webnovel

PAGHAMAK KAY XIA XINGHE

Redakteur: LiberReverieGroup

Mataas pa din ang pride ng babaeng ito tulad ng pagkakaalala niya; hindi pa din marunong magpakumbaba.

Wala na siyang nakilalang mapagmataas na babae sa buhay niya maliban dito.

Kahit na anong kamalian ang gawin niya, hindi siya humihingi ng paumanhin o nagpapakita ng pagsisisi.

Kahit na sa kalagayan niya ngayon, mas pinili pa din nito na itaas ang kanyang pride.

Hindi maiwasan ni Mubai na mag-isip: magbabago pa ba siya?

Habang nagmumuni-muni si Mubai, mayroong kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.

Napatigil siya sa pag-iisip at nagsabi, "Come in…"

Binuksan ni Chang An ang pintuan at pumasok. Pagkakita sa kanya ni Mubai, agad siyang tinanong, "Bakit ang bilis mo bumalik dito?"

Hindi maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha ni Chang An, "Tumawag ng taxi si Ms. Chu at umalis. Paumanhin po, CEO Xi, at hindi ko naihatid pauwi si Ms. Chu."

"Ano ang nangyari, bakit siya naiinis?" tanong ni Mubai makalipas ang ilang sandali.

Umiling si Chang An at sumagot, "Wala ho akong ideya pero base sa sinabi ni Ms. Chu sa akin, mukhang napagtulungan ho siya ng pamilya ni Ms. Xia…"

Hindi na nagtanong pa si Mubai, at sinabi lamang nito na, "Okay, salamat."

"Aalis na ho ako , CEO Xi," sabi ni Chang An. Hindi na nagpakita pa ng interes si Mubai sa kung ano ang nangyari sa kanyang fiancé.

Nahulaan na ni Mubai ang gagawin ni Tianxin noong sinabi nitong babalikan nito si Xinghe para tulungan. Malinaw na sinabi ni Xinghe na hindi niya kailangan ang tulong nila.

Akala ni Tianxin na magiging mabait ang tingin sa kanya ni Mubai pero ang tanging inisip ni Mubai ay kung paano pinairal nito ang kabobohan.

Bumalik si Tianxin, alam na alam din nito na hindi tatanggapin ni Xinghe ang kabutihang-loob niya. Sa tingin ni Mubai, tama lang na dinanas niya ang ginawa sa kanya nila Xinghe.

Kaya hindi siya naaawa kay Tianxin at wala siyang intensiyon na amuin ito.

Pagdating ni Tianxin sa kanilang bahay, matiyaga siyang naghintay sa tawag ni Mubai pero walang tawag na dumating.

Mas lalo siyang nairita kaya nag-online siya para magsumbong sa mga kaibigan niyang babae.

Ang buwisit na babaeng iyon, binigyan ko siya ng pera dahil siya ang nanay ni Xi Lin! Sino ba siya para insultuhin ako sa harap ng mga hospital staff? Isa lamang siyang mababang uri ng babae sa paningin ko!

Tianxin, buwisit ngang talaga ang babae na iyon, kaya huwag mo nang intindihin iyon. Wala man lang sa kalingkingan mo nga 'yon eh.

Ngumisi si Tianxin. Kailangan mo pa bang sabihin iyan? Oo nga pala, saying at wala ka doon para makita ang nakakaawa niyang hitsura. Kulubot na siya na parang mummy at nakatira siya sa pusali. Tapos na ang maliligayang araw niya. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya nung nakita ko ang kalagayan niya. Halos lumipad nga ako sa sobrang saya.

Ito ang tinatawag nating karma. Parurusahan talaga ng Diyos ang mga tulad niya. Tianxin, maghintay ka at makikita mo na mas hihigit pa ang agwat ninyong dalawa. Pagkatapos ng ilang taon, ibebenta na lamang niya ang katawan niya sa isang pangit at matabang lalaki para mabuhay. Doon niya pagsisisihan kung bakit hindi niya tinanggap ang pera na inialok mo sa kanya ngayon.

Gumanda ang mood ni Tianxin.

Ngumisi pa siya habang sumasagot. Please, ang agwat naming sa buhay ay masyado ng malaki, okay? Nakita mo sana ang basahang suot niya, ni hindi ko nga gagamitin iyon kahit pamunasan ng paa. Mas matanda pa siyang tingnan sa nanay ko, alam mo ba kung gaanong pagpipigil ang ginawa ko huwag ko lang matawag siyang auntie?

Nagtuluy-tuloy ang panlilibak nila.

Sa grupo ng mga kaibigan ni Tianxin, masyado nilang minamaliit si Xinghe hanggang sa dumating ang punto na mas masahol pa siya sa tae.