webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teenager
Zu wenig Bewertungen
463 Chs

Kabanata 273

Ang sama ng tingin ni Patrick kay Taquer habang nakain ito ng agahan dahil inimbitahan na rin ni Kelly ito na makikain ng breakfast kasabay nila.

"Wag kang mahihiya kumain ka lang." Ang sabi ni Mrs. Santos.

"Maraming salamat po Ma'am ang sarap po ng luto niyo."

"Salamat."

Sumenyas naman si Patrick sa mommy niya na para bang sinasabi na "Mom! Don't entertain him!"

Sumenyas rin naman ang Mommy niya at bumulong "kumain ka nalang diyan!"

"Ahem... so, sya pala ang bago niyong business partner?"

"Yes Dad, by the way his name is Taquer Quixote."

"Ohhh, are you the son of Mr.Tarious Quixote the one who owned the business constructions sa mainland?"

"Ahhh... nako hindi po but he is my uncle he is my dad's cousin."

"Ohhh... I see."

"My Dad is just a simple businessman he owned 10gasonline stations."

"Ohhh... ganun pala how about you how old are you? Do you have business?"

"I'm 25years old po at isa rin po akong contracted author sa isang online app."

"Really? Ako rin isa akong author saang novel app ka contracted?" Ang galak na galak na sambit ni Kelly.

"Do you still write?"

"Yes Mom, hindi po ba nabanggit sa inyo ni Patrick?"

Napatingin si Mrs. Santos sa anak niya "no?"

"Not a big deal mom."

"No! It's a big deal kasi once na sumikat ang book ni Kelly malaking pera ang kikitain niya at masaya ang pakiramdam kapag nakakapag sulat." Ang sagot naman agad ni Taquer kay Patrick.

"Huh! Di hamak na mas malaki ang kita namin sa business namin kesa diyan."

"Enough!" Ang pagalit na sambit ni Kelly.

"Ikaw naman kasi." Ang pabulong bulong na sambit ni Mrs. Santos sa anak niyang si Patrick.

"Humph!"

","

Nang matapos mag agahan ang lahat umuwi na ang mga magulang ni Patrick at nag pa iwan naman si Taquer "Ohhh... Gusto mong mag patulong sa design ng tea shop niyo?" Ang sabi ni Kelly habang ang sama naman ng tingin ni Patrick na nag lilinis ng pinag kainan nila.

"Oo sana kung ayos lang sayo." Ang nahihiyang sagot ni Taquer.

"Oo naman gusto ko rin talaga na may personal touch ako sa mga branches ng tea shop namin. Tapos isa rin kayo ni Ms. Elmundo sa malaking shareholders namin kaya wala akong karapatang tumanggi. Hehe."

Sa sobrang galak ni Taquer napahawak sya sa kamay ni Kelly "Salamat talaga di ko kasi maaasahan si Jikai busy kasi yun sa flower shop niya."

"Oh My Wifey! Would you like to drink more water?" Ang sambit ni Patrick at itinulak niya ang kamay ni Taquer.

"No, I'm still full dun ka na nga nag uusap pa kami ni Taquer."

Taquer chuckled secretly "are you mocking at me?"

"Me? No, why should I do that? Gusto ko lang makausap si Ms. Kelly."

"Ms? Who are you referring to? She is my wife so call her as Mrs. Santos!"

"Patrick!" Ang sabi ni Kelly at hinila sa likod niya si Patrick at bumulong "umayos ka nga! Dun ka na muna sa kusina ako ng bahala dito."

Patrick smirked kay Taquer at wala nalang syang kibo at nag tungo na nga sya sa kusina "sorry about that mainitin lang kasi talaga ulo ng taong yon."

"Its okay ganyan din kasi si Jikai spoiled brat kasi."

"Really?"

"Oo lumaki kasi sa ibang bansa yun at nakukuha nya kung ano man ang gustuhin niya."

"Ohhh... but my Patrick is not like that naman he is down to earth person kahit ang pamilya niya ay nabibilang sa mga pinakamayaman na family dito sa Pilipinas."

"So, its true na sila yung Santos na may ari ng SM?"

