webnovel

MR. X

May binawian na naman ng buhay.

Tangi kong nabanggit sa sarili ko habang nakaupo sa paanan ng kama ng mama ko at sandaling tiningnan ang isang lalaki na may tulak tulak na stretcher at may nakahiga na nababalot ng puting kumot.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at tiningnan

ang oras.

Alas-tres na ng madaling araw.

Hindi pa din ako makatulog. Psh. Tiningnan ko ang mga kasama ko sa aming silid at lahat sila ay mahimbing na ang tulog pati ang mama ko.

Bumaba nalang ako ng kama at kinuha mula sa ilalim no'n ang isang plastic na may laman na mga diapers. Diapers ng Mama ko.

Ganitong oras ako nagtatapon ng diapers dahil wala nang mga Janitors na umaaligid. Bawal kasi magtapon ng madaming diapers dito pero no choice ako dahil hindi ko din naman kayang buhatin ang Mama ko papunta sa CR para makapagbawas.

Disabled na ang Mama ko kaya hindi na n'ya kaya makapaglakad.

Habang papunta sa basurahan ay nadaanan ko ang isang stretcher na nakatigil sa tapat ng Nurse Station. Nakahiga do'n ang isang lalaki na walang malay. Base sa itsura n'ya, mukha s'yang nabugbug or naaksidente. Halos hindi na makilala ang mukha n'ya.

Immune na ako sa mga ganitong eksena. Sanay na akong may makasalubong na nakahiga sa stretcher at wala ng buhay. Sanay na akong makakita ng nirerevive at mawalan mismo ng buhay sa harap ko. Sanay na akong may makita na lumabas sa pintuan na katabi ng aming silid na tulak tulak ng Janitor at wala ng buhay.

Sa Hospital na ako lumaki. Well, not literally. Hindi kasi lilipas ang isang taon na hindi isinusugod sa Hospital ang Mama ko. Since I was seven, ako na ang madalas kasama ng mama ko sa Hospital bilang bantay n'ya dahil minsan, Wala si papa dahil abala s'ya sa aming koprahan.

Sandali kong tinapunan ng tingin ang lalaking nasa stretcher ng pabalik na ako sa aming silid. Tiningnan ko ang loob ng Nurse Station at nakita kong iisa lang ang Nurse na nandoon. Nagra-round siguro ang isa. Dalawa lang kasi ang Nurse on duty dito palagi.

Nasa Surgical Ward kami kaya asahan mo ng nandito ang mga malala ang tama dahil sa aksidente na mga nabalian, etc at mga kelangan Operahan katulad ng Mama ko.

KINAUMAGAHAN

Agad kong napansin ang isang stretcher na nasa tapat ng Nurse Station at isang Nurse na nag-aassist sa pasyente na nakahiga dito. Nakita ko pa kung paano lagyan ng tubo ang pasyente upang padaanan ng oxygen narinig ko pa ang pag ungol nito.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko sa isang lalaki na malapit sa'kin.

"Naaksidente daw sa Motor kaninang madaling araw. Ulo ang napuruhan."

Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon dahil wala na naman ako sa kanyang itatanong.

Tiningnan kong muli ang lalaking pasyente at napansin ko ang bali nitong binti at madaming dugo sa kanyang katawan at may mga tuyo pang dugo sa kanyang ulo. Napansin ko din ang isang lalaking may edad na, na nasa uluhang bahagi ng pasyente at maluha luha na. Anak n'ya siguro ito.

Hindi 'yo'n ang pasyenteng nakita ko kaninang madaling araw. Nasabi ko sa aking sarili.

Habang nasa Wash Area ay inilibot ko ang aking paningin sa mga pasyente na malapit doon ngunit hindi ko mamukhaan sa kanila ang lalaking nakita ko kaninang madaling araw. Pasimple ko din tiningnan ang isang silid sa tabi ng Nurse Station ng pabalik na ako sa aming silid ngunit wala din s'ya doon.

Baka inilipat na sa Naga. Tangi kong nabanggit sa sarili ko.

Kapag kasi hindi na kaya ng mga Doctor ang pasyente sa Hospital na ito ay itinatransfer nila sa Naga dahil mas updated at kumpleto ang equipment doon kesa dito.

