webnovel

My Amazing Girl

Dale17 · realistisch
Zu wenig Bewertungen
23 Chs

CHAPTER 23 - THE TRUTH

Dedicated to: RjdivineAgustin & AngelJoyGonzales5

Keira POV:

Nakaupo si Keira habang nahihilo na sya sa kakatingin sa kanyang kasintahan na walang ginawa kundi magpabalik balik maglakad habang hinihintay ang paglabas ng doctor.

Simula ng tumawag ang 'mom' nito ay agad nilang binagtas ang address ng hospital na binigay sa kanila. Ngunit pagdating naman nila dito ay wala ang sinasabing 'mom' at umuwe lang saglit sa bahay ng ama nito para lang magpalit ng damit at pagkatapos ay babalik din ito.

"Mahal, upo ka muna. Wala namang mangyayare kung magpapanic ka po. Halika muna dito." Agad itong napatingin sa kanya at kitang kita nya ang halo halong emosyon sa mukha nito. Naroon ang takot, pag-aalala, kaba at iba iba pa na di nya mapangalanan. Agad naman itong tumalima sa sinabi nya at umupo sa kanyang tabi.

"Mahal, what if---" nanginginig ang mga labi nitong nagsasalita maging ang kamay at paa nito kaya agad nyang pinigilan sa pamamagitan ng paghawak nya sa kamay nito.

"Sshhh... keep calm love. Im here. Dont worry, walang mangyayare kay tito." At yumakap ito sa kanya ng mahigpit habang sya naman ay naghahaplos sa likuran nito.

"Thank you Love. I can't handle it without you." Mas lalo pang humigpit ito sa yakap. Nanlaki naman ang mata nya ng makita na tumatakbo papunta sa kanilang banda si Savin. Humiwalay sya sa yakap at bumulong sa kanyang nobyo kung may usapan ba sila ni Savin. Naramdaman nyang nanigas ito sa pamamagitan ng paghawak nito sa dalawa nyang braso. Saglit din ay huminga ito ng malalim at muling yumakap sa kanya hindi para humingi ng suporta kundi ay pakiusapan syang bumili muna ng kanilang makakain.

"Love, ako na ang bahala dito. Punta ka na lang muna sa cafeteria and buy some foods. Baka nagugutom ka na." Pabulong nitong saad. Hindi man sya nagugutom ay agad din syang tumalima dahil nararamdaman nyang may mahalagang paguusapan ang dalawa. Hindi man nya alam ngayon pero sasabihin din naman ito ng kanyang kasintahan sa tamang panahon.

Naiwan nya ang dalawa at gusto man nyang makinig sa paguusapan ng dalawa ay bumaba na lamang sya para bumili ng kanilang makakain. Nirerespeto nya ang kanyang nobyo kaya sinunod na lang nya ito.

Sa cafeteria ay agad syang nakabili ng dalawang cups ng noodles. Kumain na sya at nagpalagay na rin sya ng mainit na tubig sa cups para naman sa kanyang nobyo. Matapos syang kumaij at itatapon na sana ang cups sa kanyang pinagkainan ay nabangga nya ang isang ginang. Agad syang tumalima at humingi ng pasensya.

"Sorry maam, i didn't see you coming!" Paghingi nya ng tawad.

"No its okey. Im on a hurry lang kasi kaya ako ang dapat mag-sorry! Im so-" napatigil ito ng makita ang kanyang mukha. Bahagyang lumaki ang mata nito at giniya sya sa upuan.

"You are Marie?" Napakunot noo sya. Yes. Marie Keira ang name nya. Kaya hindi nya maconfirm sa ginang na nasa kanyang harapan kung tama ba ito ng pagkakilala sa kanya.

"Sorry. You are called Keira right? Marie lang kasi yung lagi kong tawag sayo nung bata ka pa." Napanganga sya sa sinabi nito. Dahil kahit anung ungkat nya sa nakaraan hindi na nya ito matandaan.

"Yeah. Hindi mo na nga ako matatandaan pero ako yung kasa kasama mo nung bata ka pa at lagi kang dinadala sakin ng mother mo kapag may work sya na gagawin. You and Dale are getting well kaya nga napagkasunduan ka namin ng mama mo na gawin kang fiancee ng anak ko." Derederecho lang nitong saad.

