na at nagmamadali sya! Ako na lang muna ang magbabantay sa class na ito! Libre na naman ako e! Sige na 15 minutes na lang naman mag bell na!"

"Pero yung mga exams papers?"

"Huwag kang magaalala, hindi ko gagalawin! Aantayin kitang bumalik!"

"Okey sige, salamat!"

At umalis na ito at nagtungo sa faculty.

"Sir Orly, pinapatawag daw po ninyo ako?"

"Haaay mabuti at nandito ka na! Kanina pa kita inaantay! Paalis na kasi ako dahil may emergency sa bahay!"

"Gusto ko lang sabihin na ikaw na ang magtago ng mga exams papers ng mga estudyante ko sa Star section ng Grade 8 at hindi ko na maantay yan! Sige na aalis na ako!"

Nagmamadali na itong umalis na hindi na nagantay ng sagot.

Napakamot sa ulo si Teacher Gabby.

"Yun lang pala ang sasabihin nya sa akin pinapunta pa ako dito! Bakit hindi na lang nya ako chinat? Alam naman nya ang account ko!"

At bumalik na ito sa pwesto nya, sa mga batang binabantayan nya na walang kamay malay na nagamit sya at naging parte sa isang malaking scheme na magaganap!