Habang masaya kaming nagkukwentohan sa aming silid ay napansin ko ang isang Ambulansya na tumigil sa tapat ng bintana ng aming silid at maya maya pa ay may inilabas na pasyente mula dito sa Ward namin at isinakay sa Ambulansya.

'Yo'ng pasyente na isinugod kaninang madaling araw dahil sa aksidente sa motor.

Sigurado akong dadalhin s'ya sa Naga dahil base sa nakita ko kanina, malala talaga ang lagay n'ya.

Lumipas ang dalawang araw at gano'n pa din ang sitwasyon namin sa Hospital. May lalabas sa pintuan na katabi ng aming silid na Janitor at may tulak na stretcher na may nakahiga na wala ng buhay. Minsan nga binibilang ko pa kung ilan ang nailalabas na wala ng buhay dito at apat ang pinakamadami at sa palagay ko ay hindi lang 'yo'n dahil ang alam ko, may inilalabas pa sila ngunit hindi na dito dinadaan.

"Oh? Mama! Si Kuya Jerick!" Ani ko sa excited na tono at itinuro ang pintuan namin.

Isa s'ya sa mga katropa ko no'ng High School. Malapit din s'ya sa Mama ko dahil ang tinuturing na Nanay ni Kuya Jerick ay malapit din kay Mama.

Pumasok si Kuya Jerick sa aming silid kasunod ang kanyang asawa at nagmano kay Mama.

"Kamusta kana? Ito na ba ang asawa mo?" -Mama.

"Ayos lang po, Nanang. Opo, s'ya na po yan."

"Sinong na-Hospital?" Tanong ko.

"Hinahanap ko 'yo'ng kapatid ko. Dito daw dinala kanina."

"Gano'n ba? Punta kayo sa Nurse Station, tanong mo do'n."

"Sige, Salamat. Alis na kami, Nanang, alis na po kami, pagaling kana po ah? Namamayat na itong bantay mo. Haha." Biro n'ya sa'min ni Mama.

"Sige, Hijo. Salamat, hayaan mo din pumayat yan. Haha." -Mama.

Pinaubos ko lang kay Mama ang lugaw na kinakain n'ya at lumabas na ako sa aming silid upang hugasan ang pinagkainan. Pagdaan ko sa Nurse Station ay nakita ko sa loob sina Kuya Jerick at ang asawa n'ya. Ngumiti s'ya sa'kin at tumango nalang ako bilang tugon.

"Oh? Nasaan daw ang kapatid mo?" Tanong ko no'ng lumabas na sila ng Nurse Station at pabalik na ako sa aming Room.

"Dinala daw kanina sa Naga dahil hindi kaya dito." Sagot n'ya.

Bahagya akong nagulat sa sinabi n'ya. Ibig sabihin, kapatid n'ya pala 'yo'ng pasyente dito kanina na nakita ko. S'ya palang naman kasi ang dinadala sa Naga na nanggaling dito sa Ward namin.

"Aalis na kami, bunso. Maghahanda pa kami papunta sa Naga. Alagaan mong mabuti si Nanang, ah? Ingat kayo." Aniya. Ngumiti nalang ako sa kanya bilang tugon at kumaway. Hindi pa din ako makawala sa bahagya kong pagkagulat. Pinanuod ko lang sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

Saktong kakatapos ko lang bihisan ang Mama ko ng biglang may sumilip sa'ming silid at agad akong napangiti ng makilala ko kung sino iyon.

"Ate Mikay! Mama! Si Ate Mikay, Oh!" Tuwang tuwa kong sambit.

Nanay s'ya ng mga kaibigan ko pero ngayon nalang ulit kami nagkita dahil lumipat na kami ng bahay at hindi na ako nakakadalaw sa kanila.

"Nandito din pala kayo, kelan pa kayo dito?" Tanong n'ya ng makalapit sa'min.

"Dalawang linggo na. Kamusta kana?" Tanong ni Mama.

Sandali pa silang nagkamustahan at saka ako nagsalita.

"Sino pong hinahanap n'yo dito?"

"Si Kuya Ariel mo. May nakapagsabi kasi sa'kin na dito n'ya dinala si Kuya Ariel mo. Naaksidente sa Motor eh."

"Oh? Matagal na po kami dito pero hindi ko po dito nakikita si Kuya Ariel. Punta po kayo sa Nurse Station. Itanong mo po do'n dahil nandoon ang mga records ng mga naaadmit sa Ward na ito." Ani ko.