"Wait! Di ko po kayo maintindihan pede nyo po ba ielaborate yung sinabi nyo." Naguguluhan nyang pagtanggap sa pagconfess nito.

"I am Helena Lagdameo, I am the mother of Dale James Lagdameo. And ako rin ang nagmessage at tumawag sa kanya kanina para ipaalam ang nangyare sa kanyang ama. Bestfriend ako ng mother mo and pasensya ka na anak at medyo magulo ang nakaraan. Iniwan ko ang ama ni Dale dahil nalaman kong may anak sya sa ibang babae. And nagbalik lang ako para sa anak ko dahil hindi ko na kayang itago ang katotohanan." Huminga ito ng malalim at damang-dama ang sakit sa bawat pagsabi nito ng katotohanan.

Hinawakan nya ang ang kamay nito bilang pagbibigay nya ng suporta rito.

"So it means Dale is my fiancee? Tama po ba?" May bahagya ng kagalakan sa kanyang nalaman. Ngunit may mga tanung pa rin sya na hindi nya mabuo sa kanyang isipan.

"Yes. But his half brother is doing something against Dale and his dad. Gusto nyang kunin ka bilang kapalit sa ilang taong pagpapabaya ng asawa ko sa kanya bilang ama. At iyon ang pinagtalunan naming dalawa ng asawa ko kaya humantong sa ganito ang lahat." Humahagulhol na ito at tinatakpan ang buong mukha ng palad nito.

"Dale and I are in a healthy relationship. And hindi man ako maging fiancee ni Dale sya pa rin ang pipiliin ko. Its my choice and its my decision whom I want to be for the rest of my life. Sino po ba ang half brother niya? Kilala ko po ba?" Paninigurado nya sa ginang na nasa harapan nya.

"Last time I check, bodyguard na sya sa company. And His name is Savin." Saad nito na ikinabigla nya.

"What????" Nagulantang sya sa narinig.

"Savin is here. He is with Dale. Tayo na po at baka may hindi po magandang mangyare sa kanilang dalawa" agad syang tumayo at hinawakan ang ginang upang tunguhin ang room na pinag-iwanan nya sa dalawa.

Sakto namang pag akyat nila ay narinig nya ang pagsigaw ng kanyang kasintahan.

"No, Keira is Mine. Hinding hindi ko sya ibibigay sayo. Not now not ever!" Sigaw nito.

"If hindi mo sya ibibigay sakin then magkita na lang tayo sa impyerno! At nagbunot ito ng baril at tinutok sa kanyang nobyo." Napasigaw sya at sabay na naglingunan ang dalawa sa kanyang banda.

"Nooooooo!"

Sabay ng kanyang pagsigaw ay ang paghinto ng mga bagay sa kanyang paligid. Hindi nya inaasahan na sa oras na ito ay magagamit nyang muli ang matagal na nyang itinagong kapangyarihan. Hindi niya hinihiling pero kusang dumarating.

Napansin nyang napaluhod ang kanyang kasintahan sa harapan ng may nakatutok na baril mula sa kapatid nito. Ang bala ay nasa labas ng baril.

Agad syang tumakbo patungo sa kinaroroonan nito. Inalis nya ang bala at itinapon sa kung saan. Hinawakan nya ang kamay ng kanyang nobyo at madali nyang itinakbo ito palayo sa mga ito, palayo sa kaguluhan at palayo sa mga bagay na makakapagpasakit dito. Hindi ito nagsasalita at nakikidaloy lang ito sa kung saan nya ito dadalhin. Hanggang sa umabot sila sa parking lot. Binuksan nya ang kanilang sasakyan at ipinasok ito sa passenger seat at sya naman sa driver seat.

Binuksan nya ang makina at agad na umalis sa lugar na iyon. Malayo layo na ang kanilang tinatahak at alam nyang bumalik na rin sa normal ang lahat. Doon lang nagsalita ang kanyang kasintahan.

"Pi-piliin mo ba ako?" Itinabi nya ang sasakyan at hinarap ang nakayukong kasintahan.

