webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teenager
Zu wenig Bewertungen
463 Chs

Kabanata 325

Nang makarating sila Kelly at ang mga kuya niya sa bahay nila kasunod na rin naman sila Patrick at Sensen.

"Chiarman, hindi po ba Dela Cruz residence ito? At bakit po kasama rin ang mga kuya ni Madam? Sino yung isang lalaki hindi ko ata yun kilala."

"Sige na ako ng bahala bukas nalang."

"Opo Chairman."

At bumaba naman agad si Patrick ng kotse at nakihalubilo sa Dela Cruz siblings pero wala ito sa mood dahil hindi sa kaniya sinabi ni Kelly ang mga ka ganapan.

"Bayaw! Andiyan ka na pala." Ang bungad naman ni Kevin at napalingon naman ang lahat kay Patrick.

"Ho—Honey…" Ang gulat na gulat na sambit ni Kelly.

"Good Evening sa inyong lahat."

Hindi naman pinansin ni Patrick si Kelly "kanina ka pa ba dyan? Bakit wala kang kotse?" Ang sabi ni Kian.

"Ah…hinatid ako ni Mr. Sensen."

"Nga pala, sya si kuya Flin ang panganay naming kapatid."

"Ohhh….he—hello po sainyo ako po si Patrick ang…"

"Asawa ni Kelly? I know you na kwento ka sakin ni babysis kanina habang nasa biyahe kami."

"Ahhh…hganun po ba? Pasensya na po at hindi ako na kasama sa pag sundo sa inyo. Hindi ko po kasi alam na daratin g kayo." He rolled his eyes towards Kelly.

Kaya sa isip-isip naman ni Kelly "lintek galit na sya."

"Oh? Ano pang ginagawa nyo dyan bakit hindi kayo pumasok?" Ang bungad namang sambit ng nanay nila.

"Magandang gabi po Auntie." Ang pagbati ni Flin.

"Magandang gabi rin sayo. It's been a long time since we met."

"Opo."

"Kakain na po." Ang excited na sambit ni Jacob.

At pumasok na nga ang mag kakapatid sa loob pero hinila ni Kelly si Patrick sa isang tabi "sandali lang…"

"Mamaya na tayo mag usap inaantay na nila tayo."

"Ha? Pero…"

"Sige na…"

Na una ng pumasok si Patrick at hindi na kumibo kay Kelly "haysss…galit na talaga sya sakin."

***

Matapos kumain ng hapunan niyakag nila Keith ang mag kapatid nyang lalaki na mag inom doon at pumayag naman ang nanay nilang si Keilla isinama rin nila si Patrick pero hindi ito sumali dahil nga wala sya sa mood matapos nyang kumain ng hapunan tumaas na ito sa kwarto nila ni Kelly at nag paalam na matutulog na sya at pagod sya. Kahit ang totoo hindi pa sya inaantok at na iwas lang sya sa asawa nya dahil may sama sya ng loob rito.

"Babygirl, ayos lang ba si bayaw?" Ang tanong ni Faith na katulong ni Kelly na mag hugas ng mag kubyertos.

"Nag tatampo yun sakin."

"Hmm? Bakit? Ano ang nangayare?"

"Eh kasi ate, hindi ako na kibo sa kanya nireng mga nakakaraan tapos hindi pa ako nag paalam sa kaniya na aalis ako ngayong araw."

"Ay, si'ya! Kung ako nga rin siguro si bayaw mag tatampo ako sayo pero wag ka mag alala hindi ka naman matitiis nun."

"Sana nga ate. Minsan na lang kasi magalit si Patrick tapos talagang wagas yun ate."

"Nako, dapat pala makipag usap ka na sa kaniya agad wag nyo ng palakihin pa."

"Oo ate mamaya kakausapin ko sya pag taas ko sigurado naman ako na hindi pa yun tulog."

"Sige na kami na ng ate Faith mo dito tumaas ka na sa kwarto nyo." Ang bungad ni Keilla.

