webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Urban
Zu wenig Bewertungen
101 Chs

Chapter 95 Do me a favor

"Anyari sayo? bakit bigla kang bumalik sa apartment mo kahit kadadating lang natin sa laguna nung sabado?" Salubong sa kanya ni Yra ng magkita sa sa opisinang pinapasukan.

"Si mudra kase, pandalas sa paghingi ng pera yun pala nagsusugal lang nung nadatnan ko!" napabusangot tuloy ang mukha nya ng maalala ang nanay nya.

"Ikaw kase, pinamimihasa mo yang nanay mo na kinukuha lahat ng sweldo mo kaya ganon yun! tingin sayo parang baka, gatasan!" maanghang na sabi ni Yra sa kanya.

Ayaw mang aminin ni Heshi pero totoo ang sinasabi ng kaibigan nya, mula kase ng magkatrabaho sila ay parang ibinigay na sa kanya ng nanay nya ang responsibilidad para sa buong pamilya nila.

"Anong bang dapat kong gawin kambal? hindi ko naman matitiis ang mga magulang ko!" ipinatong ni Heshi ang bag sa upuan nya, magkatabi lang kase sila ng cubicle ni Yra.

"Magtira ka kase para sa sarili mo para may masabi ka naman sa pinaghihirapan mo!" kahit pareho silang magkaibigan na sumusuporta sa pamilya ay masasabing mas may utak ito sa kanya pagdating sa pagtitipid dahil nakakaipon pa ito ng pambili ng mga action figure na kinokolekta nito. "O ito yung brochure nung laptop na gusto mo, titigan mong mabuti para magkainspirasyon kang mag ipon!"

Napangiwi si Heshi ng magsimula syang buklatin ang pahina ng brochure na binigay sa kanya ni Yra, matagal na talaga niyang pangarap na makabili ng sariling laptop, "Ang gaganda naman ng mga laptop na to kaso ang mamahal! hindi ko to kayang bilhin!" napabuntong hininga sya sa mga presyong nakalagay doon.

"Yan tayo kambal eh, lagi mo nalang sinasabing hindi mo kaya! pano ka makakabili kung yan lagi ang iisipin mo!? dapat ang inisip mo ay kung paano mo mabibili yang pangarap mong laptop hindi yung laging hindi mo kaya!" sermon sa kanya ng kaibigan.

Napaisip naman si Heshi sa sinabi ni Yra, tama naman ang kaibigan nya kung palagi nyang iisipin na hindi nya kaya ay hindi nya talaga magagawa. "Eh kung maghanap kaya ako ng ibang trabaho? yung mas malaki ang sweldo para mabili ko na agad yung gusto ko!" biglang sabi niya dito.

Tinaasan naman sya ng kilay ni Yra, "Tange! ang sabi ko umisip ka ng paraan kung pano mo mabibili yang laptop na yan hindi maghanap ka ng ibang trabaho para makabili nyan! sa palagay mo san ka pa makakakita ng kumpanyang mas higit dito sa kumpanya natin ang benefits at sweldo!? mag isip ka nga!" inikutan pa siya ng mata nito.

Napanguso si Heshi, subukan ko kayang mag part time para madagdagan ang income ko? good Idea! sisimulan nya mamayang magbrowse sa internet kung san sya makakahanap ng pagpapart tayman.

"Hey bro! balita ko may bisita ka bar kagabi!?" Bati kay Juno ng kapatid nyang si Jion.

"Ang tsitsismoso talaga ng mga tauhan natin don!" sagot niya dito habang tuloy ang paghahalo sa iniexperementong putahe para sa restaurant niya.

"Actually nandoon ako kagabi, hindi nalang ako umakyat sa opisina mo kase may bisita ka nga raw!" anito saka kumuha ng kutsara at tinikman ang niluluto nya.

Hinintay niya ang reaksyon nito sa lasa ng bago nyang putahe, "Hmmm!!! sarap! isasama mo ba ito sa menu mo?" tanong nito.

"Hindi pa, papatikim ko muna kay Heshi kung magugustuhan niya!" wala sa loob na sagot niya sa kapatid.

"So Heshi pala ang pangalan nya!" natatawang sabi sa kanya ni Jion, "at kaya ka gumagawa ng bagong menu para magpa impress sa kanya ganon?"

"Syempre, hindi naman ako mabagal eh!" nakangising sagot niya dito.

"For you to cook for her, She must be very special! siguradong maiinlove yun sayo pag natikman nya yang mga luto mo!" proud na sabi nito sa kanya.

"Yun na nga ang problema ko eh! nung inimbita ko sya sa bar at pinatikim ko sa kanya yung mga niluto kong ulam eh tinawanan lang ako!" naalala na naman niya ang reaksyon ni Heshi nung sabihin niyang siya ang nagluto ng lahat ng pagkain nila.

"Talaga! bakit namin?" curious na tanong niyo.

"Ewan ko ba don sa isang yon! pero inubos nya naman ang lahat ng niluto ko, which is nakakatuwa dahil hindi sya takot sa kumain ng marami!" sa mga katulad nyang chef, kaligayahan nilang makitang walang nasasayang na pagkain sa mga luto nila.

"Looks like masyado ka ng nahook sa Heshi na yun kuya!" Napangiti nalang sa Juno sa tinuran ng kapatid.

Nagsisimula na si Heshi sa pagpapakulo ng tubig para sa instant noodles na hahapunanin nya habang pinagiisipan pa kung sasamahan nya ng itlog o hindi ng tumunog ng cellphone nya. Jusko naman kakabigay ko lang ng pera kay nanay baka nanghihingi na naman! sa isip isip nya habang hinahanap ang tumutunog na aparato.

Aba si Juno! ano kayang kailangan ng isang to? "Hello?"

"Hey busy kaba?" tanong agad nito ng marinig ang boses niya.

"Hindi naman bakit?"

"Nandito ako sa labas ng bahay mo."

"What?" dali daling binuksan ni Heshi ang pinto ng apartment nya at andon nga si Juno, nakatayo sa labas ng gate!

"Hi! sorry biglaan ang pagdalaw ko!" binuksan ni Heshi ang gate at pinapasok ito. "Naghapunan kanaba? may dala akong dinner para sayo!" ipinakita nito sa kanya ang dalang eco bag.

Bigla namang nakaramdam ng hiya si Heshi dahil naisip nyang instant noodles lang sana ang kakainin nya. "Salamat, pero sana hindi kana nag abala! nakakahiya naman sayo."

"Bakit ka mahihiya? hindi mo naman hiningi sakin to, ako ang nagkusang magdala sayo ng pagkain kaya ako dapat ang mahiya kase inaabala kita para lang may makasabay akong kumain." Habang inilalabas nito ang mga dalang pagkain sa maliit nyang mesa.

"Bakit wala kabang kasabay kumain sa bahay niyo?" Inilagay na ni Heshi ang noodles sa kumukulong tubig at nilagyan na rin nya ng dalawang itlog para may maishare naman syang pagkain dito.

"Wala naman dito ang parents namin nasa ibang bansa sila, tapos yung dalawang kapatid ko naman busy sa mga trabaho nila kaya lagi lang akong kumakain mag isa."

"E di sa lagay nayan e ginagawan pa kita ng pabor dahil may kasalo kang kumain! habang makakatipid naman ako kase may libre akong hapunan!" Ayos, pag laging ganito makakaipon na ako ng pambiling laptop!