webnovel

Ang Singsing Ni Lola

Pabalik na si Jeremy sa bahay nila. Masaya itong nagmamaneho pauwi ng may matanggap syang tawag.

Nakaramdam ng inis si Jeremy ng makita kung sino ang tumatawag.

Pero, wala syang magawa kundi sagutin ito.

"Hello Jeremy, magkita tayo!"

Pagkasabi ng pakay, agad na ibinaba ng nasa kabilang linya ang telepono.

Napabuntung hininga na lang si Jeremy at inis na inis na nag u turn.

Sa isang hotel sya nagtungo. Hindi masyadong kilala ang hotel na ito na nasa gitnang Maynila.

"Oh, Jeremy, mabuti at nariyan ka na! Halika maupo ka at saluhan mo ako!"

"Lolo, me lakad po kami ng pamilya at hinahanap na po nila ako kaya sabihin nyo na po ang pakay nyo!"

Huminto si Lemuel sa kanyang ginagawa at hinarap si Jeremy.

"Naglakbay ako mula San Miguel hanggang dito para lang makita kita tapos hindi mo man lang ako sasamahan kahit sandali lang?"

"Lolo, ano po ba talagang kailangan nyo? Sabihin nyo na po! Ilang beses na po akong tinawagan nila Papa at inaantay na po nila ako!"

"Pwes magantay sila! Maupo ka na at saluhan mo ako!"

Napikon na si Jeremy. Hindi ito na upo bagkus, tumalikod ito at aalis ng ...

"Saan ka pupunta Jeremy? Sinabi ko na bang umalis ka?"

Tumuloy ito sa paglakad.

"Gusto mo bang mawalan na naman ng customer ang Papa mo?"

Napatigil si Jeremy.

Naalala nya nung isang taon na walang kliyente ang Papa nya ni isa, hirap na hirap sila nun. Tapos nalaman nya na kaya pala walang dumarating na customer ang Papa nya ay kagagawan pala ng Lolo nya, hinaharang nito ang mga customer ng Papa nya.

Ayaw na nyang maulit ang mga panahong iyon.

Bumalik sya sa mesa at napilitang maupo.

"Magaling, susunod ka rin pala gusto mo tinatakot ka pa!

Tandaan mo ito Jeremy, hindi mo ko makakayang suwayin dahil hindi mo magugustuhan kung ano ang kaya kong gawin pag sinuway mo ako! Naintindihan mo ba Jeremy?"

"Opo Lolo!"

Tahimik itong naupo at kumain. Kahit hindi nya gustong kumain ay wala syang magawa dahil nilalagyan sya ng Lolo nya sa pinggan nya.

"Ang tanging nais ko lang naman ay makasama ko ang paborito kong apo sa pasko!"

Gustong masuka ni Jeremy sa sinabi ng Lolo nya.

'Apo? Kelan nya ko itinuring na apo? Andito lang itong matandang ito dahil may iuutos na naman!'

"Lolo, tama na po, busog na ako!"

Inawat ni Jeremy ang muling paglalagay nito ng pagkain.

"Ano na ang status ng ipinagagawa ko sa'yo? Kamusta na kayo ni Eunice?"

"Okey naman po! Magkasama po kami kanina pero hindi po kami nagtagal dahil kailangan nya pong magpunta ng ospital. Nilusob po kasi si General!"

"Hmmm, ganun ba? Kaya ka siguro walang ganang kumain dahil nakakain ka na kanina! Hehe!"

Pabirong sabi ni Lemuel.

'Pffft! Hindi ba nya alam na sya ang dahilan kaya hindi ako makakain?'

"Pero, alam na po ni Sir Edmund ang relasyon namin at kinukulit ako ni Eunice na kausapin ang Daddy nya!"

"Huwag mong intindihin si Edmund. Ang mahalaga ay mapasayo si Eunice!"

"Pero Lolo kinukulit po ako ni Eunice! Hindi po titigil yun hangga't hindi ko nakakausap ang Daddy nya!"

"Akong bahala kay Edmund, mag focus ka kung paano mo susuyuin ng husto si Eunice! Kapag kinulit ka nya ulit magdahilan ka!"

May kinuha ito sa bag at saka iniabot kay Jeremy.

"Ano po ito Lolo?"

"Buksan mo?"

"Huh?"

Nagulat si Jeremy sa laman ng kahon. Isang diamond ring.

"A-Ano pong ibig sabihin nito Lolo? Bakit nyo po ako binibigyan ng singsing?"

"Sa Lola mo yang singsing na yan, ibinigay sa kanya ng ama nya! Kunin mo yan at ibigay mo kay Eunice!"

"Po?!"

Nagulat si Jeremy, nagtataka. Bakit nya kailangan bigyan ng singsing si Eunice?

'Eto talagang apo ko, matalino ba talaga ito? Bakit ang hina ng ulo? Kailangan ko pa bang iexplain ang gusto kong mangyari?'

'Ang sarap batukan!'

"Sabi ko, kunin mo yan at ayain mo ng magpakasal si Eunice!"

Nanlaki ang mga mata ni Jeremy sa ipinagagawa ng Lolo nya.

Nabitawan nya ang singsing sa sobrang kaba.

"Ano bang problema mo? Nasa edad ka na para magpakasal!"

"Pero hindi pa po ako tapos magaral! Wala pa po akong matinong trabaho, puro part time lang po!"

"Hindi mo naman sya kaagad pakakasalan eh! Next year graduate ka na! ready ka ng magpakasal! Saka huwag mong intindihing maghanap ng trabaho dahil ikaw na ang gagawin kong presidente ng kumpanya ko at duon kayo titira sa bahay kasama ko!"

"Pero Lolo 19 lang si Eunice at nagaaral pa sya!"

"Ngayon 19 sya pero pagkagraduate mo 20 na sya, pwede na kayong magpakasal!"

"Paano po ang pagaaral nya?"

"Bakit ba ang dami mong iniisip dyan? Babae si Eunice, ang mga babae ay dapat nasa bahay lang nagaasikaso at nagaalaga ng pamilya nya!"