At nagulat naman yung dalawa pag lingon nila "Ma! Kanina pa po ba kayo diyan?" Ang sambit ni Kelly.

"Hindi naman tama lang dun sa narinig ko na may tampuhan pala kayo ni Patrick kaya ba wala syang gaanong kibo kanina nung nakain tayo ng hapunan?"

"Opo Ma, kasalanan ko rin naman po."

"Kaya babysis puntahan mo na si bayaw para makausap mo na sya ako ng bahala dine."

"Oo kami ng bahala dito ni Faith."

"Pero Ma ayos lang po kahit mamaya nalang."

"Babysis, mabuti ng kausapin mo ng agad si bayaw para matapos na ang tampuhan nyo."

"Pero kasi ate…hindi ko pa rin naman alam ang sasabihin ko sa kaniya eh."

"Itong batang ire sabihin mo lang ang nilalaman ng puso mo."

"Kasi Ma, madalas kasi ako naman ang sinusuyo nya eh hindi ako sanay na ako naman ngayon ang susuyo. Para po kasing ang awkward."

"Ganyan talaga kapag mag asawa hindi puro ang isa nalang ang mag paparaya kaya ngayon ikaw naman at hindi lang ikaw ang nakakarananas nyan kahit ako sa daddy nyo si Faith kay Keith tama ba?"

"Opo Ma madalas din kasi kami nag kakaaway ni Keith sorry po ah."

"Nako, wala yon mabuti nga tumino yang anak kong yan kaya salamat sayo at dumating kayo ng mga apo ko."

"Salamat rin po sa inyo Ma at parati kayong nandiyan para samin handa kayong makinig parati ng mga toyo namin. Hehe…"

"Okay, pupuntahan ko na po si Patrick!" Ang lakas loob na sambit ni Kelly.

"Go babysis! Nasa likod mo lang kami ni Mama."

"Um. Salamat po."

"Basta tandaan mo maging kalmado ka lang wag dadaanin sa init ng ulo, okay?"

"Opo Ma."

"Siya sige na tumaas ka na pagod ka na rin kailangan mo ng mag pahinga wag mo kakalimutan na inumin ang mag vitamins mo okay?"

"Yes Mom. Goodnight po sainyo." Nag good night kiss pa sya sa mama at ate Faith nya bago umalis ng kusina dumaan rin muna sya sa terrace nila kung nasasaan ang mag kuya nya na nag ha-happy happy.

"Oh, tutulog ka na?" Ang sabi ni Kevin.

"Oo kuya kaya kayo wag kayo masyadong mag uminom ng alak ah? Uuwi pa si kuya Flin."

"Sinong may sabi sayo na uuwi si kuya Flin?" Ang sabi ni Keith.

"Ha? Pero…"

"Dito na ko matutulog bunso."

"Po? Pero kuya paano yung kotse? Hindi ba at hiniram mo lang yun sa boss mo? baka mapatalsik ka po."

"No worries na tawagan ko na yung boss ko. Salamat sa concern bunso."

Ang sama naman ng tingin ni Kim dahil kanina pa nung dumating ang mga ito ay hindi na nya feel ang panganay nilang kapatid.

"Matulog ka na at mag pahinga." Ang seryosong sambit naman ni Kim.

Siniko naman ni Kian si Kim na para bang sinasabi na kumalma dahil alam nila na kapag nanahimik ito may kinikimkim itong samsa ng loob.

"Sige matutulog na ko kaya kayo matulog rin agad okay? Tama na yan ha kuya Keith?"

"Luh! Ako talaga?"

"Gusto mong sagutin ko yan kuya?"

"Hayss…matulog ka nga bunso."

"Tsss…sige na goodnight na po sa inyo."

Mag go-goodnight kiss sana si Kelly pero pinigilan sya ni Kim "sige na matulog ka na amoy alak na kami."

"Ah…O—Okay kuya… fist bump nalang."