"Sige, Sige, Mahang. Salamat. Ako ay pupunta na."

Matapos makapagpaalam ay inayos ko muna ang higaan ni Mama at ang mga basura upang itapon.

Nang madaanan ko ang Nurse Station ay nasa loob si Ate Mikay kausap ang isang Nurse. Namumutla ito at may namumuo ng luha sa kanyang mga mata. Minadali kong itapon ang mga basura at agad bumalik sa Nurse Station.

"Ma'am! Ano po bang nangyayari!? Nasaan ang anak ko!?"

"Nay, meron kasi dinala dito, dalawang araw na ang nakalilipas ngunit patay na po s'ya. Hindi kami sigurado kong iyon nga ang anak ninyo dahil walang pagkakakilanlan ang biktima. MR. X nalang po ang nilagay namin sa record n'ya dahil kahit I.D ay wala s'ya. Kung gusto po ninyo, puntahan n'yo sya sa Morgue para makasiguro." Pakinig kong sabi ng Nurse. Hindi na maawat si Ate Mikay sa pag-iyak.

"Ate Mikay, ano pong nangyayari?" Tanong ko at pumasok na din sa Nurse Station.

"Magkakilala kayo?" Tanong ng Nurse sa akin.

"Opo.

"Ayan, Nay. Magpasama ka po sa kanya sa Morgue." Ani ng Nurse.

"Aila, Mahang.. samahan mo ako sa Morgue. Gusto kong makasiguro na hindi si Kuya Ariel mo 'yo'n!" Ani Ate Mikay na patuloy pa din sa pag-iyak at hinawakan ang aking braso.

"Opo, Opo, sasamahan ko po kayo. Kumalma ka po, baka hindi naman si Kuya Ariel 'yo'n." Ani ko habang hinahaplos ang likod n'ya. "Nasaan po ang Morgue?" Tanong ko sa Nurse.

"Sumunod po kayo sa'kin."

Nauna ng maglakad si Ate Mikay at nasa likuran lang nila ako pero kahit gano'n, dinig na dinig ko pa din ang hikbi n'ya. Hindi ko s'ya masisisi. Kahit naman siguro ako, kapag nangyari ang ganitong bagay ay magiging ganito din ako katulad ni Ate Mikay.

Sana hindi si Kuya Ariel ang tinutukoy na MR. X ng Nurse. Sana dinala lang sa ibang Hospital si Kuya Ariel. Sana. Sana. Sana.

Habang naglalakad ay paulit ulit lang ang mga salitang 'yan sa isip ko. Nanlalamig din ang mga kamay ko. Kinakabahan sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Maya maya pa ay biglang tumigil ang Nurse sa labas ng Main Entrance ng Hospital.

"Doon po ang Morgue, may Guard po na nakaduty d'yan at maaari kayong magpasama sa kanya." Ani ng Nurse habang nakaturo sa kanang parte ng Hospital.

"Sige po, Ma'am. Salamat po." -Ate Mikay.

Nagpasalamat din ako sa Nurse at bahagyang tumango.

"Halika na, Aila." Ani Ate Mikay at nauna nang maglakad. Nakasunod lang ako sa kanya at maya maya pa ay nakita na namin ang isang Guard na sinasabi ng Nurse.

"Magandang tanghali po. Ano po'ng maipaglilingkod ko sa kanila?" Tanong ng Guard sa'min.

"Noy, saan dito ang Morgue? Magpapasama sana kami." Tanong ni Ate Mikay.

"May titingnan lang po sana kami. Hinahanap po kasi namin ang anak n'ya pero wala s'ya sa loob pero dito daw inadmit kaya sabi ng Nurse, magpasama kami sa inyo sa Morgue para icheck ang mga bangkay na nandoon." Ani ko.

"Sumunod po kayo sa'kin." Ani ng Guard at nagsimula ng maglakad. Sumunod sa kanya si Ate Mikay samantalang nanatili muna ako do'n nakatayo at inilibot ang aking paningin. Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang parte kong nasaan ang aming silid.

Kaya pala doon dinadaan ang mga binawian ng buhay dahil malapit pala 'yo'n kung saan located ang Morgue.

Nagsimula na akong maglakad at sumunod sa kanila. Tanghaling tapat ngunit hindi mo ramdam dito ahil madaming puno. Malilom. Dinig na dinig ko ang mga huni ng ibon.