"Alam ko na ang lahat Dale. Alam ko na si Savin ang half brother mo. At gusto nya akong kunin mula sayo kapalit ng ilang taon na pagpapabaya ng ama mo sa kanya. And What I said to your mom is sincere. Hinding hindi kita ipagpapalit. Masaya ako na malaman na ako pala ang fiancee mo. And kahit hindi ako ang fiancee mo ikaw pa rin ang pipiliin ko. And Im happy na marinig mula sayo na hindi mo ako ibibigay sa kanya that I am yours. Love. I am all yours." Lumiwanag ang mukha nito at naawa sya dahil nakita nya ang mukha nito na basang basa ng luha ang mata at pawis ang noo nito.

Niyakap sya nito ng mahigpit.

"Thank you love. Ilove you. Ilove you. Akin ka lang. At walang makakaagaw sayo kahit ang kapatid ko pa. But we need to fix this. We need to know if okey lang si daddy and Hindi ko pa nakikita si mommy." Yumakap din sya ng mahigpit dito at hinaplos haplos ang likuran nito.

"I love you too, Dale, and this what I've learned. Your mommy told me na iniwan nya ang father mo dahil nalaman nyang may anak ito sa labas. I know hindi ako ang dapat magsabi nito but you need to know the truth. Hindi dahil ang mommy mo ang may ibang kinakasama. Hindi ka iniwan ng mommy mo. And you know what. Matagal na pala tayong magkakilala." Saad niya habang hinahaplos ang buhok nito.

Napahiwalay ito sa pagkakayakap na nakakunot ng noo dahil sa hindi naintindihan ang sinabi at ngumiti lamang sya rito.

"Your mother and my mother are bestfriend. At lagi raw tayong naglalaro sa house nyo ng bata pa tayo." Pagconfirm nya rito.

"Pero bakit wala tayong picture ng magkasama." Pagtataka nito.

"Yun ang hindi ko alam. Well hindi ko pa alam talaga ang buong kwento." Napailing na lang ito.

"Well what matters to me is the present. And you are here with me!"

Masaya nyang niyakap ang kanyang nobyo. Mahigpit na mahigpit.

At nang maglalapat na ang kanilang labi ay agad na tumunog ang phone nito.

Napatingin ito sa kanya at sinaad na ang tawag ay galing sa mommy nito.

"Its mom!"

"Go get it. Baka urgent kaya tumatawag."

At sinagot nito ang phone. And he let it in a loudspeaker mode.

"Dale, my son. Sa-savin, when you left he-he run up to the rooftop a-and please come here. I don't know what to do." Nangangatal nitong saad. Sa takot at kaba dahil sa pangyayare.

"We're coming. Stay right there mom. Please calm down!" At pinatay na nito ang kabilang linya.

Nanlaki ang mata nilang dalawa sa narinig. Its Savin and he is committing suicide. Kaya agad nyang pinaandar ang sasakyan pabalik sa hospital. Sana maabutan pa nila itong buhay. Sana magamit nya pa ang powers nya for this situation. Sana hindi pa huli ang lahat.

Pagdating nila sa hospital. Nakita nya ang nakatayong bulto sa taas ng building ng hospital. Napapikit sya at agad na isinaisip na sana huminto ang oras ngunit mabilis ang pangyayare at napasigaw sya ng agad itong tumalon mula sa rooftop ng hospital.

"Nooooo!"

Nakapikit sya kaya hindi na nya nakita ang nangyare. Naramdaman nya ang pagkalabit sa kanya ni Dale. Nang lingunin nya ito ay nakangiti ito.

"We will save Savin!" Nangangatig syang napatingin sa taas at nakahinto lamang ito. Hindi dapat sya lumayo sa pinangyarihan dahil baka gumalaw ang oras at matuluyan ito.

Agad na tumakbo si Dale upang maghanap ng pedeng makapagligtas sa kanyaang kapatid. Mabuti na lamang at malapit ito sa isang room. Ngunit kailangan nito ng taong tutulong para buhatin ang kapatid. Panalangin na lamang nya na sana tumagal ang paghinto ng oras at mailigtas ang kapatid nito.

Nasa ikalawang palapag palang sila ay nararamdaman nya na ang kaba sa kanyang dibdib. Paano kung magbalik sa paggalaw ang oras. Paano kung di nila mailigtas si Savin.

