webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teenager
Zu wenig Bewertungen
463 Chs

Kabanata 248

Sa Kusina ng mga Dela Cruz sa Bagangas,

"Sino yung kausap ni Kellang sa may terrace? Ang ganda niya at mukhang yayamanin." Ang sabi ni Tisoy pinsan nila Kevin na anak ng pinsan ng tatay nila na taga deliver ng mga pagkain ng baboy sa kanilang farm.

"Boss ko yon at kapatid ng kaklase ni Kelly nung college." Ang sagot ni Kevin.

"Ohhh... May asawa na?"

Bineltukan siya ni Vince na bigla sumulpot "Ano Vince masakit yun ha."

"Masyado ka kasing tsismoso kalalaki mong tao nasan na yung mga pakain ng baboy?"

"Nasa farm na kaya nga andito na ako sa kusina para makikain baka naman may pa umagahan kayo diyan gutom na ko eh."

"Sandali lang ipaghahain kita gagawin ko lang muna ng makakain sila Kelly doon."

"Nako, wag na kuya Kevin kaya na niyang kumuha mag isa sila Kelly nalang at ate May."

"Kahit kailan ka talaga Vince parang others eh. Nasan ba yung kaldero ng kanin. Hehe..."

"See isang kupal talaga yan eh."

"Hayaan mo na nga sige kumuha ka na diyan."

"Salamat bro."

"Nga pala kuya nasan si Auntie? Wala naman dun sa terrace."

"Ahhh... nandun sa likod nakikitsismis din kasi sila Auntie Dina eh alam mo naman perks of being Tita's and Tito's andun nga din ang Nanay mo."

"Ano? Si Nanay talaga."

"Anyway, sa tingin mo bakit kaya bigla nalang sumulpot si Ma'am May dito? Ano ang kailangan niya kay Kelly?"

"Hmmm... Sa tingin ko..."

Hindi na natapos ni Vince ang sasabihin nya dahil bigla nalang sumulpot si Tisoy na may dalang pakain at punong puno ang plato niya at habang nagsasalita sya ay nakain "Oo yun talaga sa tingin ko kikidnapin nila si Kellang."

Ang sama ng tingin nung dalawa kay Tisoy sabay pa nilang sinabi "HEH!"

"Bahala kayo alam n'yo namang may manghuhula instinct ako eh."

"Tumigil ka nga! Mayaman na sila alam mo bang sila ang may ari ng SM?" Ang sabi ni Vince na para bang nauuma.

"SM? Yung Santos Mall? Wow... ang yaman nga. May branch din sila dito sa Batangas may bago ngang bukas nung sunday lang."

"See, mayaman sila kaya bakit mo naman masasabing kikidnapin niya si Kelly? Ano namang hihingin nilang ransom pag nagkataon?"

"Hmmm... kalayaan?"

"Kalayaan?" Ang sabay sambit nila Kevin at Vince.

"Yes, alam niyo minsan yung mga bagay na di natin inaakala ay nagiging totoo... Sya sige sa labas nalang ako kakain baka kasi makita ako dine nila tatay kain pa eh nakikain na naman ako. Hahahaha..."

At lumabas na nga si Tisoy at napaisip naman yung dalawa sa mga sinabi nito.

"Ano naman kayang ibigsabin niya sa kalayaan?" Ang sabi ni Kevin.

"Wag niyong pinag papansin yang si Tisoy mema lang talaga memasabi."

"Pero hindi ba sa sampung hula niya pito doon ang tumama."

"Ehhh... minsan nagkataon lang kasi kaya yun nahulaan niya. Pero wag kayo maniwala dun bakit naman kikidnapin ni ate May si Kelly diba?"

"Oo pero paano kung tama si Tisoy yung hindi natin inaakala ay magiging totoo?"

"Hmm... hayaan niyo at babantayan ko sya."

"Salamat, nga pala natanggap kana daw sa trabahong inapplayan mo. Congrats."

"Hehe... Salamat kuya si Kelly sabi tatawagan naman din daw sya eh kaya sure ako tatawagan na rin sya agad. Mas mataas na posisyon pa nga inapplayan ko sa kaniya eh kaya sure akong tatawagan na sya over qualified pa nga sya eh."

"Teka, nag apply na si Kelly? Saan?"

"Ha? Hindi niyo alam? Pero sabi niya sinabi niya sa inyo..."

"Wala. Wala siyang nababanggit samin kasi sabi nya samin dito daw sa Batangas ang gusto niyang unang maging work san ba sya nag apply?"

"Sandali lang, nung nag apply kasi ako via online sabi niya sakin nakapag pasa na sya at doon yun sa Manila pero bakit sabi niya sa inyo dito niya gusto una magkaroon ng work? Hmmm... Baka di talaga sya nag pasa ng resume."

"Hindi ko lang alam. San ka ba nag apply?"

"Dun din sa pinag ojthan namin ni Kelly sa SM main office kasi may pending invitation na kami dun kaya nag try ako sayang din naman ka ko eh."

"Ohhh... Dun pala sure akong hindi nga nag pasa si Kelly dun ng application niya dahil kay Patrick."

"Sandali lang kuya. May alam kayo sa dalawa?"

"Oo naman bukod sayo ako lang samin ang laging nakakalam ng sikreto ni Kellang kahit si mama hindi kaya wag kang maingay ha? Lalo na kila kuya Kian."

"Anong meron?" Ang bungad ni Kian na kasama rin sila Kim at Keith na may dalang mga pinamingwit na isda.

Nagulat yung dalawa at hindi makapagsalita "Oh? Anyare sa inyo? Para naman kayong nakakita ng multo." Ang sabi ni Keith na dinala yung nga isda sa lababo ganoon din sila Kim at Kian.

"Oo nga kami lang ito para kayong others." Ang sabi rin ni Kim.

"Wa— wala... Ha... Ha...nagulat lang kami sa inyo bigla-bigla ba naman kayo na sulpot dyan. Di ba Vince?" Ang sabi ni Kevin.

"O— Oo nga po mga kuys. Ha... Ha...Ha..."

Napatingin si Kian sa bintana ng kusina at nakita niyang may ibang sasakyan sa labas ng kanilang bahay "Sino ang bisita?" Aniya.

***

Samantala sa may terrace naman...

"I'm looking for new assistant at gusto ko sana ikaw ang kunin."

"Po?

"Magiging IT specialist ka rin naman at the same time pero gusto ko lang na ikaw ang maging new assistant ko habang wala pa akong nakikitang bagong papalit kay Maricar."

"Eh? Anyare po kay Ms. Maricar?"

"I promoted her as my executive assistant."

"Ohhh... ganun po pala ang nice naman po tawagan ko nga po sya mamaya para ma congrats ko."

"Actually, ganun pa rin naman ang work niya as secretary ko pero nagihirapan kasi sya sa load ng work sa ngayon kasi kulang ng tao ang Company lalo na at nag bukas pa kami ng ibang branch kasama na nga ang isa dito sa Batangas."

"Ooohhh... that's why you're here din po pala."

"Yes and I'm sorry kung dahil lang dun kaya kita na dalaw dito."

"Nako, okay lang po understandable naman po ang reason niyo buti po pala alam niyo din ang samin."

"Ah... Oo si Manong Berto kasi ang driver ko eh nakarating na daw sya dito kasi gawa nung last na punta nila ni Patrick dito."

Nalungkot namang bigla ang mukha ni Kelly at iniba ang topic "Ahem... sandali lang po ah titignan ko lang muna kung ayos na yung pagkain niyo." At dali-dali na syang tumayo.

Pinigilan naman sya ni May "Are you mad at him?"

"Hmm?"

"My Brother left without telling you and everyone."

Naupo namang muli si Kelly "No, like what I've said understandable naman po ang reason niyo. Kaya baka ganun din si Patrick tsaka hindi ko na rin po niisip ngayon ang mga taong nasa past I'm looking forward po sa future ko."

"Ohhh... yes that's right and that's good point of view. He.... He..."

Pero iba ang nasa isip ni May "Paano ko na ngayon sasabihin yung ginawa Patrick mukhang galit nga si Kelly."

"Ahm... Ate can I just direct you to the point?"

"Ha?"

"I just want to say na I'm happy that I have ate like you and thankyou for being kind and always there for me. Alam mo po madami na kayong naitulong sakin pero..."

"Pero hindi mo matatanggap ang alok kong trabaho?"

"So— Sorry po."

"I understand and I don't want you to go with me kung hindi ka naman happy sa gagawin mo. Kaya it's okay lang and there's no need to say sorry gusto ko ang tulungan ka kaya di mo kailangang mahiya sa akin."

"Salamat po at sorry sa ngayon po kasi ayoko muna magkaroon ng kung anumang commitment sa mga kakilala ko. Gusto ko po kasi na ang unang magiging trabaho ko ay malayo sa kinagisnan ko. Pero magagamit padin ang napagaralan ko."

"Ohhh... naiintindihan ko pero kung mag bago ang isipan mo hindi ko naman isasara ang pintuan ko kung sakaling magbago ang desisyon mo."

"Maraming salamat po ate May."

"."

Matapos nga makausap ni Kelly si May nag pasya syang sa Batangas na muna manirahan hanggang sa hindi na niya namamalayan na nakaka ilang buwan na sya doon kasama ang lolo at ang lola niya pati narin ang ibang nilang kamaganak.

At dahil hindi pa napunta ng Manila si Kelly napagpasyahan din ng mga kuya niya na mag file ng vacation leave para naman makasama nilang muli ang bunsong kaptid. Naging farm girl si Kelly ang dating ayaw bumangon ng maaga ay nauna pa sa manok kung tumilaok.

Hindi pa nakakahanap ng gusto niyang trabaho si Kelly at hindi pa rin siya nag tatry na mag pasa ng mga resume. Nagaalala na nga ang mga kuya niya pero wala silang magawa kung hindi suportahan ang kapatid na nag enjoy na sa pag pa farming. Kumikita sya sa pag bebenta ng mga baboy at baka na alaga niya na ibinigay sa kaniya ng lolo at lola nila. Yun ang ginagamit niya pang gastos sa pang araw-araw niyang buhay kahit na binibigyan parin siya ng pera ng mga kuya niya monthly.

Bumalik muli ang Nanay nila sa Canada nangako itong last na yun at pag uwi niya ay mananatili na siya sa Pinas. Pinayagan pa rin siya ng magkakapatid na sila Kelly dahil alam nilang masaya ang Nanay nila sa Canada ayaw naman nilang hadlangan ang kasiyahan ng kanilang pinakamamahal na ina.

Lumipas ang mga buwan hindi na rin namalayan ni Kelly na nakaipon na sya ng pera na sasapat para sa isang maliit na business na gusto niya ang milk tea shop. Noon pa man gusto na talaga ni Kelly na magkaroon ng business dahil gusto niyang sya ang boss yun kasi ang pananaw niya sa buhay hindi sya magsisilbi sa iba kung hindi naman ito ang Nanay o ang mga kuya niya o ang lolo at lola niya.

Bata palang si Kelly na gustuhin niya ang ganoong pangarap sa buhay. Hindi niya malaan kung bakit ganun nalang ang pag pupursige niya na maging boss kahit na hindi sya nag tatrabaho sa isang kumpanya. Hindi madali ang gusto niyang mangyari kaya mas pinili niya nalang ang farming para maging stepping stone niya sa buhay.

Pero isang araw nabago ang ganito niyang pananaw ng magkaroon ng pandemiya. Hindi niya inaasahang mapapatagal pa lalo ang hindi nila pagkikita ng mga kuya niya na nag babalak na mag vacation leave para sa kaniya. Pati ang Nanay nila ay hindi na rin muna makapag babakasyon ang farming na naging stepping stone niya ay nabago dahil naging mahirap ang buhay. Mahirap gumalaw sa panahon ng pandemiya lalo na at may kasama siyang matatanda sa bahay. Kaya ang dating Kelly na sumasama sa pag deliver ng mga baboy, baka ay naging novelist nalang pansamantala.