"Iisa nalang ang bangkay na nandito. Wala pang kumukuha. Wala din naghahanap. Kayo palang." Ani ng Guard.

Maya maya pa ay may natanaw na akong parang bahay. Ito na siguro ang Morgue.

First time kong makakapasok ng Morgue.

"Magtakip po kayo ng ilong n'yo. May amoy na ito dahil matagal na ito dito." -Guard.

Sinunud ko ang sinabi ng Guard ngunit 'di nagtagal ay inalis ko din. Wala naman akong naaamoy.

"Pumasok na po kayo." Ani ng Guard nang nasa tapat na kami ng pintuan ng Morgue.

"Kuya, samahan mo kami." -Ate Mikay.

"Pumasok na po kayo, dito lang po ako sa may pintuan." -Guard.

Sinunud namin ang sinabi ng Guard. Pumasok na kami sa loob at pagkatapak na pagkatapak palang ng aming mga paa sa loob ay nakita ko nalang si Ate Mikay sa sahig at nagsisisipa sa hangin.

"ARIEEEEL! ANAK KOOOOOO!"

Napatingin ako sa lalaking nasa loob ng Morgue. Nakahiga at nakabaling ang mukha sa'min. Tinitigan ko ng ilang sigundo ang bangkay na nasa harap namin at nanlaki ang mata ko ng makilala s'ya.

S'ya 'yo'ng lalaking nadaanan ko sa tapat ng Nurse Station ng madaling araw!

Kuya Ariel..

"ANAK KOOOOOO! BAKIT MO AKO INIWAN!" Napuno ng hagulhul at sigaw ni Ate Mikay ang buong Morgue. Umupo ako sa tabi n'ya at sinubukan s'yang pakalmahin sa pamamagitan ng yakap ko.

Ramdam ko ang sakit na pinagdadaanan n'ya ngayon dahil kahit hindi kami gano'n kalapit ni Kuya Ariel, kapatid pa din s'ya ng mga kaibigan ko.

"Tatawagan na po ba natin ang *totooth*  funeral?" Tanong ng Guard sa'min na hindi ko namalayan na nakapasok na pala sa loob.

Tanging tango nalang ang naisagot ni Ate Mikay. "Tara na po. Dadating na po maya-maya ang kukuha sa bangkay ng anak mo. Kelangan n'yo pong bumalik sa loob ng Hospital dahil may mga kelangan po kayong fill-upan." -Guard.

Nandito kami ngayon sa labas ng Hospital kasama ang Guard at hinihintay bumalik ang Van na kumuha sa bangkay ni Kuya Ariel.

"Sasabay na ako dito." Ani Ate Mikay at akmang papasok na sa Van na pinaglalagyan ng anak n'ya ngunit pinigilan s'ya ng Guard at dalawang lalaki na kumuha sa bangkay.

"Mag tricycle nalang po kayo Nanay. May amoy na po ang bangkay, baka hindi n'yo kayanin kung sasabay kayo." Ani ng isang lalaki.

Binigay nalang namin sa kanila ang papel na finill-upan namin kanina at saka sila umalis. Nag abang naman ako ng tricycle na pagsasakyan ni Ate Mikay.

"Kuya, sa *totooth* FUNERAL po." Ani ko ng makakita ng tricycle. "Ate Mikay, sumakay na po kayo dito." Tawag ko sa kanya. Inabot ko na din ang bayad sa tricycle driver.

"Salamat Mahang, ah? Hindi ko alam kong anong gagawin ko kung wala ka dito." Aniya habang umiiyak.

"Wala po 'yo'n. Wag na po kayong magbayad. Binayaran ko na si Kuya. Pakatatag ka po." Ani ko at ngumiti sa kanya at winagayway ang kamay ko.

Tuliro ako habang naglalakad pabalik sa aming silid.

Bakit kelangan mangyari ang ganitong bagay sa kanila?

Bakit si Kuya Ariel pa na napakabuting anak at Kuya?

At bakit hindi ko agad nakilala ang lalaking nakita ko ng madaling araw na 'yo'n gayong panganay na kapatid s'ya ng mga kaibigan ko?

Maaaring no'ng nadaanan ko s'ya sa tapat ng Nurse Station no'n ay wala na s'yang buhay..

I'm so stupid for not noticing it! So stupid!

I'm sorry. I didn't it was him.

END