webnovel

My Air to breathe

Pareho lang kayo Yra! Kung ikaw ay nagising sa kama ng iba, siya naman ay nagising na may kasamang iba!

Anne_ter17 · Urban
Zu wenig Bewertungen
101 Chs

Chapter 75 Amnesia

Sinusubukan ni Jion na imulat ang mga mata niya kahit parang napakabigat niyon, sinalubong kaagad sya ng nakakabulag na liwanag kaya muli niyang ipinikit ang mga mata.

"Jion! Jion!" naririnig niyang tawag ng mga ito, nararamdaman niya ang kaguluhan ng tao sa paligid niya. "tumawag kayo ng doctor dali nagising na si Jion!" boses ng isang may edad na babae sa tabi nya.

Who are they? ang gulo nila! ikinurap niya ang mga mata niya para masanay sa liwanag, pinagaralan niya ang paligid. White wall and brightness, sinubukan niyang itaas ang kamay at nakita ang swerong nakakabit doon! Ospital? bakit? pinilit niyang kumilos pero hindi nya kaya. Gusto nyang tawagin ang babaeng umiyak sa tabi niya pero hindi nya alam kung paano dahil hindi nya naman ito kilala. Ah, what a drag!

Hinintay niyang matapos ang nurse at doctor na usisain ang katawan nya, kung ano anong ipinag didikit ng mga ito sa kanya.

"Okay lahat ng vitals nya, kailangan nalang nating pagalingin ang lahat ng sugat niya at makakarecover din sya." sabi ng matangkad na doktor sa tabi niya. "If anything happens tawagan nyo lang ako agad.

"Salamat doc." tugon ng lalaking kausap nito.

"Salamat sa Dyos anak at nagising kana!" naiiyak na sabi ng matandang babae sa kanya. Sa itsura nito siguro sya ang nanay ko? naramdaman niya ang pagpisil sa kamay niya ng isa pang babae sa tabi niya. Sino naman ang isang to? family member din siguro.

"Son are you okay? may masakit ba sayo?" tanong ng matandang lalaki sa paanan ng kama niya.

Umiling sya bilang pagtugon dito saka ipinikit ulit ang kanyang mata dahil para na syang hinihila ng matinding antok.

Masaya si Yra dahil maski paano ay nagising na si Jion, pero hindi yon nagtagal at muli rin itong nakatulog. Sabi ng doktor ay normal lang daw iyon dahil hindi pa nakakarecover ang katawan nito. Ilang araw na ba silang ganon? nangingitim na ang kanyang mga mata dahil sa puyat sa pagbabantay dito. Umuuwi lang sya saglit sa laguna para bisitahin ang anak, buti nalang at maayos ayos na ang kalagayan ng kanyang ina at hindi na niya ito alalahanin pa.

"Water." nagising ang inaantok nyang diwa ng biglang magsalita si Jion kaya bigla syang tumayo at nilapitan ito. "Water" ulit nito habang nakatingin sa kanya.

"Ah okey tubig!" para naman syang nahimasmasan at kaagad itong inabutan ng kaunting tubig na halos pambasa lang sa lalamunan nito. Matapos nitong inumin ang tubig ay tinulungan nya itong makaupo sa kama.

"Salamat!" anito sa kanya habang titig na titig sa mukha niya.

"Walang anuman" tugon niya dito. "nagugutom kanaba? may gusto kabang kainin?"

"Who are you?"

"Huh!?" tama ba ang narinig ni Yra?

"Who are you?" ulit nito.

"ako!?" turo niya sa sarili! ito ba ang sinasabi ni Doc Martin na posibleng may mawala sa memorya nito?

"May iba pa bang tao dito?" parang naiinis na sagot nito sa kanya.

"Ah, h-hindi mo ako k-kilala?" nabubulol na sya, anong gagawin nya? teka baka nagbibiro lang si Jion!

"Tatanungin ba kita kung kilala kita!?" sarkastikong sagot nito.

Kinagat ni Yra ang pang ibabang labi saka sya pumikit ng mariin para mapigil ang pagpatak ng kanyang luha. "Ahm ano, Ako s-si Yra at a-ako ang" hindi naya maituloy ang sasabihin dahil parang may kung anong bumabara sa lalamunan nya.

Nagtaas ng isang kilay si Jion habang hinihintay ang sasabihin nya.

"Ako ang G-girlfriend mo."

Biglang kumunot ang noo ni Jion sa sinabi nya, "Girlfriend? sigurado ka?" hindi naniniwalng sagot nito. "Sa pagkakatanda ko wala akong girlfriend at higit sa lahat hindi ako nag gegirlfriend!"

Hindi ganito ang inaasahan ni Yra, alam niyang maari itong makalimot sa maraming bagay pero hindi ang makalimutan sya nito at hindi nya iyon napaghandaan.

"Ba-baka nagugutom kalang," pagiiba nya sa usapan sabay talikod niya dito dahil hindi nya kayang tagalan ang titig nito sa kanya na parang sinusuri ang pagkatao nya.

"hindi ako nagugutom" mahinang sabi nito, "Gusto ko ng magpahinga." Nilapitan niya ito at inalalayang mahiga.

"Hindi to totoo! nanaginip lang ako!" kinurot kurot ni Yra ang sarili habang nakatayo sya sa labas ng kwarto ni Jion, nagbabakasali syang imahinasyon nya lang lahat ng mga sinabi nito kanina. "Imposible namang nakalimutan nya ako!?"

"Hey, something wrong?" napatigil si Yra sa pananakit sa sarili ng biglang magsalita si Juno, di nya napansing nakatayo na pala ito sa tabi niya.

"W-wala naman, ano lang" huminga muna sya ng malamin saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Nagising si Jion kanina"

"Talaga!? buti naman," papasok na sana ito sa kwarto ni Jion pero pinigil ito ni Yra.

"Hindi nya ako kilala!" sabi niya dito.

"Ano? anong sinasabi mo?"

"Nagising sya at tinatanong nya kung sino ako! ayaw nyang maniwalang girlfriend nya ako." naiiyak na sabi niya dito.

Napaawang naman ang labi ni Juno, parang hindi rin ito makapaniwala sa sinasabi nya.

"Sabi nya wala syang girlfriend at hindi sya nag gegirlfriend. Palagay ko kasama ako sa mga bagay na nakalimutan nya."

"Wag kang ganyan Yra, hindi pa magaling ang kapatid ko kaya baka hindi ka niya maalala dahil sabi mo nga kakagising nya lang, baka naman mamaya pag nagising sya ulit makilala ka na nya!" pampalakas loob nito sa kanya.

"Sana nga Juno, sana nga!"

"Ang mabuti pa umuwi ka muna at magpahinga, ako na muna ang bahala sa kapatid ko," anito sa kanya.

Pagdating ni Yra sa bahay nila ay naligo muna dahil ayaw nya namang kargahin ang anak na galing ospital ang katawan niya.

"Kamusta na ang nobyo mo?" tanong ng kanyang ina habang pinapatulog niya ang anak, "Magaling naba sya?"

"Maayos na ho sya nay, nagising na sya kanina." sagot niya dito.

"Eh kung gising na sya eh bakit ganyan ang boses mo? may nangyari ba?" naupo na ito sa paanan ng kama nilang mag ina.

"Wala naman po nay, pagod lang ako." tangi niya dito, sa ngayon hindi pa niya pwedeng sabihin dito ang kalagayan ni Jion. Ililihim na muna nya sa magulang ang posibilidad na may amnesia ito dahil ayaw nyang makadagdag pa iyon sa problema niya.