"Um."

Tapos isa-isa nyang finist bump ang mga kuya nya pero may unique na fist bump sila ng lima nyang kuya kaya tinuruan pa nya si Flin kung paano yon gawin.

"Yes kuya ganyan kaya tuwing mag kikita kita tayo ganyan ang fist bump natin okay? Tandaan mo po ah?"

"Ah..O—Okay."

"Sige na matulog ka na." Ang sabi na naman ni Kim.

"Um. Bye sa inyo."

At ng makaalis si Kelly inubos ni Kim ang isang bote ng alak nya ng diretso "tol…" ang mahinang sambit ni Kevin na paran bang nag aalala kay Kim.

"Matutulog na rin ako." Ang sabi ni Kim.

"Maaga pa mamaya na tol." Ang sabi naman ni Keith.

"Inaantok na ko sorry."

At umalis na nga si Kim pero tinignan nya ng masama si Flin bago sya pumasok.

"Pag pasensyahan mo na sana si Kim hindi lang sya marunong mag bigay tiwala agad. Pero eventually magiging okay rin sya sayo bro." Ang sabi naman ni Kian kay Flin.

"It's okay may ganyan rin kasing tao kahit ako ganyan rin pa minsan-minsan gaya kanina sayo."

"Ah…O—oo nga…"

"Pero na palagayan naman na kita ng loob rin kayo nila Keith at Kevin lalo na ang sweet nating bunsong kapatid na si Kelly sana hayaan nyo akong makasama kayong madalas."

"Oo naman kuya kahit hindi mo sabihin okay na okay samin." Ang sabi naman ni Keith.

"Oo kuya, yun talalag ang gusto ni Kelly na mabuo at mag ka ayos tayong mag kakapatid." Ang sabi naman ni Kevin.

Sa mag kaparehong oras naman bago pa man maka pasok si Kelly sa kwarto nila ni Patrick tinawag sya ng kuya Kim nya.

"Ku—Kuya?"

Hingal na hingal naman si Kim na lumapit sa kanya "pwede bang mag usap muna tayo?"

"O—Okay lang naman pero kala ko andun ka sa baba kasama nila kuya Kian? Ayaw mo na?"

"Um. Gusto ko lang sana sabihin sayo na hindi ko gusto si kuya Flin."

"Po?"

"Baka kasi magalit ka kapag nagkaroon kami ng problema."

"No kuya okay lang alam ko naman na hindi mo pa sya matanggap kaya okay lang wag mo kong intindihin."

"Salamat sa pag unawa bunso."

"Um. May gusto ka pa bang sabihin kuya?"

"Wala naman na pero sana mag ingat ka parin kay kuya Flin okay? Hindi pa natin sya lubos na kakilala."

"Oo kuya."

"Good. Sya sige na matulog ka na."

"Okie. Goodnight ulit kuya."

"Yeah…goodnight too."

At pag pasok naman ni Kelly sa room nila ni Patrick "aw…aw…aw…"

"Are you okay? Sorry hindi ko naman kasi alam na nasa likod ka ng pinto. Naipit pa ang paa mo?"

Tumayo naman si Patrick agad na para bang walang nangyare kahit na deep inside namimilipit na ito sa sakit.

"Ayos lang ako. Sige matulog na ko."

Papunta na sana si Patrick sa higaan nila para umarteng walang nangyare at hindi sya mahalatang nakikinig ng usapan ng kuya nito.

"Honey…" Ang seryosong sambit naman ni Kelly kay Patrick at niyakap pa nya ito.

"Is there something wrong?"

"Alam ko… galit ka sakin kaya eto ako humihingi ako ng sorry sayo kaya sana mapatawad mo ko."

"Pero hindi ba ang sabi natin sa isa't isa hindi na tayo mag lilihim pero anong ginawa mo?"

"Oo alam ko naman yon kaya nga na hingi ako ng tawad."

