Kinabukasan, pumasok na ako sa trabaho. At tulad kahapon, sinubukan ko uling daanan muna siya 'don sa opisina niya pag-pasok ko, pero hindi ko na naman siya doon nakita.
Wala akong natanggap na tawag mula sa kanya o text hanggang ngayon. Pati sa trabaho ay hindi manlang siya nag-padala ng mensahe o letter.
Ewan ko ba, simula pa kahapon, nung malaman ko kay ate Cecil 'yong pag-punta niya sa States, parang nakaramdam ako sa puso ko ng lungkot. Halos iniisip ko kung anong nang nangyari sa kanya, at kung kailan siya babalik dito sa maynila. Hindi ako mapakali sa kaiisip sa kanya.
Hays. Na-aaning na ata ako. Jusko! Ganito ba kapag inlove? Grabe, sa ganda kong 'to, nainlove pa sa halimaw na 'yon. Ugh!
Katulad pa rin ng dati, inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga dokumento. Iniisa-isa ko i-check ng mabuti ang lahat ng paperworks at may natatanggap rin akong letter at tawag para sa mga appointments niya na naka-schedule sa mga susunod na mga araw.
Tumigil muna ako sandali ng maisipan kong kunin yung cellphone ko at tignan kung nag-text ba siya o tumawag. Pero wala akong natanggap. Napa-sad face ako.
Hays. Bakit ba bigla nalang akong naging. ganito? Saka ano naman kung bigla siyang umalis papuntang states? Wala naman akong halaga para sa kanya. Saka alam kong palagi ko namang siyang pinapa-asa na mainlove rin sa kanya. Pero eto na nga ngayon, inlove na sa kanya.
Sandali, napa-tigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko na parang tumutunog yung cellphone ko.
Sinubukan kong kunin iyon sa loob ng bag ko. Nang makuha ko na 'yon doon ay nasulyapan kong may unknown number ang nag-flash sa screen at tumatawag sa akin.
Napa-ngiti ako. Hindi na ako nag-atubiling sagutin iyon dahil baka siya na nga yung tumatawag.
"Hello? Logan?" masaya kong sabi. Ilang segundo ang nag-daan at wala akong narinig na boses mula sa kabilang linya.
"Marsha.." para akong naistatwa ng malaman kong hindi boses iyon ni Logan. Nalungkot ako sandali ng malaman kong hindi siya iyon.
"It's me, Steven. I'm sorry if I make you disrupted.." malamlam niyang sabi. Inayos ko ang sarili ko ng sinagot ko siya sa tawag.
"Hindi, ayos lang. Pasensiya na kung inakala kong si Logan ka ha. Akala ko kasi siya na yung tumawag.." nabuhayan naman ako kahit papano dahil si Steven pala 'yon. Sinimulan ko uling tapusin yung trabaho ko habang kausap siya sa cellphone.
"Siya nga pala, paano mo nalaman yung number ko?" taka kong sabi. Bago kasi ang number at cellphone ko, dahil nga dun sa nangyari na nahablot 'yung dati kong cellphone.
"Your sister give it to me when I went to your home last day. She said that you went somewhere so she decided to give me your number, so I may call you." naka-uwang pa ng bahagya ang aking labi nang mapa-kinggan ko 'yon mula sa kanya.
"Ahh.." tanging sambit ko.Pero sandali, napa-isip naman ako.
Bakit wala man lang sinabi sa akin si Dwayne? Pinag-tangis ko ang ngipin ko. Ilang segundo ang lumipas at wala naman ni-isang nag-salita sa amin.
"Siya nga pala, Steven. Pasensiya na pala 'don sa nangyari nitong nakaraang-araw. Pasensiya na rin 'don sa ginawa ni Logan.." Bumuntong-hininga ako. "Saka kung hindi pala kita nasipot sa dinner natin. Sorry Steven.." biglang pumasok sa isip ko. Sa isip-isip ko tuloy, ang dami ko na tuloy kaso sa kanya, naawa tuloy ako sa kanya dahil hindi ko siya sinipot at dahil rin sa mga hindi magandang mga nangyari nitong mga nakaraang-araw. Hays.
"It's okay. I understand." kung siguro nakikita ko siya ngayon, malamang nakangiti siya.
"By the way, are you available this night? Can I have a dinner with you?" lumiwanag ang mukha ko ng sambitin niya iyon. Kaagad naman akong tumugon sa sinabi niya.
"A-ahh, oo." maliwanag kong sambit, narinig ko naman ang marahan niyang pagtawa.
"I can't wait to see your beautiful face, Marsha. I'm hoping na matuloy na ang dinner natin.." napatawa nalang ako ng marahan sa sinabi niya. Ganon ba talaga ako ka-ganda para sa kanya? Hays.
"Anyway, I have some paper works to do. Thank you for your time.."
"Ahh, salamat rin sa'yo.." masaya kong sabi.
"So, bye?" dinilaan ko ang aking labi.