Mabilis pa rin ang pagtakbo ng kanyang nobyo. Nasa ika-25th floor pa ang nasabing room. Napapagod na sya ngunit wala silang pinalagpas na baitang. Kailangan nilang mapuntahan ang room na malapit sa kinaroroonan ng kapatid.

Nang marating nila ang room ay nakalock ito kaya't buong lakas na ibinalibag ng kanyang nobyo ang katawan sa pinto upang magbukas ito.

Nang makapasok sila ay nasa dalawang braso ang haba ng layo ng katawan ng kapatid nito mula sa kinaroroonan nila kaya naman agad na iniakyat ng kanyang kasintahan ang bintana at lumabas.

Mabuti na lamang merong tuntungan sa labas para mapatungan ng mga paa nito. Kung baga bintana at meron pang terrace kaya hindi naman sila nahirapang kunin ang katawan ng kapatid ngunit sa pagpasok pa lang ay nagbalik na sa paggalaw ng oras ang lahat kaya naman ng ipapasok na nito ang kapatid ay bumigat ito at nahirapan itong maipasok sa loob ng bintana lalo na at nagpupumiglas pa ito.

"Bitawan mo ako. I want to die right now! Tutal wala ng nagmamahal sakin. Wala na rin akong karapatang mabuhay." Pilit nitong tinatanggal ang kamay ni Dale sa pagkakahawak dito.

"No, Savin, we are here to save you. I may not be a good brother to you in the past years, please let me do it now. Nandito ako. Nandito si daddy. Narito kami hindi mo kailangang magpakamatay" saad nito sa nahihirapang sitwasyon.

Lumapit sya rito.

"Please Savin, please cooperate with us. your father and Dale, they want to do everything para makabawe sayo. Kaya please hindi ito ang solusyon sa lahat ng pinagdadaanan mo." Saad niya rito at hindi nya alam kung nakakatulong ba ang kanyang sinabi.

"All I want is a love from my father. All I want is you. Keira. Kaya nga gusto kitang hingiin na kapalit pero hindi ka nya ibinigay sakin. And I thought greediness is the answer to all of their shortcoming. All i want is revenge. Kunin ang lahat ng importante sa buhay ng half brother ko. But in the end, Nakokonsensya ako. Dahil alam kong nagmamahalan kayo. Kaya ako na ang magbibigay kasagutan sa inyong dalawa. Kaya let me die. Im sorry for everything. Im sorry for ruining your relationship!" Saad nito

"Wala kang sinirang relasyon Savin. Kami pa rin at kahit kailan hindi kami maghihiwalay. Kaya wala kang dapat ikahiya. Hindi mo kailangang magpakamatay dahil wala kang sinira. What you did is the truth to come out! Wala kang kasalanan okey." Saad niya rito.

"Yes my son! Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat" napalingon sya sa nagsalita mula sa kanyang likuran. And its their dad.

"You don't have to do this son. We could fix this. Im sorry for leaving you and for forsaking you. Ive been a bad father to you. And Ilove you son. Mahal ko kayong dalawa. Nagkamali lang ako ng way and approach kung paano ko ipapakita iyon sa inyo. Im sorry! Im sorry" hawak hawak sya ng mga nurse at naka-alalay din ang asawa nito sa kanya.

Napahinga rin sila ng malalim ng mahila ng buong pwersa ni Dale si Savin at kapwa sila bumagsak sa sahig ng kwarto na kinaroroonan nila.

Napahagulhol naman sa iyak si Savin habang nakayakap si Dale dito.

Nilapitan din si Savin ng mga nakaabang na mga nurse at inihiga sa hospital bed sa tulong ni Dale. Wala na ang baril sa katawan nito. Kaya nakahinga na rin sila ng malalim.

"Im sorry, Dad, Dale and Keira. Im sorry for everything!" Yun lang ang lumalabas na salita mula rito.

"Dad, you need to rest. Kakagaling mo lang sa operation." Saad ni Dale dito at inutusan ang mga nurse na dahin ito sa room nito.

"Mom, we need to talk. I need to know the whole truth. Everything!" At tumango lamang ito.

"Dito lang ako. Babantayan ko si Savin." Napatango naman si Dale at parehas na itong lumabas ng room.

"Keira, im so sorry. Im really really sorry!" Napailing sya at lumapit kay Savin. Hinawakan nya ang kamay nito.

"No need to say sorry Savin. I remember when you save my life that day. I owe you. I owe you my life. Kaya we did this also for you. We have to save you from killing yourself. And you need to take a rest. Everything is fine now." Pag-cocomfort nito sa binata. Lumapit ang mga nurse at may ininject sa braso nito. Mukhang pampatulog dahil ilang segundo lang ay nakatulog na ito.

Nagpapasalamat sya sa Diyos dahil natapos na rin ang gulo. At babalik na sa ayos ang lahat. Kailangan na lang niyang kausapin ang kanyang ina para magkaayos na rin sa part ng pamilya nila.

Lloyd, her cousin is in a good condition na but Bea on the other side has no news and even the baby. She needs to know their condition. She needs to know if Bea is okey and also the baby.

Marami pang dapat ayusin but now the most important thing is that her boyfriend's family is in a working progress. Little by little it is getting well. Sana magkaayos na rin ang kanyang kasintahan at ang ina nito sa paguusap nila. Ganun ang kanyang mga magulang.

Napahinga sya ng malalim at napasandal sa dingding ng kanyang inuupuan. Its been a long night. She needs to take a rest. Kaya naman di na nya napigilan ang antok at agad syang nakatulog.

Ilang sandali ay may naramdaman syang nagtatapik sa kanyang balikat.

"Love, lets go. Uwe muna tayo. Si mommy na daw ang magbabantay kay Savin. And Dad is also resting." Unti unti nyang idinilat ang kanyang mga mata at agad nabungaran nya ang restless pero gwapo pa rin nyang kasintahan.

"Hey handsome!" Sabay halik nya sa pisngi ng kanyang nobyo at pinulupot nya pa ang dalawang braso sa batok nito.

"Mukhang di na kaya ng girlfriend mo na maglakad. Buhatin mo na lang anak." Narinig nyang saad ng mommy nito kaya napabalikwas sya ng bangon.

"Kaya ko pong maglakad maam. Sorry po." Parehas naman narinig nya ang pagtawa ng dalawa kaya napayuko sya dahil sa hiya.

"Don't worry love. I can handle your naughtiness. Kakargahin na kita. And mom. Goodnight. See you tomorrow. We need to take a rest!" At kinarga na sya na parang bride ng kanyang kasintahan. Kumaway na lang sya sa ina nito na nakangiti naman ang huli habang pinapanuod silang papalayo rito.

Pagsakay sa elevator ay agad syang ibinaba nito ngunit hindi sya bumibitaw.

Napangiti ito at mukhang may naalala.

"Hindi na ata talaga matatanggal yung phobia mo sa elevator na talagang pumapabor sakin." Pang -aasar nito dahil andun pa rin ang takot nya lalo na kapag pababa na ang elevator.

"Tseh." Ngunit di na sya nakapagsalita ng magsimulang bumaba ang elevator at halikan sya nito sa labi.

Lalong humigpit ang yakap nya sa batok nito at ito naman ay napahawak sa kanyang bewang na may kasamang pagpisil. Mas lalong ginulo nya ang buhok nito ng simuoan nitong ipasok ang dila sa loob ng kanyang bibig. Papasok na sana sa kanyang blouse ang mga kamay nito ng biglang tumunog ang elevator senyales na narating na nila ang basement kung nasaan ang nakapark ang sasakyan.

"I want you now, Kei!" Bulong nito sa kanyang earlobes na ikinakiliti nya. Nakaramdam din sya ng pagkabuhay sa kanyang buong sistema.

Nang marating nila ang sasakyan ay pinapasok na sya nito sa passenger seat at ito naman ay sumakay sa driver seat.

"Thank you Keira" he mouthed sabay halik sa kanyang labi.

"And Im all yours baby. Bilisan mo na bago pa magbago ang isip ko!" Natawa ito dahil sa sinaad nya rito at agad na pinaandar ang sasakyan. Nakikita nya pang nakakagat labi ito at nakatuon ang mata sa daan habang hawak nito ang kanyang mga kamay. Nakangiti lamang sya habang nakatingin sa bintana ng sasakyan habang nilalaro laro niya ng kanyang daliri ang kamay nito.

Naughty na kung naughty pero wala eh. Mahal nya talaga eh.