Inalis ni Patrick ang kamay ni Kelly "pagod na ko gusto ko ng mag pahinga."

Natahimik lang si Kelly habang pinag mamasdan si Patrick na nahihiga na at tinalikuran pa sya nito "sorry wifey, pero gusto ko lang naman na malaman mo ang worth ko bilang asawa mo." Ang sabi ni Patrick sa isip-isip nya pero na gulat sya na may biglang bumagsak kaya pag lingon nya.

"Wifey!!!"

Nakita nyang nakaluhod si Kelly "hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ko napapatawad."

Tumayo naman agad si Patrick at lumapit kay Kelly "ano bang ginagawa mo? Tumayo ka na diyan."

"No, like what I've said hindi ako tatayo dito hangga't hindi mo ko napapatawad."

"Haysss…Kelly naman!"

"Sige magalit ka deserve ko naman kasi hindi ako naging fair sayo."

"Honey liste hindi naman ako galit sayo gusto ko lang na malaman mo kung ano ang worth ko sayo. Hindi naman ako tau-tauhan lang dito asawa mo ko kaya sabihin mo naman sakin ang iniisip mo."

"Sorry… ayoko lang na maging unfair ako sayo lately kasi puro ang mag kuya ko ang inaatupag kong pag ayusin kaya hindi na kita naiintindi. Dumating na nga ako sa punto na gusto ko ng makipaghiwalay pero…hindi ko magawa kasi mahal kita at ikaw ang magiging ama ng anak natin."

Umiyak naman si Patrick bigla na parang bata "ho—honey???"

"Gusto mong makipaghiwalay?"

"Ah…eh… hindi na nga kaya wag ka ng umiyak."

"Totoo? Hindi ka na makikipag hiwalay sakin?"

"Oo nga kaya sana patawarin mo na ko."

Lalo namang umiyak ng umiyak si Patrick kaya kiniss nalang sya ni Kelly sa pisnge "wag ka ng umiyak please? Pati ako naiiyak na eh."

"Okay, hindi na. Pero pangako mo wag na wag mo ng iispin na makipag hiwalay sakin ha? Hindi ko kakayanin."

"Oo pangako hindi ko rin naman kakayanin na mawala ka sakin."

Niyakap sya ng mahigpit ni Patrick at sabay silang tumayo ngunit nayapakan ni Kelly yung paa nyang naipit kanina sa pinto.

"AHHHHH…"

"Ha? Kala ko okay na tayo? Bakit na iyak ka parin?"

"Yung paa ko."

Napatungo naman si Kelly at nakita yung paa ni Patrick na namumula "hala, masakit talaga yung pag kakaipit ko sayo kanina noh?"

"Um."

"Haysss…kahit kailan ka talaga sandali lang kukuha muna ako ng ice pack para dyan."

Pero hindi sya binitawan ni Patrick "ayos lang as long as okay na uli tayo wala na kong pakialam sa paa ko.

At kinabukasan nga…

"ARAYYYYY!!!"

"Ayan, sabi ko sayo lalagyan ko ng ice pack ayaw mo tignan mo namamaga na ang paa mo hindi mo na mailakad ng ayos."

"Eh kasi nga…"

"Puro ka kasi banat paano ka ngayon? Wag ka na munang pumasok sa trabaho tatawagan ko na muna ang family doctor natin."

"Hindi na kaya ko naman gaya nga ng sinabi ko ka gabi ayos lang basta okay na tayo at nasa tabi na kita."

"Haysss…yan ka na naman eh hindi magagamot ng love yang paa mo. Nakakaloka ka!"

"Hehe…love you."

"Haysss…ikaw talaga…love you more pero tatawagan ko na si Dr. Zamora para matignan ka na rin para maagapan na natin yan."

"Okay."

Kinilig ka ba sa KelRick? Kung oo penge pong votes and comments. Char! But I hope you geysh enjoy reading my novel. Thankies and Godbless. Keep safe everyJuan. ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

lyniarcreators' thoughts