"A-ahh, okay, bye.." pagkasabi ko niyon ay pinatay ko na yung tawag. Ibinalik ko na sa loob ng bag ko yung cellphone ko at saka ako naka-ngiting pinag-patuloy yung ginagawa ko.
Ewan ko ba. Parang nawala sandali yung alalalahanin ko kay Logan. Hays, buti nalang at nandiyan si Steven para pigilan ako sa ka-abnormalan ko. Baka 'pag hindi naagapan, lumala pa. Jusme.
--
Matapos mag-text si Steven kung anong oras kami mag-didiner at kung anong oras niya ako susunduin, wala pa sa alas-otso ay, mabilis ko nang tinapos yung trabaho ko kanina. At pagkatapos ay kaagad na akong umuwi ng bahay.
Inayos ko ang sarili ko matapos kong makapag-bihis ng susuotin ko. Speaking dito, naka-suot ako ng simpleng plain na blue dress na hanggang tuhod, at sandals na one inch.
Hindi na ako masyadong mag-lagay nang kung anong kolorete sa mukha dahil maganda naman ako, sakto na yung light lang at tamang lagay ng powder.
"Oh ate, mukhang may lakad ha?" sumalubong sa akin si Dwayne na kararating lang. Hindi na ako mag-tataka kung malamang saang lupalop na naman siguro siya iginala ni Troy.
Nag-text kasi sa akin kanina si Troy, at nag-paalam siya sa'kin na ilalabas daw niya si Dwayne. At pinayagan ko siya. Nakakatuwa lang rin kay Troy dahil mabait at may pagka-malambing siya sa'kin. At halatang mahal talaga niya si Dwayne. Hays.
Balik kay Dwayne, napansin ko kasing naka-suot siya ng damit na rolled collar neckline at draped na palda.
"Ahh, oo. Niyaya kasi ako ni Steven na mag-dinner kami.." aniya ko. Napatango naman siya sa sinabi ko, sabay humakbang siya papunta sa sopa. Pero bago 'yon ay binuksan muna niya ang tv at saka siya humilata doon.
"Ingat ate kay Steven, este mag-iingat ka. Baka pati ikaw nakawin na rin diyan ng magnanakaw.." pagkasabi niya 'non ay bigla siyang tumawa ng nakaka-loko. Lalapitan ko sana siya para batukan sana siya kaso lang, napansin kong parang may kotseng tumigil sa harap, at mukhang si Steven na ata iyon.
"Dwayne, ikaw muna bahala dito. Babalik kagad ako." sambit ko sabay humakbang na ako papunta sa pintuan.
"Ahh, isusumbong kiabcdefgkakkah.." mukhang may sinabi pa ata si Dwayne pero hindi ko na 'yon masyadong narinig dahil naka-labas na ako ng bahay.
Binuksan ko ang gate at bumungad naman sa akin si Steven na naka-suot ng black formal suit at pants, na bumagay naman sa kanyang guwapong itsura. At masasabi ko na araw-araw naman ata ay guwapo siya.
"You look gorgeous tonight, Marsha.." napa-yuko ako sandali, sumilay naman ang bahagyang ngiti sa aking labi.
"S-salamat, Steven.." pagdaka'y tumigin ako sa kanya, at nasilayan ko uli ang kabuuan ng kanyang guwapong mukha ngayon ng malapitan.
Hays. Bakit ba ang guwapo niya? Ugh! Ang bango pa niya.
Maghulos-dili, Marsha! Hindi 'to panahon ng tag-landi. Mag-didiner lang kayo, hindi siya pumunta sa bahay niyo para ligawan ka. Jusme.
Alam ko naman 'yon eh, saka si Logan parin yung inaalala ko. At sa kanya ako inlove.
"So, let's go?" sa pag-iisip ko ay hindi ko na alintana si Steven sa harap ko. Tumango nalang ako kahit na hindi ko lubos naintindihan yung sinabi niya.
Hays, sa susunod ilulugar ko na talaga yung araw na pwede akong mag-isip ng buong araw, para naman hindi ako mag-mukhang ewan sa harap ni Steven.
"Can I?" inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at napa-tingin ako doon. Ibinigay ko ang kamay ko at ngayon ko lang uling nahawakan ang matigas niyang kamay.
Inalalayan niya akong maka-pasok sa loob ng kotse niya, at saka niya ako binitawan sa kamay ko nang maka-sakay na ako sa loob.
Pero sandali, habang naka-hawak siya sa kamay ko kanina, naalala ko bigla si Logan. Nakaramdam nan ako sandali nang lungkotsa aking puso.
Ewan ko ba, pero parang hinahanap ko siya, parang na-mimiss kong makasama siya, tulad rin ng sitwasyon na 'to na magkasama rin kami.
Hindi ko napansin na naka-sakay na pala siya sa loob nang pinatakbo na niya yung sasakyan. Inayos ko ang lukot ko nang mukha ngayon at itinuon ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana.