webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Teenager
Zu wenig Bewertungen
463 Chs

Kabanata 181

Miyerkules ng Umaga,

Tamad na tamad maglakad si Kelly na para bang lutang pa ang kaniyang isipan "Kelly!!!" Ang sabi ni Kevin.

"Kelly!!!"

"Kuya?"

"Sabi ko dito na ako mag aral kang mabuti wag mo ng isipin yung isusuot mo mamaya."

"Ha?"

"Sigh...tsk...lumakad ka na sa classroom mo tignan mo yung nilalakaran mo baka madapa ka."

"Um...bye."

"Sige..."

Naghiwalay na sila ng daan at pinagmasdan naman ni Kevin ang kapatid na naglalakad papalayo sa kanya "Sigh...pag ayaw niya talaga ng isang bagay pati ang ibang bagay nadadamay na."

"Huy!" ang pag sulpot na sambit ni Mina mula sa likod ni Kevin.

"Oh...kala ko mamaya ka pa sabi mo."

"Ayaw mo bang andito na ang baby mo?"

"Syempre gusto ko."

"May problema ka bakit ganyan ang itsura mo?"

"Wala naman pero si Kelly meron."

"Ha? Bakit naman may nangayare ba?"

"Si kuya Kian kasi pinipilit na sumama si Kelly sa birthday party mamaya eh ayaw kasi ni Kelly sa mga ganung madaming tao tapos yung kasuotan pa kakaiba mag ga-gown kasi sya eh."

"Wow...pero bakit ba kasi kailangan pang sumama ni Kelly hindi ba hindi niyo naman siya pinipilit na sumama sa inyo sa mga ganyang gatherings kasi nga may phobia si Kelly sa madaming tao."

"Oo pero kasi may point naman si kuya Kian kailangan ng harapin ni Kelly ang realidad ng buhay pag naka pagtapos na sya ng kolehiyo kaya ayun sabi ni kuya simulan na daw namin ang pag te-train sa kanya na makihalubilo sa mga tao."

"Hmmm...pero paano si Kelly? Sinanay nyo kasi sya na hindi niyo naman siya sinasama sa mga gatherings na pinupuntahan niyo tapos ngayon bonggang event pa pala ang dadaluhan niyo eh alam niyo namang firstime yan ni Kelly kaya wag na kayong magtaka kung wala sa mood ang bata."

"Yun na nga ang inaalala ko malaan mamaya 7pm raw ang start nung party nangako naman kami kay Kelly na uuwi kami agad may pasok rin kasi kaming lahat bukas."

"Gang 4pm lang sila Kelly ngayon."

"Oo nga raw sana lang maging maayos ang lahat."

"Baka naman maging maayos yan para rin naman kay Kelly yun pero sino ba ang may kaarawan?"

"Di ko kilala eh pero alam mo ba yung Tuazon Aviation?"

"Aba! Oo naman sikat yun eh mga sikat na engineer ang pamilyang yon...teka, parang may Tuazon na napasok dito sa DLRU."

"Oh? Meron? Hindi ko ata alam yon."

"Sa pagkakaalala ko meron eh parang yung name Honey..."

"Honeygrace?"

"Oo yun nga! Kilala mo?"

"Hindi, naalala ko lang yung name na sinabi ni kuya Kian na may birthday so dito pala napasok yun? Bakit dito eh ang yaman nila eh."

"Ewan ko rin baka low profile parang si Patrick Santos hindi ba anak pala siya nung may ari ng SM grabe may dalawa palang taga pagmana na nag aaral dito what a coincidence."

"Hmmm...Coincidence nga lang kaya?"

***

Papasok naman na si Kelly ng kanilang classroom "Mornin' Master."

"Morning." Ang tugon ni Kelly na para bang tamad na tamad at naupo na sa tabi ni Vince.

"Ayos ka lang ba?"

"Yeah..."

"Eh bakit ka ganyan? Parang tamad na tamad ka'y may longtest tayo."

"Yeah..."

"May problema ka Master?"

"Yeah..."

Sumingit naman si Harvey at sinabing "Bakit naman puro ka "yeah" tamad na tamad ang lintek."

"Yeah..."

"Teka, bakit pala wala pa si Patrick? Late na si Kelly mas late pa sya?"

"Ahh...hindi siya papasok."

Nanlaki naman bigla ang mata ni Kelly sa gulat pero hindi naman niya pinahalata "Ahhh...sabi kasi niya may kailangan silang puntahan ng pamilya niya ewan ko lang kung ano hindi rin kasi niya alam."

"Ohhh..."

"Pis!!"

"Hmmm?"

"Gang 4pm lang tayo eh tara mag pares namimiss ko ng kumain nun eh."

"Ako parang ayoko munang kumain sa labas ngayon nakakadala eh buti nalang dumating ang mga yayamaning kaibigan ni Dave."

"Syempre always to the rescue mga yun eh crush ka nga daw ni Gia eh."

"Talaga? Oo pre gusto mo lakad kita? Pffft..."

"Kala ko bf niya yung kasama niya sino nga yun? Ryan ba?"

"Oo kilala mo pala sya master?"

"Ahhh...gawa ni Snow mahabang istorya."

"Buti nalang master hindi ka na galit samin pero bakit ikaw lang yung bumalik sa resto hindi mo kasama si dude."

"Ahhh...ayokong pag usapan kung ayaw niyong magalit ako sa inyo wag niyo ng itanong!"

"O—okay."

"Pero ano tara kain ng pares at shawarma nag kegrave ako eh."

"Pass ako pre may meeting din kaming SC mamaya may gagawin kasi kami."

"Ohhh...ikaw Dave?"

"Ayos lang G ako ikaw master?"

"Hindi ako pwede."

"Ha? Bakit?"

"Yun nga yung iniisip ko kaya ako eh walang ganang pumasok ngayon sila kuya kasi pinipilit akong sumama sa isang birthday party tapos bongga pa mayaman daw yung may birthday."

"Oh? Bakit naman ayaw mo nun makakahalubilo ka ng mga nakaka LL master."

"Nakaka LL?"

"Nakakaluwag luwag sa buhay ang ibigsabihin nun bayan bakit di niyo alam?"

"Tsss...tinatamad ka lang."

"Pero ayoko kasi sa mga ganung gathering nakakainis nga sanay naman na sila kuya na hindi ako nasama sa gayan eh kahit nga sa kapitbahay namin hindi ako nadalo tapos yun pa? Alam mo yan pis."

"Oo tamad ka kasi."

"Tsss...naiinis talaga ako tapos kailangan pa naka gown buraot."

"WOW..." ang reakyson ng tatlo.

"At ayoko ng ganon buset."

"Hahahaha...Pis sama ako sainyo gusto kitang makitang naka gown."

"Tae mo! Ibubully mo lang ako buset ka."

"Alam niyo ba ang last na naka gown yan nung nag 5years old siya at ang cute nya."

"HEH!"

"Wow...mag picture ka master ha?"

"Tumigil kayo kung ayaw niyong masapak."

"Ayiieee...."

"HEH!!!

Kahapon,

"Ahem...excuse me kung mag lalandian kayo dun kayo sa bahay niyo wag sa kalsada." Ang sabi nung isang babae na nakasalamin na para bang matandang dalaga ang peg.

Pandalas naman na nag hiwalay si Patrick at Kelly "So---sorry po."

"Mga kabataan talaga ngayon napaka pupusok." At tumawid na yung babae ng kalsada samantalang naupo muna sa may upuan ng waiting shed yung dalawa na animo'y nagkakahiyaan.

"Ah---ahm...so—sorry..." Ang sabay nilang sambit.

"Sige ikaw muna." Ang sabay ulit nilang sambit "Sige ako muna, una hindi ko alam na na offend ka sa sinabi ko about sa resto pangalawa, hindi ko yun sinasadya di ko naman alam na ayaw mo ng ganun. Pangatlo, gusto ko lang naman na ipakita kung gaano kita..." hindi niya na ituloy ni Patrck ang sinabi because Kelly interrupts him.

"Bakit mo ba ako gusto?"

"Ha? What do you mean?"

"Alam kong kaya mo lang naman ako gusto kasi na cha-challenge ka."

"Ano?"

"Oo nung una tayong nag interact hindi na tayo in good terms tapos marami na tayong pinag awayan kaya sa tingin ko na cha-challenge ka lang sakin kaya hindi mo naman talaga ko gusto kung ano ako."

"Huh! Na cha-challenge ako? Kanino? Sayo?"

"Aba'y kanino pa? Dun sa babaeng nakatayo?"

Napatingin naman si Patrick sa babae na nag aantay ng go signal sa stoplight. "Sigh...napaka mo talaga."

"Ano? Galit ka na? Kaya wag mo na akong gustuhin dahil hindi mo ko deserve."

"Bakit ba parang tinataboy mo ako?"

"Hindi kita tinataboy ang akin lang binibigyan kita ng choice pang pumili maraming babae diyan yung hindi ko katulad na boyish at isip bata."

"Alam mo hindi na kita maintindihan misan okay tayo tapos ano na naman itong sinasabi mo?"

"Habang nakatitig ako sayo kanina napaisip ako na hindi tayo bagay sa isa't isa mayaman ka normal na mamamayan lang ako ng mapanghusgang lipunang ito kaya wag mo na akong hintayin dahil deserve mo ang babaeng kayang ibalik ang pagmamahal mo at hindi ako yun."

"Alam mo pagod na ko, walang patutunguhan ang usapang ito."

"Okay...sige mauna na ko. Bye." Then she left Patrick all alone.

Nakatulala lang noon si Patrick at pinagmamasadang papalayo sa kanya si Kelly hindi niya na ito sinundan dahil hindi niya na rin alam kung ano ba ang gagawin niya. Habang papalayo naman si Kelly unti-unting pumapatak ang luha niya habang kinakausap ang sarili "Kelly!!! Iba yung iniisip mo kanina bakit ganun ang mga sinabi mo sa kaniya? Bakit???? Bakit hindi mo aminin sa sarili mo na mahal mo na sya?!!! Bakit mo sya tinataboy papalayo sayo? Tapos ngayon iiyak ka? Wala kang karapatang umiyak dahil naka sakit ka ng damdamin ng taong ang gusto lang ay mahalin mo rin."

.

.

☆Masakit masaktan pero mas masakit kung ikaw pa mismo ang makakapanakit.☆

• Aray!!! Damang dama niyo ba yung linya ng last sentence? Ako mismo ang nag isip nun hinukay ko pa sa kaloob-looban ng utak ko. Mehehehe...

▪︎Bakit nga kaya bigla nalang nag bago ang isip ni Kelly?

▪︎Abangan! Sa susunod na kabanata click niyo agad 2updates ako’y bilang pasasalamat po sa laging pagbigay ng votes para kay “Ms. Hoodie” vote pa more and more chapters will do. Mehehehe....xD

▪︎Shout out po kay Ms. Delpi na nag request ayan na po 2chaps lang. sarehhh...XD

lyniarcreators' thoughts