"Oo, hindi mo ba kilala ang mga magulang niya yung kanina na nandito?"

"Ohhh, kaya pala familiar sakin iniisip ko nga kung san ko sila nakita eh."

"Sa magazine siguro o sa mga social media pages."

"Siguro nga."

"Anyways, may kailangan ka pa ba?"

"Ah...Ahm... Wala naman na pero nais ko rin sanang imbitahan ka sa birthday ng anak ko." Iniabot niya yung invitation kay Kelly.

"Ha? Anak? May anak ka?"

"Ahhh... Oo kaso namatay na yung asawa ko nung nanganak sya sa anak namin."

"Ohhh... sorry to hear that."

"Wala yun hindi mo naman alam."

"Ilan taon na yung anak mo?"

"5years old na sya this coming Sunday."

"Ohhh... halos kasing age nya rin pala ang pamangkin kong si Tum-Tum."

"Sige pwede mo syang isama."

"Kaso wala sya ngayon dito nasa Batangas sila ng mga kuya ko eh sa monday pa sila uuwi eh."

"Ahhh... ganun pala."

"Ahem..." Ang reaction ni Patrick at tumayo naman agad si Taquer.

"Sige Kelly I will go ahead na."

"Um. Ingat ka."

Hinarangan ni Patrick si Kelly para hindi ito makita ni Taquer "Sige Salamat."

Pa silip-silip pa si Taquer pero di niya makita si Kelly dahil tinatakpan ito ni Patrick "aalis ka na di ba?"

At umalis na nga ng napipilitan itong si Taquer "ano ang pinag usapan nyo?"

"Wala, ikaw lang naman itong oa but anyways nag yayakag sya sa Sunday."

"Niyaya ka niya mag date? Baliw ba sya? Sinabi na ngang..."

"Birthday ng anak niya!"

"Anak? May anak sya?"

Iniabot ni Kelly yung invitation kay Patrick "Oo! Ayan tignan mo! Ang hirap sayo lagi kang tamang hinala pamilyado na yung tao eh. Tsss!"

At nilayasan niya si Patrick "san ka pupunta?"

"Kung san walang taong tamang hinala."

"Kelly naman!"

"Tumigil ka! Sa kwarto lang ako pupunta inaantok pa ko."

"Sunod ako."

"Heh! Ayusin mo yung mga papeles natin!"

"O— Oo sige."

"Humph!"

***

Lumipas ang ilang araw kinabukasan ay linggo na at naka isip si Kelly na mag punta sa mall "where are you going?"

Bihis na bihis na si Kelly habang bibigyan sana sya ni Patrick ng mirienda niyang ginawa "pupunta ako ng mall sasama ka?"

"Oo naman."

"Bilisan mo!"

Makalipas ang 5minutes naka bihis na agad si Patrick at ready ng umalis ng nakita niyang na kain si Kelly sa kusina ng binili niyang eggpie "Wifey I'm ready na."

"Ang bilis mo naman."

"Syempre minsan lang tayo mag date eh."

"Date? Anong date?"

"Hindi ba kaya tayo pupunta ng mall kasi mag da-date tayo?"

"Hinde! Bibili ako ng regalo para sa anak ni Taquer."

"Ano?"

"Oo bukas na kasi yung birthday party nakakahiya naman kung wala tayong regalo di ba?"

"So, dahil lang pala sa anak ng Quixote na yon? Kaya tayo lalabas?"

"Eh kung ayaw mo sige maiwan ka na dito."

Lumapit naman si Patrick sa kaniya na bigla nalang naging clingy "syempre sasama ako."

"Baka mamaya mag kita pa kayo ng kamoteng iyon." Pabulong niya pang dagdag.

"Anong kamote?"

"Ahhh... A— Ano para kasing masarap kumain ng kamote que."

"Tsss... Tara na nga ako na ang mag drive."

"Hinde! Ako ang lalaki ako ang mag dadrive."

"Daming arte bilisan mo na. Mag motor na tayo."

"Motor?"

"Oo yung motor ni kuya Kevin."

"Pero wifey ang init sa labas baka nasunog ang maganda mong kutis."

Bineltukan siya ni Kelly "tumigil ka! Kung ayaw mo mag kotse ka at ako mag momotor."

"Sya hindi na sige na halika na iniisip ko lang naman ang..."

Hinalikan sya ni Kelly sa pisnge kaya di niya na naituloy pa ang sinasabi "oh? Ano pang tinutunganga mo diyan? Halika na."

"Wha— What just happened?"

"Haysss... minsan talaga ang slow mo eh halika na kung ayaw mong magalit pa ko sayo."

"O— Oo sige."

Sa isip-isip ni Patrick "Minsan talaga pa bigla-bigla nalang nag iiba ang mood niya pero gusto ko ang ganon. Sana lagi nalang syang ganyan ang hirap niya kasing intindihin kapag tinotoyo sya."

"PATRICK!!!"

"Oo andiyan na."

***

Nang makarating ang KelRick sa mall dali-dali na silang nag tungo sa toy store at namili na agad si Kelly ng pwedeng ibigay sa anak na babae ni Taquer na si Melice.

"Sa tingin mo ayos na kaya itong doll house o baka kailangan bumili pa ako ng iba?" Lumingon si Kelly sa likuran niya at di niya nakita roon si Patrick "Hmm? Nasan na yon?"

Hinanap niya si Patrick at nakita niyang may kausap itong batang lalaki "Sino yung batang kausap niya?"

Nilapitan niya sila Patrick at yung bata "don't worry makikita natin ang mommy at daddy mo."

"Kanina pa kita hinahanap."

"Wifey, ahhh... nga pala sya si..."

"Dawin Meir po ang name ko." Ang sabi nung batang lalaki.

"Oh, yon pala ang name mo. Wag kang mag alala sasamahan ka namin ng tita Kelly mo sa information para mahanap ka na ng parents mo."

"Girlfriend niyo po ba sya?"

"Sya? Sya ang asawa ko ang ganda niya no?"

"Opo para syang si Mommy."

Kinulbit ni Kelly si Patrick at bumulong "ano ang nangyayari bakit kasama mo ang batang yan?"

"Nawawala kasi siya naiwanan ata sya ng mga magulang niya."

"Ano? Ano ang gagawin natin diyan?"

"Sasamahan natin sya sa information gaya ng sabi ko sa kaniya para mainform ang mga magulang niya."

"Haysss... kahit kailan talaga lapitin ka ng kung anu-ano."

"Hayaan mo na cute naman yung bata eh ang lusog-lusog parang si Jacob."

"Bahala ka na nga."

Masayang masaya si Patrick na nakikipag usap dun sa bata habang nag lalakad sila at hawak pa nito ang kamay nito at papunta na sila ng information samantala nasunod lang naman sakanila si Kelly na pinagmamasdan sila "tignan mo ang lukong ito ako yung asawa niya pero parang kinalimutan niya na ko dahil sa batang yon. Ganun nalang ba ang pagka humaling nya sa mga bata?"

"Wifey! Ayos ka lang?"

"O— Oo, sige mauna na kayo nakasunod lang ako sa inyo."

"Okay, bilisan mo ha?"

"Um."

Binuhat ni Patrick si Dawin at kitang kita sa mukha niya ang saya habang kausap niya yung bata "minsan talaga isip bata sya. Nakakatuwa silang tignan kapag kaya nagkaroon kami ng anak ganyan sya?"

Sinampal sampal ni Kelly ang sarili niya "ano ang sinasabi ko? Hindi pa kami ready mag ka anak at natatakot ako sa kahihinatnan namin ni Patrick oras na maging buong pamilya na kami. Parehas pa kaming ineenjoy ang aming 20's baka hindi namin magampanan ang pagiging magulang kapag nagkataon."

Ngunit lingid sa kaalaman ni Kelly may na buo na sa kaniyang sinapupunan nung isang gabing may nangyari sa kanila ni Patrick. Ano kaya ang gagawin ng KelRick oras na malaman nila na magkakaroon na sila ng anak?

Ano sa tingin niyo ang mangyayari kapag nalaman ng KelRick na magkakaroon na sila ng anak? Hmmm...

.

.

.

* Read my new short story “Chasing Her Smile” thankies po in advance. (:

lyniarcreators' thoughts